THE HEIRESS 04

3442 Words
THE HEIRESS 04: NEW BEGINNING Hinihangal at habol hininga akong napabangon  mula sa aking hinihigaan. Ang bangungot nang nakararaan, bakit hindi kita makalimutan? Pilit na pinapakalma ko ang aking sarili bago tuluyan na tumayo sa hinihigaan, at niligpit ang mga 'yon. Tinignan ko ang oras mula sa gilid ng aking higaan. Maaga pa para sa unang klase ko ngayong araw na 'to, at mas maaga pa ako sa alarm na ginawa ko. "Mas mabuti na din 'to, kesa maabutan ako ng traffic sa daan." Bulong ko sa aking sarili. Nang matapos ko ligpitin ang hinigaan ay mas pinili ko ang lumabas sa aking kwarto. Ilang buwan na ang lumipas simula nang nangyari ang mga bagay na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang mga bawat salitang sinabi nila. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap sa sarili ko na mabilis nila akong naloko't na-uto sa mga matatamis na salitang sinasabi nila. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng agahan. Ito ang pangatlong araw ko na nag-iisa sa isang bahay, masasabing kong nakakapanibago ang lahat pero kailangan kong masanay. Matanda na ako, kailangan ay matuto na ako sa sariling kamay at paa ko na kumilos. Hindi sa lahat ng bagay ay andyan si mama para asikasuhin ako, para intinidihin ako at problemahin ang mga problema ko. Maliit na appartment lang ang pinili kong upahan. Nag-iisa lang naman ako na titira sa bahay na 'to kaya naman ay napilit ko sila mama na dito nalang tumira. Kumuha ako sa ref ng dalawang pirasong itlog,  ham at hotdog. Sakto lang 'yon sa akin at sa pangbaon ko para sa tangalian. Binuksan ko ang gas stove, at hinanda ang mga lulutuin ko. Nang mapansin ko na kumukulo na ang mantika ay isa-isa ko nang nilagay ang mga aking lulutuin. Sa tatlong araw na mag-isa, halos mapurga ako ng itlog, hotdog at ham. Kompleto man ang gamit ko sa kusina at mga sangkap ay hindi naman ako marunong magluto kaya parang balewala din ang lahat nang 'yon. Napangiti ako ng matapos na ang pagluluto. Isa-isa kong nilapag ang mga plato kung saan nakalagay ang mga uulamin ko, at nag-umpisa na magsaing. Sinilip ko ang oras. 4:45 palang nang umaga, at mamayang alas-syete ang first subject ko. Iniwan ko ang sinasaing ko bago pumasok mula sa loob ng kwarto. Hindi ko pa naayos ang bag ko. Masyado akong na wili sa kakabasa at panunuod ng Chinese Drama sa laptop ko. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa nakatulog nang walang kain. Binuksan ko ang isang pinto kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Pinadala lahat ng 'yon ni mama, at ang mga relatives ko ay nagkanya-kanyang padala. Bilang regalo sa 18th birthday ko, kaya wala akong magawa kundi ang tanggapin ang lahat ng 'yon. Dumiretso ako sa aparador kung saan nakasabit ang lahat ng bag. Iba't-ibang mga brand at style ang mga 'yon. Sa unang tingin ay kita mong mamahalin na. Napailing ako at kinuha ang isang bag na nasa pinaka-ilalim. Ang bag na nabili ko sa isang bangketa na naka-agaw nang pansin ko. Kulay pink ang bag na 'yon, at may nakasulat na qoute na 'Ni Hao'. Ibig sabihin sa English ay 'Hello/Hi' . Isa-isa kong nilagay ang mga ibang kakailanganin ko sa unang araw ng klase. Katulad nalang ng binder, yellow paper, red at black ballpen. Nilagay ko na din sa loob ang isang wallet ko kung saan nakalagay ang iilang cards na pinadala sa akin ni mama, kasama na din ang saving ko. Nang maayos ko na ang laman nang bag ko ay dinala ko na 'yon papalabas ng kwarto, at pinatong sa isang sofa sa salas. Bumalik na ako sa kusina para bunutin ang rice cooker na ginagamit ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Dati, sa tuwng gumigising ako ay nakahanda na ang lahat sa lamesa, kakain nalang ako at maliligo. Samantala ngayon, ako na mismo ang nag-aasikaso para sa sarili ko at hindi ko maiwasan na maging proud dito. Bago ako umupo sa harap ng lamesa ay kinuhaan ko muna nang litrato ang mga niluto ko. Sinend ko 'yon kay mama para malaman niya na kumain na ako at kumakain ako habang malayo ako sa kanya. Ito ang naging kasunduan namin dalawa. Sa tuwing wala ako sa bahay, kailangan ay kumain ako sa tamang oras, matulog ng maaga, dumiretso ng uwi at huwag magpapasok basta-basta ng kahit sinong lalaki sa loob ng apartment ko. Pumayag ako sa lahat ng 'yon, pero sa pagpupuyat ay nahihirapan akong sundin. Mas lalo na tuwing may nagrerecommend o may nakikita akong magandang Chinese Drama sa social media. Speaking of social media. Nagbago ako nang lahat ng 'yon, gamit ko ang apelyedo ni mama. Ang mga dating social media account ko ay mas pinili ko nang i-unactivate. Ayaw ko n magulo ang panibagong buhay ko sa bagong lugar na 'to. Nag-umpisa na akong kumain nang sarili kong niluto. Naglagay na din ako sa baunan ko para sa tanghalian ko, hindi naman sa nagtitipid ako  ang akin lang ay ayaw ko malaman nila na may pera ako. Tama na 'yong makita nila na nakakain ako at nabubuhay. Ayaw ko na lapitan ako ulit ng mga tao dahil sa pera at sa pangalan ng pamilya ko. Sa huling subo ay na udlot ng malakas na tumunog ang cellphone ko. Binaba ko ang hawak kong kutsara bago sinagot kung sino 'yon. Si mama. "Good morning po, ma" bati ko mula sa kabilang linya. "Anak, sigurado ka ba na ayaw mo nang ibang makakasama sa apartment mo? Nahihirapan ka ba sa pagluluto? Gusto mo ba magpadala ako ng isang katulong dyan para makatulog ka pa nang mas mahaba?" Sunod-sunod nitong tanong. Napangiwi ako. Tinignan ko ang mga niluto ko at muling binaling ang atensyon sa tawag ni mama. "Ma, huwag po kayo mag-aalala. Ayos lang po talaga ako, at napansin niyo po ba na hindi na sunog ang ulam na kinakain ko ngayon. Ibig sabihin ay may improvement po 'ko diba?" Pagkukusinte ko sa kanya. Nang una akong makarating dito at unang beses na nagluto ay halos mangitim na ang ulam na ginawa ko. Kaya sa huli ay take out nalang mula sa isang canteen sa baba ng building ang kinain ko. "Paanong hindi ako mag-aalala sa'yo, anak? Lumaki ka na kasama mo 'ko, hindi mo alam ang mga bagay sa loob ng kusina. Paano kung mapa--" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama. Sinubo ko ang huling kanin na natira sa plato ko bago uminom nang tubig. "Kaya nga po mag-isa ako ngayon. Kailangan ko po na matuto na wala kayo sa tabi ko. Ma, matanda na po ako at alam ko na ang mga bagay-bagay." Putol ko sa sinabi nito. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Ma, buksan mo ang video chat." Ani ko. Sinunod niya ang sinabi ko. Bumungad sa akin ang nag-aalala nitong mukha sa kabilang kinya, at mukhang na sa kusina siya dahil sa background niya kung saan nakasabit ang iilang mga baso. "Ma, tignan mo po," sabay pakita nang plate ko na wala nang laman, "Ubos na ang pagkain ko. Mas nakakain ko na siya ngayon kesa nang una. Sa susunod na mga araw ay marunong na po ako," dagdag ko pa. "Oo na, anak. Basta kung may problema ka ay sabihin mo agad kay mama o papa, maliwanag?" Pagsuko nito. Tumango ako dito bago ngumiti nang malaki. Tumayo ako sa aking kina-uupuan at isa-isang inayos ang pinagkainan ko. Hinayaan ko na panuorin ako ni mama sa ginagawa ko para makita niya na kaya ko. "Ma, maliligo na po ako. May klase pa ako nang seven a.m." paalam ko dito. "Teka lang, tignan mo muna ang bag mo." Utos nito. Tumango ako sa kanya at binuksan ang bag ko. Kompleto na ang lahat nang andon, pati na din ang coin purse na pinadala sa akin ni mama. "Nasaan na ang mga wallet mo?" Tanong ni mama. Tinaas ko mula sa camera ang coin purse at isang wallet kung saan nakalagay ang mga cards ko. Ang mga pera kong papel ay inipit ko sa cover ng aking binder para kung sakali na madukutan man ako ay hindi makuha ang mga 'yon. "Good. Ang coin purse mo, ayan lang ang ilabas mo sa byahe maliwanag? Huwag ka masyado maglabas ng cellphone habang nasa byahe. Mag-ingat ka." Paalala nito. Muli akong tumango sa kanya. "Opo, ma. Masusunod po. Maliligo na ako ah?" Paalam ko muli. "Okay! Okay! I love you, anak." Aniya bago pinatay ang tawag. "Hindi man lang ako pinatapos." Napailing nalang ako at nagreply sa kanya nang 'I love you too.' Kinapa ko ang wallet mula sa tabi ko at nilagay 'yon sa loob ng bag. At ang coin purse naman ay hinagis ko sa kabilang sofa, para hindi na ako magbubukas pa nang bag pagnasa byahe. Patakbo akong pumasok nang banyo. Nag-umpisa na akong mag-ayos ng aking sarili, mula sa ulo hanggang paa. Simpleng Black tshirt at jeans lang ang aking suot, tama lang na sumunod sa rules ng university. Pineresan ko nang isang itim na sapatos ang aking suot. Tinignan ko ang orasan mula sa dingding, malapit na mag-alas sais at magrurush hour na. Ang University ay pwede naman lakarin nang labing limang minuto pero kung sasakay ako ng bus ay limang minuto lang. Ayos na 'yon para mauna sa klase. Bumalik ako sa kusina, at sinugurado na patay ang gasoline na pinaglutuan ko. Pati na din ang mga ilaw mula sa kwarto, kusina, banyo at sinigurado na nakapatay ang kailangan pang ibang patayin. Nagmamadali na kinuha ko ang bag ko. At tumakbo papalabas ng bahay. Mabuti nalang at may elevator ang apartment na 'to. Nang makarating ako sa sakayan ay na pansin ko na ang mahabang pila ng mga tao. May mga iba na nakaformal attire, ang iba ay mukhang nagtratrabaho sa construction, at ang iba naman ay mga studyante na papasok sa kanikanilang mga paaralan. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Lahat sila ay nagtyatyaga na gumising ng maaga para ma-una sa pila. Hindi katulad ng nakasanayan ko na sasakay nalang sa sasakyan at ayos na ang lahat. Hindi umabot ng limang minuto ay nakasakay na ako. Katabi ko ang bintana at katabi ko naman ang isang matandang lalaki na nag-umpisa nang matulog sa kanyang kina-uupuan. "Pahanda na po ng mga bayad!" Sigaw ng lalaki. Mukhang kundoktor 'to ng bus na sinasakyan ko. Kinapa ko ang aking bulsa para kuhain ang coin purse ko. Kumabog ang dibdib ko ng hindi ko 'yon makita mula sa likuran. Mabuti nalang at may pera pa ako sa binder k-- "Ma'am, masyado pang maaga at kakaumpisa palang po namin bumyahe. Wala pa po kaming barya sa isang daan," reklamo ng kunduktor. Napahigpit ang hawak ko sa pera na nahugot ko mula sa binder. Isang libo. Kung wala silang barya sa limang daan ay mas lalong wala 'tong barya sa isang libo na pera ko. Napakagat ako sa ibabang labi. Muling tinignan ko ang kundoktor na malapit na sa pwesto ko. At ako ay hindi na mapakali sa kinauupuan ko dahilan para magising ang matanda na nasa tabi ko. Saktong paglapit sa amin ng kundoktor. "Sta. Lucia." Ani ng matanda bago inabot ang bayad nito. Napatingin ako sa pera na inabot niya, at napatingin  sa pera na nasa kamay ko. Bahala na. Atleast ay makapagbayad ako. Itataas ko na ang kamay ko at i-aabot ang isang libo na nasa kamay. Nang may ma-unang mag-abot ng bayad. Nakatayo 'yon sa katabi ng matanda. At base sa ID lace niya ay schoolmate ko siya. "Dalawa po," sabi nito. Kinuha naman ng kundoktor ang bente pesos na inabot nito at binigyan siya ng resibo. "Sinong kasama mo?" Tanong nito. Tinuro naman ako nang lalaki. Para akong kakainin ng lupa sa kahihiyan. Ito ang unang beses na may nagbayad para sa akin, at ito din ang unang commute ko sa tanang buhay ko. Tumango ang kundoktor sa akin. Nilagpasan niya kaming dalawa at naningil nang iba pang pasahero. Nilingon ko ang lalaking nagbayad ng pamasahe ko. Ngunit, wala na siya sa pwesto niya at malapit na 'to sa pinto. Nilingon ko ang labas ng bus. Malapit na ang babaan! Nagmamadali akong tumayo at nakisiksik sa mga tao, nang malakas na nagpreno ang driver na dahilan para tumalsik ako. Napapikit ako ng aking mga mata. Hinihintay ang pagbagsak ng pwet-an ko. Pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa din ako bumabagsak. Dahan-dahan ko na binuksan ang mga mata ko, at namalayan ko nalang na na sa bewang ko na ang kamay niya para saluhin ako. "S-salamat!" Nahihiya kong sabi bago napayuko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Muling huminto ang bus na sinasakyan namin at isa-isa nang bumaba ang mga studyante. Nauna akong maglakad at ang lalaki na nagbayad sa pamasahe ko ay nasa likuran ko lang. Ang sabi ko sa sarili ko ay bagong buhay, walang kahit ano sa buhay at tanging pag-aaral lang ang gagawin pero ngayong first day. Nevermind. Nakarating kami mula sa gate. Nag-umpisa magtinginan ang mga studyante sa pwesto ko. Tinignan ko ang damit ko, wala naman problema doon. Nang lingunin ko ang na sa likod ko ay andon pa din ang lalaki. Nakatingin din 'to sa akin na walanv kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Patakbo na lumakad ako papalayo sa pwesto niya, hanggang makarating ako sa classroom. Malamig doon at tahimik. Ang iba naman ay mukhang magkakakilala na dahil magkakatabi na ang mga 'to, at nag-uusap. Umupo ako pangalawang linya, sa pinkagilid. Kinuha ko ang earpods at sinaksak 'yon sa tenga ko. Ilang minuto lang din ay unti-unti nang dumami  ang mga tao sa room. Nang may tumabi sa akin na isang babae, at mukhang kakilala niya ang dalawang na sa harap ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Tinanggal ko ang earpods na nasa tenga ko at binalik 'yon sa lalagyanan. Nagsilent na din ako ng phone para walang istorbo. "Ang sabi ko sa inyo ay agahan natin sa pagpasok. Ang aga niyo pa nagpaalam kagabi para maaga kayo magising. Sabay late din pala tayo," reklamo nang babae na katabi ko. Nanatili akong nakatingin mula sa harapan. Hinihintay ang pagpasok nang professor ngunit wala pa ito. At mukhang susulitin din nito ang 15 minutes para sa mg late na studyante. "Sino ba ang huli na dumating kanina? Si Luna lang naman ang matagal mag-ayos." Reklamo nito. "Ako na naman?" Tanong naman ng isa nilang kasama na mukhang si Luna na tinutukoy nila, "Nagsabi ako sa'yo kagabi Penelope na tawagan mo 'ko kung hindi pa ako nakakapagchat 'di ba?" Baling nito sa katabi ko. Kita ko naman ang pag-irap ng katabi ko sa kanya bago tinuro ang nasa harapan niya, "Hindi lang naman ang ako ang sinabihan mo noon 'di ba? Pati din si Natalie." Sagot nito. "Oo na, oo na! Teka," pagpapahinto ng Natalie sa mga kaibigan bago ako nilingon, "Hi, classmate! Anong pangalan mo?" "H-ha?" Tanong ko sa kanya. "'H-ha' ang pangalan mo?" Natatawang tanong nang katabi ko. Umiling ako sa kanya bago yumuko, "MJ" mahina kong sagot. "Nahihiya ka ba sa amin?" Cute na tanong ni Luna sa akin Tumango sa kanila. Akmang magsasalita pa sana ang katabi nang nasa harap ko nang malakas na bumukas ang pinto. Napatigil kaming lahat nang pumasok ang isang lalaki. Nakapolo shirt 'to kung saan nakalagay ang logo ng school, pinerasan niya 'to pants at rubber shoes. "Paparatong na si Sir Tradella. Ayusin niyo na ang mga upuan niyo at siguraduhin na maayos na nakalinya, mula sa harap, likod,  kanan at kaliwa." Utos nito bago nilibot ang paningin sa buong klase. At huminto 'yon sa pwesto ko. Nag-umpisa na mag-ingay ang mga tao mula sa loob ng room. Karamihan noon ay ang mga lalaki na pare-parehas na naka-itim na ID lace. Nakayuko akong tumayo sa kinauupuan ko. At inayos ang pwesto ko. Siya ang lalaki na nagbayad ng bus fee ko kanina sa byahe. Ilang saglit lang ay pumasok na ang isang matandang lalaki. Mukhang iyon na ang prof namin, at base sa aura na nilalabas ng katawan niya ay mukha 'tong terror. "Good morning, class!" Sigaw nito sa harap. "Good morning, sir!" Bati namin habang nakatayo. "You may sit down," aniya. Tahimik kaming umupo at walang ingay na maririnig mula sa loob ng room. Maliban sa yabag ma ginagawa ni sir mula sa harap. Sinulat niya ang pangalan niya mula sa whiteboard bago kami hinarap. "My name is Antoñio Tradella. At tatawagin niyo 'kong Sir Tradella. Ngayong araw na 'to, sasabihin ko ang mga rules na pinapatupad ko sa klase ko." Sabi nito bago nilingon ang lalaking nakatayo sa gilid nito kung saan nakatayo ang lalaki. "Adrian, attendance!" Utos nito dito. Tumango ang lalaki na mukhang Student assistant nito. At kinuha ang isang papel kung saan nakalagay ang mga list nang andito sa room. "I-ekis mo ang mga wala dito. Hindi magpapasok ng late, drop na agad sila." Aniya. Napakagat ako nang ibabang labi ko. Malakas ang t***k nang puso ko at ramdam na ramdam ko ang 'yon sa buong katawan ko. "Luna Baustista!" "Present!" Sigaw ng nasa harap ko. "Natalie Flores!" "Present!" Sigaw ng katabi ng kaharap ko. "Marie Joyce Sebastian!" "Present!" Mahinang sabi ko bago tinaas ang kanang kamay. "Marie Joyce Sebastian!" Sigaw ni Sir Tradella habang nililibot ang paningin niya, "Tumayo ka nga kung sino ka mang babae ka." Nakayuko akong tumayo sa upuan ko. Nag-umpisa nang manginig ang kamay ko pati na din ang tuhod ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Sir!" Mahinhin na tawag ko dito habang nakataas ang kanang kamay. "Akala ko ay hindi ka marunong magsalita. Lakasan mo ang boses mo! Hindi kami ang mag-aadjust para sa'yo dito!" Sermon nito. "Opo, sir. Sorry po," hinging pa-umanhin ko at nanatiling nakatayo. "Marie Joyce Sebastian?!" Ulit ng lalaki kanina. "Present!" Pasigaw kong sabi. Tumango naman 'to sa akin at may kung anong sinulat mula sa hawak nitong papel. "Penelope Villanueva" pagpapatuloy nito. "Present!" Sigaw ng katabi ko. Nagpatuloy ang pagtawag sa mga pangalan. At nang natapos 'yon ay nanatiling tahimik ang buong classroom. "Attendance. 'Yan ang isa sa pinaka-importanteng requirements ko sa subject na 'to. Tatlong late equevalent nang isang araw na absent. At dalawang absent, huwag na kayong mag-abala pa na pumasok sa klase ko. Maliban sa mga may emergency talaga," matalas ang tingin na sabi nito. "Pangalawa. Self study, magtatanong ako nang mga bagay-bagay tungkol sa susunod na sabject natin. At pamalasan nalang kayo kung sino ang matatawag ko-- At isa ka sa malas na 'yon Sebastian." Sabay lingon nito sa akin, "Tumayo ka." Utos nito. Ginawa ko ang gusto niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin mula sa harap. "What is Financial Management?" "Financial management may be defined as the area or function in an organization which is concerned with profitability, expenses, cash and credit." Sagot ko dito. Napapalakpak naman ang mga kalalakihan mula sa likod sa sagot ko. Dahilan para mapangisi si Sir. Tinuro nito ang lalaki mula sa likod na malaki ang ngiti, "You! Tumayo ka, masyado kang masaya na nakasagot siya. Dapat ay mas maging masaya ka kung makakasagot ka, dahil kung hindi may absent ka na." Pagbabanta nito bago ako nilingon, "Umupo ka na, maswerte ka ngayon." May pagbabanta nitong sabi. Muli akong na upo at tinignan si Sir Tradella nang mapansin ko na lumapit sa kanya ang lalaki. At may binulong, maya-maya ay tumango si Sir dito. Binbaba nito ang hawak na papel at lumabas sa room. Nagmamadali pa 'to pero bago siya tuluyanbna makalabas ay muling nagtagpo ang paningin namin dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang t***k nang puso ko sa gulat nang sumigaw si Sir. Muling napabaling ang atensyon ko sa harap, at ang kamay ko ay hindi mawala-wala ang panginginig. "Maupo ka, shokoy ka! Sa susunod ay wala kang karapatan na sumigaw at maging masaya sa klase ko kung wala ka palang alam." Bulyaw nito sa lalaki. "Opo, sir!" Sagot nang lalaking napatayo bago na upo sa pwesto niya. "Hanggang dito nalang sa araw na 'to. Alam niyo ang dalawang rules sa klase ko. At sa susunod na meeting ay malalaman niyo pa ang dalawa, hindi ko sasabihin ang mga 'yon pero sisiguraduhin ko na malalaman niyo ang mga 'yon sa pagkakamali niyo." Pagbabanta nito. Walang sumagot sa kanya. Nag-umpisa na magligpit si Sir ng mga gamit niya na nasa mesa bago kami muling tinignan. "Dissmiss!" Sigaw nito bago pabagsak na lumabas ng room. Napahinga ako nang malalim. Ramdam ko pa rin ang kabog nang dibdib ko dahil sa kaba. Mukhang hindi magiging madali ang unang semester ko sa school na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD