Nagpakita ako ng tamang pagtayo at porma sa harap niya habang mataman lang itong pinapanood ako.
Nagsimula na din kami ni Leo, tumayo ito malapit sa mga halaman agad ko naman hinubad ang suot nitong t-shirt at tuloy-tuloy ako sa pagkuha ng litrato dito. Maya-maya lang naisip ko lumipat ng Venue, doon maagap ko itong hinatak ang mga kamay nito patungo paakyat sa kwarto ko. Pinahiga ko ito sa kama ko at akmang magsisimula na sana ako sa muling pagkuha ng litrato nito ngunit natigilan ako. Nakatitig ito mula sa gawi ko kaya nagsalita ako.
"Leo, puwede ngumiti ka.
At paki baba ng konti ang suot mong pants," saad ko dito na tila ikinabigla nito.
Ngunit hindi pa rin niya ako sinusunod na tila naiilang ito sa'kin. Kaya naman nag prisinta ako na ako na lamang ang nagbaba ng kaunti sa pants na suot nito ngunit mabilis nito pinigilan ang mga kamay ko at nagsalita.
"Senyorita,iba na lang siguro ang kunin ninyong modelo," saad nito.
"Hindi po talaga ako marunong, " dugtong pa nito.
"Ibaba lang naman ng kaunti ang pants mo, para naman seksi kung tingnan sa litrato. Hindi ka naman huhubaran,"
madiin kong turan sa kaniya.
Nakita ko sa reaksyon niya na hindi talaga s'ya nasisiyahan sa ginagawa namin.
Kaya naman itinigil ko muna ang pagkuha ng litrato sa kaniya. Alam ko na naiilang na s'ya sa akin kaya naman may naisip akong paraan para mapalapit ang loob nito sa akin at sa susunod na kukuhanan ko s'ya ng litrato ay siguradong hindi na ito maiilang sa akin. Agad ko itinigil ang ginagawa ko at ipinatong sa mesa ang hawak kong camera, doon muli ako lumapit kay Leo.
"May gagawin ako.
Tulungan mo na lang ako," turan ko na lamang dito.
"Sige po Senyorita, ano po ang maitutulong ko?" tanong niya.
Doon ay napaisip ako,Ano nga ba? tanong ko sa isipan ko.
Nang mayroon akong maisip agad ako nagsalita. " Tulungan mo ako, lilinisin ko ang dating bodega ko, " agad na saad ko rito. Doon isinama ko ito sa bodega kung saan nandoon ang lahat ng mga gamit na matagal ng nakatago.
Andun lahat ng files ko at mga iba ko pang gamit noong nagsimula ako sa pagiging photographer. Agad kami ni Leo nagtungo sa apat na palapag. Nang makapasok kami magkasabay kami umubo dahil puro alikabok ang buong lumang kwarto. Nang makapasok kami sa loob ni Leo agad sinara ni Leo ang pinto. Kaya naman natigilan ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Patakbo ako sinubukan pigilan ang pagsara ng pinto. Ngunit nahuli na ako dahil sumara na ang agad ang pinto, sinubukan kong muli buksan ang pintong nakasara ngunit hindi na ito mabuksan . Binigyan ko itong ng isang malakas na hampas sa pinto agad naman nagtanong si Leo sa akin.
"Bakit? Senyorita" tanong niya.
"Bakit?!" ulit ko saad sa naging tanong niya.
" Sira 'yang doorknob na' yan Leo!
Nalock tayo!" dugtong ko pa.
Doon agad kong nasapo ko ang noo ko.
Kung alam ko lang magkakaganito ay dapat hindi ko na naisip pang gawin ito, saad ko mula sa isipan ko. Agad kong kalampag sa pinto upang mayroong taong makarinig at magbukas. Ngunit mukhang wala talaga magbubukas nito ngayon dahil halos ang lahat ay nasa unang palapag ng mansyon. Habang si Leo naman ay nakatingin lamang sa akin, nang mapansin ko ito agad ako nagsalita.
"Ano ang tinatayotayo mo pa diyan?! Tulungan mo kaya ako,"mataray kong saad sa kaniya.
Doon ay nagising ito mula sa pagkatulala at mabilis din kinalampag ang pinto. Ilan oras na kami nagka-katok pero wala pa rin ang nagbubukas ng pinto. Basang-basa na din ako ng pawis dahil sa sobrang init, habang ganun din si Leo ay basang-basa na din ito ng pawis.
Maya-maya ay tumigil na ako sa pagkalampag ng pinto at nakaupo na lamang sa sahig. Mahina napa sabunot ako sa buhok ko paano kami makakalabas dito nasa apat na palapag kami sa dating kong kwarto. Sino ang aakyat dito ganoong ang mga katulong sa mansyon ay hindi naman madalas umaakyat sa apat na palapag. Buwanan ang mga ito kung linisin ang pasilyo na mayroong apat na palapag. Napabuntong hininga ako nang balingan ko ng tingin si Leo, habang sumisigaw at ngayon kinakalampag pa rin ang pinto.
"Leo! " tawag ko dito agad naman lumingon ito sa akin.
"Maupo ka na dito. Wala naman makakarinig sa atin kahit mag sisigaw tayo dito," saad ko.
Sumunod ito naupo din ito sa kabilang pwesto. Habang mataman ko itong tinititigan ito naman ay sa ibang gawi nakabaling ang tingin, bumaba ang tingin ko sa suot niyang t- shirt na basa na din ng pawis at ako naman ay ganun din.
Nakita ko pa itong tumayo at mayroong bagay na hinahanap.
"Anong hinahanap mo?" tanong ko.
"Pamaypay, " tipid nitong sagot.
Nang may nakitang isang punit na maliit na papel ng karton. Sinubok niya itong ipaypay sa sarili n'ya at agad na inabot niya sa akin. Tinanggap ko naman ito at nagpapaypay.
"Ang init sobra,"
saad ko habang si Leo naman ay nakaupo lang habang nililibot ang mga mata sa kabuuan ng bodega.
Nang biglang mabaling ang tingin nito sa isang maliit na bintana na nagsisilbing liwanag ng bodega ng kwarto. Ilang oras pa ang nakalipas, ilan beses na din kaming sumubok mag sisigaw para mayroon makarinig sa amin upang may mag bukas ng pinto ngunit wala pa rin nagbubukas. Lumipas na din ang ilang oras na nakakulong kami sa loob ng bodega.
Tinitigan ko si Leo habang nakayuko ito at sa iba nakatingin doon naisipan ko kausapin ito. "Leo, nakapagtapos ka ba ng pag-aaral?," tanong ko dito.
"Hindi, Senyorita," sagot n'ya.
"Bakit hindi ka mag-aral ulit?,"
tanong ko ulit.
Ngumiti ito sa akin at sumagot.
"Hindi po kaya ni inang pag-aralin ako.Mas gusto ko na lang din tumulong sa bukid," tugon ni Leo.
Nakaramdam ako ng awa dito agad ako nag salita. "Wag kang mag alala kapag na ipasa ko ang mga litrato mo tiyak na may kukuha pa sayo para maging modelo.
Pero syempre 'wag mo ako kalimutan ha. Always remember me, ako ang photographer mo," mahaba kong saad sa kaniya agad naman ito sumagot.
"Wala naman po akong alam sa mga ganyan Senyorita. Hindi din po bagay sa akin ang maging modelo isang simpleng magbubukid lamang po ako Senyorita," mahabang sagot nito sa akin.