Chapter 22

2770 Words
Sampung minuto na rin yatang nakahiga si Isaac sa kama niya. Ganoon na rin katagal na pilit pino-proseso ng utak niya ang mga nangyari ngayon araw. How did they end up that way anyway? Nagsimula sila sa masaya: sinorpresa ni Lukas si Keaton dahil birthday nito. Sinong mag-aakala na kinagabihan, tatangkain nitong patayin ang nobyo? At bipolar ito? Okay, naghihinala na sila noon pa dahil sa episodic nitong pagiging bugnutin o kaya’y sobrang hyper, but confirming it still surprised it. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dean. Nakasuot lang ito ng brief at nagtutulo pa ang katawan. Mukhang naligo ito. Bumangon si Isaac. Speaking of Dean, alam pala nito ang kundisyon ni Lukas. Pati pag-inom nito ng gamot, alam na rin. And yet… yet… Tumalak siya. “So alam mo palang bipolar si Lukas?” sambit niya sa lalaki habang pinapanood itong magpunas ng katawan. Natigilan naman ito. “Oh? What about that?” sagot naman nito sa napaka-dismissive na tono. Napabalikwas tuloy siya sa inis. Nilapitan niya ito saka malakas na tinulak. Bumangga naman ang likod ni Dean sa closet nito. “What the f**k is your problem, Isaac?” singhal nito. “Ikaw ang dapat kong tinatanong nyan!” He pinned Dean on the closet. “Alam mong bipolar si Lukas, hindi ba?” “O? Tapos?” Sa inis niya’y sinikmuraan niya ito. Napaigik ang lalaki, pero hindi niya ito hiniyaang bumaluktot. “Anong tapos? Gago ka ba?” Inilipat niya ang kaliwang kamay sa panga nito at pilit na pinagsalubong ang tingin nila. “Alam mo naman palang bipolar siya pero ginagago mo pa rin? Hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo naiisip na pinapalala mo ang kundisyon niya?” Wala siyang masyadong alam sa mga mental health problem, but Keaton once told him that one of the best ways to help such patients was through proper care. As much as possible, iwasan daw na i-stressin ang pasyente at nakakapagpalala raw iyon. Samantalang tinitigan lang siya ni Dean. Matigas ang ekspresyon nito. Parang sinasabi sa kanyang hindi nito pinagsisisihan ang ginawa. Napatalak siya saka ito binitiwan. “You’re hopeless, Dean.” Umiling-iling siya. Pagkuwa’y tinalikuran niya ito at padabog na hinablot ang comforter at unan sa kama niya. He went out of their room after. Mahina niyang kinatok ang pinto ng kwarto ni Lukas. “Lukas?” pagtawag pa niya sa mahinahong boses. “Si Isaac ito.” There was no answer so he knocked again. “Wag ka mag-alala, hindi kita aawayin kung iyon ang iniisip mo. I’m with you. Alam kong kailangan mo ng karamay ngayon.” Pero wala talagang sumagot mula sa loob kaya napabuga na lang siya ng hangin. “Papasok na ako, Lukas, ha?” Hinawakan niya ang door knob at dahan-dahang pinihit iyon. “Lukas?” pagtawag niya sa lalaki habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Una niyang ibinaling ang tingin sa kama na nasa gitna ng kwarto pero hindi niya ito nakita. “Asan kaya iyon?” He looked to his left, kung nasaan ang bintana ng kwarto nito. “Sa’n nag--” Naghilakbot siya sa nakita. Nakabigti ang lalaki sa may bintana! “Lukas!” Binitiwan niya ang mga hawak saka lumapit dito. Hinawakan niya ang baywang nito saka ito tinaas. “Tulong! Tulong! Ciel!” Kinalampag niya ang pader sa gilid, na nagsilbing harang sa pagitan ng kwarto ni Lukas at kwarto nina Keaton at Ciel. Inilusot niya ang kaliwang balikat sa pagitan ng mga hita ni Lukas at itinulak ito pataas. Tapos, pinilit niyang abutin ang extension cord na nakapalupot sa leeg nito. Ang higpit ng pagkakatali niyon, at bawat nila niya’y lalo pang nasasakal ang wala na niyang malay na kabanda. “Ciel!” muli niyang sigaw habang sinisipa ang pader sa kwarto nito. “Tulong!” Narinig niyang bumukas ang pinto roon. Ilang sandali pa, natanaw na niya si Ciel sa may doorway. “Tang ina! Ano na namang problema--” Napamulagat ang lalaki nang makita sila. “Ciel, tulong!” pagtawag niya. Na-mental block ito. Hindi nito mawari ang gagawin. “Kunin mo yung upuan!” singhal niya. Nangangawit na siya noon palibhasa’y mabigat din si Lukas. Agad namang kinuha ni Ciel ang swivel chair sa may office table ni Lukas. Ginamit nito iyong tuntungan para abutin ang cord sa leeg ni Lukas. Hindi nagtagal, natanggal na ni Ciel iyon. Tinulungan siya nitong ihiga nang patihaya si Lukas sa sahig. “Marunong kang mag-CPR?” tanong niya sa kabanda habang iniikot-ikot ang balikat. Umiling ito. “s**t!” Kinapa niya ang pulso sa leeg ni Lukas. Mayroon pa naman pero napakahina na niyon. “Gising pa si Keaton?” tanong niya muli. Keaton is a licensed RED CROSS first aid provider. Mas alam nito ang tamang gawin. “Oo, kaso…” Nag-aalangan nitong tiningnan si Lukas. “Then, call him!” Mahina niya itong itinulak. “Alam kong galit ka kay Lukas, but this is a matter of life and death, Ciel. Si Keaton lang ang makakatulong satin ngayon.” Dahan-dahang tumayo si Ciel saka pumikit nang mariin. Narinig pa ni Isaac na tumalak ito saka tumakbo palabas. “Keaton!” sigaw pa nito. Samantalang, napasapo ng ulo si Isaac. But he realized he had no time to relax yet. Kailangan niyang tumawag ng ambulansya. He didn’t bring his phone, though. Mabuti na lang, dumating na noon sina Keaton at Ciel. Napatakip pa ng bibig ang una nang madatnan nito ang nobyo. Pero wala itong sinayang na sandali. Dinaluhan siya nito. Kinapa-kapa muna nito ang mukha at leeg ng lalaki na para bang may ina-assess. Nang matapos, binugahan nito ng dalang ulit ang bibig ni Lukas. “One thousand one, one thousang two, one thousand three…” pagbibilang pa nito habang pinu-pump ang dibdib nito. Samantalang, ibinaling naman ni Isaac ang tingin kay Ciel. Laking luwag ng paghinga niya nang makitang may tinatawagan na ito sa phone. “Ambulansya ba yan?” tanong niya para kumpirmahin. Tumango naman ito. Lalong lumuwag ang dibdib niya saka pinanood si Keaton. In-obserbahan niya ang ginagawa nito: mula sa paraan ng pagbilang hanggang sa hanggang ilang beses ipu-pump bago i-assess ulit kung kailangan pa ng panibagong round ng CPR. Tang ina. Mabuti na lang talaga, maalam si Keaton sa ganito. Tapos, nagkuyom ang mga kamao niya. He was thinking of Dean. Ang magaling nilang leader. Sa kabila ng kumosyong naganap, hindi man lang ito talaga pumunta roon. Wala ba itong pakiramdam? O baka naman wala itong pakialam? Worst case scenario: baka gusto niya talagang mamatay si Lukas. That thought made him grit his teeth. Nagkuyom din ang mga kamao niya. In a cue, sumilip si Dean sa loob. He was now in blue satin pajamas. “Anong nagaganap dito?” tanong nito habang inaalis ang earphones. Sabay-sabay naman silang napatingin dito, including Keaton who was still pumping Lukas’s chest. Tumayo siya saka ito hinila sa kwelyo palapit kay Lukas. “Now, look what you did, Dean,” angil niya rito. “Tingnan mo!” Tinuro niya si Lukas. Samantalang, napalitan ng pagkalito ang ekspresyon ni Dean. Tapos, nagsalitan ang tingin nito sa kanilang lahat bago iyon napunta sa bintana. Bigla itong namutla. “s**t,” usal nito saka napatakip ng bibig. Muli nitong ibinaling ang tingin kay Lukas saka tarantang lumuhod sa gilid. “Lukas! Lukas!” niyugyog nito ang lalaki. Pinigilan lang ito ni Keaton dahil naabala ang pagsi-CPR nito. “Let me do it!” Pinaalis niya ang kamay ng bunso nila sa dibdib ni Lukas saka nito iyon pinump nang mas malakas kay Keaton. Napatiim-bagang si Isaac. At ngayon, umaasta kang bayani? Inilusot ni Dean ang mga braso sa ilalim ni Lukas saka nito tinangkang buhatin ang lalaki. “Dean, wag!” pagpigil ni Keaton. “Baka may neck injury si Lukas!” “Then what do you want me to do? Let him die here?!” Noon lang binaba ni Ciel ang tawag. “Malapit na raw ang ambulansya. Bababa na ako at sasalubungin ko sila.” Tumakbo na ito palabas at pababa. Ni hindi na ito nagkapag-isip pang patungan man lang ang suot nitong boxer short. Dean continued performing CPR on Lukas. Nakakasakit iyon sa mata ni Isaac kaya pinausog niya ito at nagboluntaryong gawin iyon. “Twenty-five pump, Isaac. Gayahin mo yung diin ko kanina,” paliwanag ni Keaton habang pinupusisyon nito ang mga kamay niya. Tumango lang siya. With Keaton’s signal, he started. Ang bunso rin nila ang nagbilang. I’m done playing nice, Dean, isip niya habang pasimpleng tumitingin kay Dean. Their leader was still looking down at their unconscious bandmate. Bakas sa mukha nito ang takot at pagsisisi. This is the last straw. Starting tonight, kakalabanin na talaga kita. - Pahirapan ang pagbababa kay Lukas mula sa penthouse nila papunta sa lobby ng condominium building kung saan naman naghihintay ang ambulansya. Dahil sa tangkad nito, nahirapan ang rescuer na pagkasyahin ito sa loob ng elevator habang nakahiga sa stretcher board. Napilitan pa tuloy silang dagdagan ang tali nito para itagilid na lang. Dahil hindi nito maiwan ang lalaki, hinayaan na nila si Keaton na sumama sa ambulance. Samantalang, silang tatlong naiwan ay sumakay sa kotse ni Dean. Nang dumating sila sa ospital, nagtutulong-tulong na ang mga medic sa emergency para lapatan ng tamang lunas si Lukas. “Nasaan si Keaton?” kunot noong tanong ni Ciel habang tumitingin-tingin sa paligid. Nang hindi nila ito nakita, kinuha ni Dean ang phone para tawagan ang lalaki. Hindi nito sinasagot. After the second attempt, nagkusa na si Ciel na hanapin ito. Now that he was left alone with Isaac, hindi mapigilan ni Dean ang mailang. Nakatingin ang lalaki sa medics team na kasalukuyang ginagamitan ng defibrillators si Lukas. Dean hoped it stayed that way. Ayaw niyang marinig ang panunumbat nito. He realized he hadn’t informed their manager about this incident. Ginamit niyang excuse iyon para umalis. But Isaac grabbed his hand. Nang harapin niya ito, nakita niyang matalim ang titig nito. Napalunok na lang siya. “I-Isaac, please, kailangan kong kausapin si Kuya Ramil,” nauutal na aniya. Manager nila ang tinutukoy. “It’s my responsibility as your leader to inform him about this.” Ilang segundo matapos, tumalak si Isaac. “Hindi pa tayo tapos. Babalikan kita,” nagbabantang bulong nito saka siya binitiwan. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas ng emergency room. He looked for a spot where no one can see him. When he failed to find one, he went to his car again. Pagkapasok, dinukdok niya ang ulo sa manibela at naghabol ng hininga. How long had he been holding his breath? It was a surprise he didn’t pass out. He grabbed his phone at the dashboard. Noon lang din sumagi sa isip niyang naka-pajama pa rin pala siya. Now, paano niya sasabihin sa manager ang nangyari? Diretsahin ba niya? Kuya Ramil, nagbigti si Lukas! Then, what comes after it? Ikwekwento niyang nag-away-away sila dahil sinakal nito si Keaton? “s**t! Hindi ito pwede! Malalaman lahat ni Tito ang plano ko!” It was actually their manager’s job to look for sponsors. Ang problema: dahil idol group sila, masyado itong maingat sa paghahanap. For Dean, nakakapagpabagal iyon sa progress ng karera nila kaya siya bumuo ng plano kung paano mas makahanap pa ng sponsors. He knew s*x sells, kaya iyon ang gusto niyang gawin. His strategy was simple and straightforward: makikipag-meet siya sa willing mag-sponsor at pasimple niyang lalagyan ng aphrodisiac ang inumin nila. Once the drug started to take its effect, saka niya ito aakitin. At kapag kumagat sa bitag, magkukunwari siyang hinahalay ng sponsor. The scene would be recorded, and he would use it to blackmail them. Now, if his manager found out about what happened to Lukas, baka maungkat na ang ginagawa niyang panggagago sa rapper nila. This would ruin his plan. Pwedeng siya ang matanggal sa grupo. Baka itapon pa siya nito nang tuluyan dahil wala na siyang gamit dito. Mawawala ang pagkakataon niyang makapaghiganti sa mga nangwalang-hiya sa kanya! Tumalak siya saka dinukdok ang ulo sa manibela. “Tang ina kasi! Bakit ba kinakailangan pang mauwi sa ganito ang lahat?!” sigaw niya. The next thing he knew, he was crying. - Nakahinga nang maluwag si Isaac nang magsimula nang kumalma ang mga medic. Kahit hindi pa sinasabi sa kanya, alam niyang stable na si Lukas. Nakita rin kasi niyang pumalakpak at nagyakapan ang dalawang babaeng sa tingin niya ay mga intern. “Kumusta na si Lukas?” Napatingin siya sa kaliwa niya at nakita niya si Ciel na naglalakad palapit sa kanya. “Mukhang stable na siya,” tugon naman niya. “Si Keaton, nakita mo?” Biglang lumungkot ang mukha nito. “Oo, p’re, pero kailangan niya ng space.” Napayuko pa si Ciel. “Sinisisi niya ang sarili niya.” Mapaklang ngumiti si Isaac. He still remembered how Keaton yelled, “You are better off dead!” at Lukas earlier. Ayaw man niyang sabihin, tingin niya iyon din ang nag-trigger kay Lukas. Lumapit sa kanila ang doktor na tumingin kay Lukas. Inabisuhan sila nito na maco-confine ang lalaki nang ilang araw hanggang sa maging stable na ito. Tapos, inutusan silang sabihan ang kamag-anak ni Lukas. “And most importantly, you need to be there for him.” Hinawakan ng lalaking doktor ang balikat nilang dalawa. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari, at hindi ko na rin aalamin for your privacy. But the patient will need your support. Moral support. A lot of it. Magkakabanda kayo, di ba?” Tumango silang dalawa. “That’s good. At paniguradong kayo ang support group niya, so please be there for him.” Tapos, nagpaalam na ito sa kanila. Napahilot ng sentido si Ciel. “s**t, nas-stress ako. Kailangan pa nating asikasuhin yung kwarto ni Lukas. Pati records niya. Anong malay ko don?” “Kaya nga tawagan daw natin ang kamag-anak niya. Which reminds me…” Tumingin-tingin siya sa paligid. “Wala pa si Dean.” Isaac excused himself from Ciel. Tapos, lumabas siya ng emergency room at hinanap ang lalaki. When he failed to see him, he went to the parking space. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang naroon ang kotse nito. And Dean was standing beside it. Naninigarilyo ito habang nakakiling sa gilid ng kotse nito. Padabog siyang lumapit dito saka inagaw ang sigarilyo nito. Halatang nagulat si Dean sa biglang pagsulpot niya. Kwinelyuhan niya ito. “At talagang nakuha mo pang mag-yosi, ha?” nanggagalaiting aniya. “Nakakapag-relax ka pa habang si Lukas ay muntik nang mamatay.” Bumuntonghininga si Dean saka sinalubong ang tingin niya. Napitlag tuloy siya. Pulam-pula kasi ang mga mata nito. Parang kakagaling lang sa pag-iyak. Not to mention, parang wala itong kabuhay-buhay. “How’s Lukas?” tanong nito sa matamlay na tono. Ni hindi man lang ito nanlaban. “Okay na ba siya?” “Yeah.” Tapos, hinigpitan niya lalo ang paghawak sa kwelyo nito. “Nasaan na si Kuya Ramil? Nasabihan mo na ba ang papa ni Lukas?” Umiwas ito nang tingin. “Bullshit!” He shoved him. Napaigik si Dean nang tumama ang likod nito sa kotse at napaupo sa lupa. “You have one job, Dean. Hindi mo pa nagawa--” Napakunot siya nang noo nang biglang humikbi ang lalaki. “Can you please shut up already, Isaac?” sambit nito habang tumatayo. “Oo na. Wala akong silbi. Wala akong ambag na matino. Wala akong ibang nadadala kundi kamalasan at disgrasya. Wag mo nang ipaalala sa akin nang paulit-ulit!” Pinunasan nito ang luha. “Tinawagan ko si Kuya Ramil pero hindi niya sinagot ang tawag ko. Baka tulog. Kaya tinext ko na lang. Sinabihan ko na rin si Tito. As for Lukas’s dad, I don’t know. Wala akong number niya. “For now, let me rest. No, let me breathe! Kasi ito…” Tinuro nito ang dibdib. “Sobrang naninikip na ito sa dami kong iniisip! Yes, I know I f****d up. I’m cruel. Yes, it’s my fault. Alam ko. Sasaluhin ko naman ang galit n’yong lahat sakin. But now, let me breathe. Kasi tao rin ako, may emosyon. Nasasaktan.” Tapos, hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay. “And you… I know I don’t have the right to demand for it, but… but…” Ginamit nito ang kamay niya at pinampunas iyon sa mga luha nito. “Please, touch me, Isaac. Just touch me. I want you to be here with me. Dahil hindi ko ito kaya nang mag-isa. Pakiramdam ko, masisiraan ako nang bait.” Tapos, sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya saka siya niyapos. Napatalak na lang si Isaac. Tang ina, ang drama, isip pa niya. Yet somehow, he knew Dean was right. Kahit nagkamali ito, tao pa rn naman ito at nasasaktan. Kahit naman convicted criminal, kailangan pa rin ng emotional support. And besides, itong pag-iyak sa kanya ni Dean… ramdam niyang seryoso ito. After all, he wasn’t a type of person who manipulates people by pretending to be weak. No, Dean hates being vulnerable. Ito yata ang pinakamayabang na taong nakilala niya. So too see him beg because he needed someone, especially him? That was quite… unexpected. And stirring. Yes, especially, stirring. Napalunok siya. Alam niyang mali ang maramdaman ito pero nakiliti ang kaibaturan ng kanyang puso sa pag-iisip na kailangan siya ni Dean. Oo nga pala. Sa kanya lang pinapakita ng lalaki ang kahinaan nito. At nakakataba iyon ng puso lalo pa’t matagal na rin niyang tinanggap na may pagtingin siya kay Dean. He didn’t know how it started but he realized it after Lukas confessed to Keaton. By seeing how it’s possible for two people who hated their guts fell in love, Isaac concluded that maybe he was feeling the same to Dean. Kaya naman niyapos niya ito. Napitlag naman si Dean. Pero ilang segundo pagkatapos, lalo lang itong napahikbi. Siniksik pa nga nito ang sarili sa kanya. “I’m sorry, Isaac…” palahaw pa nito. “Hush, it’s okay.” Hinagkan niya ang noo nito. “I’m here, Dean. Hindi kita iiwan.” Kumalas siya sa lalaki saka hinawakan ang mukha nito. He wiped his tears with his thumbs. “I would always be here for you, Dean,” sabi niya habang nakatitig dito nang matiim. “And I’m sealing it with this kiss.” Hinagkan niya ito sa labi. Kung mayroon mang makakita sa kanila, wala nang pakialam si Isaac. He just wanted Dean. Just him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD