Ayuki's POV: "Sinong may sabing pwede kayong dumaan sa teritoryo ko?!" Sabi ng isang nilalang na hindi naman katangkaran at may maliit na katawan ngunit hindi naman pinagkaitan ng pagkalaki ng ulo. "Wala." Bored kong sagot. "Hindi niyo ba alam na bawal kayong dumaan rito ng walang permiso ko?!" "Ngayon mo lang sinabi kaya ngayon lang rin namin nalaman." Sagot ko. "Argh! Pinaglololoko mo ba ako?! Wala pang nakakalabas ng buhay rito!" "Ah talaga? Salamat sa pag-inform ah." Si Fauz na ang sumagot. "Talagang ginagalit niyo ako!!" Sigaw niya. At dahil nga sa bida-bida ang kambal ko ay nasa unahan ito kaya't hindi nila namalayan na naapakan nila ang patibong. Isa iyong pinagtagpi-tagpi na mga lubid kung kaya't nakakulong sila sa loob habang nakabitin. Syungangot! "Whew. Ang taas." Ko

