Third Person: Matapos gumising na dalaga at pumasok sa klase ay naisipan nito na mag ikot-ikot sa kung saan. Marahil ay nagsawa na sa pagmumukha ng mga unggoy na palagi niyang kasama at nakikita. May isang dalaga na masayang gumagala sa loob ng kagubatan at naghahanap ng kung anong pwedeng pagkaabalahan. Hmm. Mag treasure hunt kaya ako? Or species hunt? Yes! Tama, tama. Species hunt na lang! saad nito sa kaniyang kaisipan bago tumango-tango. Habang umiikot at nagtitingin-tingin sa paligid ang mga mata ay may isang nilalang na tahimik na sumusunod sa kaniya, at mukhang may balak gawin. Mukhang hindi ko na ata kailangan mag species hunt dahil species na ang nakahanap sa akin. Hihi. isip ng dalaga. Nararamdaman niyang may nakasunod sa kaniya pero hindi lang ito pinagtutuunan ng pansin.

