THE DROPOUTS has been promoting almost non-stop for the last six weeks. Pagod na pagod na rin ang mga miyembro ng THE DROPOUTS. Kaya naman nang sabihin ni Franco na bibigyan sila ng ilang araw na bakasyon, kulang na lang ay magtatalon sila sa tuwa.
And the surprise did not end there.
“Dahil naging masigasig kayo sa trabaho, reregaluhan ko kayo ng overnight stay sa Camaya Coast,” sabi ni Franco nang papuntahin sila nito sa conference room para sa isang “emergency” meeting daw. “Naka-book na lahat. Bukas na bukas na rin kayo aalis. Tapos, bahala na kayo kung uuwi na kayo kinabukasan o gusto n’yo munang magbakasyon sa Bataan.”
Napuno ang conference room ng masasayang sigawan kahit ang mga miyembro lang ng THE DROPOUTS at si Franco ang nasa loob. Ang pinakamaingay ay sina Keaton at Ciel. Sa probinsya kasi nila matatagpuan ang nasabing resort. Sobra silang excited lalo pa’t noong December pa ang huling beses na umuwi sila.
“Shet, ang ganda kaya sa Camaya Coast. That’s my favorite place,” pagbibida pa ni Keaton saka kinuwento ang mga tourist attraction niyon. “Someday talaga, kapag nakaipon na ako ng malaki, bibili ako ng lupa do’n tapos papagawan ko ng rest house.”
Hindi na rin nagtagal si Franco sa conference room. Kaya lang naman daw kasi ito nagpatawag ng meeting ay para surpresahin sila. Bago ito lumabas, sinabihan silang dumiretso na ng uwi at magpahinga para bukas ay ma-enjoy nila ang beach.
Now, the five of them were alone. Hindi pa rin matapos-tapos sina Ciel at Keaton sa pagkwekwento tungkol sa beach resort. Lukas listened to them attentively, kahit ba para itong hindi interesado. Sa hilatsa kasi ng mukha nito ay para itong pagod at inaantok.
As for Isaac, tumayo siya at humikab. “Hay salamat naman at makakapagpahinga na tayo,” sabi niya habang nag-iinat ng likod. “Wala tayong pahinga.”
Ibinaling niya ang tingin kay Dean. Nakatingin ito sa phone. Pasimpleng sinilip ni Isaac ang tinitingnan nito. Twitter pala.
Kumiling siya sa back rest ng inuupuan nitong itim na meeting room chair. “Anong ginagawa mo?” tanong niya sa leader nila.
“Ah, wala. Nagche-check lang ng tweets tungkol satin,” tugon naman ni Dean. Ni hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa kanya o tumigil man lang sa ginagawa. “Alam mo naman, para malaman ko kung ano pa ang dapat nating i-improve.”
Napailing-iling na lang si Isaac. Lagi na lang ganito si Dean.
Kinuha tuloy niya ang phone nito.
“Hoy!” sita naman nito habang sinundan ng tingin ang inagaw niyang phone nito.
Binulsa niya ang phone ni Dean. “Alam mo, Dean, kakasabi lang ni Tito na mag-relax tayo.”
“Bakit? Binabasa ko lang naman ang tweets, ah? Nakaka-entertain nga yon dahil puro puri ang nababasa ko.”
“Kahit na ba? Work-related pa rin ito.” Umiling-iling si Isaac. “Magbu-burnout ka pa sa ginagawa mo, ay. Dapat satin, nagpapahinga muna. Kalimutan munang mga celebrity tayo.”
Tapos, hinarap ni Isaac ang tatlo pang kabanda. “Sinong gusto ng pizza?”
Nagningning ang mga mata ni Ciel. “Ay libre ba?”
Ngumisi si Isaac saka siniko si Dean. “Oy, libre daw ba?”
Napamulagat naman ito. “Gago? Ba’t ako ang tinatanong mo?”
“Kasi ikaw ang leader namin. Kaya ikaw dapat manlibre.”
“Tang ina mo, Isaac!” Pinandilatan pa siya nito ng mga mata.
Samantalang lumapit naman si Ciel sa kanila at umakbay kay Dean. “Ge na, Dean. Manlibre ka ng pizza.” Ngumuso pa ito na parang bata. “Minsan lang, ay.”
“Tama, tama!” pagsang-ayon pa ni Keaton. “Manlilibre si Dean.”
“Libre! Libre! Libre” hirit muli ni Ciel na sinabayan ni Keaton at kalauna’y ni Lukas.
Napakamot ng lang ng ulo si Dean. “Oo na, sige na nga,” naiiling na lang nitong pagsang-ayon. Muli na namang napuno ng masasayang hiyawan ang mga conference room. “Ito kasing Isaac na to,” untag pa nito habang nakatingin nang masama kay Isaac.
