Chapter 1.1

1320 Words
Chapter 1.1 Kamote "Halaaaa! Tyron ang bastos mo!! May LBM ka talaga?! Halaaaaa! Grabeee! Kaya pala ang baho mo!!" Pumunta ako sa likod niya at chineck kung may tae ba siya or wala. Tawang tawa naman siya dahil sa reaction ko. Pagkapunta ko sa likod niya ay nakita kong malinis naman ang pwet niya, hindi naman siya natae dahil sa LBM niya. "What? Me? Mabaho?" Nag smirk pa ito sa akin na nakita ko habang nasa likod niya ako pero nasa gilid ako. Tumango ako sa tanong niya. "At paano ka naman nakakasigurado, babae?" Humarap naman siya sa akin. "Kasi naaamoy kita" pang-aasar ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin kaya napaatras ako. "Are you sure about that?" Seryosong tanong niya kaya tumango akong muli. "Oo naman" sagot ko na kinakunot niya ng noo bago tumalikod muli. Hinuli niya naman ang pulso ko at inalis ako sa likod niya, nilagay niya ako sa tabi ng kalsada at siya naman sa gilid ko kung saan dumaraan ang mga sasakyan. Muli siyang tumagilid sa aking tabi pero nahuli ko padin siya ng inamoy niya ang sarili. "Do I really smell that bad?" Bulong niya sa sarili na hindi ko narinig. "Ha? Ano, Tyron may sinasabi ka?" Tanong ko sa kaniya. "Nothing" sagot niya at naunang mag lakad kaya sumunod naman ako sa kaniya. Hindi tulad kanina na halos magkadikit kami habang nag lalakad, ngayon ay sobrang layo naman niya sa akin na kinataka ko. "Hoy, Tyron! Anyare saiyo?! Bakit ang layo mo?!" Lumapit ako sa kaniya pero lumayo naman siya kaya nainis ako. "Tyron, bakit ba?!" Napanguso ako dahil mas lumalayo siya sa akin. "Tumabi ka nga at baka masagasaan ka!" Inis na saway ko sa kaniya at hinila ang kamay niya papunta sa gilid ng kalsada, tinanggal niya naman ang kamay kong naka-hawak sa braso niya. "D-don't touch me nor come near me" sabi niya habang hindi nakatingin sa akin kaya napataas ang kilay ko. "Aba'y bakit naman?! May nakakahawa ka bang sakit?! May AIDS ka ba?! HIV?! COVID-19?!" Naiinis na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. "NO!" Matigas nitong sabi at naunang mag lakad. "Eh bakit nga?!" Nagpapadyak ako sa frustration. Tumigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Malayo pa din siya ng ilang hakbang sa akin. "It's because you said I smell bad and I don't like smelling bad, especially when I'm with you" seryoso nitong sabi na nag panganga sa akin bago ako tumawa ng tumawa na kinainis niya. "At naniwala ka naman?! Uto-uto ka naman, Tyron! Binubola lang kita eh! Hindi ka naman mabaho, you never smell bad!" Pagkatapos kong tumawa ng tumawa ay nginitian ko siya. "Promise, Tyron, you don't smell bad. In fact, you smell good. Ang bango-bango mo nga eh, amoy downy na pink" lumapit ako sa kaniya at humawak sa braso niya at sinandal ang ulo ko doon. "Hmmm bango ng daddy ko!" Naramdaman ko naman ang paninigas niya ngunit hinayaan ko lang ito at kinuskos ang mukha ko sa braso niya. Naglalambing ako para hindi na magtampo pa ang beki kong best friend. "Pero wala ka talagang LBM?" Tumingala ako sa kaniya at kita ko na namang nag salubong ang mga kilay niyang makakapal. "Silly you. Wala akong LBM, ikaw kasi puro ka kalukohan" napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Ehh kasi naman ikaw! Hindi mo naman kasi pinapansin si Carmen!" Nakangusong sagot ko sa kaniya. "Why would I?" Tanong naman nito. "Ehhh? Ewan ko! Pero nag hi iyong tao eh. Shouldn't you greet the person back?" Humarang ako sa harap niya. "Tinatamad ako" sagot nito kaya napakamot ako sa ulo. "Ano ba naman iyan! Nakakatamad bang mag sabi ng hello pabalik?" Ginulo naman niya ang buhok kong kinakamot ko kaya tinampal ko paalis ang kamay niya. "Huwag kang maki-gaya sa ginagawa ko" tumawa lamang ito kaya lumabas ang dimple niyang malalim sa left side ng pisnge niya. "Yeah. Nakakatamad" nauna na itong mag lakad kaya sumunod na ako. "Bilis na, nagugutom na ako" sabi nito kaya binilisan ko naman mag lakad kaso ay hindi ko siya mahabol agad dahil ang haba ng biyas niya kompara sa akin. "Nag mamadali yarn? Taeng tae na ba, pre?" Pang aasar ko. Binagalan niya naman ang pag lakad kaya napangisi ako. "Nagugutom na ngani" sagot niya at umirap pa. Parang bakla talaga kaya natawa na lang ako kapag naasar siya. Pero maya-maya lang ay tumigil siya sa paglalakad at hinirap ako. "Are you sure that I don't smell bad?" Paninigurado nito kaya napangiti ako. Tagal maka move on! "Oo ngani" nakangiti kong sagot. Umirap naman siya at nauna ulit mag lakad. Nakasunod naman agad ako sa tabi niya dahil binigalan niya nga ang pag lakad niya. Pinag masdan ko ang mga paa naming sabay na naglalakad. Napaka-laki at haba talaga ng mga paa ni Tyron, ang ganda-ganda din, parang pang babae. Nahiya naman ang paa kong maliit na parang pang lalake. Iyong kaniya kasi slim at mahahaba, iyong akin naman maliit at mataba kaya para talaga siyang bakla. "Bakit? Hindi ka ba kumain?" Tanong ko sa kaniya habang busy na pinagmamasdan ang mga paa namin. "Hindi" maikling sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya na naka tingin lamang sa daan. "Bakit naman?" Takang tanong ko. "Ikaw na nag luto eh, dapat kumakain ka na habang nagluluto" sabi ko sa kaniya na kinangisi niya. "Hindi naman ako ikaw" napanguso ako sa sinabi niya. "And besides, I was waiting for you" dagdag pa nito kaya napangiti ako. "Sus! Sabihin mo lang na ayaw mong kumain mag-isa dahil takot ka sa multo!" Pang-aasar ko sa kaniya na kina-iling niya lang. Noong mga bata pa kasi kami ay lagi siyang napunta sa amin tuwing gabi na may dalang pagkain dahil takot daw siyang kumain mag-isa, may multo daw kasi. Ang Lola naman niya kasi ay maagang nakain kapag gabi dahil nag r-rosary si Lola Maria tuwing 6pm. Minsan naman ako ang napunta kila Tyron dahil alam kong mag-isa itong kakain sa gabi pagkatapos niyang umuwi galing sa mga pinag t-trabahohan niya. Halos 15mins ang nilakad namin pauwi sa bahay galing sa store na pinag t-trabahuhan ko. Hindi naman iyon kalayoan sa bahay kaya ng maka-uwi kami ay hindi pa masyadong madilim sa daan. "Punta muna ako sa amin. Titignan ko kung nag-saing na ba sila doon at mag bibihis na din ako" paalam ko kay Tyron ng makarating kami sa kanila. "Saglit lang, ihahatid kita" sabi nito habang ibinibigay ang shoulder bag ko sa akin at pumasok sa loob ng bahay nila ni Lola Maria. Hindi na din muna ako pumasok kasi alam kong busy pa sa pag r-rosary si Lola Maria, mamaya na lang ako mag b-bless sa kaniya pagkatapos. Ang bahay nila ay isang bahay-kubo hindi kalakihan pero ang ganda nito at ang aliwalas kaya gusto ko din kapag andito ako kila Tyron, ang ganda-ganda din ng kapaligiran na pinalilibutan ng mga bulaklak na tanim ni Lola Maria at mga puno ng niyo at mangga na tanim ni Lolo Martin na asawa ni Lola Maria na yumao na. Hindi naman nag tagal sa loob si Tyron, nag palit lang ito ng damit at ngayon ay naka sando na lamang siya na itim, labas na tulos ngayon ang nakatago niyang triceps, fit din sa kaniya ang sando dahil noong high school niya pa ito. Bakat na bakat tuloy ang dibdib niya buti na lang ay itim ito kaya ng makalapit siya sa akin ay hindi ko napigilan sundotin ang u***g niya. "Dingdong!" Sabi ko at ginawang parang doorbell ang u***g niya. Nakita ko namang nanigas siya dahil sa ginawa ko kaya natawa ako at inulit pa ito "Dingdong" pag doorbell ko sa u***g niya. Siya naman ngayon ay pulang-pula ang mukha at tenga na kitang-kita dahil maputi siya. "A-ano ba, Queen! Are you a pervert?!" Nahihiya nitong tanong sabay yakap sa sarili kaya tumawa ako lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD