Chapter 3.3

1316 Words
Chapter 3.3 "Kiss po, ate" sagot nito kaya agad akong napalingon sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. "Anong kiss ka diyan?!" Gulat na tanong ko sa kaniya. "Iyon po, ate" turo niya sa isang tabi kung saan may nagtitinda ng mga chichiria. Napahawak naman ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili ko. Low blood ako pero baka ma high blood ako at atakihin sa puso dahil sa kung ano-anomg lumalabas sa bunganga ng kapatid ko. "Diyan ka lang kay kuya Tyron mo, bibili lang ako sa kabila" paalam ko kay Janine. Si Tyron naman na bumili ng kandila sa matandang mag-asawa ay pumunta sa tabi ni Janine bago ito kinarga kaya nag patuloy na ako sa paglalakad papunta sa tindahan ng chichiria. "Pabili nga po" tawag ko at lumabas ang isang payat na lalake, walang pang-itaas na damit. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki kaya lumabas ang ngipin niyang nanilaw dahil ata sa sigarilyo, wala din siya dalawang ngipin sa gilid na taas. "Anong saiyo, miss beautiful?" Magiliw nitong tanong at nag taas baba pa ng kilay. Pinigilan kong huwag siyang tarayan at mapa-irap kaya bumuntong hininga ako. "Sampong kiss" sagot ko. Mabilis pa sa alaskwatro na lumapit siya sa akin habang may malaking ngiti sa mga labi niyang itim. "Jackpot nga naman oh!" Nagdiriwang nitong sabi na kinataka ko. Tumigil siya sa harap ko kaya napaatras ako. "Ready ka na ba, miss makuha ang iyong sampong kiss?" Excited nitong tanong kaya nalukot ang mukha ko. Sira-ulo! Mali ang pagkakaintindi ng luko. Umatras ako palayo sa kaniya, tumingkayad siya habang nakanguso papalapit sa akin, pumikit pa ito kaya mas lalo akong lumayo habang may nandidiring expression sa mukha. Baliw na ang isang ito? Pinag-gagawa nito sa buhay? Pwede ko ba itong masuntok?! Lumayo na lang ako sa kaniya ng biglang may hotdog na umuusok, may kasama pa itong maliliit na nag babagang uling ang lumapit papunta sa bibig ng lalaking nakanguso. "Hmm sarap, ang lambot naman ng labi mo, amoy hotdog, hindi ka ba nag toothbrush, miss? Pero bakit ang-AHHH! AHHHH! TANGINA ANG INIT!" Nagsisisigaw ang lalake at nag tatatakbo paikot dahil sa napapaso niyang labi. Pumunta ito sa may fountain sa harap ng simbahan at inilublob ang mukha doon. Nanlalaking mga mata naman akong napatingin sa taong may hawak ng hotdog na mainit pa. Si Tyron iyon na masama ang tingin sa lalaking nasa fountain pa din ang mukha. Karga pa din ni Tyron si Janine. "Tss sayang" sabi ni Tyron at binali sa gitna ang hotdog bago ibinigay sa aso ang nasa taas. Kinain naman niya ang tira sa baba habang masama pading nakatingin sa lalake. "Deserve!" Tumawa ang kapatid kong si Janine at pumalakpak pa habang may hawak din hotdog sa kamay. Wala iyong nagbabagang uling at maayos ang pakaluto, ganon din sa ibabang parte ng hotdog ni Tyron, wala iyong nagbabagang uli, kahit doon sa aso ay wala, napunta ata lahat sa bibig noong lalake ang mga uling sa ibabaw ng hotdog ni Tyron kanina. Sakit non, pards. Tumingin sa akin si Tyron, may kung ano sa tingin niya hindi ko malaman kung ano. Hindi ko din kinaya ang mga titig niya kaya tumingin nalang ako sa langit. "Ang ganda naman ng ulap, parang kili-kiling nasunog" nasabi ko na lang habang nakatingin sa ulap. "Tss" rinig kong sabi ni Tyron kaya napatingin ako sa kaniya. Inirapan niya ako kaya napataas ang kilay ko. Problema nito?. "Bibili po ba kayo, miss?" May bagong dating na lalake sa stall ng mga chichiria sa harap namin. "Ah, oo po sana. Kaso..." Sagot ko na hindi ko tinuloy, tumingin lang ako sa lalake na nasa fountain at mura ng mura habang naka-hawak sa bibig niya. Napatingin ako sa lalaking nasa loob ng stall sa harap namin ng magkamot ito sa ulo. "Tsk. Nanggulo na naman ba si Pidong? Nag panggap na naman siyang may-ari nitong tindahan ko, umalis lang ako saglit" sabi nito at