KINABUKASAN. Nagising ako at sa laking gulat ko ay mag kayakap na kami ni Bailey, kaya naman ay sa sobrang pagkabog ng aking dibdib ay dali dali akong humiwalay dito. Napansin ko na tulog pa rin ito kaya naman ay medyo lumuwag luwag ang aking pag hinga. Kinuha ko ang aking phone upang tignan ang oras. 6AM. Ang aga pa pala. Matutulog sana ulit ako ng makita kong nagising si Bailey. Napatingin ito sa akin at sa sobrang gulat nito ay napatakit ito ng kumot sa kaniyang katawan. "W-Where am I?" Gulat na gulat nitong ani sa akin habang sinisilip sa ilalim ng kumot ang kaniyang katawan. "SHSSSSS! Hinaan mo nga yang boses mo! Nandito ka sa kwarto ko kaya wag kang maingay at baka marinig ka nila mama." Ani ko dito habang tinatakpan ang bibig ni Bailey. "And wag ka ngang assuming diyan! Hindi

