CHAPTER 2:
Must be the wind
*.✧。*゚+๑˙❥˙๑.。*♡✿ ♡ ~♪♡~♪*♡✿ ˙❥˙๑.。*
*.✧。*゚+๑˙
"Ate, pumapatol ka ba sa mas bata sa iyo?" Tanong ng isang high school student habang pina-punch ko ang mga junk foods na binili nito.
Alam kong highschool student siya dahil madalas siyang napunta dito sa store kasama ang mga kaibigan niya kapag may pasok sila. At kahit sabado ay naririto siya, katulad na lang ngayon.
"Oo naman. Lalo na kapag sira-ulo" sagot ko sa kaniya habang nilalagay sa paper bag ang mga pinamili niya.
Tinignan ko naman siya at nag liwanag ang buong mukha niya dahil sa sagot ko kaya napataas ang kilay ko sa pagtataka.
"Talaga po?!" Paninigurado niya kaya tumango ako sa kaniya kahit nalilito ako kung bakit siya masaya na pumapatol ako sa batang pasaway.
"Bakit mo naman natanong? Sira-ulo ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang nag bibilang ng sukli niya.
Napakamot naman siya sa mukha at inabot ang sukling ibinigay ko sa kaniya.
"Hindi naman po, ate" sagot nito at ngumuso kaya natawa na lang ako.
"Hindi ka naman pala sira-ulo, edi hindi kita papatulan" ngumiti ako sa kaniya na akala ko pa ay ikagagaan ng loob niya.
Gulat siyang napatingin sa akin at ipinatong ang kamay sa counter, inilapit pa nito ang mukha sa akin na ikana-gulat ko.
"Sira-ulo po pala ako, ate kaya patulan niyo ako!" Sigaw nito sa akin at punong-puno ng determinasyon ang mukha. Hindi ko alam kung matatawa ako or what dahil sa sinabi niya.
Luh sira-ulo nga, gagawin pa akong masamang taong gagawa ng kasalanan. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ibig sabihin ko sa sira-ulo ay batang pasaway at hindi literal na sira-ulo, dahil hindi naman ako baliw para pumatol sa taong may saltik.
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin, boy. Umuwi ka na lang at baka hinahanap ka na sainyo" pag tataboy ko sa kaniya na kinanguso niya.
"Hindi naman ako hahanapin sa amin" sagot nito at binuksan ang piattos niyang binili.
"Aba'y bakit naman?" Takang tanong ko. Inilapit niya sa akin ang chips kaya naki-kuha na din ako. Favorite ko ito, bakit ba?
"Because they don't care po, ate" malungkot na sagot niya habang kumakain.
"Wehhh?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Yes po, ate. Wala naman silang pake sa akin kahit mawala ako eh" sagot nito habang nakatingin sa piattos.
"Kahit mapunta ka pa sa Mars?" Tanong ko sa kaniya na kinaangat niya ng tingin sa akin. Puno ng pagtataka ang mukha niya.
"Ano naman pong gagawin ko sa Mars, ate at paano naman ako makakapunta doon?" Tanong nito bago bumakas ng c2 at inabot sa akin kaya uminom ako.
"Aba malay ko" sagot ko paka-inok ng c2 apple. Sarap. "Basta ang alam ko, bata kahit sa tingin mo ay wala silang pake saiyo, they care. Iba-iba lang din kasi ng way ang mga tao to show how they care about someone" sabi ko sa kaniya bago naki-kuha sa chips niya.
"Sana nga po ganon, ate" hopeful nitong sabi kaya napa-ngiti ako.
"Oo iyan. Kung hindi man, ipag-pray mo na sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila" seryosong sabi ko sa kaniya.
Gulat siyang napatingin sa akin kaya natawa ako nang malakas kaya nasamid ako sa chips na aking nginunguya. Bilis ng karma ko ah.
"Joke lang siyempre! Grabe naman talaga kasi if there is a family that doesn't care about their family members, diba?" Bawi ko nang mahimasmasan ako sa pag-ubo at muling uminom ng c2.
"Opo, ate" yumuko ito kaya hindi ko napigilang maawa at pinat ang ulo niya. Naalala ko sa kaniya ang kapatid kong si Jerald.
"Segi na, umuwi ka na sa inyo at mag pray ka na lang kay Papa God because I know that he listens to our prayers and worries" ngumiti ako sa kaniya.
Tumango naman siya at ngumiti kaya mas lumawak ang ngiti ko.
"Pero hindi ka po ba talaga papatol sa akin?" Muling hirit nito.
And in an instant, nawala ang aking ngiti.
"Sabing hindi nga sabi eh. Hindi ka naman baliw para patulan ko" medyo naiinis na sabi ko sa kaniya.
"Don't worry, ate mag papa-admit ako sa mental hospital" sagot nito sa akin na nag pa-irap sa akin.
"Baliw" sagot ko na ikinatawa niya ng malakas habang naglalakad palabas ng store.
"Yes! Papatulan niya na ako dahil isa akong baliw!" Tumalon talon pa ito palabas ng store kaya napailing -iling ako.
"Baliw talaga. Ganito na ba ang mga teenager ngayon? May saltik sa ulo?" Tanong ko sa sarili sabay kamot ulo.
"Kung makapag-salita ka naman, te parang ang tanda-tanda mo na at marami ng pinag-daanan sa buhay!" Biglang sabi ng kung sino kaya napatalon ako sa gulat.
"Ay anak ng kamote!" Gulat na sabi ko at napatingin sa taong nag-salita.
Aray ko naman, te! Ang lala naman ng anak ng kamote! Oo, mabutlig-butlig ang mukha ko at kasing gaspang ng kamoteng bagong bungkal sa lupa! Pero sobra naman ata kung ipapa-mukha mo pa sa akin ang matagal ko nang alam at kailan man ay hindi ko mapapalitan dahil lamang sa kapos ako sa pera!" OA nitong sabi bago humawak sa lalagyan ng mga chips at nag walling-walling. "Oo, ikaw na ang pinag-pala! Oo, ikaw na ang maganda! Oo, nasa iyo na ang lahat pati ang puso ni Tyron pero parang awa mo na! Sa akin na lang ang katawan niya!" Pag-d-drama nito at nag lumpasay sa sahig.
"Ito ang totoong baliw" bulong ko at napabuntong hininga. "Ano na namang kaek-ekan ito, Bakikang?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya. "It's not my intention to say that because I was just shocked, and besides, I didn't even know that it was you. Tsaka, anong masama sa kamote? Masarap kaya ang kamote"
Agad naman siyang tumayo at pinag-pagan ang sarili, nangilabot pa nga siya sa huli kong sinabi. Akala niya naman ata siya ang kamoteng tinutukoy ko, feelers naman siya.
"Ay, naks English! Talo ako don ah! Sa lahat na lang, palagi mo akong tinatalo! Pwede bang pag-panalohin mo ako kay fafa Tyron ugh my yummy daddy? Tsaka kung isa man akong kamote, gusto ko si Tyron lang ang kakain sa akin!" Malanding sabi nito sabay kagat sa hintuturo niya kaya hindi ko napigilang mapa-irap.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Bakikang. Pumili ka nalang ng mga bibilihin mo" pag-tataboy ko sa kaniya dahil ayaw kong masira ang araw ko.
"Sino ba nag sabi saiyo na bibili ako?" Pagtataray nito sa akin kaya napataas din ang kilay ko.
"Wala pero convenience store ito kaya ano pa ba malamang ang ginagawa ng mga tao dito? Nag c-chongke? Malamang bibili" mataray na sagot ko sa kaniya at tinignan siya taas-baba.
"Eh sa hindi iyon ang intention ko kaya ako naririto" mataray ding sagot nito.
"Eh ano nga ang gagawin mo rini?!" Namewang ako.
"Mangungutang!" Confident nitong sabi at namewang din.
"Mangungu-what?!" Kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Buying without paying! Ang ganda-ganda mo sana kaso binge ka!" Inis nitong sagot. Okay na sana ako sa sinabi niyang maganda ako, lumaki na sana ang tenga ko kaso agad ding lumaki ang butas ng ilong ko sa inis noong sinabi niyang binge ako.
"Anong buying without paying?!" Inis na tanong ko dahil sinasayang niya lang ang oras ko.
"Ay maganda nga sana kaso binge na, bobo pa. Wow! Mabuti din at may mga kapintasan kang sinalo nang mag saboy ang Diyos noon! Payless kako" sarkastiko nitong sabi.
"Payless?! Ano iyan pancit canton?!" Naiinis na talaga ako sa kaniya. Diyos ko po, tabang!
"Tanga! Lucky me kaya ang pancit canton!" Nangunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"Luh, grabe maka-tanga matalino yarn?! Matalino yarn?! FYI there are other pancit canton out there, hindi lang ang pancit canton na gawa ng lucky me na siya lang ang alam mo! Kasi wala kang alam! Wala! Wala!" Sigaw ko sa kaniya.
Agad naman siyang OA na napahawak sa puso niya na para siyang nasasaktan. Bubuka-sara ang bibig niya na parang nahihirapan makahinga, pumadyak-padyak din ang mga paa pa-likod na parang isang kabayo.
"Hurfhh huuuu haaaa huhu how dare you to dare me to insult me! I'm getting insanity! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong pangungutya sa akin! Mag-babayad ka!" Halos lumabas na ang mga ugat niya sa leeg kaka-sigaw.
"Luh ako pa talaga?! Wow! Hiyang-hiya! Tsaka wala akong pera, wala din akong utang sa iyo na hindi mo alam kung ano ang word sa English!" Inirapan ko siya.
Tumayo naman siya ng maayos. "Eh kung alam mo kung ano ang English ng utang eh ano naman?! Anong English nito at pautang nga!"
Napahawak na lang ako sa sintido ko at pilit kinakalma sa sarili kaya kumaldag ako para mawala ang stress ko.