THE HEIRESS 03

1101 Words
    THE HEIRESS 03 “Mabuti na lang at nakauwi ka na,” bungad ni Mama pagbukas nito ng pinto. “Nandito ang Tita Marga mo. Dala-dala niya na ang gown na napili mo no'ng nakaraan,” excited na tugon nito. Tumango ako kay Mama bago mapakla na ngumiti sa kaniya. Dumiretso kaming dalawa sa salas at bumungad sa akin ang nakabukas na malaking box kung saan nakalagay ang gown na napili ko—mali, pinili nila. “Tita,” pagtawag ko rito bago ako nagmano bilang paggalang. “Hindi po ba sa susunod na araw pa ang schedule namin ni Mama?” tanong ko rito. “Bakit parang malungkot ka yata na makita ako, pamangkin?” biro nitong tanong bago hinimas ang buhok ko. “Aalis ako sa susunod na araw. At gusto ko na ako ang mag-handle ng susuotin mo sa debut mo kaya ako na mismo ang pumunta rito, para mabisita na rin ang mama mo,” diretso nitong sabi. Tumango-tango ako at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang puting box. Kinuha ko mula rito ang gown na nasa loob nito bago muling ibinalik sa box nito. Nilingon ko si Tita at Mama na parehas na nakatingin sa akin habang may mga ngiti sa kanilang mga labi. “Hindi ka na po dapat nag-abala pa, Tita, dahil hindi na po tuloy ang debut ko,” malungkot kong sabi. “Ha? Kailan pa?” nagtatakang tanong ni Tita Marga bago nilingon si Mama. “Hindi ba’t kakapamahagi niyo pa lang ng invitation?” Mabilis na lumapit sa akin si Mama bago hinawakan ang braso ko. “Anak, may problema ba?” nag-aalala nitong tanong. “Wala po, Mama,” umiiling na sagot ko. “Kung wala kang problema, bakit bigla mong ipapahinto ang party mo? Hindi ba’t excited ka sa party na hinahanda natin?” tanong nito. “Tita, sorry po talaga sa abala,” baling ko kay Tita bago yumuko. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan. Hindi ko alam kung sino ba ang naging totoo sa akin, o kung sino ang lumalapit lang dahil sa pamilya at ari-arian namin. “Pasensya ka na, Marga. Kakausapin ko muna si MJ,” paghingi ng pasensya ni Mama sa kapatid. “Ayos lang ‘yon. Mag-usap muna kayo. Iiwan ko na lang muna ang gown na ‘to at may kailangan pa akong asikasuhin,” aniya. “Pasensya na talaga,” muling sabi ni Mama. Tumango lang sa kaniya si Tita Marga at nagpaalam nang aalis. “Ma, aakyat na po ako,” paalam ko rito. “Sabihin mo muna sa akin ang problema, anak,” aniya. Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ‘to sasabihin sa kaniya. Sa bawat sasama ako sa mga kaibigan ko ay lagi niya akong pinapaalalahanan, sa intensyon ng mga ‘to sa akin pero hindi ako nakikinig. Nakuha ko pang ipaglaban sila kay Mama at sa huli, tama siya. Ginagamit lang nila ako para sa sarili nilang benipisyo. Ginagamit lang nila ako para mapalapit din ang pamilya nila sa pamilya ko at mabilis na makuha ang mga gusto nila. “Anong problema?” tanong ni Papa na kalalabas pa lamang ng kusina. Lumapit ‘to sa amin at inalalayan ako papaupo sa sofa. Samantala si Mama ay hindi maalis ang tingin niya sa akin na may pag-aalala. Parehas silang pumwesto sa magkabilaan ko bago hinawakan ni Mama ang aking kanang kamay. “Ma, Pa, 'di ba ang sabi niyo ay may tiwala kayo sa akin?” tanong ko sa kanila. Sabay silang tumango sa tanong ko. “Syempre naman.” “Gusto ko ipahinto ang birthday party ko, Ma,” malungkot kong sabi. “Hindi ko naman po talaga gusto ‘yon, eh. Sina Zoe lang naman po ang may gusto na mag-pa-party ako sa debut ko,” pag-amin ko. “Pero, MJ, naipamigay na natin ang ibang invitation sa mga bisita,” nag-aalalang sabi ni Mama. “Pa, please?” baling ko kay Papa. Sandali na nagkatinginan silang dalawa sa gusto ko bago tuluyang tumango sa akin si Papa. “Sabihin mo muna sa amin kung ano ba ang problema?” tanong ni Papa. Nag-umpisa na mamuo ang mga luha sa aking mga mata bago humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Mama. “Tama si Mama,” usal ko. “Kaya lang sila lumalapit sa akin dahil may nakukuha sila, kinaibigan lang nila ako dahil sa pamilya natin, pati na rin sa negosyo.” “Anong nangyari?” muling tanong ni Mama. “Inaway ka ba nila?” Umiling ako. “Narinig ko mismo sa mga bibig nila na ginagamit lang nila ako. Kinaibigan lang nila ako dahil sa inyo—kay Papa. May kailangan lang sila sa akin kaya sila nag-stay at maging kaibigan ako pero sa totoo ay ayaw nila sa akin,” kagat-labi kong sabi habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. “Madalas ko silang ipinagtatanggol sa ’yo, Ma, pero sa huli, tama ka po,” ani ko. Hinimas ni Mama ang buhok ko mula sa likod at ako ay nanatiling nakayuko. “Anong balak mo ngayon?” tanong ni Papa. “Hindi ba’t gusto mo sila makasama sa college? Nakapag-enroll ka na rin. Gusto mo bang i-withdraw ko ‘yon?” tanong ni Papa. “Ma, Pa, may gusto akong hilingin sa inyo, sana ay payagan niyo ‘ko,” ani ko. “Ano ‘yon, anak?” tanong ni Mama. “Ma, Pa, gusto ko maging independent. Hindi na ‘ko tutuloy sa Kalayaan University. Hindi ko sila kayang harapin at ang mga tao na nasa paligid ko ngayon. Hindi ko na alam kung sino ba sa kanila ang totoo o ginagamit lang ako. Kaya, Ma, please?” pagmamakaawa ko rito. “Anong ibig mong sabihin, anak?” naguguluhan na ani ni Papa. “Pa, gusto ko umalis sa bayan natin. Gusto kong mag-aral kung saan walang nakakakilala sa akin, sa pamilya natin at mamuhay ng simple,” sagot ko rito. “Papayag ako sa kahit anong kondisyon na gusto niyong gawin ko,” dagdag ko pa. Nagkatinginan si Mama’t Papa sa sinabi ko. “Pag-uusapan namin ‘yan ng papa mo. Sa gusto mo na ‘yan ay malalayo ka sa amin. Nag-iisa kang anak namin at mag-aalala kami ng sobra sa ’yo kaya hayaan mo muna na pag-usapan namin,” sagot ni Mama. Tumango-tango ako sa kanila bago sila parehas na niyakap. Masasabi kong malas man ako sa kaibigan, maswerte naman ako sa aking mga magulang.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD