Bago kami umuwi ay napag-pasyahan muna naming kumain kaya naman nug nakauwi ako ay nahimbing agad ang aking tulog. Kinabukasan ay napagpasyahan namin nila Jeff na pumunta sa coffee shop malapit sa aming unibersidad. Nakakamiss din pala ang campus namin. Yung tipong kahit na graduate ka na ay parang gusto mo pa rin magkaroon ng access sa loob. Anyway, umorder na kami ng makakain. "Sure kayo na hindi pa tayo nakakapunta sa lugar na yun?" paniniguro kong tanong sa aking mga kaibigan. Kahit wala na kami sa lugar na iyun ay naguguluhan pa rin ako sapagkat alam kong nakarating na ako duon ngunit wala akong maalala kung bakit or kailan kami pumunta duon. "Baka napuntahan na natin nung mga bata pa tayo, hindi nalang siguro namin maalala. Siguro na triggered lang nun yung memory mo." sagot nama

