"Ano ang sinasabi mo na hindi bagay sayo, ang ganda-ganda kaya ng katawan mo bagay pa sayo ang kulay mo at kaunting ayos lang ang kailangan mo Leo trust me,sinasabi ko sayo walang advertising ang makatatanggi sayo, "mahabang wika nito.
Ngumiti ito sa akin doon ay nakita ko ang maputing ipin nito, napansin ko rin ang mamula mula nitong labi. Kaya naman mabilis ko inalis ang paningin ko sa kaniya at sa iba na lamang ibinaling.
Kinuha ko ang isang makapal na album. Doon isa-isa ko pinakita sa kaniya ang mga naging modelo ko noon. Isa-isa ko din binuklat pati na ang photos ko noong makakuha ako ng award, ngunit natigilan ako nang magsalita ito.
"Senyorita, bakit hindi ikaw ang maging modelo? Maganda din naman ang hubog ng katawan mo at maganda ka din,"
mahabang saad ni Leo.
Mahina akong natawa sa naging tanong nito sa akin.
"Photographer ang gusto ko hindi ang maging modelo, " nakangiting turan ko rito.
Maya-maya lang ay inaabot ko kay Leo
ang album para s'ya na lamang ang tumingin dahil nakakaramdam na ako ng antok. Sumandal ako sa dingding at pinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan ako nakatulog.
Nang magising ako ay naramdaman ko ang malambot na bagay mula sa uluhan ko. Mabilis ko minulat ang mata ko
at laking gulat ko nang wala akong makita na kahit ano. Madilim ang buong paligid kaya't napabalikwas ako ng bangon na ngayo'y nakahiga na pala ako.
"Leo!" tawag ko sa pangalan ni Leo.
Habang hinahanap ito gamit ang mga kamay ko,doon ay narinig ang pag sagot niya.
"Senyorita napundi na po pala ang ilaw dito,"tugon ni Leo na tanto ko ay nasa tabi ko lang base sa lapit ng boses.
Napagtanto ko din na sa mga hita niya pala ang ulo ko nahiga kanina. Bumangon ako at isinandal ang ulo ko sa dingding madilim ang buong kwarto dahil siguro ay gabi na. Wala akong makita at sobrang dilim, kinapa ko muli si Leo at hinawakan ko ang bandang mukha niya.
"Senyorita,bakit?" tanong niya.
"Wala, baka kasi wala ka sa tabi ko eh, "
sagot ko.
Madilim pa naman dito natatakot baka may multo dito, "nakakatawang dugtong na sabi ko kay kay Leo. Doon narinig ko ang mahinang pagtawa ni Leo sa naging saad ko at sumagot.
"Wala po mga multo dito,Senyorita. Malalaking daga po meron, "natatawang turan nito sa akin.
"Ha! Ma.. .may daga dito?!"natataranta na sigaw ko natanong.
Nang bigla akong makarinig ng kaluskos malapit sa gawi ko doon ay isang malakas na tili ang iginawad ko. Takot na takot ako habang kinakapa ng kamay ko ang gawi ni Leo at nang mahawakan ko ito. Doon ay siniksik ko ang ulo ko sa mga leeg niya hanggang sa narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.
"Senyorita,saan ka ba takot? Sa multo,o sa daga?"tanong nito habang may bakas ng pag tawa.
"Pareho!"gulat na sigaw ko nang biglang may mag takbuhan na daga sa gilid ko. Doon ay mabilis akong nakakandong sa ibabaw ni Leo at yumakap rito.
Habang nakaupo itong si Leo naramdaman ko ang isang kamay niya h naka-alalay sa likuran ko . Sandali kami nag katahimikan habang nasa kandungan ako nito at abala sa pagka-kayakap sa rito.
"Senyorita, "mahinang tawag sa akin.
