Chapter 1
Nakatira ako sa barung-barong na bahay, tumigil na sa pag-aaral para
makapagtrabaho at matulungan ko na lang ang iba kong kapatid sa pag-aaral.
Pinanganak akong manilenya, kaya hindi basta-basta maloloko.Lumingon ako sa taong tumawag sa likuran ko.
"Riss!"tawag sa akin ng kaibigan kong si Jona.Anak ng chairman ito kaya't talagang may kaya sa buhay,
sa kabilang subdivision ito nakatira.
"Oh,bakit?" tanong ko dito.
"Heto ang sabi ko sayo na gawin mon ngayon, bukas ihatid mo sa akin sa bahay." Doon inaabot ang dala nito at ilang libro na pinapagawa sa akin. At siyempre may bayad iyon dahil wala ng libre ngayon .
Agad ko ito kinuha at inuwi sa bahay namin.Nakita ko ang mga kapatid kong kumakain sa maliit na mesa, agad ako lumapit sa gawi nila at tiningnan kung ano ang ulam nila. Ganoon pa rin ang ulam namin kahapon ,sardinas.Minabuti ko na lamang na huwag na kumain at maya-maya lang ay nakita kong pumasok sa loob ng bahay ang Mama ko, bumaling ito sa amin at nagsalita .
"Tang*na! Talo na naman ako kanina!" singhal nito, na ang tinutukoy ang tungkol sa sugal.
Madalas itong nasa sugalan, hindi ko ito pinansin at nagbasa na lamang ako ng libro na kanina lang binigay sa akin ni Jona.
"Rissa, may pera ka ba diyan? Hiramin ko muna at mababalik ko naman kapag nanalo ako,"sikmat sa akin ni Mama.
"Wala po, baon na lang ito ni Atong at Lea bukas,"sagot ko.
"Akin na! Pahiram muna ako.Babalik ko na lang bukas."Nakaharap ito habang naka abang ang kamay.
"Hindi puwede,Ma! Hindi mo naman ito isasauli sa akin bukas!"wika ko.
"Isasauli ko naman. Hala, akin na! 'Wag ka na maraming sinasabi d' yan."Pamimilit ni Mama sa akin.
Hindi ako gumalaw o kaya'y kumilos dahil wala akong balak ibigay kay Mama ito, at muli na naman ito nagsalita.
"Naririnig mo ba ako, Clarissa?! Akin na 'yang pera!" At maya-maya lang ay nakita kong hinahalungkat na ni Mama ang damit ko at bag.
"Ma! 'Wag mong kunin 'yan! Baon nila 'yan bukas!"Hawak ko ang kamay nito habang sinusubok pigilan,pero huli na ako dahil agad na nakuha ni Mama ito. Hinabol ko pa siya hanggang sa labas pero hindi ko na ito naabutan pa.Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri at padabog na pumasok ulit sa loob ng bahay, binalingan ko ang mga kapatid ko.
"Hoy! Kayo, wala kayong kakainin bukas. Kinuha na naman ng sugarol nating ina ang pera na dapat pambili bukas ng kakainin ninyong dalawa sa Eskwelahan!"galit at singhal ko sa mga kapatid ko.
"Ate, may practice kami sa school bukas, mahaba ang magiging oras ko sa school.Baka magutom ako doon, Ate!" wika ni Atong sa akin.
"Oh,Bakit?! Ako ba ang may
kasalanan ha?! Bahala kayong magutom. Kumain na kayo ng kumain ngayon para bukas handa n'yo na ang sarili ninyo, dahil wala kayo kakainin bukas sa Eskwelahan,"agad naman sumabat si Lea, at nagsalita.
"Ate, ayoko na mag-aral kung ganito lang palagi na lang kami nagugutom sa Eskwelahan, "malungkot nitong pahayag sa 'kin kaya't agad ako sumagot na medyo mataas ang boses.
"E 'di, huwag kayong mag-aral! Bahala kayo, paglaki ninyo magsugal na lang din kayo gaya ng Nanay ninyo!"
"Mga bwisit!"habol ko pang sigaw, at padabog lumabas ng bahay.
Tuloy-tuloy akong naglakad at sa isang gilid ng daan ay agad ako nag tago. Umiiyak ako sa isang sulok nakaramdam ako ng awa sa mga kapatid ko kanina. Kailangan ko dumiskarte ngayon para meron baon sila bukas.
"Diyos ko, tulungan ninyo ako na kayanin pa ang lahat ng ito."Panalangin ko mula sa aking isipan.
Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila, wala na kaming pag-asa pa kay Mama.Lasengga na sugarol pa,mabuti na lang at sarili namin ang barong-barong na bahay na tinutuluyan namin dahil kung hindi ay malamang sa kalsada na kami nakatira ngayon. Mabilis ko pinunasan ang luha ko at tumayo at naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kailangan ko makahanap sa kung saan ako mangungutang. Habang naglalakad ay nagulat ako nang meron umakbay sa akin. Agad ako napatingin dito at si John ito,nakatira sa kabilang subdivision. Madalas ito dito sa lugar namin, kaibigan ko din ito at tropa ko parang ganoon.
"Saan ang punta mo?"tanong niya.
"Doon,may bibilhin lang,"tugon ko.
Agad naman ito nagsalita ulit.
"Ilibre mo ako ha,soft drinks lang," pang-aasar nitong sabi.
"Magpapalibre ka pa sa akin eh, ikaw nga itong maraming pera!"wika ko.
Agad itong tumawa at sumagot.
"Wala nga kasi akong dalang pera, kaya ilibre mo muna ako,"wika nito,doon ay napatitig ako sa kaniya at nagsalita.
"Wala akong pera,John Derick.Mangungutang lang ako kay Aling Dina, sa tindahan niya."malungkot at seryoso kong sabi. Sandali itong tumahimik at nagsalita.
"E 'di, iutang mo din ako,"sabi nito.
"Hala! Sira ulo ka talaga ano!?
Bahala ka nga!"Kasabay 'yon inalis ko ang kamay n'ya mula sa pagkaka-akbay sa akin.
At maya-maya lang ay nakarating na kami sa tindahan ni Aling Dina.
Noong una,nagkakatitigan pa kami ni Jhon.Nahihiya ako magsalita sa tindahan,kasi naman nasa tabi ko ito. Nilunok ko na lang ang hiya at doon ay nagsalita na ako.
"Aling Dina, baka puwede mo ako pautangin,sa susunod na araw ko na po babayaran at sigurado po 'yon,"pakiusap kong sabi sa may-ari ng tindahan habang nakatingin sa akin si Jhon.
Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Aling Dina bago ito nagsalita. "Rissa, may utang ka pa dito!" pasinghal na sabi niya.
"Ang Nanay mo,hindi pa ako binabayaran! Malulugi na ang tindahan ko sa inyo! Sa iba na lang kayo mangutang at huwag dito sa tindahan ko!"galit na talagang sigaw niya.Naitago ko ang aking ulo dahil sa hiyang inabot.
"Maliit na nga lang ang tubo ko uutangin n'yo pa!"dugtong pa nito,hindi ako umimik at mabilis ako hinatak ni Jhon, paalis mula sa tindahan. Pero maya-maya pa ay huminto siya at pinisil ang aking magkabilang pisngi at nagsalita.
"Huwag kang sumimangot nawawala ang ganda mo."Nakangiting baling nito sa akin.At maya-maya lang ay mayroong ito binunot mula sa bulsa niya.
Binalingan ko ito ng tingin nang biglang inabot sa akin ang isang libo at nagsalita.
"Ayan,huwag ka nang mangutang." Sabay abot ng pera sa kamay ko.