Chapter 1.2
"A-ano ba, Queen! Are you a pervert?!" Nahihiya nitong tanong sabay yakap sa sarili kaya tumawa ako lalo.
Dahil sa pag yakap niya sa sarili niya ay doon ko nakita ang bitbit niyang bowl na puno ng kamote at sa taas nito ay baonan na malaki na may malalaking kamote, iba-iba din ang kulay kompara sa nasa malaking bowl na puros violet na kamote. Hindi ko iyon nakita agad dahil na busy ako sa pag tingin sa bakat na u***g ni Tyron. Sarap.
"Hindi naman. Na curious lang ako. Bakat kasi hehe" nag peace sign naman ako sa kaniya ng tinignan niya ako ng salubong ang mga kilay habang namumula pa rin.
"Tara na lang sa inyo" sabi nito at nauna ng mag lakad papunta sa amin ngunit agad siyang bumalik sa tabi ko at kinuha ang shoulder bag ko sa akin and nag lakad ng muli. Bading talaga.
Sumunod na lang ako sa kaniya, hindi naman malayo ang bahay namin sa kaniya at ilang kembot lang ay naka-rating na kami sa bahay namin na gawa sa half hollow blocks at half sawali. Maliit lang din ito dahil hindi naman kami mayaman.
"Kuya, Tyronnnnn!" Salubong ng kapatid kong si Janine ang bunso sa aming magkakapatid at agad yumakap sa bewang ni Tyron. Ginulo naman ni Tyron ang buhok nito. Nakalimutan ko, bukod nga pala sa akin at sa Lola niya ay may iba pa din pala siyang babaeng palaging kinakausap ay iyon ay ang kapatid ko at mama ko. Sa ibang tao naman ay bihara lang at kung kailangan lang at wala siyang choice. Tinatamad daw kasing makipag-socialize si Tyron lalo na sa mga babae, mauubos lang daw laway niya. Naintindihan ko naman siya, Siguro kasi gusto niya lang mag tipid ng laway at pabahoin ito, pero mabaho ba? Ma-try ngang amoyin minsan.
"Hi, Janine! Na para bang hindi tayo nag-kita kanina lang" biro ni Tyron sa kapatid ko at pareho silang natawa.
"Ate" lumapit sa akin si Jerald, pangalawa sa akin dahil ako ang panganay sa magkakapatid. Nagmano ito sa akin kaya nalukot ang mukha ko, agad ko itong pinalo sa pwet.
"Sira ulo!! Mukha ba akong matanda sa iyo?!" Inis na tanong ko na tinawanan naman nila.
Sinamaan ko ng tingin si Tyron dahil nakikitawa din ito.
"At nakiki-tawa ka pa talaga?!" Inis na tanong ko sa kaniya kaya mas lalo silang natawa.
"Oh, kalma, lola. Ang puso baka ma high blood ka! Kunot na naman ang noo mo, lalo ka niyang papanget kapag nagka wrinkles ka" mahinahon ngunit alam mong nangungutyang sabi ni Tyron kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at papaluin sana siya ng tumakbo ito kaya hinabol ko siya.
"Anong lola saiyo?! At anong panget?! Hoy! FYI! Hindi ako panget! Hindi man ako katangkaran, hindi naman ako kasing puti mo, maganda naman ako!" Sigaw ko habang hinahabol siya. Nakalabas pa kami ng bahay at doon nag habolan.
Tawa lang siya ng tawa pati ang mga kapatid kong walang hiya.
"Lola, ano pong ulam?" Singit ng walang hiya. Napatingin ako doon at nakita ko ang ika tatlo kong kapatid na si Jerome, lumabas din siya at naki-sali sa pang-uuyam sa akin kaya tumigil ako sa pagtatakbo at nag papadyak ako sa inis.
"Hindi nga sabi ako lola! Hindi niyo talaga ako titigilan?! Gusto niyo ba akong mamatay sa inis?! Mawawalan tuloy ng isang magandang nilalang dito sa mundo! Mawawalan ng angel at diyosa kapag nagkataon na mawala ako sa mundo! Kawawa naman ang earth, gugunaw ang mundo-" natigil ako sa kasisigaw ng hawakan ng bunso kong kapatid na si Janine ang kamay ko habang sila naman ay tawa pa din ng tawa. Masamid sana sila sa sarili nilang laway.
"Ate, gutom na po ako" kumalma ako nang marinig ko ang sinabi ng bunso kong kapatid at pinagmasdan siya. Limang taong gulang pa lang siya at maliit din siya kumpara sa ibang batang kaidaran niya.
"May kamote ako dito, Janine" inangat ni Tyron ang lalagyang hawak niya na may lamang kamote.
Pumalakpak naman sa tuwa ang mga kapatid ko kaya napangiti ako kahit na nalungkot ako dahil gutom na ang mga kapatid ko.
Kinarga ko siya at pumasok sa bahay, sumunod naman silang lahat sa akin.
"Nag saing na ba kayo?" Tanong ko sa kanila paka-pasok muli sa bahay.
"Opo, ate kaso wala pong ulam kaya wala akong naluto" sagot ni Jerald. 16yrs old na si Jerald habang ako naman ay 17yrs old, ang kapatid ko namang si Jerome ay 10yrs old, at ang baliw ko namang kaibigan na si Tyron ay 17yrs old pa lang din, swerte ng bakla ang tangkad sa murang edad.
Nalungkot naman ako sa sinabi ng kapatid ko na wala kaming ulam.
"May tuyo pa kami doon sa bahay, Queen" sabi ni Tyron pero umiling lang ako.
"Huwag na, hanggang bukas pa iyon niyo ni lola" tanggi ko sa kaniya
"May extra pa naman akong trabaho bukas-" pinutol ko ang sasabihin niya at ngumiti sa kaniya.
"Meron pa naman akong tirang ipon dito kaya huwag kang mag-alala" ngumiti akong muli at kumindat sa kaniya.
"Ate, huwag mo na pong galawin iyan. May dala naman po si kuyang kamote para sa atin. Okay na po iyon ipares sa kanin, mas nakakabusog pa nga iyon at masarap" pangungumbinsi din sa akin ni Jerome ngunit nginitian ko lang siya.
"May sweldo naman na ako bukas kaya mapapalitan din naman iyon" sagot ko sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
Pumunta naman ako sa maliit na kwarto ng bahay at pinuntahan ang damitan kong karton habang karga ko pa din si Janine. Kumuha ako ng barya sa alkansiya kong polbo at inabot iyon kay Jerald. Hindi bale ng maubos ang inipon ko sanang pera para sa pasukan basta huwag lang magutom ang mga kapatid ko.
"Bili ka muna ng ulam sa tindahan, kahit ano basta kasya diyan sa bente pesos" utos ko sa kaniya at agad naman siyang tumalima. Kinuha niya lang ang maliit naming flashlight bago lumabas ng bahay.
Kinuha naman sa akin ni Tyron si Janine dahil nag papakarga ito sa kaniya kaya bumalik ako sa kwarto at tinignan ang alkansiya ko. Meron na lang akong 150pesos na baryang natitira doon. Kahit na sabihin na nag t-trabaho si mama sa isang karenderya sa Centro at kumikita ng 300pesos kada araw ay hindi pa din iyon sapat sa mahal ng mga bilihin araw-araw. Malayo ito sa amin kaya hindi siya nauwi sa bahay dahil mahal ang pamasahe, 50pesos mula doon hanggang sa amin, kung balikan man ay ubos agad ang kita niya sa isang araw na hindi nga rin mabigay agad sa kaniya dahil sa tumal ng benta. May hinuhulogan din siyang utang araw-araw at nag-aaral din sa elementary ang mga kapatid ko sa public school, kailangan din nila ng pang baon sa araw-araw. Ang trabaho ko naman ay 150pesos lang kada araw ang kita ko at hindi naman araw-araw ako binibigyan ng sweldo ng boss namin, kaya gustohin ko mang mabilhan ng masarap na pagkain ang mga kapatid ko ay hindi ko magawa.
Nagising ako mula sa pag-iisip ng marinig ko ang pag strum ng gitara. Agad kong ibinalik sa lalagyan ko ng damit ang alkansiya ko at lumabas sa kwarto, hinawi ko ang kurtinang pinto at tumamad sa maliit na sala ng bahay namin sina Tyron na hawak na gitara at ang mga kapatid kong naka-palibot sa kaniya habang sila ay nakaupo sa mahabang upoan naming gawa sa kawayan.
Ngumiti si Tyron sa akin habang tinutugtog sa gitara ang Right here waiting ni Richard Marx. Malumanay din siyang kumakanta kasabay nang kaniyang pag tugtog. Taliwas sa boses ni Richard Marx, ang boses ni Tyron ay malambot ngunit ito'y malalim.
Napangiti ako habang pinag mamasdan ko sila. Dumating naman si Jerald at inabot sa akin ang sardinas na binili niya, agad siyang naki-sali kila Tyron at sa iba naming kapatid na nakikikanta kahit hindi alam ang lyrics kaya natawa na lang ako. Pumunta na lang ako sa maliit naming kusina habang pinakikinggan sila sa sala. Lumabas ako sa kusina at nanguha sa talbos ng kamote sa tanim naming kamote ni Tyron, pumunta ako sa gripo naming de bomba at nilinisan ito bago ako muling pumasok sa kusina.