
Matapos maikasal ni Ysabell kay Rafael ay nagsama sila. Isang bussiness man si Rafael, sampung taon ang tanda nito kay Ysabell at sa edad ni Ysabell na bente otso doon nagpakasal siya kay Rafael. Maituturing na perpektong lalaki si Rafael para sa kaniya. Halos lahat ng bagay na hinahanap niya sa lalaki ay nasa katangian ni Rafael. Guwapo at binata bukod doon ay maraming hinahawakan na malalaking negosyo si Rafael.
Ngunit paano kung sa isang pitik ay magbago ang lahat. Napunta sa nakaraan si Ysabell, nagising na lamang siya sa nakaraan na taon at muli nakita ang dating nobyo niyang si Enzo. Muli nanumbalik ang lahat ng nararamdaman niya sa dating nobyo at ang tanging paraan niya para makaiwas sa dating nobyo na si Enzo ay iyon ay kailangan niya hanapin ang lalaking kasalukuyang pinakasalan niya at iyon si Rafael. Ngunit paano niya hahanapin ito kung hindi alam kung saan siya magsisimula. Halos masiraan ng bait si Ysabell sa kababalaghan na nangyari sa buhay niya. Mula sa edad na bente-otso ay bumalik siya sa edad niyang disi-otso. Naguguluhan man at walang naniniwala sa sinasabi niya ngunit nagpakatatag si Ysabella at hinanap ang lalaking pinakasalan niya sa kasalukuyan. At nang mahanap ito ni Ysabell ay labis siyang nasaktan.
Nanaisin pa ba ni Ysabell bumalik sa kasalukuyan kung sobra siyang sinaktan ng lalaking pinakasalan niya sa kasalukuyan na si Rafael.
