Chapter 3.2
"I didn't know that doorbells can move" pang-aasar niya sa akin na mas lalo kong kinainis. "I didn't know that they are able to grow big and shrink back to its size" dagdag nito at ngumisi pa sa akin.
"Gusto mo na bang mamatay?!" Inis na tanong ko sa kaniya. "Hindi kaya doorbell ang ilong ko! Ang tangos-tangos kaya ng ilong ko! Oo! Mas matangos ang iyo pero matangos din naman ang ilong ko ah?!" Pikon na sigaw ko sa kaniya.
Ngumiti lamang siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at hinarap ng maayos sa kaniya.
"Calm down, okay? We'll talk to Jerome and Jerald later" pagpapakalma ni Tyron sa akin.
Inirapan ko naman siya at pinilit na ikalma ang sarili ko kahit na naiinis pa din ako.
"Alam kong nag-aalala ka lang para sa mga kapatid mo, ineng. Naintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan pero mas mainam na kumalma ka muna" sabi ni lola Maria habang nakangiti sa akin.
Napayuko naman ako at ngumiti ng maliit sa kaniya.
"Sorry po, lola. Hindi lang po kasi ako sanay na ganon sila. Ayaw ko pong maimpluwensiyahan sila ng mga kaibigan nila sa mali" nakayukong sabi ko.
Lumapit naman sa akin si lola Maria, binigyan niya ako ng mainit na yakap na nakapag-pagaan ng loob ko. Niyakap ko siya pabalik habang nakangiti.
"Ako din po, yakap!" Nakangiting lumapit sa amin ang kapatid kong si Janine at dumamba ng yakap.
Natawa naman kami ni lola Maria at niyakap siya.
"Kuya Tyronnnnn! Sali ka po! Group hug!" Anyaya ni Janine kay Tyron na nakatayo lang sa tabi at pinagmamasdan kami habang ang kamay ay nasa loob ng shorts.
Ngumiti naman siya bago lumapit sa amin. He really can't say no to my little sis, spoiled kay Tyron tss. Napanguso ako dahil doon, kurotin ko kaya sa singit ang kapatid ko?.
Sumali sa yakap namin si Tyron, dahil sa laki niya nayakap niya kaming lahat, lalong-lalo na ako dahil sa tabi ko siya pumwesto, tinulak kasi siya ni lola Maria noong balak niyang tumabi sa gitna ni lola Maria at Janine.
Nagawa niya padin yakapin kaming lahat ng walang kahirap-hirap dahil pareho lang namin kaming maliit ni lola Maria, 4'11 lang kami, lalo naman ang kapatid kong si Janine nasa 4 din ito pero mas mababa kaya madali lang para kay Tyron na mayakap kaming lahat sa laki ba naman niyang tao.
Hindi ko na inalintana ang bilis ng kabog ng puso ko. Oh, how I wish that he won't be able to hear them, hindi ko kakayanin kapag nalaman niya na sobrang bilis ng pintig ko ng dahil lang sa kaniya.
Hinalikan ni Tyron si lola Maria sa noo niya na kinangiti ni lola, sunod ay si Janine na tumawa, pagkatapos non ay tumingin siya sa akin. Hahalikan niya din ba ako sa noo? Nang dahil sa tanong ko sa sarili ay mas lalong lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Ito na ba iyon? Hahalikan niya na ba ako? Sa noo? Bakit sa noo? Ay dapat ba sa labi?
Hindi ako mapakali. Hindi ko din kinayang makipagtitigan pa sa kaniya dahil baka mabasa niya mula sa mga mata ko kung ano ang iniisip ko kaya tumingin ako sa baba. Kung hahalikan niya man ako ay g lang ako. Pipikit pa ako para feels.
Hinintay ko ang labi niya pero ang natanggap ko ay isang mahinang pitik sa noo. Gulat na napatingin ako sa kaniya habang may masamang tingin sa kaniya.
"Bakit mo ako pinitik sa noo?!" Inis na tanong ko sa kaniya habang hinihimas ang noo ko.
Mahina lang naman iyon pero kahit na, my precious airport.
Kainis. Halika ang gusto kong matanggap tapos ang nakuha ko pitik sa noo? Daya lang?.
"Sila may kiss, ako wala?" Napanguso ako at napa-irap sa kawalan.
Huli na ng mapagtanto ko na naibulalas ko pala iyon ng malakas. Akala ko ay sa isip ko lang iyon. Nagpanggap na lang ako na parang wala lang ang sinabi ko at patuloy na tumingin sa kawalan. Hindi ko kasi sila kayang tignan kung ano man ang reaction nila, lalong-lalo na ni Tyron.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Lola Maria at ang gigil na tawa ni Janine pero hindi ko pa din sila kayang tignan.
"Apo, kiss daw oh. Nag seselos na asawa mo" humalakhak si Lola Maria.
Doon nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola Maria at agad akong napatingin kay Lola habang nanlalaki ang mga mata ko. What did just lola said??!!!!. Hindi ko din naman maiwasang mapatingin kay Tyron na nasa tabi ko, seryoso siyang nakatingin sa akin bago muli akong marahang pinitik sa noo kaya napanguso ako ulit habang hinihimas iyon.
"Ang daya talaga"
Humalagpak naman sa tawa si lola Maria. And for the second time, nasabi ko na naman ang dapat sa isip ko lang.
