Chapter 3.4
"Opo. Magka-lapit bahay po kasi kami. Pogi po kasi siya kaya dinambahan ko agad, maaga po kasi kaming kumarengkeng kaya sa edad na 17 ay may anak na po kami" paliwanag ko sa kaniya at inubos ang hotdog na ibinigay sa akin ni Tyron kanina.
"Talaga? Nakuuu! Buti ay pinayagan kayo ng mga magulang niyo?" Pagtatanong pa nito at inabutan ako ng isang hotdog kaya kinuha ko naman.
"Wala na po kasi kaming mga magulang. Wala din po tuloy gagabay sa amin" pag-acting ko. Tumingin pa ako sa baba at kunwaring nag punas ng luha.
"Talaga ba? Kung ganon ay kawawa naman pala kayo. Paano ang pang-araw-araw niyo niyan?" Bigla itong nalungkot.
"Opo eh. Kaya araw-gabi po tuloy kaming nagkadyotan at nabuo ang anak namin. Sa ngayon nga po ay buntis akong muli" humawak ako sa tiyan ko bago kumagat sa hotdog na isinawsaw ko sa sauce. "Ang asawa ko naman po ay naghahanap ng kung ano-anong trabaho. Minsan sa babuyan, minsan welding, minsan sa construction site" sagot ko sa tanong niya.
"Hala totoo?!" Gulat nitong sabi. Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ang tiyan ko. "Jusko po! Bakit niyo sinundan agad eh bata pa lang kayo and ganon pala ang trabaho niya?! Akala ko pa naman din ay mayaman ang asawa mo dahil mukha siyang hindi Pinoy" mukhang na stress siya dahil sa sinabi ko kaya pinigilan kong huwag matawa.
"Masarap po kasi ako kaya hindi mapigilan ng asawa ko na araw-arawin ako. Hindi naman po namin alam na mabubutas iyang condom na suot niya kasi malaki po tite niya kaya ayan po, nasundan agad" paliwanag ko at tuloyan na nga siyang na-stress.
"Jusko po! Paano na kayo niyan?!" Naglakad-lakad ito pabalik-balik sa harap ko habang ako naman ay chill lang na kumakain ng hotdog.
"Hindi ko nga din po alam eh" sagot ko at yumuko para isawsaw sa sauce ang hotdog na hawak ko.
"Our daughter's famished. Let her drink her milk" nagulat ako sa pagsulpot ni Tyron sa tabi ko habang karga pa din ang kapatid kong si Janine.
Nanlalaking mga mata ko habang nakatingin sa hotdog na kinakain ko. Nanlaki pa lalo ang ito ng magsink-in sa akin kung ano ang ibig-sabihin ni Tyron. Narinig niya ang mga pinag-sasabi kong kalukohan sa Ale!!
"Nakuuu, dumidede pa pala ang anak ninyo tapos nasundan niyo agad. Ikaw kasi, mister! Hindi mo dinodouble check ang suot mong condom kung butas ba ito o hindi" paninermon nito.
Lupa! Kainin niyo ako parang-awa niyo na! Kunin niyo ako mula sa kahihiyan!
"I'll be sure to keep that in mind, ma'am. I'll double check it next time. I'll even buy the one in my size even if it's a bit expensive so that it won't be ripped" rinig kong sagot ni Tyron at ramdam ko din ang mga tingin niya sa akin.
Lamunin niyo na ako! Jusko, kunin niyo na po ako! Nakakahiya! Nakakahiya talaga! Narinig niya! Alam niya kung anong pinag-sasabi ko! Huhu!
"Mabuti naman kung ganon, iho" ngumiti ang ale kay Tyron bago inilagay ang tatlong hotdog sa plastic at tig-tatlong stick ng fishball at kikiam. "Oh, ito para sainyo. Para may ipang-ulam kayo mamayang gabi" masayang inabot niya sa akin ang plastic ng pagkain kaya nanlalaking mga mata akong napatingin sa kaniya.
"Nakuuu, huwag na po talaga. Maraming salamat po pero huwag na po" pag tanggi ko dahil puro lang din naman kalukohan ang sinabi ko sa kaniya at nababalot pa din ako ng hiya.
"Huwag ka ng mahiya, ineng. Gusto ko lang din makatulong. Tsaka ang ganda-ganda niyo at ang gwapo-gwapo. Sa susunod lang ay mag-control kayo kahit masarap iyon" tumawa pa siya kaya mas lalo akong nahiya.
"Hindi ko po talaga ito matatanggap eh" nahihiyang sabi ko sa kaniya na nginitian lang niya.
Inabot niya na lang ang plastic ng pagkain sa kapatid ko at nanlaki naman ang mga mata ko ng kunin iyon ng walang hiya kong kapatid. Napa-facepalm nalang tuloy ako. Kagagawan ko lahat ng ito eh.
"Tenchu po!" Pasasalamat ng kapatid ko at ngumiti. Ang cute talaga.
"You're welcome po" masayang sabi ng ale, kinurot pa nito ng marahan ang pisngi ni Janine.
Si Tyron naman ay hindi ko malaman kung ano ang reaction o kung ano man ang iniisip niya sa nangyayari sa ngayon. Tumingin ito sa akin at ngumisi, tumingin naman ako sa ibang deriksyon dahil nahihiya talaga ako.
"Thank you po, ma'am. Mauuna na po kami at bibili pa po ako ng vitamins para sa asawa ko at sa magiging bagong anak namin" gulat na napatingin ako kay Tyron dahil sa sakaniyang sinabi.
Inilagay niya pa ang kamay niya sa tiyan kong bloated sa ngayon kaya para talaga akong buntis, lalo pa at nakasuot pa ako ng dress.
"Segi. Mag-iingat kayo" nakangiting kumaway sa amin ang ale. Tumango naman si Tyron sa kaniya at kumaway ang kapatid kong si Janine.
Nagpatangay naman ako ng hawakan ni Tyron ang pulso ko at naglakad kami paalis. Tulala lang ako sa kawalan dahil sa aking kahihiyan.
Ano na naman ang ginawa ko sa buhay ko?!!!