Nakarating ako sa kabilang bundok at talagang napakalayo ng narating ko.
Nagawa kong ilayo ang babae ito,
nang mailapag ko ito sa mga damo
ay nag salita ako.
"Thank me, iniligtas kita," sabi ko dito.
Nakatitig ako dito habang ito naman ay nakahiga at hindi magawang bumangon.
Pilit din nito tinatakpan ang hubad nitong katawan ng dalawang palad, doon ay agad ko hinubad ang suot kong itim na sando at ipina suot dito.
Tumayo ako at tumalikod, na para bang handa ko na iwan ito, limang hakbang palang ako nang mabilis ko ito nilingon. Nakita ko itong nakasandal na ngayon sa puno at naghahabol ng hininga,
kaya naman dali dali ko itong nilapitan at
umupo sa harap nito.
Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, habang nakatitig lamang ito sa akin. Walang kahit na ano ang lumalabas sa bibig nito, kaya naman nagsalita ako.
Hinimas ko muna ang pisngi nito bago nagsalita. " Kung alam ko lang na ganyan ka pala kaganda edi sana hindi na kita nasaktan," saad ko dito, ngunit tinabig nito ang kamay kong nakahimas sa pisngi niya.
" Nagagandahan ka sa akin?
Kahit na. Ako ang papatay sayo,"
Mahina akong natawa at sumagot.
" Ako papatayin mo, sino pala sa atin?!
Look what you've done, mukhang kailangan mo ng manggagamot," mahabang turan ko dito.
Lumunok ito at sumagot,
" Pinatay mo ang mga kasama ko, hayop ka! ," galit na saad nito.
" Let's not talk about that, that's really how life is. Mamatay sila o mamatay ako that's simple," sagot ko.
" You will also find someone who can match you, mamatay ka din,"saad nito.
Mahina akong natawa at bumaling muli dito." Any way, the werewolf's kiss was delicious, ngayon ko lang nalaman.
Ngayong natikman ko na, " Seryosong kong baling dito.
Lumapot ang tingin nito sa akin at ngumisi.
" You're right, pero habang buhay ko iyon pagsisihan," saad nito.
" Tsk. tsk… that's sad baby, "turan ko.
Tumayo ako mula sa harap nito ng bigla itong nagsalita dahilan upang seryosong tumitig ako dito.
" Lately I still want to live, pero matapos mo ako halikan,gusto ko na mamatay!"
Muli akong umupo sa harap nito, nagsalita ako habang nakataas ang isang kilay mula dito.
" Oh, really," saad ko dito.
Matalim ang tingin nito mula sa akin,
sa halip na matuwa ito na binuhay ko ang babaeng ito ganito pa pala ang matatanggap ko, tinitigan ko ito sa asul nitong mata habang ganoon din ito mula sa akin,seryoso ko itong pinagmasdan
at inaalala ang matamis na pagkakahalik ko dito mula kanina, isang halik na tiyak na kinababaliwan ko.
Habang nakaupo sa harap nito bigla na lamang dumating ang limang lobo at mula sa likuran ko nang gagalaiti ang mga ito sa galit, dahan dahan ko nilingon ang mga ito. Nakita ko mayroon pang dumating na dalawang lalaki na tiyak ko isa din mga lobo.
" Samantha!" tawag ng lalaki sa babaeng kaharap ko, doon bumalik ang tingin ko sa babae, nakatingin lamang ito sa lalaking lobo na tumawag sa kanya, nakita ko pa mula sa mga mata nito ay nangilid ang mga luha habang nakatingin sa lalaking lobo.
" Jack," mahinang banggit nito mula sa lalaking lobo, doon ay mahina akong tumawa at nagsalita.
Tumayo ako at humarap sa mga ito.
" Hindi ninyo ba talaga ako titigilan?"
nakangisi kong saad dito.
Napansin ko ang galit sa mukha ng tinawag ng babae sa pangalang Jack.
" Hayop ka," mahinang saad nito.
Pagak akong tumawa at sumagot.
" I am not the beast kundi kayo,ikaw,"
Saad ko Bahagya pa akong lumapit sa mga ito.
" Now tell me, sino ang hayop sa ating dalawa taong lobo," dugtong ko pa.
Doon ay bigla ako nito malakas na tinadyakan dahilan para tumalsik ako at nang makatayo, agad ako niyo sinunggaban at nagpalit agad ng anyong lobo habang pasugod ito sa akin, agad ko sinalag ng braso ko ang malalaking pangil nito, napaatras ako sa pwersa nito paatras ng paatras hanggang sa ma bunggo ako sa puno na nasa likuran ko, doon ay tuluyan ang mga mata ko at nakalabas ang mahaba kong pangil, narinig kong sumigaw ang babaeng lobo.
" Jack! Umalis na tayo! Iwan mo na siya!"
sigaw ng babae, muli ako bumaling sa lobo sakmal sakmal ang braso ko at buong pwersa ko itong tinulak palayo.
Tinitigan ko ang lobo na ito, bahagya itong mas malaki kumpara sa mga nakalaban ko kanina, maya maya lang ay pasugod na sana sa akin ang iba pang kasama nitong lobo, ngunit agad natigilan ang mga ito matapos sumigaw ng babae.
" Tigilan n'yo yan!! Umalis na tayo bago pa dumating ang mga kasamahan niya!" sigaw ng babaeng lobo.
Umalis ang mga at isinama ang babaeng lobo.
" Samantha," mahina kong bangit sa pangalan ng babaeng lobo.
Wala akong pang itaas na damit dahil isinuot ko ito sa kanya, doon ay dinatnan ako ng mga kasamahan ko.
" Mat," tawag sa akin mula sa likuran ko.
Hindi ko ito nilingon at nanatiling nakatingin sa gawi kung saan nakaupo kanina ang babaeng lobo.
" Mat, mabilis nakatas nahuli kami," saad muli ng tumawag sa likuran ko.
Nilingon ko ito at nagsalita.
" Hayaan mo na toni, let's go," turan ko.
Nakaupo ako sa bahagi ng counter bar ng
malaking penthouse, habang sumisimsim ng alak mula sa cocktail na hawak ko.
Mula sa tabi ko umupo si Toni at Bricks.
" Mat, kanina ka pa tahimik diyan," saad ni Bricks at bumaling naman ako dito.
" May iniisip lang," sagot ko.
" Sino si Faye?" saad ulit ni Bricks.
Hindi ko ito sinagot at bumaling sa alak na hawak ko.
" Tumawag si Faye sa akin, tinatanong tungkol sa nangyari kanina, dahil hindi mo sinasagot ang tawag niya," saad ni Toni.
" Hayaan mo siya, " sagot ko.
" Bakit hindi mo kaya sagutin ang tawag niya, nag aalala siya sayo," turan muli ni Toni.
" Is none of your business Toni, "supladong kong saad dito.
Doon ay tumitig ito sa akin hanggang sa muli ako nagsalita.
" Me.. meron akong nagugustuhan na ibang babae, "mahinang saad ko habang nakabaling sa alak na hawak ko.
" Sino? "agad na tanong ni Bricks.
" What are you saying Mathew, how about Faye, " sabat naman ni Toni.
Hindi ako sumagot sa kanila at ipinagpatuloy muli ang sinabi ko.
" Nang maramdaman ko ang mga labi niya, kakaiba ang naging hatid sa akin, gusto ko siya. Pero..,"
" Pero, ano?" sabat ni Bricks.
" Pero hindi pwede, " dugtong ko sa unang pahayag.
" Dapat lang Mat, do you realise how angry Faye would be," saad ni Toni.
" Is not about Faye, " sagot ko.
" About what?, " saad ni Bricks.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na ang babaeng nagugustuhan ko ay isang babaeng lobo. Binalingan ko ng tingin si Bricks at Toni atsaka ako umalis sa tabi nila. Naglakad ako at nagtungo sa glass wall tinatanaw ang magandang mga malalaking puno mula sa labas ng penthouse, mistulang mga langgam sa liit ang mga puno sa taas ng palapag na kinaroroonan ko, bumaling naman ang tingin ko mula sa bilog na pulang buwan.
Hindi ko makalimutan ang mukha ng babaeng lobo na iyon simula nang makita ko iyon halos gabi gabi ko na siya nasa isip, nagdaan pa ang ilang gabi matapos ng huling pagkikita namin, mas lalo ako nagka interes makita siyang muli at makilala, naniniwala akong magugustuhan niya din ako.