CHAPTER ONE
ERICK POV.
"Father Erick!" sigaw ng isang babae at napalingon ako. Doon ngumiti ako nang makilala ang babaeng tumawag sa akin.
Agad lumapit ito kasama ang paslit na bata. Nag mano ang bata nang makalapit sa akin.
"How are you baby?" nakangiting saad ko sa paslit at nalipat ang tingin kay Rachel.
"Kuya, happy birthday," nakangiting bati nito sa akin.
"Thank you, Rachel," sambit ko.
"Baby bigay mo na ang gift mo kay uncle Erick mo," baling ni Rachel sa anak nito at inabot ang paper bag na hawak nito.
"Thank you so much, kamusta sina Mom and Dad?" tanong ko.
"Ayos lang Kuya, again. Happy birthday my Brother, Mom and Dad will wait for you at home," sambit ni Rachel at ngumiti lamang ako rito.
Agad rin umalis sa harap ko ang kapatid ko matapos magpaalam, nalipat naman ang tingin ko sa napakaraming bata na gusto makapag mano sa akin.
"Happy birthday, Father!" sambit ng mga bata.
"Salamat," nasisiyahan kong turan sa mga ito at lumapit ang isang kapwa ko Pari at mahinang tinapik ako sa braso.
"Happy birthday, bro," bati ni Wilbert na isang Pari rin na gaya ko.
"Salamat, bro," turan ko at nilapitan ako ni Sister Suhayra.
"Father, may magkukumpisal. Baka pupuwede pa kayo," baling ni Sister Suhayra sa akin.
"Oh, yeah. Sure," saad ko akmang aalis na sa harap nito nang bigla ito magsalita.
"By the way, happy birthday father Erick," nakangiting habol nitong saad.
"Salamat," nangingiting turan ko bago mag lakad palayo at harapin ang magkukumpisal.
Hawak ko ang banal na aklat at pumasok sa isang makipot na silid. Doon nabungaran ko ang isang babae nakaupo at mayroong mahabang itim na sitro curtain takip sa pagitan namin. Tumikhim ako at naupo.
"Good evening," bati ko ngunit walang tugon ang babae.
"Bakit ka narito? Puwede ko ba malaman kung anong ikukumpisal mo?" mahinang saad ko.
"Gusto ko na mamatay, gusto ko na mawala sa mundo father," sambit sa likuran ng kurtina at natigilan ako. Garalgar ang boses ng babae na tingin ko ay umiiyak.
"That's sin!" mabilis kong saad at pilit pinakalma ang sarili ko.
"May i know your reason for doing that thing," dugtong ko at dahan-dahan binuklat ko ang banal na aklat.
"I don’t want to live, I hate them. They think only of themselves, they don’t care how their child feels!" iyak nitong saad at napatingin ako rito habang mayroong kurtina sa pagitan namin.
"Ang kasalanan ay hindi maitatama ng isa pang kasalanan. I guess what you want to convey to me. It's about your parents right?" mahabang saad ko at tahimik lamang ito.
"Kung ganoon, makinig ka sa mga sasabihin ko," dugtong ko.
"As we are corrected we do not rejoice but grieve. But after that, peace will be experienced as a result of righteous living. Hindi mo kailangan maghinagpis na ganiyan sa magulang mo, because only your parents love's you. Blessed are those who have good parents because their love overflows and causes you to drown in their love." Paliwanag ko rito ngunit tahimik lamang itong humihikbi.
"Ilan taon ka na?" tanong ko.
"Twenty three," tipid na turan nito.
"Subukan mo unawain sila, at kung hindi mo magawa bumalik ka sa akin," sambit ko at binalingan ang hawak kong aklat.
"John 3:16-17. For God so loved the world that he gave his one and only son, that whoever believes in him shall not perish but eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but to save the world through him," mahabang wika ko at nag angat ng tingin rito. Pilit ko ito inaaninag ito mula sa itim na manipis na kurtina.
"Like Jesus, no parent wants to harm his child, ito ay para sa ikabubuti mo lamang," sambit ko pa at nabigla nang tumayo ito sa upuan niya.
"Salamat, pero mag papaalam na po ako. Ipagdarasal ko lamang ang step brother ko sa ginawa niya sa akin," saad nito at lumabas sa maliit na silid. Naiwan akong nakatitig sa itim na kurtina at mabilis lumabas ng makipot na silid. Doon natanaw ko sa hindi kalayuan ang naglalakad na babae palabas ng simbahan. Nakasuot ito ng mataas na itim na heels at itim na stocking habang nakasuot ng maikli at hapit na pulang sleeve-less dress habang kulot at mahaba rin ang buhok nito.
Nakaramdam ako ng awa sa babae habang naglalakad palayo. Batid kong mayroon itong gustong sabihin sa akin ngunit nagda-dalawang isip, nagbuntong hininga na lamang ako at nabaling ang tingin kay Sister Suhayra.
"It's your day, Erick. I thought uuwi ka?" baling nito sa akin.
"Yeah, my dinner sa bahay. Gusto mo sumama Sister?" nakangiting tanong ko.
"Oo ba, iyan nga ang hinihintay kong sasabihin mo sa akin," pilyang saad nito at mahina akong natawa.
"So, let's go," aya ko rito.
Doon nakita kong nagmadali itong nag handa sa pag alis namin. Mayroong munting salo-salo sa isang silid kung saan naroon sina father Lucas at father Wilbert. Nag paalam ako sa mga ito at nagpalit ng damit. Suot ko ang puting long-sleeve na lumabas sa likuran ng simbahan, kinuha ko ang susi ng sasakyan sa bulsa ko ngunit napatingin ako sa babaeng nakatayo sa tawid ng kalsada. Nag-aabang ito ng taxi at sapalagay ko ay ito ang babaeng nagkumpisal kanina base sa suot nito.
Doon napangiti ako at walang sinayang na oras para kasapin ito. Tumawid ng kalsada mula sa kinaroroonan nito. Napalingon naman sa akin ito habang palapit ako. Ngumiti ako rito at nagpakilala.
"Hi, i'm father Erick. I thought ikaw ang nag kumpisal kanina," sambit ko at nilahad sa harap nito ang kamay ko.
Pinasadahan lamang ako nito ng tingin at hindi man lamang tumugon para makipag kamay sa akin. Doon binawi ko na lamang ang kamay ko. At nakaramdam ng pagkailang.
"Puwede ka bumalik para mapag usapan natin ng mabuti ang problema mo," nakangiting saad ko at nagbaba ito ng tingin pataas sa kabuan ko. Doon unti-unti nawala ang ngiti ko base sa naging reaksyon nito.
"Ikaw iyong Pari kanina?" walang emosyon na saad nito at mahina ako tumango. Nagkatitigan lamang kami nito at sandali nagkatahimikan. Maya-maya ay napalingon ako nang tawagin ako ni Sister Suhayra.
"Father Erick!" tawag ni Suhayra sa hindi kalayuan.
"By the way i have to go, i look forward to your return so we can talk well," sambit bago nagsimula talikuran ito at magtungo sa kinaroroonan ni Sister Suhayra. Pinagbuksan ko ng pinto si Sister Suhayra at muli binalingan ng tingin ang babaeng nakatayo sa tawid ng kalsada.
Doon nagsimula na rin ako sumakay at buhayin ang makina ng sasakyan ko. Tahimik akong nagmamaneho ng magsalita si Sister Suhayra.
"Sino ang babeng nilapitan mo?" tanong nito
"Iyon ba kanina? Nagkumpisal lang kanina, i'm just worried so i already talk to her na puwede siya bumalik sa simbahan," sambit ko at hindi na muli nagtanong si Hayra hanggang makarating kami sa bahay.
TIFFANY POV.
Naiwan akong nakatayo habang tulala ang tingin sa papalayong sasakyan. Nabigla ako nang lumapit ang isang naka puting long-sleeve na lalaki sa akin. Nagpakilala itong Pari at ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang magpakilalala ito sa akin. Napalunok ako dahil napaka guwapo ng Pari, pakiramdam ko ay nalaglag ang panty ko nang kaharap ko na ito. Napagmasdan ko ng maigi ang maamong mukha nito, ngunit nakaramdam ako ng hiya rito dahil ito ang Pari na nakaharap ko kanina sa simabahan. Nawala na sa paningin ko ang papalayong sasakyan nito, doon nalipat ang atensyon sa bag na nakasukbit sa balikat ko. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko at agad iyon sinagot.
"Hello... ." saad ko sa linya.
"Where are you? Tiffiny. Kanina pa kami naghihintay sayo rito sa bar nina Max," saad sa kabilang linya.
"I'm coming," tipid na saad ko at pinatay na ang linya ng phone.
Mabilis ako pumara sa taxi nang makita ang paparating. Doon huminto sa harap ko at sumakay na sa taxi. Tahimik akong nakaupo tanaw sa bintana ng taxi habang iniisip ang kaninang Pari na nakilala ko. Napakagat labi ako at tipid na napangiti habang iniisp ang guwapong Pari na iyon. Kung ganoon kaguwapo ang Pari na mabubungaran ko sa simabahan ay aaraw-arawin ko ang pag punta sa simabahan.