Tulala pa din ako hanggang ngayon dahil sa nasabi ko kanina. Hindi ko padin kayang tignan si Tyron kahit nasa tabi ko lamang siya dahil nahihiya ako, feeling ko namumula ang buong mukha ko dahil nag-iinit ito. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga palad ko kahit na may napaka-laki naman na ceiling fan.
Nasa loob kasi kami ng church sa Centro, maganda at magarbo ang simbahang ito. Nag p-preach naman ang pari kaya sinubukan ko na lang makinig kahit halos mabingi ako sa napakalakas pading pintig ng puso ko.
Kinalma ko ang aking sarili at pilit na mag focus na lang sa pagsimba. Nakasanayan ka kasi namin ni Tyron ang Sunday mass, dati nga ay palagi pa naming kasama si lola Maria ngunit ngayon na may katandaan na ay hindi na niya kaya pang magbyahe ng malayo kaya hindi na siya nakakasama sa amin. Kami na lang tuloy ni Tyron ang palaging magkasama sa pagsimba tuwing linggo, nakakasawa na siyang kasama, charot.
Minsan naman kapag may extra kaming pera ay kasama namin ang isa sa mga kapatid ko at ngayon ay kasama namin si Janine na nasa gitna namin. Binigyan din kasi kami ni lola ng pera kahit na tumanggi kami, pero mapilit si lola. Dito na din kami sa Centro na piling mag simba dahil bibili si Tyron ng gamot at vitamins ni lola habang ako naman ay pupunta kay mama para manghingi ng pambaon nila Janine bukas.
"Kiss be with you daw po, ate" nagising ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ng kapatid kong si Janine.
"Ha? Kiss" Takang tanong ko sa kaniya.
"Opo. Kiss be with you daw po sabi ni Father, ate. May iba din pong mag-asawa na nagk-kiss. Bakit hindi po kayo ni kuya Tyron nag k-kiss?" Puno ng pagtatakang tanong ng kapatid ko habang nililibot niya ang tingin sa loob ng simbahan.
Lalong nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Hindi pa nga ako nakaka move-on sa nagawa ko kanina, nabanggit na naman ang kiss na word.
"A-ahh kasi, Janine hindi naman sabi ni Father kiss be with you. Peace be with you iyon" pagtatama ko sa kapatid ko.
Tumingin naman siya sa akin habang nakataas ang kilay.
"Eh, bakit po sila nagki-kiss nga?" Pangungulit niya.
"Ah, para sa peace?" Hindi siguardong tanong ko at kumamot sa mukha ko. "Tsaka mag-asawa naman sila or magkasintahan kaya ganon" dugtong ko pa.
"Eh, diba po mag-asawa kayo ni kuya Tyron? Bakit hindi po kayo nag-kikiss?" Nanlaki lalo ang mga mata ko dahil sa pinipilit ng kapatid ko. Namumula tuloy ako lalo.
"Hindi naman kami mag-asawa ni kuya mo Tyron, okay? Kaya bakit kami mag-kikiss?" Paliwanag ko sa kapatid ko.
"Wehh? Hindi po kayo mag-asawa? Eh, bakit lagi po kayo magkasama?" Hindi naniniwalang tanong ng kapatid ko kaya napabuntong hininga ako.
Napatingin naman ako kay Tyron na nakatutok sa pag-simba pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kaniyang tenga. Alam ko namang naririnig niya kami, hindi lang siya nakikisali.
Tinikwil ko siya sa braso habang nakanguso.
"Hoy, tulungan mo naman ako mag paliwanag sa kapatid ko oh" pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Harap ka kay Janine, kuha ka bombilya, lagay mo sa sarili mo tapos isaksak mo. And then, boom! Nag paliwanag ka na" walang buhay na sagot ni Tyron habang nakatingin sa pari.
Nag-usok naman ang ilong ko dahil sa sagot niya. Kung wala lang kami sa simbahan ay nasuntok ko na ang taong ito. Langya, ayaw lamang akong tulungan.
"Haha, funny" sarkastiko ko nalang na sabi bago siya inirapan.
Tinignan ko naman si Janine na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tyron.
"LQ po kayo, ate?" Takang tanong nito kaya nag salubong ang mga kilay ko.
"Saan ka naman niyan natututong mga salita na iyan?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Kay Totoy po" sagot niya na lalong nag pakunot ng noo ko.
"Sinong Totoy?" Taas kilay na tanong ko.
"Kaibigan ko po" napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sumasakit ito.
Mukhang puro kalukohan ang dala ng Totoy na iyon sa kapatid ko kung sino man siya. Nai-stress ang beauty ko. Lord, tabangggg.
Pagkatapos ng Sunday mass ay tumigil muna kami sa tabi ng simbahan kung saan may nagtitindang ihaw-ihaw at mga pritong street foods. Nagutom kasi si Janine at siyempre ako, kaya bibili muna kami saglit ng makakain bago pumunta sa iba pa naming dapat puntahan.
"Anong gusto mo, Janine?" Tanong ko sa kapatid ko habang tinitignan ang iba't ibang pagkaing nakaharap sa amin.
"Kiss po, ate" sagot nito kaya agad akong napalingon sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.
"Anong kiss ka diyan?!" Gulat na tanong ko sa kaniya.