Doon ay mas lalo ko hinigpitan ang yakap sa leeg nito habang kandong nito. Ngunit narinig ko pa rin ang maingay na mga daga dahilan para hindi ako mapakali at hindi makabitaw kay Leo.
"Leo! Paalisin mo sila!"dali-dali kong wika kay Leo.
"Wala silang pupuntahan kapag pina alis natin sila. Nalock din sila dito kaya't tayo dapat ang umalis dito Senyorita ,"
sagot ni Leo.
Maya-maya lang ay mayroon akong nararamdaman dumikit na isang bagay na gumagalaw sa mga paa ko at lalo ako napa yakap ng mahigpit kay Leo.
"Leo!"nag sisigaw kong sambit sa pangalan niya.
Hanggang sa nagulat ako nang maramdaman kong nakalapat na pala ang mga labi ko sa bandang ilong niya. Sandali ako natigilan at pilit inaaninag m sa dilim ang kaniyang mukha.
Nang bigla naramdaman ko ang pagdampi niya sa labi ko. Doon ay mabilis ko siya tinulak at bahagyang lumayo sa kaniya. Ngunit nang may bigla ako mahawakan na isang dagang malaki at sa sobrang gulat ko ay agad ako bumalik sa kandungan ni Leo.Dahil sa taranta at nerbyos ko na iyon nag kauntugan ang mga noo namin ni Leo, dahilan para napadaing ako ng malakas.
"Ano ka ba,Leo! Ang sakit!"agad na daing ko.
"Sorry Senyorita, hindi ko sinasadya,"
maagap nitong sagot.
Doon ay napaisip ako alin ba doon ang hindi niya sinasadya? Maya-maya lang narinig ko ang alingawngaw ng mga daga na tila nagkagulo habang nasa tabi ko si Leo. Doon ay mahigpit akong kumapit sa braso nito at pabulong na nagsalita.
"Leo, palit tayo ng pwesto. D'yan ako dito ka sa pwesto ko," saad ko at sumang- ayon naman ito at nakipag palit ito ng pwesto sa akin.
Sandali nanahimik ang mga daga habang kami ni Leo ay nakikiramdam sa mga susunod na magaganap. Tahimik kaming nakasandal sa dingding nang magsalita ako.
"Bukas Leo,paki ayos ang doorknob na ito, ha. Hindi pwedeng ganito, pag mayroong pumasok dito makukulong din gaya natin," mahinang pabulong ko na saad.
Ngunit biglang tumunog ang tiyan ko at napapikit ng mariin nang maramdaman ang gutom.
"Gutom ka na ba,Senyorita?" tanong nito sa akin.
"Hindi ba halata,Leo! Aba,syempre kaninang umaga pa tayo nandito. Walang lunch ,walang dinner,my god Leo,"sunod-sunod ko na turan dito.
Nang biglang ibaling ko sa kaniya ang mga mata at doon unti-unti ko na siyang nakikita sa tagal na nakamulat ang mata ko sa dilim.
"Ikaw? Gutom ka na din sigurado ?"
"Ayos lang ako, Senyorita," sagot nito.
Nang bigla nag isip ako ng isang bagay na itanong sa kaniya.
" May girlfriend ka na ba?" tanong ko dito.
Matagal ito bago nakasagot sa akin.
"Oy! Tinatanong kita," untag ko dito.
"Wala, Senyorita," mahinang sagot nito.
Kaya pala matagal sumagot dahil
walang girlfriend, saad ko sa isipan ko.
Maya-maya ay ito naman ang nagtanong sa akin.
"Bakit ikaw Senyorita?" balik nitong tanong sa akin.
"Marami,marami akong boyfriend," sagot ko.
Napansin ko na napatitig ito sa akin mula sa dilim, kaya naman binalingan ko ito nagsalita.
"I mean marami, marami ako na lalaking kaibigan. Mga boyfriends, lalaking kaibigan, " turan ko at mahina natawa dahil sa naging reaksyon niya.
Ngunit tahimik pa din ito nang balingan ko at hindi na muli nagsalita pa. Si Leo ang tingin ko tipo ng lalaki na. He's not the type of man being first attracted to a girl, unless the woman like him.Nakikita ko sa mga kilos niya hindi mo siyang matatawag na torpe, pero sa tingin ko ay kaya naman niya ipakitang gusto niya ang isang babae.
Bakit ko ba naiisip ang mga ito saad ko sa isipan ko, kaya't tinapik ko ang pisngi ko. Every woman likes a bad guy, maangas na lalaki at pervert,but this guy like Leo. I'm so speechless,it's so damn gentlemen and a humble guy. And I think he never hurt you once he's yours.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok. Sumandal ako sa balikat nito at nag umpisa na pumikit. Naramdaman ko naman na inayos niya ang pagkakasandal ko sa balikat niya.
Ilan oras lang nakatulog ako sa balikat niya. I'm so very comfortable with him,hindi ako nag aalala sa kaniya. Kampante ako na kasama siya. Hindi ako nag iisip ng kung ano-ano sa kaniya. He's not the type of a guy na iilagan ko na makasama lalo na sa ganitong sitwasyon.
Nagmulat ako ng mata at doon bumungad sa akin ang malapad na dibdib ni Leo. Nakasandal ito sa ding-ding kaya naman nag angat ako ng ulo upang matitigan ko siya ng maigi habang natutulog.Doon ay sandali napangiti ako, ang cute niya habang natutulog. Ang amo-amo ng mukha niya, saad ko sa isipan ko habang minamasdan ito. Ngunit nagising ito at doon nag tama ang mga mata namin at mabilis ako nag alis dito ng tingin.
"Leo, kailangan na natin makalabas dito,"
mahinang saad ko.
Doon nagsimula na akong tumayo at nagtungo sa pinto at ganoon din naman ito, tumayo ito at nagtungo din sa gawi ng pinto.
Kinalampag namin ito pareho ngunit
wala pa din ang nakakapansin sa amin.
Nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan
dahil sa nalipasan na ako ng gutom.
Kaya naman sandali ako tumigil at humawak sa tiyan ko.Bumalik ako pwesto namin kanina at naupo nang biglang magsalita si Leo.
"Senyorita, ayos lang po ba kayo?" nag aalala na tanong niya.
"Leo, masakit na ang tiyan ko. Gutom na gutom na ako kahapon pa ng umaga ang huli kong kain," sagot ko kay Leo.
Maya-maya ay mabilis itong umalis sa harap ko at nagsimula maghalughog ng lahat ng gamit sa loob ng bodega.
Pinagmamasdan ko ito na tila ba meron itong hinahanap at nang tila hindi niya nakita ang bagay na hinahanap niya. Nakita kong bumaling ito ng tingin mula sa pinto, dahan-dahan ito lumapit sa gawi ng pinto doon napaigtad ako sa gulat nang bigla niya malakas tadyakan.Ilang-oras niya tinadyakan ang pinto at na patakip na lamang ako ng magkabila ko na kamay mula sa tenga ko dulot na malakas na ingay.
Hindi n'ya tinigilan kakatadyak ang pinto.
Napansin ko din ang pawis niya sa dibdib at mukha maging sa likuran niya. Sandali ito huminto at nilapat ang dalawang palad niya sa pinto na tila ba na pagod ito sa ginawa niya at hinihingal. Alam kong hindi niya masisira na basta na lamang ang pinto dahil matibay iyon, unless kung gumamit siya ng ibang bagay na nakakasira dito.
Maya-maya ay tumabi na ito sa akin at umupo habang hingal na hingal. Nang meron bagay na pumasok sa isipan ko. Isang bagay na hindi ko alam kung bakit ko ginawa,mabilis ko hinalikan si Leo. Naramdaman kong natigilan ito at napahawak mula sa kabila ko na pisngi.