"Ma! ano ba yang mga tanungan mo! Walang nangyari sa amin no!" Sagot ko naman sa kaniya habang nakataas ang aking kilay. "Aba'y dapat lang at ang bata n'yo pa!" Ani nito habang naglalakad papuntang sopa. Hindi ko na ito pinansin at nilingon ko na ulit sila papa at Bailey na kasalukuyan namang papasok na ng bahay kaya naman ay dali-dali akong pumunta sa sopa kung saan nakaupo si mama. "Tita, tutuloy na po ako! Maraming salamat po sa pagkain!" Ani nito kay mama at sabay umalis na. Aba hindi man lang ito nagpaalam sa akin, kaya naman ay kinuha ko ang aking phone sa kwarto at tinext ko ito. Me: "Ehem! Bye Eliza! Tutuloy na ako!" Bailey: Whoops! Sorry! Bye, I'll get going! And thank you for letting me stay at your place" Rereplyan ko na sana ito ng biglang may kumatok sa pinto ng aking

