bc

THE WERE WOLF AND THE VAMPIRE(BLOODY MOON)

book_age18+
78
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
dominant
goodgirl
drama
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Mula sa pagitan ng lobo at bampira ay hindi lingid sa kaalaman natin ang pagkakaroon nito ng hidwaan mortal itong magka laban 

Ngunit paano kung iibigin mong babae ay ang

mortal mong kaaway, hanggang saan mo ito kayang ipaglaban at ipagtatanggol,

hahayaan mo nalang ba mamatay ang babaeng mahal mo o mananatili ka padin sa tabi nito at iharang ang isang malaking pader mula sa kanya at walang sino man ang makapanakit  sa babaeng mahal mo.

 

Pero ang pagmamahal sa isang babaeng lobo ang tuluyan hihila sakanya sa kamatayan, iaalay n'ya ba ang kanyang buhay para sa babaeng mahal,

upang mabuhay lang ito ngunit hanggang kailan.

Si Matthew ang pinakamalakas na bampira.

May dugo ito mula sa mga ninuno nito na isang lycan.

Nang isang araw magtagpo sila nang babaeng lobo

isa man itong lobo ay hindi siya napigilan upang hindi mahalin ito.

Isang araw muli niya nakita ang dalaga sa isang club,

kaya wala siyang sinayang na pagkakataon na hindi ito makilala at makasama.

Malaki man ang pagtataka sa kakaibang pakiramdam niya dito ay pinagsa wlang bahala niya.

Nagkaroon sila ng isang gabing pagtatalik ng dalaga ngunit huli na nang malaman niya ang babaeng inakala niyang ang babaeng lobo ay hindi.

Ibang babae man ang nabalingan niya ng pagmamahal

sa huli ay ang pag iibigan pa din ni Samantha at Mathew ang nanaig

pilitin man niyang baguhin ang nakasaad sa propisya pero tila hindi na mababago pa, dahil dumating ang panahon na ang galit niya ang papatay kay Samantha.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MATHEW :POV Pasado alas dose na ng gabi. Nakatayo ako sa madilim na kagubatan, bagama't madilim ngunit malinaw ito para sa akin, Nagmamasid ako at naghihintay kung meron akong mahuhuli na usa, upang sipsipin ang dugo nito dahil kagabi pa ako uhaw na uhaw sa dugo. Nang nakarinig ako ng kaluskos sa kinaroonan ko maigi akong nagmamasid sa paligid ko, ngunit nang tumalikod ako ay biglaang mayroong lobo na patalon na sumalubong sa akin. Agad ako nahiga sa lupa dahil sa malakas na pwersang pagtalon sa akin nito. Hawak ko ang mga gutom na mga pangil nito, habang pinipigilan ko sumakmal mula sa akin. Hanggang sa binuka ko ng marahas ang bibig nito dahilan ng ikinamatay nito. Bumangon ako at pinagmasdan ang lobo na napaslang ko, ngunit maya maya lang ay nagsulputan ang napakaraming lobo at pinalibutan ako. Ang buong akala ko ay nag iisa lamang ito, ngunit marami pala ang mga ito. Isa isa kong pinagmasdan ang mga ito, Ngumisi ako at nagsalita. " Oh, come on. Leave, while you still have a chance," saad ko sa mga ito ngunit tila hindi ako narinig ng mga ito. Muli ako nag salita habang handa na itong sumugod ng sabay sabay mula sa akin. "I can't do anything if you really want to die, I have no choice but to kill you all," saad ko bago magsimula ang mga itong sumugod ng sabay sabay sa akin. Sabay sabay ang mga itong tumalon mula sa akin. Doon ay bahagyang napaatras ako, tinabig ko ng malakas ang sa gilid ko dahilan para tumalsik ang mga ito, habang ang isa naman ay ramdam ko ang pwersa, kaya naman humagis ako sa di kalayuan, pinaibabawan ako nito habang gutom na gutom ang mga pangil nito, kung hindi ko agad nasalag ang braso ko tiyak lalapain ako nito inilabas ko ang pangil ko, habang nanlilisik at namumula ang mata ko, mabilis ko ito kinagat sa leeg dahilan para manghina ito. Doon ay inalis ko ito mula sa ibabaw ko. Mabilis ako tumayo at pinahid ng kamay ang dugo sa labi ko, habang ako naman ay nanlilisik ang mga matang isa isa silang sinisipa't ko ng tingin, maya maya ay muli sumugod sa akin ang iba pa, doon ay tinadyakan ko isa habang ang isa naman patalon sumugod sa akin. Ngunit sa kasamaang palad nasalo ko ng isang kamay ito at sinakal, bumaon ang mahahaba kong kuko mula sa leeg nito, doon ay nanghihina na ito, dahilan upang bitawan ko habang tirik ang mata nito. Binalingan ko ng tingin ang mga ito habang isa isang nakahandusay. Ngunit nabaling ang tingin ko sa isa pang lobo sa di kalayuan, nakamasid lang ito na tila nanonood, purong puti ang mga balahibo nito habang kulay asul naman ang mga mata nito, habang kumikinang sa dilim ang mga mata niya. Habang nakatitig ako sa lobo sa di kalayuan napansin ko lumitaw ang galit nitong mga pangil, doon ay ngumisi ako. Isang duwag na lobo, hindi ko na pala kailangan manghuli pa ng usa, dahil naririto na kayo saad ko sa isipan. Ngunit nabigla ako ng tumakbo ito doon ay agad ko ito hinabol, Kaya bago pa ito makalayo ay mabilis ko ito, hinabol at sa bilis ng pagtakbo ko, at pangkaraniwan lang sa aming mga bampira naabutan ko ito. Sinunggaban ko ito upang sakmalin mula sa leeg, dahilan para nagpagulong gulong kami ng lobo. Mabilis ito nakawala sa pagkakahawak ko at hinarap ako, galit na galit ito habang ang pangil na malalaki nito ay nakalabas, ngumisi ako at nagsalita. "Wala kana pupuntahan,i wanna eat you now .Get ready for my dinner werewolf," saad ko sa lobo na nasa harap ko. Nagsimula na ito sumugod sa akin, ramdam ko ang lakas ng lobo na ito. ngunit hindi pa din ito uubra sa akin, nakita ko itong tumilapon sa di kalayuan matapos ko bigyan isang malakas na sipa, umuungol ng iyak ang lobo, agas ko naman nilapitan ito mula sa pagkakahiga sa lupa. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ito, habang ang kaninang purong puti nitong balahibo ay napalitan ng kulay pula. Ngumisi ako dito at akmang ta-tadyakan kong muli ito pero bigla itong nag palit anyo natigilan ako at hindi natuloy pa ang gagawin ko. Tumambad sa akin ang magandang babae habang hubad ang katawan nito. Kunot ang noo ko habang seryong pinagmamasdan ito, mahaba ang buhok nito na kulay itim, sugatan ito at naghahabol ng hininga makinis din ito at maputi kaya naman napalunok ako nang makita ito, nakita ko ang pag angat nito ng tingin mula sa akin, gumapang ito palayo sa akin. Marami itong tinamong sugat mula sa akin dahilan upang hindi nakayanan pa makatayo,pinagmamasdan ko siya habang gumagapang papalayo saakin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman. Ngunit ng mapagtanto kong malayo na pala ang nagawa nito, mabilis ko ito hinabol at mabilis napunta sa harapan niya. Umupo ako at sinabunutan ko ito habang hinaharap ang mukha nito mula sa akin, ngumisi ako at nagsalita. "You trying to escape baby," saad ko. Habang nakatitig sa mga mata nito, naka habang ang mga mata'y ko nanlilisik at namumula, nakita ko ang pagluha ng mga mata nito, maya maya ay dumura ito mula sa mukha ko. "You son of the b***h," galit na turan nito. Bahagya ako natawa at nagsalita, habang nakasabunot pa din sa buhok nito at nakatingala. "Nakakapagsalita ka pa pala. You are lucky baby," sabi ko dito. Pinagmasdan ko ito at dumapo ang mata ko sa kwintas nito mula sa leeg. May pendant ito na hugis puso, saglit akong ngumiti ng nakakatakot dito bago ko tina gilid ang leeg nito. Habang ngayon ay handa na ako kagatin ang leeg nito. Ngunit mayroon ako kung ano iba pang gustong gawin mula sa leeg nito. Sunod sunod ang paglunok ko hanggang sa hindi ko na ituloy ang pag sakmal sa leeg nito,at sa halip inilapat ko ang labi ko sa leeg nito, at marahan hinalikan paakyat sa tenga niya. Hanggang sa nabaling na ang mga mata ko mula sa maamong mukha nito, pinagmasdan ko ang asul nitong mga mata, habang may namumuong luha. At doon tuluyan ko na hindi napigilan ang sarili ko, kundi sinunggaban ko ito ng halik mula sa labi nito, marahan at puno ng pag iingat ang iginawad kong halik dito. Matamis ang labi nito, kakaiba at talagang kapanapanabik, halos sampung minuto kong inangkin ang labi nito, habang ito naman ay nakapikit ang mga mata. Ngunit natigilan ako ng mahagip ng pang amoy ko ang paparating kong mga kasamang bampira, doon ay agad ko ito binuhat, wala itong suot na kahit anong saplot habang buhat-buhat ko at inalalayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A recipe for disaster (#2 of the Miller family)

read
4.8K
bc

The Mating Rules (Book 1-5)

read
141.9K
bc

The One True Alpha

read
14.3K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
55.8K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.0K
bc

Sienna, The Alpha's Daughter (#3 of the Denali pack)

read
137.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook