Chapter 21

2371 Words
Hindi na alam ni Dean kung gaano na siya nakatitig kay Lukas. His bandmate was sitting on his bed. He looked disturbed while looking at his hands. Tang ina, ngitngit niya. His teeth were gritting. Nakahalupkipkip din siya habang nakasandal sa pader. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Lukas! Maya-maya, napahilamos ng mukha ang kabanda saka ginulo ang buhok at tumingala. "f**k! f**k! f**k!" “Yes, Lukas! You’re f****d up!” singhal niya. Hindi na niya kinontrol ang tono. Gusto niyang makita kung gaano siya nanggigil sa ginawa nito. At the corner of his eyes, he noticed Isaac standing by the doorway. Bakas sa mukha nito na hindi malaman kung ano ang gagawin. Tumalak si Dean. See, Tito? Tingnan mo kung ano ang nangyari! Of course, Franco also knew about Lukas’s condition. Sinabi niya iyon nang malaman mula sa private investigator na hinire. But as usual, his uncle chose to be stubborn. And now, he was suffering. Paano niya aayusin ang gusot na ito? Hindi lang ito basta-basta madaanan sa simple usap. Lukas almost killed Keaton! Sinong tangang palalagpasin na lang basta-basta iyon? And then, there’s Keaton’s overprotective best friend, Ciel… Speaking of Ciel, bigla itong pumasok sa kwarto ni Lukas. Nang ibaling ni Dean ang tingin dito, una niyang napansin ang mabigat nitong paghinga at ang mga nakakuyom na kamao. Doon pa lang, alam na niyang dapat na siyang kumilos. Samantalang, tumingin din si Lukas kay Ciel saka tumayo. “P’re--” "Papatayin kita!" Like what Dean had expected, nilusob nga nito si Lukas. Mabuti na lang, handa na siyang pigilan ito. Naging listo rin si Isaac at kinalag nito ang mga braso ni Ciel saka hinila palayo. "Bitiwan ninyo ako! Papatayin kita, Lukas!" sigaw ni Ciel habang pilit na kumakawala sa dalawa. "Ciel, kumalma ka!" utos ni Dean. Napaigik siya pagkatapos. Sa tindi kasi ng pagpupumiglas nito, natamaan siya sa mata. "Kumalma?” Pinandilatan siya ni Ciel. “Kamuntikan nang patayin ng tarantadong iyan si Keaton! Hayaan n'yong patayin ko--" Dean lost his patience. Sinikmuraan niya si Ciel. Napaigik naman ito saka napaluhod. Isaac scowled at him, but he didn’t let him speak. "Putang ina! Magsikalma nga kayong lahat!" Marahas niyang ginulo ang buhok saka sinuntok ang pader. Sa lakas niyon, umalingawngaw sa buong silid ang tunog. Natahimik naman ang tatlo. Shit! Kung kailan talaga malapit nang i-release ang debut album namin, saka pa ito nangyari! The album would be out in less than three months. Nitong mga nakakaraang arw nga’y pinag-uusapan na rin ang concert para i-promote ang album nila. Humarap siya sa tatlo. "Itong nangyari ngayong gabi... walang makakaalam nito. Maliwanag ba?" Ibinaling ni Dean ang tingin kay Ciel. "Ako nang bahalang magpaliwanag kay Keaton bukas." "Putang ina, Dean? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" angil naman ni Ciel bago nito dinuro si Lukas. "Kamuntikan nang patayin ng tarantadong ito ang bandmate natin, wala lang sa iyo? Ayos lang sa iyong may kasama tayong mamamatay-tao?" "Hindi ako mamamatay-tao!" depensa naman ni Lukas. Nanlisik ang mga mata ni Ciel. "Ah, talaga? So bakit mo sinasakal si Keaton? Sumisigaw ka pa nang 'Die, Gregor!' kanina!" Kumunot ang noo nito. "Sino nga pala si Gregor, ha? Bakit mo tinatawag na Gregor si Keaton?" Natigilan si Dean. Lukas must be pertaining to Gregor Borromeo, his dad’s former assistant. Ayon sa ni-report sa kanya, Gregor groomed Lukas when the latter was 12. Then, two years later, they got caught having s*x by Lukas’s dad himself. Dahil doon, pinadala si Lukas sa yumaong lolo nitong si Marthias para turuan ng leksyon. Whatever happened to Lukas, Dean had no idea. Napamura siya saka ibinaling ang tingin kay Lukas. "I see. So iyon pala ang dahilan kung bakit mo sinasakal si Keaton." Tapos, gumawi siya sa closet ni Lukas. Nang pinasok niya ang kwarto nito noon para taniman ng hidden camera at iba ang bugging device, nakita niyang nakatago roon ang mga iniinom nitong gamot. But before he could open the closet, Lukas yanked him away from it. "Sinong nagsabi sa iyong pakialam mo ang gamit ko, ha?" angil pa nito habang nakaharang sa cabinet. Bakas sa boses nito ang pagkataranta. Saglit na pumikit si Dean. When he opened his eyes, he showed his expressionless gaze. "Umusog ka d'yan, Lukas.” Napalunok naman si Lukas. Halatang nasindak ito. Yet he chose to be stubborn. Pumikit nga lang ito. Tumalak siya. "Ano, Lukas? Lalabagin mo na ako?" Hinawakan niya ang kwelyo ng suot nitong long sleeves. "Don't test my patience." Lalo lang nitong pinikit nang mariin ang mga mata. Sa inis niya, sinikmuraan niya nang buong pwersa ang lalaki. Nasuka tuloy ito. "f**k!" angil ni Dean nang masukahan siya sa dibdib. "Putang ina! Salaula!" Sinapak niya ito dahilan para mabuwal si Lukas. “Dean, huwag…” pakiusap ni Lukas habang binubuksan niya ang closet. Kinalkal niya ang mga damit nito hanggang sa makita ang isang botelya ng gamot. Unang tingin pa lang niya, alam niyang hindi pa iyon nabubuksan. Hindi nga siya nagkamali dahil in tact pa ang foil. "Putang ina, sinasabi ko na!" singhal niya. Now that explained everything! Hindi niya alam kung ano ang trigger pero nasisiguro niyang sinumpong si Lukas kaya ito naging bayolente kay Keaton! Sa inis niya, ibinato niya ang bote kay Lukas. The bottle barely missed his head. Nabasag iyon at sumabog ang laman. "Tingnan mo katarantaduhan mo, Lukas! Alam mong bipolar ka na may matinding violence tendency, hindi ba?" singhal niyang muli. At the corner of his eyes, Dean saw Isaac and Ciel flinched. "Bipolar?" nagtatakang sabat ni Isaac. "Bipolar si Lukas?" "Oo," sagot ni Dean. "At malamang kaya niya sinakal si Keaton ay dahil sinumpong. Paano ba naman, hindi umiinom ng gamot?" Noon lang bumangon si Lukas. "Y-You don't get it. Nasusuka lang ako sa gamot na yan,” sagot nito. Bakas sa boses na may iniinda itong sakit. "Pakialam ko kung nasusuka ka! Makasarili ka, Lukas!" sabat ni Ciel. "Hindi mo lang naiintindihan dahil hindi ikaw ang umiinom ng gamot!" sagot naman ni Lukas kay Ciel. "So ano? Hahayaan mong makapanakit ka? O makapatay ka? Iyan ba ang gusto mong mangyari, Lukas?" tugon ni Ciel. Hindi na nakasagot si Lukas. Napayuko lang ito saka napahilamos ng mukha. Maya-maya’y, nagkuyom ang mga kamao nito. Then, he looked at the doorway, and his eyes sparked. “Keaton!” Sabay-sabay silang napatingin sa direksyong tiningnan nito. To their surprise, nakita nga nila ang kabanda. Nakahawak ito sa doorway at parang takot na takot lumapit sa kanila. Tumayo si Lukas. "Keaton, mag-usap tayo, please!" Then, he dashed toward him. Pero naging maagap si Ciel sa pagharang. Nang subukan itong lampasan ni Lukas, tinulak nito ang lalaki. Nang magpumilit pa, sinapak na nito. Lukas howled in pain, his lips were bleeding. "Hindi ka talaga makaintindi, ano?" saad ni Ciel. Tapos, lumapit ito kay Keaton. "Sorry kung iniwan kita. May kailangan lang akong ayusin.” Hindi sumagot si Keaton. Sa halip, yumakap lang ito. Mahigpit. Sinubsob pa ang mukha sa dibdib nito. Nang ibaling ni Dean ang tingin kay Lukas, nakita niya ang pandidilim ng mukha nito. Halatang nagseselos. Hindi tuloy niya maiwasang mapangisi. He loved it when Lukas was tormented. "Keaton, please mag-usap tayo--" Pinandilatan ni Ciel si Lukas. "Hindi ka ba makaintindi, Lukas? Hindi kayo mag-uusap at lalo kayong walang dapat pag-usapan. Ngayon, kung hindi ka talaga titigil, sige, pagbibigyan kita. Pero sa presinto ka magpaliwanag!" Nilabas nito ang phone sa bulsa. Tarantang hinablot ni Dean ang phone nito. "Isa ka pang makulit, Ciel," sabi nito. "Hindi ba may kasunduan tayong walang makakaalam?" "Kasunduan? Hindi ako pumayag!" "Ciel, pwede bang makinig ka? This is for the group--" "Puro ka for the group!” angil ni Ciel. Halos umalingawngaw pa ang boses nito sa kwarto. “May isa tayong kagrupong muntik nang mamatay tapos iyan pa rin ang bukambibig mo?" "So anong gusto mo? Magkaroon ng kontrobersya? Gusto mong masira ang pinaghirapan natin? Well, if that's okay for you, for me it is not." Umiling-iling si Dean. "I worked so hard for this, and I'm not letting you ruin it in one snap. I'm stopping you at all costs, even if I have to blackmail you--” Natigilan siya. He didn’t mean to say that. Wala pa siyang alas kay Ciel sa ngayon. Alam niyang magagamit niya si Keaton pero hindi pa niya naihahanda ang lahat. Mabuti na lang, mukhang nasindak din ang lalaki dahil bigla itong napamaang. Then, there was silence. Lukas was looking down, his fists were balled. Si Ciel naman ay masama na naman ang titig kay Lukas. Yapos nito si Keaton na para bang pinoprotektahan nito. And Isaac… Muli na namang napangisi si Dean. Nagsasalitan ang tingin nito kay kina Lukas at Ciel. Halata sa mukha nitong hindi nito malaman ang gagawin. And when he looked at him, para itong humihingi ng tulong. Ano na, Isaac? Kakampihan mo pa ba si Lukas? Isip niya habang sinasalubong ang tingin nito. "Pwede bang bago kayo magtalo, payagan n'yo munang magsalita si Keaton?" sabi na lang ni Lukas na pumutol sa pagtititigan nina Dean at Isaac. "Siya ang biktima. Let him decide kung gusto niyang magsampa ng kaso sa akin." Now, they all looked at Keaton. Mukha namang na-pressure ito dahil nangilid ang mga luha saka sinubsob na naman ang mukha sa dibdib ni Ciel. And Dean thought it was a good sign. Nag-aalangan ang bunso nila. He knew Keaton was quite dumb and naive. Masyado itong mabait, at paniguradong nag-aalangan na itong isuplong si Lukas sa pulis. Maaaring dahil mahal nito ang lalaki o naiintindihan nito ang kundisyon ng nobyo. But either way, mas malaki ang tsansang hindi siya nito bibiguin. "Lukas is right. Dapat talaga si Keaton ang magdesisyon," pagsang-ayon ni Dean. "So Keaton? You decide?" Lalong bumigat ang atmospera sa kwarto. Nang ilayo ni Keaton ang sarili kay Ciel, tumutulo na ang mga luha nito. "Please, I'm really tired. Gusto ko lang magpahinga," dugtong nito. Bumuntonghininga si Lukas. "Keaton, it's okay. Do whatever you want," sabi niya. "Tatanggapin ko kung anoman ang desisyon mo. May atraso ako sayo. You deserve better." Tapos yumuko ito. Sus, plastic, isip ni Dean habang nakatingin sa mga kamay ni Lukas na tinago ito sa likod. Naka-cross fingers kasi. Halatang umaaasang patatawarin ni Keaton. Maya-maya'y kumalas si Keaton kay Ciel at lumapit kay Lukas. Of course, Ciel protested pero mabilis itong pinigilan ni Dean. Pinandilatan pa niya ito. Ciel scowled, pero wala itong nagawa. Keaton reached for Lukas’s face. "Lukas, I understand." Mahinahon ang boses nito. Lukas blinked. "Naiintindihan mo? Ang sitwasyon ko?" Tumango ang bunso. "I know it wasn't you but your mental health problem. So yes, naintindihan ko." Ngumiti ito. Unti-unting nagliwanag ang mukha ni Lukas. Pagkuwa’y napaluhod pa ito at hinawakan ang kamay nito. "I know it. I know it,” naluluhang anito. "I'm sorry, Keaton. I know wala na akong dinulot sa iyo kung hindi sama ng loob pero ito ka, naging mapagpatawad. I don't deserve it. I don't deserve you." Isaac smiled. Tumalak naman si Ciel saka umiwas ng tingin. As for Dean, he smirked because he had predicted everything correctly. Or at least that’s that he thought. Biglang tumawa nang malakas si Keaton saka sinampal ang nobyo nito. Sa lakas niyon, umalingawngaw pa sa kwarto. Natulala naman ito. "Yes. Tama ka, Lukas. Tama ka!” singhal nito. “Hindi mo ako deserve!” Umagos na naman ang luha nito na mabilis din nitong pinunasan gamit ang mga kamay. "If you're thinking you can emotionally manipulate me again, well sorry to say, Lukas, pero sagad na ang pasensya ko." Dahan-dahang sinalubong ni Lukas ang tingin ni Keaton. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. "Yes, alam ko ang sitwasyon mo,” pagsisimula ulit ni Keaton. “Yes, alam kong bipolar ka at naiintindihan kong sinusumpong ka lang kanina. But no, hindi ako tanga. There is no sane person who will ever forgive you for what you did!" Pumiyok pa ito. Then, he added. "Pero wag kang mag-alala. Hindi ako magsasampa ng kaso. Tama si Dean. Kaya palalampasin ko ang ginawa mo for tonight. But don't expect that I will be the same. Maaaring makipagplastikan ako sa iyo on stage but there's no way I will do that behind the scene." Tumalikod si Keaton. "I'm tired. Gusto ko na talagang magpahinga--" "Keaton, please!" Niyakap ni Lukas ang lalaki para pigilan ito. "You're the only person who can help me." Keaton ignored him. Sinubukan nitong alisin ang kamay nito kaya naman lalo lang nitong hinigpitan. "Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin! Ikaw lang ang makakatulong sa akin,” patuloy na pagmamakaawa ni Lukas. “I'll die if even you walk away--" "Then you're better off dead, Lukas!" Keaton screamed at the top of his lungs. Muli silang binalot ng katahimikan, habang si Lukas naman ay binitiwan ang lalaki. Meanwhile, Dean’s mouth formed an O out of amusement. Hindi niya inasahan ang plot twist na ito, and he was enjoying it. Lukas was even more mortified! Yes, that’s right, bunso! Hindi namalayan ni Dean na halos umabot na sa mga tenga ang ngiti niya. That’s why you’re my favorite! You never disappoint me. Muling hinarap ni Keaton si Lukas. "I'm not a reformation center, Lukas. Wag mo akong gamitin. Don't ever consider me as your lifeline. Because if you do, then I'm sorry but..." Umiling-iling ito. "You're better off dead." Tuloy-tuloy itong lumabas. Sinubukan muling pigilan ni Lukas ang lalaki pero mabilis na humarang si Ciel saka ito itinulak. Ginawaran nito ng matalim na titig si Lukas sa huling pagkakataon saka tuluyang umalis. Isaac sighed. Umiling-iling ito pagkatapos saka binigyan ng naninising tingin si Lukas. Pagkatapos niyon, gumawi na ito patungo sa pintuan. But their eyes briefly caught each other before Isaac could get out. Sa pagtataka ni Dean, matalim ang titig nito sa kanya. Sige lang, mag-deny ka pa. Matigas ang ulo mo, isip na lang niya. Then, he stood by the doorway and looked at Lukas. Humalukipkip pa siya. "Quit it, Dean," angil ng lalaki sa kanya. If his sharp stare could kill, malamang ay tepok na siya. Dean scoffed before giving him a deadly smirk. "So long, Lukas Fortaleja," he said for the last time, intentionally putting emphasis on Lukas’s last name to mock him. Pagkatapos niyon, lumabas na siya at sinara ang pinto nito. Then, he went to the toilet on the first floor. After shutting the door closed, he laughed maniacally. “That’s right, Lukas! That’s right!” tuwang-tuwang aniya. “Namnamin mo ang sakit!” He remembered Lukas’s mortified face earlier. Lalo lang siyang natuwa. “Tama iyan. Para maintindihan mo kung ano ang pakiramdam na nahihirapan. You are too privileged to know that, anyway. Kaya nga ganyan ang ugali mo. Galawang spoiled brat.” Lumapit siya sa lavatory saka naghilamos. Then, he looked at his own reflection at the mirror. That’s right. Hindi pa siya tapos. Laruan lang para sa kanya si Lukas. There were more people who should experience his wrath. Nangunguna na ang tiyuhin niya. Muli siyang ngumisi. He succeeded in tormenting Lukas by manipulating the people around him. Mukhang handa na yata siyang simulan ang paghihiganti niya kay France…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD