
Isang kasunduan ang ibinigay ni Lucas kay Esther. Isang kasunduan kung saan kailangan niya magpakasal rito at gumanap na asawa sa loob ng dalawang taon. Kapalit ng malaking halaga na perang ibabayad ni Lucas rito doon ay pumayag si Esther. Madiskarte sa buhay si Esther, nakilala niya si Lucas sa comedy bar na pinagta-trabahohan nito. At nang tanggapin ni Esther ang alok ni Lucas doon nag umpisa ang kalbaryo niya bilang pekeng asawa ni Lucas Sandoval.
Ang pagpapanggap ni Lucas at Esther ay mauuwi sa pagmamahalan, ano nga ba ang matimbang kay Esther? Ang malaking perang makukuha o ang labis na pag ibig ng binata. Paanong kung mawala ang lahat kay Lucas matapos malaman ng Lolo nito ang agreement nila at pangpapanggap nila.
Kaya ba ipagpalit ni Esther sa malaking pera si Lucas at iwan niya. O ipaglalaban ang lalaking minamahal mula sa matapobreng Lolo nito.
