Nagbeauty rest ako pagkatapos namin mag hapunan. Gosh! Hindi ako nakapagskin care dahil naiwan ko sa dorm ang mga beauty products ko. "Ayuki, gising na!" I heard someone yelled. Nasa labas 'yon ng pinto ng kwartong gamit ko. "Pilitin mo 'ko!" sigaw ko pabalik. "Ano ka, prinsesa? Asa!" sagot ni Jayden. "Bobo! Prinsesa naman talaga 'yan?" rinig kong mahinang sabi ng kung sino. It's Kaizer, I guess? "Ay, oo nga pala," sagot ni Jayden sabay tawa. "Tanga-tanga!" Mga unggoy talaga. I took a shower and then wore a nice outfit that I found above my bed. Feeling ko ang mga servants nila Greyson ang nag lagay no'n. It took me an hour to finish. Bumaba na ako at dumeretso sa dining kung saan kumpleto na silang mga unggoy. Nakita ko silang nilalantakan na ang lahat ng saging na nasa lamesa

