Chapter 25

2223 Words
Saan ba ako lulugar? Saan ko na ibabagay ang sarili ko? May lugar pa bang yayakap sa akin o wala ng tatanggap?   Sawa na akong aminin sa sarili na wala ng yayakap sa akin dahil kahit sarili kong pamilya ay isinumpa na ang presensya ko. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako namamanhid sa sobrang kirot. Kailan ba ako mauubusan ang luha?   Maga man ang mga mata ko, wala akong nagawa kundi ang bumalik ng kubo. Bigo akong magdala ng tubig at ewan ko lang kung papayagan pa ba akong maka-igib sa balong iyon kapag naayos na. Siguro’y hahayaan ko na munang si Carlo ang gumawa ng gawaing ito. Dito na lang ako sa loob ng kubo, magmumukmok.   Ang ironic lang isipin. Kahapong masama ang panahon ay galang gala ako, gutom sa lakad at paglilibot. Pero ngayong saksakan naman sa ganda ang langit at araw, kusa akong nawalan ng gana. Nakakapagduda na lang. Kahit yata tadhana’t pagkakataon ay may galit din sa akin.   Dalawang oras din akong tulala dito sa loob ng kubo at walang ginagawa. Hindi ko na lamang namalayan na lumipas na ito hanggang sa pumasok na rito sa loob si Carlo. Basang basa ng pawis ang katawan niya habang sukbit sa kanang balikat ang damit nito. Medyo magulo ang kaniyang buhok ngunit mababanaag na parang mas bumagay pa sa kaniya ang pormang ito.   Umiwas ako ng tingin at bumaling sa bintana. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa ngunit hindi pa rin nito naibsan ang bigat ng aking nararamdaman.   “What happened?” I heard as he took water to drink. Sa sobrang payapa ng paligid ay narinig ko kung paano bumagsak ang tubig sa baso, gayundin ng malalim niyang pag-inom. “Hey.”   “W-wala…”   “Matamlay ka.”   “Ayos lang ako,” depensa ko.   “Sigurado?”   “Oo.”   At that very moment, hinintay kong lumabas muli siya at ipagpatuloy ang gawain sa labas. Pero ilang minuto ang nakalipas ay naroon pa rin siya sa lababo at dama kong nakatitig sa akin. God! Hanggang dito ba naman ay taliwas pa rin sa mga nais ko ang nangyayari? Gusto kong mapag-isa.   “Walang laman ang timba, akala ko ba nag-igib ka?” he asked. Mapagmatigas pa rin ako at hindi sumusubok na ilipat ang mga mata sa kaniya. Dini-distract ko na lang ang sarili ko sa mga tanawing nakikita ko rito sa bintana; sa mga nagsisitaasang puno ng niyog, sa mga basang halaman, sa mga ibong nagliliparan, at sa mga paro-parong palipat-lipat ng bulaklak.   If this world exists without its people, nothing in it’s existence is imperfect.   “N-nasira ko,” pag-amin ko nang medyo nanginginig ang boses. Pinanatili ko pa rin ang iwas ko dahil ayaw kong makita ang magiging reaksyon niya. Sapat na ang marinig iyon kahit na hindi maiibsan ang pagpigil ng sakit.   “Nasira? Ang alin?”   “Ang balon…”   Narinig ko ang paglapag ng baso sa lababo. Hindi ko na lamang napigilang umayos ng upo rito sa katre at mapaharap sa kaniya mula sa durungawan.   Sa puntong ito, nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo ngunit walang bahid ng inis na makikita roon. Purong pagtataka lamang.   “Paano mo nasira? Pupuntahan ko.”   “Huwag na,” pagpipigil ko. “May nag-aayos naman na siguro roon. Naputol kasi iyong tali habang hinihila ko na paitaas ang baldeng may lamang tubig.”   Tumango-tango siya nang mabagal, animo’y hindi malaking problema ang nangyari. Pero para sa akin, base sa mga naging reaksyon doon ng tao, parang ang sakit lang na sa isang simpleng pagkakamali ay sa akin na isinisi ang lahat.   “Mainit dito,” aniya sabay pasada ng kaniyang buhok gamit ang mga daliri nito. “Sa labas muna kaya tayo?”   Tumanggi ako. “Dito na muna ako.”   “Hmm. Akala ko ba gusto mong gumala?”   “Kahapon iyon, hindi ngayon.”   “Okay. Sige.”   Pagkalabas niya ay hinila ko ang unan at humiga. Pinakatitigan ko ang bubong na gawa sa materyales ng pawid. Bahagya pa akong nadi-distract ng liwanag mula sa bintana kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Dinama ko ang lahat ng bigat hanggang sa nasaktan na naman ako.   