Isaac just smiled and shook his head. Ang sarap din pala sa pakiramdam na kantiyawan ang napaka-uptight nilang leader.
-
The beach resort was located in Mariveles, Bataan. They rode a ferry in the Mall of Asia Seaside Esplanade Terminal in Pasay City. Tapos, ang baba nila ay sa mismong resort na. Syempre, para masulit nila ang araw, pinakamaagang biyahe ang binook para sa kanila.
Then, three hours later, narating na nila ang resort. While on the way to the hotel, hindi maiwasan ni Isaac ang titigan ang tubig. Asul ang kulay niyon at tila dyamante kung magkislapan sa ilalim ng sinag ng araw.
“Ganda pala talaga ng dagat dito, ano?” hindi tuloy niya maiwasang bulong kay Ciel na nasa kaliwa niya.
Wala siyang nakuhang sagot mula sa kabanda kaya hinarap niya ito. Napansin niyang nakakunot ito ng mga noo habang nakatingin kina Keaton at Lukas na naglalakad sa harap nila. Nakaakbay si Lukas sa bunso nila habang hila nito sa kaliwang kamay ang bitbit na maleta kung saan nakapatong ang duffel bag na naglalaman naman ng damit ni Keaton. From behind, hindi mahirap na bigyan ng malisya ang proximity ng dalawa sa isa’t-isa, lalo pa ang ganda ng ngiti ni Keaton habang nagkwekwento sa main rapper nila.
Then, Ciel sighed. Tapos, yumuko ito.
Napailing-iling na lang si Isaac. Hindi man aminin ng kabanda niya, halatang-halatang pinagseselosan talaga nito si Lukas. He cannot blame him, though, lalo pa magmula nang iligtas ito ni Lukas mula sa nalaglag na stage light, naging malapit na ang loob ni Keaton dito. Well, Keaton did say na iyon daw ang paraan nito ng pagtanaw ng utang na loob.
Kaya naman bilang pagkonsula kay Ciel, inakbayan ni Isaac ito. Gulat namang napatingin sa kanya si Ciel.
“Ha?” nagtataka nitong tanong.
Umiling siya saka ngumiti. Then, he gripped his bandmate’s left shoulder as a gesture of giving comfort. Hindi rin kasi niya alam ang sasabihin.
Unfortunately, Ciel got weirded out. Bigla kasing umasim ang mukha nito sabay sabi ng, “Tang ina, p’re, ang creepy mo.” Tapos, sinagi nito ang braso niya at nagpauna.
Napatigil naman sa paglalakad si Isaac. “What?” nagtatakang aniya.
Then, he heard someone laugh from behind. Nang harapin niya iyon, nakita niya si Dean. Maging ito ay tumigil din sa paglalakad.
“Tang ina, ang creepy mo raw, sabi ni Ciel,” bulalas pa ni Dean habang tumatawa nang malakas. Kulang na lang ay gumulong pa ito sa lupa.
Isaac flashed his middle fingers, pero mabilis din niyang tinago iyon dahil napansin niyang may mga dumaraan sa gilid nila na binibigyan sila ng masamang titig. “Umayos ka nga. Pinagtitinginan ka na, oh?”
Pero hindi pa rin tumigil si Dean sa pagtawa kahit nang magsimula na ito ulit maglakad. Naiiling-iling na lang siya habang sinasabayan ito.
“Ikaw, ha? Trip mo pala si Ciel,” bulong ni Dean matapos itong tumawa.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Gago, anong sinasabi mo dyan?”
“Sus. E ano pala iyong pagtitig mo sa kanya tapos may pisil-pisil pa sa balikat.”
Napaisip tuloy siya bigla. “Gano’n ba yun?”
“Oo, gago.” Umiling-iling ito. “Ano ka ba, Isaac? Birhen ka ba? Ba’t di mo alam yun?”
“Aba malay ko? Hindi ko naman ugaling magyaya.” Tapos, bigla siyang napangisi nang may maisip na kalokohan. Inakbayan niya si Dean saka inulit ang ginawa kanina kay Ciel.
Bilang tugon, tinaas ni Dean ang kaliwa nitong middle finger. “Di mo ako madadaan sa ganyan, gago.”
“Ah, talaga ba?” Nakiramdam siya sa paligid. Nang mapansing walang nakatingin sa kanila, nilapit niya ang bibig sa tenga nito. “I’m in the mood right now, Dean. How about we do it later?” bulong niya rito.
Then, he pulled Dean even closer and licked his earlobe.
Naramdaman niyang kinilabutan ito sa ginawa. Bigla rin siya nitong tinulak.
“Tang ina mo, ah?” nauutal na anito kasabay ng unti-unting pamumula ng mukha. “Titigil-tigilan mo nga ako dyan, Manasseh!” Binilisan nito ang lakad para makasunod sa mga kabanda.
And now, it was Isaac who was holding his belly while laughing really hard. Hindi rin niya alintana na may napapatingin na rin sa kanya.
Once he was done, napailing-iling na lang siya. Hindi niya alam kung bakit pero recently talaga’y trip na trip niyang asarin ang leader nila.
-
Dahil minsan lang makaranas ng libreng bakasyon, wala silang sinayang na sandali. Matapos nilang mag-live saglit sa i********: para inanunsyo ang pagpapahinga nila, agad silang naghanda para mag-beach. Ten minutes later, tapos na silang magpalit at sakay na sila ng elevator pababa.
“Di ka ba naiinitan dyan sa suot mo, Isaac?” hindi maiwasang kumento ni Dean habang hinihintay nilang makarating sila sa base floor. Namumukod-tangi si Isaac na nakasuot ng rash guard. “Naka-high neck ka pa. Baba mo kaya muna yang zipper sa kwelyo.”
Tinangka niyang ibaba iyon pero tinabig siya ni Isaac at pinandilatan ng mga mata. “Wag ka ngang makialam sa trip ko,” angil pa nito. “Ikaw nga, bakat na bakat dede mo sa suot mo, di ko naman pinansin.” Floral na tank top ang suot niya.
Meanwhile, nagtawanan ang mga sakay sa elevator, including the three other guests na kasabay nila.
“Lakas ng trip mo ngayon, Isaac, ah?” bulalas pa ni Keaton.
Samantalang, minura naman ni Dean ang main dancer. “Kanina ka pa, ha?” inis niyang turan.
Saktong bumukas na ang pinto ng elevator. Agad na lumabas si Dean.
Sabay-sabay na napatingin ang tatlo kay Isaac.
“Nako, ginalit mo yata,” nakangising kantiyaw ni Ciel.
Napailing-iling na lang si Isaac saka lumabas para hanapin ang leader nila. Nadatnan niya ito sa front desk at iniiwan ang card key ng hotel room nila. Saktong tinalikuran na nito ang babaeng naroon nang makalapit siya.
Inakbayan niya si Dean. “Oy, na-bad trip ba kita?” nakangising aniya.
Dean flashed his right middle finger. “Gago, magtigil ka nga.”
Tumawa siya nang malakas. “So na-bad trip ka nga? Ikaw ha?” Niyapos niya ito saka pinisil-pisil ang dibdib nito. “Ang laki talaga ng dede mo, Dean!”
Marahas siyang tinulak nito saka pinandilatan. “Tang ina, tigilan mo nga!” angil pa nito.
Noon lang lumapit sa kanilang dalawa ang tatlo pang miyembro ng banda nila. Binigyan sila nina Keaton at Ciel ng mapang-asar na ngisi.
“Ang kasat n’yong dalawa, ha?” sambit pa ng visual nila.
“Kasat?” nagtatakang tanong ni Isaac.
“Maharot ba, gano’n. Wala sa hulog ang kulit,” paliwanag naman ng bunso nila matapos humarap kay Isaac. “At ikaw naman, lumaklak ka ba ng maple syrup or what? Ibang klase ang kulit mo ngayon. Normally, tahimik ka lang.”
Napakamot naman ng ulo si Isaac. Tama naman nga si Keaton. Sa grupo niya, siya ang tahimik. Normally, nakikinig lang siya at nakikitawa.
Hinarap niya si Dean. “Blame him,” sabi pa niya sabay turo sa leader.
“At ano namang ginawa ko?” kunot-noong tugon nito.
Nagkibit-balikat si Isaac. “Ewan ko rin.”
“Ano kaya yun?” nakakunot-noong bulong ni Lukas.
Tumawa na lang si Isaac saka winasiwas ang kamay bilang pagsenyas na wag na lang nilang pag-usapan.
“Buti pa, tara na. It’s almost ten. Sayang ang oras.”
Tapos, inakbayan niya si Dean at giniya ito papunta sa beach area.
Si Dean naman ay tinabig ang kamay niya at tinangkang lumayo. Pero hindi niya ito hinayaan. Hahabulin lang niya ito saka muling ipapatong ang braso sa balikat nito.
“Quit it, Dean,” nakangising aniya nang manawa ito sa pagtakbo sa kanya palayo. “Hindi talaga kita titigilan.”
Napaikot na lang ito ng mga mata at tuluyang sumuko. Isaac laughed, saka ginulo ang buhok nito at hinigit pa ito lalo palapit.
Hindi nila namalayang binibigyan na sila ng malisyosong tingin ng tatlong bandmates na naglalakad sa likdo nila. Ganoon din ang mga nadaraanan nilang mga turista. Some even recognized them, palibhasa’y fans, but none of them bothered to approach them. Sa halip, pasimple silang kinuhanan ng video at shinare sa Twitter na may caption na “Looks like there’s a new ship in the group”.