Marahan siyang bumitaw sa ilan pang mga sandali. I was speechless. Literal akong natulala sa kaniyang mga mata na hindi ko naman mawari kung totoo ba o nagbibiro lang. But his voice, his voice is damn serious. Humahilap man ako ng kakaiba roon upang pagdudahan, hinding hindi ko maitatanggi na totoo siya sa mga sinasabi niya. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon at sa mahabang sandali na natahimik ako, hanggang ngayon ay wala pa rin talaga akong maisagot. Nanliligaw na pala siya… I mean, let’s face it. Malinaw kasi sa ala-ala ko na hindi naman ako nagsabi ng oo sa kaniya kanina. Hindi ako sumang-ayon at wala naman akong sinabi upang umasa siya. Pero hindi ko maunawaan ang sarili ko dahil ayaw ko ring tumanggi. Walang kasiguraduhan at iyon ang masasabi k