Ang drama ko ba? O sadyang mahirap na pasanin ang hapdi kaya nagkakaganito ako? I wish I could tell this to somebody who would understand my story. Sana gaya ng marami sa atin ay nagagawa ako ring magkaroon ng isang kaibigan na handang makinig sa mga hinanakit ko. Pero paano? Hindi naman pwede si Igor dahil masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga naranasan ko. Si Carlo, ayaw ko. Maiilang lang ko at baka mas mabalisa. Si Iso? Uh, siguro pwede na? Gaya ng impresyon ko sa kaniya, napakabait niya at ‘di hamak na medyo malayo sa vibes na nakukuha ko kay Carlo.   Hindi ko lang alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng pagkakataon upang makipag-usap sa kaniya. Wala na kasi akong gana para lumabas at medyo mahina na rin ang loob ko upang magpakita sa mga tao rito sa isla.   Akma ko na sanang yayakapin iyong isa pang unan sa aking gilid nang bigla kong maring mula sa labas si Igor. Para akong asong nabuhayan at mabilis na napabangon.   “Ate Daff?”   “Igor!”   Mabilis kong sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri sabay lakad patungong pintuan. Pagkabukas ko ng pinto, abot-langit ang ngiti ko at umupo upang pantayan ang tangkad niya.   “Gosh Igor! Long time no see!”   “Ah hehe…” Gaya ko ay ngumiti rin siya at napakamot pa sa batok na para bang nahihiya. Napatingin ako sa kanan niyang kamay dahil napansin kong may dala siya.  “Para sa’yo po pala, lansones at rambutan.”   Umawang ang bibig ko nang iabot niya ito sa akin. Nang tingnan ko ang supot, isang malakas na singhap ang ginawa ko. I mean, sinong hindi mamamangha? Ang lalaki ng mga lansones na ito at rambutan at halos mapuno pa nito ang sando bag na dala ng batang ito!   Pagkalahad niya sa akin nito ay lalo ko pang itinagal ang paninitig dito. May kung anong nagtutulak sa akin na tikman ito ngunit pakiramdam ko ay hindi dito ang tamang puwesto upang kainin ito.   “Tara sa lamesa? Kainin natin.”   Umiling siya na ikinataas ng kilay ko.   “Sandali lang kasi ako rito, ate. Tutulong pa ako kay Kuya Iso para mamulot ng mga prutas na nahagip kahapon ng ulan.”   “Oh? Talaga? Wait. Sasama ako.”   “Hala ate, sigurado ka? Sige po.”   “Saglit lang.”   Iniwan ko muna siya sa pintuan. Inilapag ko sa lamesa ang plasic na puno ng prutas saka dumiretso sa kabinet. Ano kayang damit ang isusuot ko? Simple lang naman ang mga narito pero kakaiba pa rin sa mata ko ang kulay pula.   Kinuha ako ang red floral shirt. Nagbihis ako sa banyo at binagayan ito ng puting palda na hanggang tuhod ang haba. Hindi bale ng mukhang conserbatibo basta comportable. Hindi ko naman kailangan magmukhang kaaya-aya sa mata ni Iso.   Eh teka nga, hindi naman ako nagpapa-impress sa kaniya ah?   Paglabas ko sa banyo ay humarap ako sa salamin upang ayusin ang buhok ko. Sinuklay ko ito ng hair brush at hindi na itinali pa. Hinawi ko iyong mga talikwas sa likod ng tenga ko at nag-ensayo ng ngiti. Hindi naman ako mukhang natatae kaya ayos na, maliban na lang sa mga mata kong namamaga at nakikitaan ng bakas ng lungkot.   Ewan ko ba. Nang malaman kong narito si Igor, kahit paano’y gumaan ang nararamdaman ko. Lahat ng pangamba ko at takot ay nabawasan; hindi gaya kanina na pakiramdam ko’y pasan ko ang buong daigdig. Siguro, isang kaibigan nga talaga ang kailangan ko. Malaki na lang ang pasasalamat ko dahil hindi ko man lang maramdaman na nag-iisa ako sa puntong ito.   “Igor, dadalhin ko pa ba ‘tong prutas o iiwan ko muna?” tanong ko habang hawak ang sando bag.   “Huwag na po ate. Balikan na lang po natin mamaya para walang dinadalang mabigat.”   Sinunod ko ang sinabi niya. Isinabit ko muna ang prutas malapit sa lababo saka isinara ang mga bintana. Siniguro ko rin na nakasara ang pinto bago pa man kami maglakad patungo sa taniman kung saan naroon ang kuya niya.   Magaan na ang pakiramdam ko. Sobra. Medyo exaggerated mang pakinggan, para na lang ako binunutan ng malalim na tinik. I could even feel this excitement. At hindi ko alam kung para saan. Para ba kay Iso o para sa lugar na makikita ko?   “Marami bang tao roon, Igor?”   “Tao? Wala po ate, kami-kami lang po roon ni Nanay at Kuya.”   Natuwa ako bigla. Mabuti na lang dahil kung sakali mang naroon din ang mga tao na iniisip na malas ako, baka mapaatras na lang ako. But knowing na mabait ang pamilya nila at hindi naman basta-basta naniniwala, malakas ang kutob ko na hindi sila isa sa mga kumukunsinti na kamalasan ang dala ko. Tuwang tuwa pa nga sila noong una nila akong makita sa tahanan nila.   “Hindi kaya magagalit ang kuya mo?” kuryoso kong tanong habang sumasabay sa kaniya ng hakbang. Nag-iba na kami ng ruta at medyo madamo ang daang ito. Basang basa ang mga dahon ngunit hindi magawang sinagan ng araw dahil sa mga nagtataasang puno. Lahat yata ng parteng nadaanan namin ay pinaibabawan ng anino.   “Huh? Bakit naman po magagalit si Kuya? Matutuwa pa nga po iyon.”   Hindi ko napigilang ngumiti. “Matutuwa? Bakit matutuwa?”   “Ewan ko po ro’n. Kapag po binabanggit kita sa kaniya, napapangiti po iyon kahit na may ginagawa.”   May kung anong humipo sa puso ko. Tuwa? Oo. Kilig? Hmm, hindi ako sigurado. Pero isa lang ang nasisiguro ko: natutuwa ako dahil kahit paano, may natutuwa sa presensya ko.   Hindi naman pala talaga brutal sa lahat ng pagkakataon ang mundong ito. Minsan, nasa tabi-tabi lang ang mga taong magpapaniwala sa atin na masarap mabuhay. Kadugo man o hindi.   Aminado akong nakaramdam ako ng pagod nang lumipas ang lagpas dalawampung minutong paglalakad. Medyo marami-rami na rin ang aming inihakbang pero hindi pa rin natatapos. Seryoso bang ganito kalayo ang tinahak ng batang ito bago marating ang kubo kung nasaan ako? God. Hindi ko yata kakayanin kung magpabalik-balik ako rito.   “Malapit na po tayo,” aniya nang matanaw na namin ang tila dulo ng gubat na aming nilalakaran. Kitang kita na ang nakasisilaw na liwanag ng araw at ang luntiang repleksyon ng mga puno sa hindi kalayuan. Sapawan pa ito ng kulay bughaw na kalangitan at ang medyo mabagal na simoy ng hangin. Everything is so perfect. Parang hindi dinaanan ng ulan kagabi.   Nang marating na namin ang dulo at makalagpas sa malamig na anino, literal akong suminghap sa sobrang mangha. Oh God! Totoo ba ang nakikita ko ngayon? Bakit parang wala ako sa isla ngayon?   The view is planted with stout trees. Namumutiktik ang mga bunga nito at karamiha’y puro mga lansones at rambutan. Ang mga damo ay para bang dinaanan ng lawn mower. Pinong pino, tuyong tuyo, at masarap higaan. Kumpara kasi sa mga damo at halaman na napailalim sa anino, ang mga ito ay talagang bilad na bilad sa araw. Pero kahit tirik dito ang sinag ng araw, hindi mararamdaman ang init dahil sa banayad na simoy ng hangin.   Hinawi ko ang buhok ko nang magulo ito sa pagkakatago sa likod ng aking tenga. And just as I contemplate this beautiful view, isang lalaki ang biglang umagaw ng atensyon sa akin. Nakatayo sa ilalim ng puno, may bitbit na basket, may suot na salakot, at tila ba napahinto sa ginagawa at napatitig sa akin.   Ngumiti ako dahil siguradong nakikita niya mula roon ang ekspresyon ko.   “Kuya Iso! Kasama ko si Ate Daff!” malakas na sigaw ni Igor. Tuwang tuwa ito at kagaya kong excited.   Nagpatuloy kami ni Igor sa paglalakad. Sa pagkakataong ito ay yumuko na ako at sinadyang isuyod ang mga paa sa malalambot na tekstura ng damuhan. Pakiramdam ko ay para akong nasa paraiso. Tagong tago lang talaga kaya mahirap madiskubre.   I felt bad for those who haven’t visited this island of Agunaya. I felt bad for those who believe that this is the Island of Death rather than the Island of Paradise. If only I have the guts to promote this as part of Philippines, why not? Nakalulungkot lang isipin na pinagpasa-pasahan na sa iba’t ibang bibig na patay na ang lugar na ito; kahit buhay na buhay pa naman sa ganda.   Years have passed. Sa halos dalawang dekadang lumipas mula nang maganap ang malawak na trahedya, hindi naman siguro malabong sabihin na naka-recover na ito kahit walang renovation. Ang saklap lang dahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataong makilala muli, sa halip ay kinamuhian pa.   “Ate,” bulong ni Igor na akin namang narinig. Mas bumagal ang lakad niya kaya binagalan ko na rin ang akin.   “Bakit?”   Humagikhik siya. “Si Kuya, natataranta.”   “Bakit naman natataranta?”   “Crush ka po eh,” aniya na unti-unting ikinabilog ng mga mata ko. “May gusto raw po siya sa’yo…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD