Chapter 2.1
Napahawak na lang ako sa sintido ko at pilit kinakalma sa sarili kaya kumaldag ako para mawala ang stress ko.
"Te, ginagawa mo?" Nagtataka at nang didiring tanong niya sa akin.
"Ini-stress mo kasi ang beauty ko, bawal iyon sa aming magaganda. Baka matulad kami sainyo. And BTW, The English word of utang is credit and that is not allowed in here. You buy things you need, you pay with cash, if you don't have cash, use g-cash. English iyon, hindi mo kayaaaa" maarte kong sabi at ginaya ang tone ni Toni Gonzaga sa kaniyang mga palabas.
OA siyang napahawak sa kaniyang dibdib at unti-unting umatras palabas ng store habang nakatingin sa akin. Umaacting pa itong umiiyak nang walang tunog habang nakanganga, para siyang si Meme Vice talaga.
"Tandaan mo ito! Hindi pa tayo tapos! Mag-babayad ka! Ahhhhh!" Sigaw nito hanggang makatapat sa pinto.
"Sabing wala nga akong pera eh" napa-irap na lang ako, wala din naman akong utang sa kaniya kaya bakit ako mag babayad?
May humawak sa kaniya sa pulso at hinila na palabas sa pinto ng convince store, nag sisisigaw naman siya kaya napa-silip ako sa pinto. Hawak na siya ngayon ng mga nurse ng isang mental hospital.
"Literal na baliw nga" napahilot ako sa aking noo.
Nakaka-stress naman ang mga nangyayari ngayong araw. Wala na bang mas ikaka-stress ito, papa God? Haha joke lang po, baka hindi ko kayanin.
Baka matulad pa ako kay Bakikang, hindi ko inaakala na totoo pala ang kalagayan niya, akala ko humor niya lang.
Alam kong hindi naman siya baliw, siguro ay may pinag-daanan siyang hindi niya kinaya kaya ganon ang nangyari sa kaniya, sana naman ay mabigyan siya ng tulong na kailangan niya sa mental hospital para maka-balik siya sa maayos na buhay. Hindi ko man siya lubosang kilala dahil napunta lang naman siya dito para awayin ako, hinihiling ko na lang na makalaya siya sa kung ano man ang pinag-daraanan niya dahil hindi biro kung ano man iyon na naging bunga kung ano man ang kinahantongan niya sa ngayon.
Our mental health is not a joke. Kaya mabuti na lang talaga kahit dati ay gusto na ring sumuko in life ay hindi ko ginawa, bukod sa hindi ko kaya, wala akong pambili ng zonrox.
Lumipas ang oras na wala nang kabaliwan na nangyari at ipinagpapasalamat ko iyon sa Diyos dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung may kabaliwan na namang mangyayari ngayong araw. Kakasimula pa lang ng araw ko eh ubos-ubos na agad ang battery ko.
Kumain na lang ako ng kamoteng ibinigay sa akin ni Tyron na hindi namin naubos kagabi, ito ang ibinaon ko para sa lunch ko. Nasa gitna ako ng pagkakain sa counter ng bumukas ang pinto ng store. Pumasok ang kaibigan kong si Blaire na masayang lumapit sa counter.
"Hi, Queen! Kumusta na?!" Energetic nitong bungad.
Tinapos ko muna ang pag nguya bago ako ngumiti at kumaway sa kaniya.
"Okay lang naman! Ikaw?!" Balik ko sa kaniya at muling kumagat sa kamote. Sarap.
"Nag-apply ako ng trabaho kanina!" Masayang sabi niya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.
Pumunta siya sa shelf ng mga chichiria at kumuha ng patata at rinbee.
"Talaga?! Kumusta?! Nakuha ka ba?" Excited na tanong ko.
Katulad ko din kasi na mahirap sa buhay si Blaire pero kahit papaano ay may dalawa siyang magulang na nagtutulongan para mabuhay sila. Mabuti nga rin at naisipan niyang mag-apply ng trabaho eh.
"Tinanong nila ako kung willing to start na daw ba ako" sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.
"Wow! Ang galing naman tanggap ka agad?! Anong sabi mo sa kanila?" Sumubo akong muli ng kamote.
"Sabi ko tatawagan ko na lang sila" nawala ang ngiti ko dahil sa sagot niya.
"Baliw ka ba?!" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman" sagot niya habang nag lalakad papalapit sa counter. "Pero bago pa lang kasi ang nails ko eh, kakalagay lang ng crush ko nito sa mga kuko ko" napa-facepalm ako sa dinugtong niya. Pinaghahalikan niya pa ang mga kuko niyang May nail polish na blue.
"Ano namang connection niyang kuko mo sa trabaho pinag-applyan mo aber?" Taas kilay na tanong ko. Aba, sayang iyon eh. May trabaho na tapos papalampasin pa.
"Labandera" sagot niya bago ilapag sa counter ang mga junk foods na napili niya.
Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sagot niya.
"Aba naman, Blaire! Sayang iyong trabaho! Iyang kulay ng kuko mo, kukupas din iyan pero iyong magkaroon ng trabaho, minsan lang iyon. Hala siya paka-bayad mo rito umalis ka na at pumunta sa trabaho, pwede mo naman iyan palagyan muli sa crush mo kapag nawala diba? Malay mo magustohan ka din niya kapag nalaman niyang masipag ka at madiskarteng tao" mahabang sermon ko sa kaniya na kinanguso niya.
"Segi na nga. Para may pambili ako ng mga bagong make-up" sagot niya.
Pinigilan kong napa-facepalm muli dahil pina-punch ko ang mga binili niya. Lord, akala ko po katapusan na ng mga baliw na taong makaka-encounter ko ngayon, hindi pa po pala.
Ibinigay ko na sa kaniya ang mga pinamili niya pagkatapos niyang mag bayad.
"Ay! I almost forgot! May ibibigay pala ako saiyo!" Excited nitong sabi habang may hinuhugot sa bulsa ng short niya.
"Ano iyon?" Nagtataka ngunit excited kong tanong sa kaniya.
"Charan!" Inilabas niya ang isang lipgloss na nasa pink na lalagyan. Ang cute! May ribbon pa iyon!
"Para sa akin ba talaga ito, Blaire?!" Nanlalaking mga matang tanong ko habang nakatingin sa hawak niyang lipgloss.
"Yup! Nakita ko iyan sa mall kahapon tapos naalala ko ikaw kaya binili ko!" Masayang paliwanag niya kaya hindi ko mapigilang maluha.
Lumabas ako sa counter at niyakap siya.
"Wahhhh! Thank you talaga, Blaire! Ang cute cute nito at first ever lipgloss ko ito!" Ngawa ko. Yumakap naman siya sa akin pabalik at tinap ang likod ko.
"Try mo na dali!" Excited nitong utos kaya humiwalay ako sa kaniya.
Binuksan ko ito bago trinay sa labi ko. Kulay pula ang kulay nito pero hindi masakit sa mata, para lang itong natural sa labi ko at makintab pa.
"Pak! Ang ganda! Bagay na bagay saiyo, te! Ang juicy and jelly na tignan ng labi mo!" Natutuwang sabi ni Blaire kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Kissable na, laplapan na!" Malakas nitong sigaw at tinaas pa talaga ang dalawang kamay.
Taka ko naman siyang tinignan.
"Laplap?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Ay hindi mo iyon alam?" Taka ding tanong niya.
"Hindi eh" kamot ulong sagot ko.
"Ano ba iyan! 2026 na, besh hindi mo pa din alam?" Parang disappointed nitong tanong.
"Eh sa hindi ko nga alam?" Napanguso ako.
Ngumisi naman siya sa akin, iyong ngisi na alam kong may binabalak siyang kung ano.
"Itanong mo na lang sa best friend mo! Alam kong alam niya iyon!" Ngumisi siya sa akin bago nag paalam naaalis na kaya kumaway ako sa kaniya.
Bumalik ako sa loob ng counter habang iniisip kung ano iyong sinabi niya sa akin. Bahala na nga! Tatanongin ko na lang si Tyron kung ano ang laplap mamaya.