Chapter 5

1780 Words
Miss Lee imprudently attacks Kaizer while holding her sword with both hands, her eyes fixed on Kaizer's chest. She's so focused on something she didn't note Kaizer's posture, like getting ready to duck and slipping his legs across the floor. That, of course, he did, and because Fauzia didn't expect it to happen, she staggered and fell to the floor. "Might as well, don't be distracted by your opponent." She tried to stand up, but Kaizer easily went over her, aiming the blade at her throat, parang inches away lang naman. Nagkatitigan pa sila at nang binigyan ni Kaizer ito ng matamis na ngiti, all she could do is to glare at him. Ilang minuto ang lumipas ay hindi na nakatayo ang babae at nakaalis sa kapit ni Kaizer. "Then, congratulations. Prince Kaizer has won over Miss Lee." Our professor declared before she turn her eyes to the girl. "Be alert of every move and position of your opponents. Huwag basta-basta sumugod, without even thinking a proper plan. Understood?" Tumango lamang ito at dumeretso sa hilera namin para umupo. The moment they went outside the barrier, all of their bruises and small wounds will instantly fade. Siguro may nilagay silang spell or some sort of magic para mangyari iyon. May mga ibang tinawag na at dumeretso sa gitna upang mag-laban. Our training proceeded and most of my colleagues were already called, as well as the other royalties, tanging kaming tatlo na lamang nila Kuya Miro at Cod iyong hindi pa. Sila Jayden, Greyson, at Raven ay nanalo. Of course, when it comes to training, we're beyond advancement. Either physically or by our skills. We must learn how to control ourselves at such a young age because we're the future heir to our respective kingdoms. We need to know how to protect ourselves if the time comes for us to be left alone and for no one to save us, but only ourselves. "Let's off, Prince Cody and Mister Alvaro. You may proceed to the barrier." Muntik pa ako kiligin nang seryosong tumayo si Cody at gwapong-gwapo pumunta sa gitna. Okay, the 'gwapong-gwapo' is an understatement. Although, he really is blazing hot from head to toe. Well, not literally, ha. Just metaphorically. -- Kaizer's: Sheyt. Sasabak na si pareng Codeng sa laban. Nawa'y makalabas ng buhay at buo ang katawan ni Albarong tagalog. Dinggin ninyo ho ang panalangin ng isang gwapong nahulog mula sa langit at nabiyayaan ng isang daan at lagpas pa na porsyentong karisma. "Gago. Bakit parang sasabak sa hukbong sandatahan si Codylods?" Mahinang bulong sa'kin ni Jayden. Lumapit ito sa'kin nang hindi inaalis ang tingin sa aming propesor upang hindi mahuli na may ginagawa kami na katarantaduhan. "Pareng Jayden, ganiyan talaga kapag bitbit mo ang buong mundo sa balikat mo. Nagmumukha kang mangangaso." Nagkatinginan ko bago mahinang tumawa dahil sa mga sinabi. "Anong mangangaso, mga kuya?" Napaigtad kaming dalawa ni Jayden sa biglaang pagsulpot ng ulo ni Raven sa gitna namin. Tang'na. Ano ba naman 'tong bata na 'to? Akala ko chiks na. "Ikaw, mukha kang aso. Pft." Pigil ang tawa kong pangaasar sa kaniya. Agad siyang napanguso na akala mo ninakaw ko ang candy na dala niya.  Bigla akong nataranta nang nagtubig ang mga mata niya at naramdaman kong may isang kampon ni kamatayan ang masamang nakatitig sa'kin mula sa hindi kalayuan. Pakshet. "Inaaway mo na naman si Raven, kuya!" Mahinang bulong ni Greyson sa'kin habang masama na rin na nakatingin. Napangiwi ako dahil walang-wala ang masamang ipinupukol niya sa'kin kumpara sa isang parehas ng mga mata na nagmumula sa likuran. "Bakit ramdam kong kakaway na sa'kin si kamatayan at makikipag-meet and greet na sa kagwapuhan ko? Tang'na." Sambit ko habang dahan-dahan lumilingon sa likod. "Nawa'y gabayan ka ng mga ninuno mo sa iyong pagsulyap sa likuran." Parang gagong saad ni Jayden na inignora ko na lamang at sumulyap na sa taong masama ang tingin sa'kin. Agad nalukot ang mukha ko at sinubukan ngitian si mareng Ayuki na ang sama-sama na kung tumingin dahil sa ginawa ko sa alaga niya. Inasar ko lang naman! Eto naman si Raven napaka-iyakin. Ibaon ko kaya 'to sa lupa? "Mukha kang natatae sa itsura mo, Kuya Kaizer." Pigil na tawa ni Greyson sa akin. "Stop talking, you dummies. Concentrate on the duel." Isa pang kampon ni kamatayan ang nag-salita malapit sa kinauupuan ko. Bakit ba ako pinaliligiran ng mga kamag-anak ni kamatayan? Bumalik na lang kaya sila sa impyerno at mamuhay doon ng payapa. Masarap kaya maging residente roon? Kaso hindi nababagay ang kagwapuhan ko ro'n at karapat-dapat ako umakyat sa white stairs patungo sa liwanag. Sumeryoso na ako at pinanuod ang paglalaban ni Pareng Codeng at Albarong tagalog. Seryoso ang kanilang mga mukha na nakabawas pa lalo sa kanilang kagwapuhan. Nakakaawang mga nilalang. Agad nilang pinalabas ang kanilang mga espada nang makapasok sa barrier at makapwesto. Namamangha akong napatingin sa kanila dahil bida-bida ang espada ni Pareng Codeng na kumikinang sa loob ng barrier. Wow, sana ol. "Jollibee si Codylods." Natatawang bulong ni Jayden. Inignora ko na lamang siya dahil hindi niya deserve ang kahit na anong atensyon mula sa kagwapuhan ko. Ilang segundo muna nagtitigan at nagpakiramdaman ang mga hindi nabiyayaan ng kagwapuhan, pigil hininga kami rito dahil sa sobrang tagal nila sumugod sa isa't-isa. Ano ba inaantay ng mga 'to? Magkaroon ng uban sa ulo o umitim ang black board kahit green naman ito? "Sheyt! Finally arielle happen to me!" Mahinang bulalas ko nang si pareng Codeng ang unang umatake sa kalaban. Mabilis itong tumalon nang mataas habang nakataas ang bida-bida niyang espada sa ere. Nang malapit na siya kay Albarong tagalog at maihahampas na sana sa katawan nito ang sandata ay mabilis nito iniharang ang espadang hawak upang sanggain ang atake ni pareng Codeng. Dahil sa mabilis na galaw at pwersang nagamit ay malakas na kumalansing ang kaniya-kaniyang espada nang magtama ang mga ito. Magkadikit pa rin ang kanilang espada at walang nagpapatalo na ibaba manlang nino man. Ramdam at kita ko mula sa aking pwesto na ginagamitan nilang dalawa ng lakas at pilit na inuurong ang kaniya-kaniyang sandata. Masamang tingin ang pinupukol ni Albarong tagalog sa aking parekoy habang ang huli naman ay walang emosyon siyang pinagmamasdan. Hindi ba siya nahihirapan? Amp. Napansin kong dahan-dahan napapaatras si Albarong nang humakbang palapit si pareng Codeng at mas dinagdagan pa ng pwersa ang pagtulak sa espada nilang magkasangga. Ilang ulit pa humakbang si pareng Codeng at umabot sila sa puntong nakadikit na halos ang kalaban nito sa barrier. Kita ng kagwapuhan ko ang itsura ni Albarong na hirap na hirap itong palagan ang lakas ni Codeng. Nagulat ako nang mabilis na bumitaw si Albarong sa sanggaan nila at umikot pakanan nang makita nitong babagsak sa kinatatayuan niya ang espada ni Codeng. Mas lalo pa nanlaki ang nakakaakit kong mga mata nang pag-iwas ni Alborong ay mabilis niya rin iwinasiwas ang espadang hawak sa kinatatayuan ni Codeng. Mabuti na lang ay matalas ang pakiramdam ng huli at mabilis itong yumuko at medyo tumalikod sa gawi ng kalaban upang malakas na bigwasan si Albarong sa tagiliran, na naging sanhi nang pag-atras nito habang hawak sa kanang kamay ang espada at sapo-sapo naman ng kaliwa ang kanang tagiliran. Napangiwi ito at ika-ikang umatras kaya't napagtanto ko na malakas talaga ang ginawang atake ni Codeng. Isang paalala, huwag iinisin ang isang Codeng kung hindi ay bigwas ang iyong aabutin. "Tignan mo si Ayuki, 'tol. Mukhang kinikiliti dahil sa itsura. Pft. Lakas talaga ng amats kay Codylods." Napatingin ako kay Jayden nang bumulong siya sa'kin. Sinulyapan ko rin si mareng Ayuki na kulang na lang ay mangisay sa kinauupuan niya dahil sa pagpipigil ng kilig. Napailing ako nang makita na nangangamatis na ang mukha nito na akala mo dating isinilang na kamatis at tinubuan na lamang ng organ system. Sheyt. Science 'yon! "Budburan mo kaya ng asin para tuluyan na mangisay. Pft." Pagbibigay suhestisyon ko rito at natatawang palipat-lipat ang tingin kay mareng Ayuki at Jayden. Kung walang iba na estudyante rito ay kanina ko pa inasar si Ayuki kaso ang dami na nakapaligid sa'min. Kung ngayon ko naman siya aasarin ay baka ibaon ako nito sa lupa at maging duwendeng gwapo na. Hindi pwede 'yon! "Pakshet—" Napatingin ako kay Jayden nang mapamura ito ng malakas. Nalipat sa guro namin ang paningin ko at naabutan na masama na ang pinupukol nito sa taong katabi ko. Lagot! Bad guys don't go to heaven, but good looking guys namely Kaizer is required to go to heaven. "Siraulo ka, 'tol! Bakit ka nagmura—" Naputol na naman ang pagbulong ko ng ituro niya ang direksyon nila pareng Codeng. "Tignan mo!" Nanlalaki ang mga mata nitong anas. Nanlaki rin ang mga gwapo kong mata nang makitang nagdudugo ang kaliwang pisnge ni pareng Codeng. Isang mahabang hiwa ang mayroon doon. Nakatabingi ang ulo nito pareng Codeng sa gawing kanan habang dahan-dahan nito inaabot ang kaliwang pisnge para punasan at tignan ang mga daliri na may dugo. Lumipat ang tingin ko kay Albarong na nakangisi na ngayon habang hawak-hawak ang espada niyang hindi bida-bida gamit ang dalawang kamay. Mukhang nakabawi na ito sa atake kanina ni Codeng at naglaban sila, at nagkaroon siya ng tyansa upang umatake at mabigyan ng hawi si Codeng. "Shet nga..." Naibulalas ko habang nakamasid sa kanila. "Tang'na. Manghihingi nga ako ng tips kay Albarong kung paano niya nasugatan si Codeng! Pakshet. Hindi ko dapat palagpasin ito!" Anas ko. Umayos na ng tayo si Codeng at sinulyapan na ang kalaban bago pinatunog pakaliwa't kanan ang ulo na pawang naghahanda na sumugod. Magkalayo ang distansya nilang dalawa kaya't nagaabang kami kung sino ang unang susugod. Mas lalong naging malamig ang mga tingin ni Codeng at mas naging nakakatakot dahil damang-dama ko mula rito sa aking trono ang kaniyang inis. Patay na. Sumugod bigla si Codeng habang nakataas ang espadang hawak nito at nakatutok sa kalaban, kita ko naman na humigpit ang hawak ni Albarong sa espadang hawak niya at nakangisi pa rin na pumosisyon bago sumugod para salubungin si Codeng. Nang onti na lamang ang distansya ay hindi inaasahan na nagpadausdos pahiga sa sahig si Codeng at sinipa ang parehas na paa ng kalaban at lumusot sa ilalim nito bago pa matumba. Nang makalusot ay mabilis nitong tinukod ang kaliwang kamay at tuhod sa sahig at mabilis na tumayo't inihampas sa ulo ng kalaban ang hawakan ng espada nito. Hindi pa siya nakuntento roon dahil nang patumba na sana si Albarong ay mabilis niya itong hinila sa kuwelyo patayo bago tumalon at bumwelo para sipain, matapos niyon ay mabilis itong umikot habang nasa ere pa at iwinasiwas sa bandang tyan ni Albarong ang espada hawak nito. "Powta." Tanging naibulalas namin pareho ni Jayden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD