NAKALIPAS. Pinatay ko ang mag-asawa, Mallory, sapagkat hindi sila sang-ayon sa mga nais ko. Isa rin ako naging dahilan para maging matatag noon ang The Black Shadow. Noong una, ayos naman kami sa organization. Kaya lang, hindi talaga nila ako pinayagan na pasukin ang droga at armas. Kaya ginawa ko ang lahat para maging akin ang organization. Bawat mataas sa organization, patalikod ko kinakausap para sa akin ang panig nila, basta't wala ang mga Mallory. Nang mga ilang araw, napapansin ko, lagi silang umalis, kaya nagkakaroon ako ng pagkakataon. Pero nagrereport pa rin ako kay Don Mallory. Malakas kasi siyang makatunog kung mayroon kang ginagawang kababalaghan sa organization. Sang-ayon ang lahat sa akin, pero yun mag-asawa lang talaga ang hindi. Kaya nang mabalitaan ko na aalis ulit sil

