chapter 3

1040 Words
SAMANTHA :POV Agad nagamot ang mga sugat na tinamo ko mula sa bampira na iyon,kasuklam suklam ang lalaking iyon, pinatay niya ang mga kasama ko ang iba kong kaibigan, kasama na din ang ina ni Jack. Nakaupo ako sa isang mahabang upuan na kahoy, kasama ang ilang gaya ko na taong lobo ang lahat ay nagdadalamhati sa pagkawala ng ina ni Jack, bumaling ang tingin ko kay Jack habang nakatayo ito at nakatingin sa kawalan, tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan nito at mula sa likuran nito niyakap ko ito at nagsalita. " Nandito lang ako para sayo Jack," mahinang saad ko. " Tinanggal nito ang mga kamay ko at humarap sa akin, tipid itong ngumiti at mahinang nagsalita," " Salamat," tipid na turan nito. Ngumiti ako dito at muling niyakap ito, "Ang lahat ay magiging matatag, balang araw ang pighati ay matatapos rin,"mahinang pahayag ko. Bumitaw ako sa pagkaka yakap dito nang dumating si Emma, natigilan ito at tumitig sa amin. " Jack, I need you now. I'm going somewhere now, so I need you, " baling nito mula kay Jack. Doon ay agad lumayo sa akin si Jack at umalis kasama si Emma. Naiwan akong nag iisa, nagbuntong hininga ako at nagtungo muli sa mahaba na upuan kahoy, naupo ako habang nadadama ang lamig na hatid ng hangin, matagal ko ng gusto si Jack, matalik ko ito na kaibigan, ngunit kailanman hindi nito binigyan atensyon ang pag tingin ko sa kanya, wala akong magawa, ano nga naman laban ko kay Emma eh isa lang naman akong hamak na lobo na nabibilang sa mababang uri at mahihina. Pumikit ako ng mariin at nang mag mulat, tumingala ako sa kalangitan, at doon pinagmasdan ko ang pulang buwan. Doon ay nagtataka ako kung bakit mapula ang buwan ngayon, napatayo ako at maigi itong pinagmamasdan habang nakatingala. Kinabukasan maaga ako nag gayak, nagtungo ako mula sa mga alaga naming tupa, tuwang tuwa akong pinagmamasdan ito hanggang sa lumapit sa akin ang ina ko. " Sam. Anak, halika samahan mo ako, pupunta tayo sa club house naroon ang mga ama ni Jack at magulang ni Emma. " Ikaw na lang po siguro, Nay, "turan ko. " Bakit? "pagtataka nito sa sagot ko. " Ayoko kasi…, "putol kong turan kay Nanay. " Ayaw mo na alin? " saad nito. Hindi ako sumagot at nanatili na tahimik. " Kung ano man iyan anak, wag ka mahiyang magsabi sa akin, " saad ni Nanay. " Opo Nay, "sambit ko. " Oh siya, kung ayaw mo, ako na lamang, baka marami ipag utos ang ama ni Jack. Nakaalis na si Nanay at naiwan ako mag isa, bumaling ako ng tingin mula sa mga tupa, ilan oras pa akong nagbantay sa mga ito, dahil noon ay naubos ang mga alaga namin noong, bigla na lamang lahat namatay ng mabungaran ko,gayon alam namin kung sino ang may gawa ngunit malaking katanungan sa isipan namin, kung bakit mga tupa ang binalingan nito gayon malapit lang ang kinaroroonan namin at malapit sa kinaroroonan nila ang mga mortal na tao, kung saan mas magkakaroon sila ng sapat na lakas sa dugong makukuha sa mga tao kumpara sa isang tupa. Sumapit ang dilim at maigi lamang ako nagbabantay, mula sa patong patong na mga kahoy nagliliyab ang malakas na apoy,matiyaga akong nag bantay sa mga tupa hanggang inabot na ako ng gabi dito. Maya maya lang ay dumating si Jack, dahan dahan ito lumapit sa kinaroroonan ko. " Bakit wala ka sa pagpupulong kanina," saad nito ngunit hindi ko ito sinagot habang tahimik pinanonood ang nagbabaga na mga apoy,umupo ito sa tabi ko at mula sa balikat ko umakbay ito. " May problema ka ba?" tanong nito. " Wala," tipid kong sagot. "Kung ganon, bakit wala ka kanina?" Doon ay nilingon ko ito. Nag tama ang mga mata namin habang magkalapit, "Dahil.. nasasaktan ako Jack,"seryoso kong balik dito. Tumitig ito sa akin at walang kahit anong lumabas sa bibig nito hanggang muli ako magsalita kasabay ng pangingilid ng luha ko ng luha ko. " Hindi ko na kayang makita kayong magkasama ni Emma, Jack," seryoso kong saad dito. Nag alis ito ng tingin at agad umalis sa tabi ko, agad din naman akong tumayo at tinawag ito. " Jack, wala akong hinihingi na kahit ano sayo,kaya sana wag masira ang pagkakaibigan natin,"mahinang turan ko at mabilis yumakap mula sa likuran nito. " Wag ka sana magalit sa akin, hindi ko sinasadya Jack, "mahinang dugtong ko pa. Ngunit tahimik lang ito at hinahayaan ako mula sa likuran niya. Maya maya lang ay kaagad ako bumitaw dito at lumayo nang biglang dumating si Emma,tumitig ito mula sa aming dalawa bago magsalita. " Jack, ang sabi ng Daddy mo narito ka daw kaya't nagpunta ako dito,"saad ni Emma habang sa akin ang tingin. " Ah.. e.. pinuntahan ko lang dito si Sam, nagtanong ako bakit wala siya sa pagpupulong kanina," turan ni Jack mula kay Emma. " Ganun ba, tayo na, "Aya nito pabalik sa mansyon kasama si Jack. " Sige, "sambit ni Jack. " Maiwan na kita dito, " baling sa akin ni Jack, mahina naman akong tumango hanggang sa naiwan na ako nag iisa ng mga ito. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina lang at doon lumuha, bata pa lang kami ni Jack ay talagang gusto ko na ito hanggang sa lumaki na kami at nalaman ko nalang na si Emma ang naging nobya nito. Pinunasan ko ang luha gamit ang palad at inaayos ang mga nakabalagbag na mga kahoy pang liyab, hanggang sa natigilan ako nang mayroon akong bagay naalala. Naalala ko ang bampirang humalik sa akin marahan ako nito hinalikan noon at iyon ang unang kong halik sa buong buhay ko. Dahan dahan ako napahawak mula sa mga labi ko hanggang sa biglaang mayroong kumaluskos mula sa mga naglalakihan na mga damo,doon ay agad ako tumayo at minasdan kung anong bagay iyon. Dahan dahan ako napaatras at naging handa sa kung anong bagay ang mabubungaran ko, at muli ito kumaluskos na sobrang ikinagulat ko. Mula sa gilid napalingon ako nang lumabas ang isang lalaking may suot na itim long-sleeved at naka turtleneck. Natatakpan ng harapang buhok nito kabilang mata nito habang nakatitig sa gawi ko, at doon nakilala ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD