KABANTA 1
XANDER POV.
"Habulin n'yo ang babaeng iyan!" malakas na sigaw ng lalaki kasama ang napakaraming tao. Napatingin ako sa gawi na mga ito habang bumibili ng sigarilyo.
"Isang kaha nga," kunot noo na wika ko sa tindera. Humithit ng sigarilyo at binalingan ang mga taong nagtatakbuhan.
"Itong mga damuhol na ito ang iingay, sino ba hinahabol ng mga iyan?!" salubong ang kilay na tanong ko sa tindera.
"Aba'y sino pa ba?! Kundi si Devora na naman. E' ikaw mukhang bago ka pa lang rito sa probinsya namin," sambit ng tindera.
"Oo, bago lang ako rito," tipid na turan habang nasa bibig lamang ang sigarilyo.
"Saan ka gawi nakatira?" tanong ng tindera.
"Doon pa ako sa dulo, katabi ng malaking lumang bahay na iyon." turo ko sa lumang puting bahay.
"Jusko! Kapit bahay mo si Devora," gulat na saad ng tindera.
"Sinong Devora, hindi ko kilala iyon," saad ko.
"Iyang malaking puting bahay, Iho. Bahay iyan ni Devora," saad ng tindera.
"May nakatira pala roon, akala ko 'wala," saad ko.
"Si Devora ang nakatira roon," malakas na saad ng tindera.
"Sinong Devora, dalaga pa ba 'yan o baka matandang dalaga," natatawang saad ko at humithit ng sigarilyo.
"Iyong babaeng hinahabol ng maraming tao. Iyon si Devora," wika ng tindera at nasamid ako.
"Ah, ganoon po ba," tipid na saad at agad rin umalis sa harap ng tindera.
Dahan-dahan ko tinunton ang sasakyan ko. Minaneho iyon hanggang sa makarating sa pinagagawa kong bahay.
"Rolly, patigilin mo muna ang mang gagawa. Ibili mo ng makakain," saad ko at dumukot ng pera sa itim na wallet.
"Boss, Xander. Malapit na matapos ang bahay ninyo," natutuwang baling ni Rolly.
"Oo, nga makakatulog na rin ako ng maayos," saad ko hanggang sa umalis na sa harap ko si Rolly.
Maya-maya ay napalingon ako sa naglalakihan na talahiban, nakita ko ang babaeng nakatalukbong ng itim na balabal. Mahaba at kulot ang buhok nito. Napangisi ako nang makita itong tumatakbo, pinagmasdan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Humithit ng sigarilyo at tinapon sa hindi kalayuan.
Mukhang dito ako makakapag asawa, ah. Sambit ko sa sarili at naglakad palapit sa babaeng tumatakbo.
Nabangga ito sa dibdib ko at nagkatitigan kami, maganda ito pati na ang bilugan na mga mata nito. Doon napangiti ako at nagsalita.
"Bakit ka tumatakbo?" nakangising saad ko rito. Napatingin ako nang hinahingin ang itim na balabal nito, doon nawala ang ngiti ko nang mapansin ang kabilang bahagi ng mukha nito. Maitim at hindi kanais-nais pagmasdan. Napakunot ang noo ko habang nakatitig rito. Mabilis dinampot ang itim na balabal nito at patakbo umalis sa harap ko.
"Hoy, Devora! Empakta! Maligno!" sigaw ng mga taong humahabol rito.
"Empakta na maligno pa, aba'y hanep ang mga tao rito ah," saad ko sa sarili ko.
"Bossing!" tawag sa likuran ko.
"Heto na ang sukli ninyo," wika ni Rolly.
"Keep the change," saad ko at pumasok sa pinagagawa kong bahay.
Nakapameywang akong nakatayo habang iniikot ang tingin sa kabuan ng loob ng pinagagawa kong bahay.
"Ano? Boss. Ayos ba," baling ng mangagawa.
"Ayos," saad ko.
Lumipas pa ang ilang gabi na sa labas at duyan na nakakabit sa puno lamang ako natutulog, hindi pa rin tapos ang bahay na pinagagawa ko. Tulala akong nakahiga tanaw ang langit, mas gusto ko talaga matulog rito kumpara sa loob, masakit sa ilong ang pintura sa loob kaya't nanatili ako rito sa duyan sa tapat ng bahay ko. Napatingin ako sa talahiban nang makarinig ng kaluskos. Mabilis ko dinukot sa likuran ko ang bakal na baril.
"Ponyeta! Sino 'yan!" galit na sigaw ko.
Nang muli ako makarinig ng kaluskos sa talahiban agad ako sumulong roon. Hawak ang baril hinahanap ko ano at tao ba ang nag-iingay sa talahiban.
Kapag nakita kita butas 'yang noo mo. Mariin kong sambit ngunit ilang oras pa nag ikot sa talahiban ngunit 'wala akong tao na nakita.
Maya-maya ay binaba ko na ang baril nang biglang mayroong kumaripas ng mabilis na takbo mula sa likuran ko. Agad ko hinuli ito at mula sa likuran nito ay sinakal ko ang leeg gamit ang bisig ko.
"Sino kang damuhol ka!" galit na turan ko habang nasa leeg ni ang bisig ko at ang kabilang kamay nito ay nasa gitna ng tiyan nito. Doon natigilan ako nang makapa ang malambot at malusog sa gitna ng katawan nito. Kinapa ko pa ng husto at napagtanto kong isang malusog na dibdib iyon ng babae. Babae?! Saad ko sa isipan hanggang sa kumawala ito mabilis tumakbo palayo. Mabilis ko pa hinabol ito at nakita ko sa hindi kalayuan tumatakbo ito. Mahaba at kulot ang buhok, maputing babae rin ito habang punit ang maikling bistida na suot nito. Kunot noo ako nakatitig habang tumatakbo palayo ito. Napalingon naman ako sa tatlong lalaking tumatakbo bitbit ang nag-aapoy na kahoy.
"Hoy! Hoy! Sino hinahabol ninyo?!" tanong ko.
"Ang babaeng si Devora, iyong halimaw rito sa barrio," saad ng lalaki.
"Ano?! Halimaw?" natatawang saad ko.
"Sige na maiwan ko na kayo?! Mga praning," saad ko habang bakas ang pag tawa.
Nang makabalik sa duyan at naupo, narinig ko ang malakas na sigaw ng babae sa talahiban. Napatayo ako at nilingon ang pinang galingan ng boses, napatakbo ako sa talahiban at natunton ang kaninang tatlong lalaki. Nakita kong sinasabuyan nila ito ng isang tubig kasabay ng pag sigaw ng babae.
"Oy! Oy! Anong ginagawa ninyo sa babae?!" agad na tanong ko.
"Huwag ka makialam rito! Halimaw ang babaeng iyan, nakita ng dalawang mata ko kung paano niya kinain ang alaga kong manok!" singhal ng babae at napatitig ako sa babaeng nakaupo sa damuhan. Nanginginig ito sa takot habang magulo ang mga buhok.
"Hoy! Miss, ayos ka lang ba?" baling ko sa babae at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin. Mabilis itong tumayo at akmang tatakbo ngunit hinuli ng braso ko ang bewang nito.
"Hoy, saan ka pupunta kinakausap pa kita! Bakit kinain mo 'yung manok nito," sambit ko rito at nagsalubong ang tingin namin nito. Doon napansin ko ang namumuong luha sa mga mata nito hanggang sa nabitawan ko ang bewang nito at mabilis na tumakbo. Hinabol naman ito ng tatlong lalaki at naiwan akong nag-iisa sa gitna ng damuhan at tanging buwan ang nagsisilbing liwanag. Hindi ako maaring magkamali, may luha sa magandang mga mata ng babae
Simula nang gabi na iyon hindi ko na nakalimutan pa ang magandang mukha ng babae, bawat gabi ay pumapasok ito sa panaginip ko at ginugulo ako. Natapos na rin ang bahay ko, tatlong palapag ito ngunit sa unang palapag ako nagpagawa ng kuwarto ko. Mayroong malaking bintana roon na madalas ko tambayan. Tanaw nito ang buong talahiban at kabahayan mula sa bayan.
Sunod-sunod ang paglagok ko hanggang sa narinig ang pagpasok ni Rolly mula sa pinto.
"Bossing, saan ko ilalagay itong mga alak," bungad na tanong ni Rolly.
"Sa refrigerator Rolly, saan pa ba?" turan ko at sumunod ito.
Maya-maya ay akmang lalabas na ito ngunit mabilis kong tinawag ito.
"Hoy! Sabayan mo ako uminom," saad ko at hagis ng bote rito. Kamuntik pa nito hindi nasalo ang bote na kina asim ng mukha ko.
"Bossing, pinagawa mo ba ang bahay na ito para sa asawa at mga anak mo?" tanong ni Rolly.
"Hindi," tipid na turan ko at lumagok ng alak na nasa bote.