Pero bago kami umalis ay pasimple kong hinigit si Akimiro at isinama ito sa aming paglalakbay. Nang nasa gubat na kami nagtatakang tumingin sakin si Miro maski ang dalawa ko pang kaibigan. "Why am I here?" Tanong ni Miro. "Dahil hinila kita. Duh!" Pagpipilosopo ko. "I'm serious." "No you're, Akimiro." "The fuc--" "Sabi ko nga, hahanap tayo ng solusyon sa nangyari." Hindi ko na ito pinatapos at sinabi ko na agad ang dahilan. Whew! Kuya ko parin siya ah. "Bakit kailangan kasama siya? Prinsipe siya, Yuki." Pabulong na sabi ni Fauz sakin. Oh I remember hindi pa pala niya alam. "Ahm. Fauz. Kasi kambal ko siya hehehe." Mahinang pag-amin ko. Nanlaki ang mata niya at bumilog ang mga labi. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Miro na hindi parin makapaniwala. "OH-EM-GY!