umiiling-iling pa. "Pag pasensiyahan niyo na siya, miss. May problema kasi iyon sa pag-iisip" paliwanag nito. "Next time if it's possible, tell him not to do some reckless thing that could harm people" biglang sabi ni Tyron na tumabi sa akin. "Oo, boss. Pag pasensiyahan niyo na. Eh kahit naman pagsabihan ko iyon eh hindi naman makikinig dahil may problema nga sa utak" kamot ulong sagot ng lalake. "That's not a proper reason not to talk it out to him. Even if he's like that, he can still understand it if you talk it out properly to him" pagrarason ni Tyron. Kumamot naman sa mukha ang lalake na parang naiinis bago tumango. Inubos ni Tyron ang hotdog bago itapon sa basurahan ang stick at hinila ako paalis doon. Bumalik kami sa ihawan. Inabot sa kaniya ng ale na nagluluto ang bagong lutong hotdog, isinaw-saw iyon ni Tyron sa sauce bago inabot sa akin. "Thank you" mahina kong pasasalamat sa kaniya bago kinuha ang hotdog sa kamay niya. "Thank you din pala sa kanina" dagdag ko bago hinipan ang hotdog habang nakatingin sa baba. "Nasa baba na ba ako ngayon?" Rinig kong tanong ni Tyron kaya agad akong napatingin sa kaniya. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Ahh, sabi ko thank you, Tyron. Thank you talaga" ngumiti ako ng maliit sa kaniya. "Tss" tanging sagot niya at umirap sa akin. Para talagang bakla. "Nakuuu, anyare ba, ineng kanina?" Tanong ng ale na nagtitinda nitong ihaw-ihaw at iba't ibang street foods. Nilalagayan niya ng oil ang iniihaw na hotdog. "Bibili po sana kasi ako ng kiss" sagot ko sa kaniya. "Ay bakit ka naman kasi sa kaniya bibili ng kiss kung pwede ka naman lang humingi dito sa gwapo mong asawa? Ipagpapalit mo pa talaga doon sa lalaking iyon ang asawa mo at doon ka pa talaga bumili ng kiss? Kung ako asawa nitong asawa mo, eh araw-araw, gabi-gabi, minuminuto akong maghihingi ng halik sa kaniya, hindi lang iyon--gabi-gabi akong makikisiping sa kaniya kahit umaga pa iyan, kahit malaspag pa ako, anytime anywhere" mahabang sabi ni ale na halos hindi na makahinga pagkatapos magsalita dahil wala siyang preno. Nanlalaking mga mata naman akong napatingin sa kaniya dahil gulat na gulat ako sa mga pinag-sasabi niya. Tumingin naman ako kay Tyron na lumayo saamin ng kunti habang hawak ang isang tenga ni Janine. "Ale, hindi naman po kasi literal na kiss ang bibilhin ko doon. Tsaka as you said po, bakit ko naman ipagpapalit doon ang asawa ko diba?" Sinakyan ko na lang siya tutal ay malayo din naman dito si Tyron kaya hindi niya ako maririnig. "Tama tama" pagsang-ayon ng ale kaya napangiti ako. "Iyong kiss po kasi na chichiria ang bibilhin ko kasi gusto ng anak namin kaso na misinterpret po noong lalake" kamot ulong sabi ko. "Ay naku! Adik kasi iyong lalaking iyon! Pagala-gala iyon dito simula noong iwan siya ng girlfrin niya, nabaliw. Hinala ng iba eh nalulong din sa drugs" paliwanag ng Ale habang patuloy sa pagyapyap ng kaniyang pamaypay sa iniihaw na pagkain. "Kawawa naman po pala" malungkot na sabi ko. "Oo nga eh. Oh, siya tama na sa lalaking iyon. Pag-usapan naman natin ikaw" ngumiti ito ng bonggang-bongga sa akin. "Saan mo nakilala si mister?" Lumapit pa ang mukha nito sa akin habang nakangiti ng malaki. "Ahh...ehhh" kumamot ako ng mukha bago napakagat labi at pumikit. Bahala na, mag papanggap na lang talaga akong asawa ni Tyron tutal ay hindi naman niya ako kilala. "Magkababata po kasi kami" sagot ko sa kaniya na kinalawak ng ngiti niya. "Talaga? At may anak agad kayo. Mukha pa kayong bata ah. Ilang taong na ba kayo?" naglagay ito ng tatlong panibagong hotdog sa ihawan. "Opo. Magka-lapit bahay po kasi kami. Pogi po kasi siya kaya dinambahan ko agad, maaga po kasi kaming kumarengkeng kaya sa edad na 17 ay may anak na po kami" paliwanag ko sa kaniya at inubos ang hotdog na ibinigay sa akin ni Tyron kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD