CHAPTER 1
Lumabas ako ng mansyon nang maisipan ko magpahangin.Mula sa di kalayuan, nakita ko ang anak ni Manang Lili na si Leo.
Maganda ang pangangatawan nito, moreno ang kulay nito dahil bilad ito parati sa araw. Magsasaka din ito at nagtatrabaho sa Daddy ko bilang hardinero.
Nakatira sila malapit dito sa Mansyon,
sa lupang pagmamay ari ng Daddy ko.
May makapal din ito na pilikmata at bagong ahit na balbas at bigote. Mataman ko muna itong tinitigan habang nag aayos ito ng mga halaman. Wala siyang suot na damit at nama-mawis ang katawan nito, kasabay ng magandang bulaklak sa paligid niya at mga iba pang halaman na dumagdag sa background niya at para bang isa itong tunay na modelo.
Agad ako pumasok sa loob ng mansyon nang mayroong pumasok sa isip ko.
Doon ay mula sa kwarto ko kinuha ko ang isang camera at agad na bumalik sa pwesto ko kanina. Nadatnan ko ito na ganun pa rin ang pwesto, habang ngayon ay nag gugunting na ito ng mga halaman.
Agad ko nilapat sa mata ko ang hawak kong camera para makakuha ng magandang litrato sa kaniya. Nakailang kuha pa ako at napagtanto kong tama ako. Bumaling ako isa- isa sa mga litratong nakunan ko sa kaniya at talagang
napakaganda ng mga kuha ko. Mag sho-shot's pa sana ako ng isa pang litrato nang magulat ako dahil nakatingin na ito sa gawi ko,kaya naman nagsalita muna ako bago kong muli siya litratuhan.
"Smile baby.." saad ko habang may pilyang ngiti rito.
Muli ko siyang kinuhanan ng litrato,
sunod-sunod habang nakatitig ito sa gawi ko. Nang matapos ako ay isa- isa ko muli pinagmasdan ang mga litrato. Tinapunan ko muna ito ng tingin bago muli ako pumasok sa loob ng mansyon. Kagat labi akong isa-isang pinagmamasdan ang mga litrato niya. He's hot im impressive of him saad ko sa isipan ko.
Nang maya-maya ay nasalubong ko si Dad at humalik ito sa pisngi ko.
"Good morning my dear," bati ni Dad.
"Ya ' you to Dad," tugon ko.
Lumabas na ito sa sa malaking pinto ng mansyon. Nagtungo ako sa malaking mesa para umupo at makapag almusal na,habang ang tingin ko ay nasa litrato pa din ni Leo. Napangiti ako dahil sa ganda ng kuha ko na litrato sa kaniya, nang mayroong biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Oh my God, Ate! He's Kuya Leo ?
Yung hardinero natin," tanong ng kapatid ko na si Elaine.
" Yep ," sambit ko.
" Wow! He's hot, " Turan ni Elaine.
" Ya 'he's nice,"tugon ko.
" Bakit hindi mo s' ya kunin bilang modelo mo. I'm sure he deserves that opportunity," pahayag ni Elaine.
" Maybe, next time. I Just wanna talk to him,if ever gusto niya so that's good.
If he doesn't like it, is not a problem,"
saad ko.
Nang biglang dumaan sa harap namin si Leo at ngayon nakasuot na ito ng isang maluwag na t-shirt,doon ay napatingin kami ni Elaine rito at nagsalita ito.
"Magandang umaga Senyorita Elaine,
Senyorita Sabrina," bati sa amin ni Leo.
"You to Leo," tugon ko rito.
Agad naman nagsalita si Elaine.
"Kuya Leo! Look at your photos.
It's so dammit you're hot in this picture,"
saad ni Elaine kay Leo.
Ngumiti naman si Leo at sumagot
" Hindi naman po Senyorita. Ang itim ko nga po d'yan sa litrato na iyan," nahihiya na sabi nito.
Nakikita ko ang pagiging malapit ni Elaine kay Leo. Kung minsan mas Kuya pa kung ituring nito si Leo kaysa sa sarili naming Kuya na si Kuya Jared.
Nineteen year old na si Elaine at may boyfriend na din ito na si Christopher. Naunahan pa ako nito dahil sa pihikan ako pagdating sa lalaki. I don't wanna waste my time for another man who wants to play with me. If i wanted commitment gusto ko ay ito na ang mapapangasawa ko.
Mabilis ko iniwan sila Leo at Elaine habang nag-uusap ang mga ito.
Naupo ako sa mesa at nagsimula na kumain ng agahan. Binalingan ko ng tingin si Leo at Elaine sa di kalayuan ko habang patuloy ang pag-uusap ng mga ito.
Nakita ko na enjoy na enjoy si Elaine habang nakikipag-usap dito.
Ngunit agad bumaling ako ng sulyap mula kay Leo at bumawe din ito ng tingin sa akin.
Nang mapansin kong tumatagal na ang pag-uusap nila ay tinawag ko na si Elaine.
"Elaine! Halika na mag almusal ka na din,"
tawag ko dito sa di kalayuan sa hapag kainan.
Mabilis naman nagpaalam si Elaine kay Leo at umupo ito sa tabi ko. Sandali ko pa pinukol ng tingin si Leo habang papalapit ito sa halaman na nasa loob ng mansyon. Doon muli ibinaling na ang tingin ko sa hapag kainan, narinig ko pa inalok ni Elaine si Leo na kumain.
"Kuya Leo! Kain po tayo," alok na sabi rito ni Elaine, agad naman sumagot si Leo.
"Sige lang po Senyorita.
Tapos na po ako," tugon ni Leo. Doon pinagpatuloy na nito ang pag spray sa halamang nasa loob ng mansyon.
Nang matapos ako mag almusal ay agad na ako tumayo. Kinuha ang camera na naroon sa mesa at dahan-dahan lumapit kay Leo habang hawak nito ang spray.
Nasa halaman ang tingin nito at nalipat sa gawi ko habang papalapit ako sa kaniya. Nakita ko ang paglunok nito nang makalapit ako sa harap niya.
"Leo, puwede ba kita kuhanan ng mas marami pa na litrato," mahinang saad ko kay Leo habang bakas sa mukha niya ang pag- aalinlangan.
Matagal ito bago nakasagot.
"Nakakahiya naman po sa inyo Senyorita,"
nakangiting turan nito.
"No! 'Wag kang mahiya.
Susubukan ko kuhanan ka ng litrato and then is-submit ko ito. Gusto ko sana kunin kita bilang modelo ko, okay lang ba sayo?"
tanong ko sa kaniya.
" Pero Senyorita, hindi po ako marunong sa pagiging modelo. Wala po akong alam diyan," tugon nito at sabay kamot nito mula sa kaniyang buhok.
"Wag ka mag alala, ako ang bahala sayo tuturuan kita," saad ko dito.
" Kayo po ang bahala," tipid niyang turan.
"So, let's start," Masayang Baling ko rito.
Hanggang sa naibaling na nito sa mosquito spray na hawak-hawak ang atensyon nito. Kaya naman muli akong nag salita rito.
" Huminto ka muna diyan sa ginagawa mo. Sumama ka muna sa akin. Ako na ang bahala magpaliwanag kay Dad, " saad ko dito.
"Sige po itatabi ko muna ito,"
tugon nito.
"So, tara na! Hihintayin kita sa hardin doon ang place natin," sabi ko dito.
Maya-maya lang ay nakita kong lumabas na si Leo at lumapit sa akin agad ako nagsalita.
"Okay, ganito Leo. Tuturuan kita kung paano ang mga gagawin mo," saad ko.