Wala akong sinagot sa tanong niya. Buti na lang ay hindi na niya ako kinulit tungkol sa bagay na iyon. Iwinaksi ko na lang kung ano ang mga napag-usapan namin at naghanda para sa lakad. Pinili kong suotin ang sky blue loose fit jeans at white light blouse naman bilang pang-itaas. Saka ko sinuklay ang buhok ko at hinayaan lamang itong nakabagsak. Susubukan ko sana iyong mga produktong binili niya para sa akin pero baka isipin niyang OA ako sa lakad namin ngayon. Dito lang naman kami sa isla kung tutuusin at wala naman sigurong espesyal sa pagbisita namin sa bahay niya. Maayos na ang kasuotan ko. Handang handa na ako lumabas kahit medyo may tama pa sa hilo. Pero okay na ako. Kaya ko namang i-manage ito. Mas maganda na itong nakakapag-refresh ako sa labas kaysa mainip at makulong lang sa

