Ilang araw na rin ng makauwi ako sa bahay. Nagyon ay pwede na akong lumabas-labas. Tinawagan ko ang aking mga kaibigan upang samahan ako sa unang lugar na gusto kong puntahan. Nang makarating sila sa aming bahay ay pumasok na agad sila sa aking kwarto. Tinulungan ako ni Jack at Noah na bumaba ng hagdan habang si James naman ay buhat-buhat ang aking automated wheelchair. "I want to see Eliza before I go to states." Nagulat ang aking mga kaibigan sa aking sinabi. Nakalimutan kong sabihin sa kanila na ayun ang napagkasunduan namin nila mama. Ang kakilala nilang pinaka magaling na therapist ay naka destino sa America. Nung una ay nagdadalawang isip pa ako kaya sinabi ko kila dad na pag-iisipan ko muna. Nag research ako about sa therapist na nag ngangalang Andrew Smith. Ito ay may 99% success

