They had a busy day. Dahil overnight stay lang kasi iyon, pinilit nilang pagkasyahin ang mga pwedeng gawin for the whole day. Kaya naman nang bumalik sila sa hotel kinagabihan, kulang na lang ay lumagapak na sila sa sahig sa pagod.
However, their mood changed nang tanungin sila ni Dean kung kaya pa ba nilang mag-bar.
Agad na tumayo si Ciel sa inuupuang wooden chair. “Syempre naman, game ako dyan!”
Sakto pang lumabas si Isaac mula sa banyo. Nakatapis lang ito. May mga tumutulo pang butil ng tubig mula sa buhok nito.
Agad namang lumapit si Ciel sa kama nito para kuhanin ang nakahandang tuwalya roon. Then, he dashed toward the toilet. Nasagi pa nga nito si Isaac. In response, pinandilatan ito ni Isaac.
“Hoy, Ciel, sabay na tayo!” pahabol naman ni Keaton. Kumuha rin ito ng tuwalya saka pumasok sa loob.
Kinalampag ni Dean ang pinto ng banyo. “Hoy, bilisang maligo, ha? Baka magchupaan pa kayo dyan,” sabi niya.
Muling bumukas ang pinto at bumungad kay Dean ang middle finger ni Ciel. Tapos, ni-lock nito ulit ang banyo.
Napailing-iling na lang tuloy si Dean saka hinubad ang suot na tank top at inokyupa ang silyang inupuan ni Ciel.
Lumapit naman si Isaac sa kama nitong nasa pagitan ng kama ni Ciel at ng paghahatian nina Lukas at Keaton.
“Anong meron? Ba’t parang excited yung dalawa?” nagtatakang tanong ni Isaac kay Dean habang naglalagay ito ng deodorant.
“Niyaya ko kasi kung gusto ba nilang mag-bar. Iyon, biglang balikwas ng bangon.” Napailing-iling na lang siya. Sa kanilang lima, sina Keaton at Ciel talaga ang pinakamalakas mag-inom. It was a surprise dahil ang dalawa ang pinakabata sa kanila.
Tapos, ibinaling ni Dean ang tingin kay Lukas, na ngayon ay naka-boxer brief lang na itim at nakahiga sa kama nito.
“Ikaw, p’re, sasama ka ba?”
Dumilat ito. “Yeah, I guess?” walang kabuhay-buhay nitong sagot saka pumikit.
“Di mo naman kailangang sumama kung pagod ka na.”
Then, Lukas frowned and faced him. “Just tell me kung ayaw mo akong pasamahin. Di naman sasama ang loob ko.”
That was the cue for Dean to shut up already. Mula pa kaninang umaga, napansin na niyang parang wala sa mood si Lukas.
Sinusumpong na naman yata to, isip niya. Matagal na niyang alam na bipolar si Lukas. Kasama iyon sa mga siniwalat sa kanya ng hinire niyang private investigator para maghanap ng bahong pwedeng ipam-blackmail kay Lukas.
Oh, now that he remembered about his original plan on Lukas, bigla na naman tuloy bumalik ang bitterness niya.
Hindi ka na nga magaling, ma-attitude ka pa. Tang ina. Iba talaga mga spoiled brat. Napailing-iling siya.
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Isaac. Seryoso ang mukha nito. Parang inaalam kung ano ang iniisip niya through his gesture.
And now, naalala naman niya ang pangako niya kay Isaac a few weeks ago. Oo nga pala. Sinabi niyang hindi na niya panghahawakan ang galit niya. It was not healthy anyway.
So tumayo siya saka umupo sa gilid ni Lukas.
“Hey, okay ka lang ba, dude?” tanong niya sa concerned na tono. “May nararamdaman ka bang hindi maganda?”
Iling lang ang sagot nito saka bumangon. “Wala naman. I guess, I’m just… tired.” Bumuntonghininga ito. “Sorry, kung napagsalitaan kita ng hindi maganda.”
Pinilit niyang ngumiti. “It’s fine, don’t worry. Sanay naman na rin ako.” Tumawa pa siya pagkatapos.
Saktong bumukas ang pinto sa banyo at magkasunod na lumabas sina Keaton at Ciel. Kumakanta pa nga ang dalawa ng isang kanta ng One Direction.
Mahinang tinapik ni Dean ang balikat ni Lukas. “Anyway, maliligo na ako. Mag-ready ka na. Mabilis lang akong maliligo,” sabi niya saka tumayo. “Kung anoman yang inisiip mo, iinom lang natin yan. Mawawala na yan.”
Hindi na sumagot si Lukas kaya naman nagdesisyon siyang kuhanin na ang tuwalya sa kama. Then, he went to the toilet.
When he was about to close it, he caught Isaac staring. Nakangiti ito. Tapos, nag-thumb up pa.
“Good job,” Isaac even mouthed as Dean closed the door.
Kung ano ang nais ipakahulugan ni Isaac, hindi rin aware si Dean. Masyado kasing vague. And yet, nang lumapat na ang pinto sa doorway, napasandal siya sa likod niyon saka kinapa ang dibdib niya.
For whatever reason, he felt happy when he got Isaac’s approval.
-
Sa totoo lang, hindi nila alam kung mayroon bang bar doon. Mabuti na lang, may napagtanungan sila na nagturo ng isang seaside bar. They found it near the shore. May pergola iyon sa harapan na gawa sa mahogany wood ang mga haligi at sun shade. Wooden tiles ang ginamit sa sahig tapos leather couch na may wooden frame naman ang mga upuan.
Dean immediately liked the place dahil ang ganda ng ambiance niyon. Idagdag pang kita ang dagat sa pwesto na yun.
"What do you think, boys? Dito na lang ba?" tanong niya. Siguro ang main draw back lang para sa kanya ay tahimik ang bar. He wasn't sure kung dahil ba konti lang kasi ang tao palibhasa'y mid-week pa lang noon o kasama rin sa tema nito ang maging relaxing ang lugar sa halip na wild.
"Sige, dito na lang," pagsang-ayon naman ni Isaac. "Okay na okay pampa-relax dito."
Ciel also agreed, habang tango lang ang sinagot ni Lukas. Keaton wasn't with them. Bumalik kasi ito sa hotel dahil masakit daw ang tiyan.
They settled down on a table for six inside the pergola. Agad na lumapit sa kanila ang waiter para bigyan sila ng menu book. They settled for a bucket of beer and some finger foods. Ayaw rin kasi nilang malasing dahil didiretso sila sa farm house nila Ciel kinabukasan.
After the waiter went away, they all sat down in silent and enjoyed the beautiful sea in front of them. Sakto pang full moon noon. The clear water glimmered under the moonlight.
The ambiance was so relaxing it made them feel drowsee. Hindi nakatulong na maya-maya'y biglang nagpatugtog ng relaxing na music ang bar. Mabuti na nga lang, sinerve na ang french fries na isa sa mga finger food na binili nila.
Humikab nang malakas si Ciel. "Tagal ni Keaton." Tapos tumayo ito at nag-inat. "Puntahan ko kaya ulit?"
"Wag ka na magpakapagod. Tawagan mo na lang," sabi ni Dean habang kumukuha ng fries.
"Hayaan mo na. Gusto ko ring maglakad para mawala antok ko."
"Sige, bala ka. Bilisan mo lang, ah?"
Noon din ay lumabas si Ciel.
And now, they were silent again.
Ilang minuto pagkatapos, si Lukas naman ang tumayo.
"O? San punta mo?" nagtatakang tanong ni Dean.
"Balik na ako. Di ko na talaga kaya antok ko," sagot ni Lukas. Tapos, walang paa-paalam itong umalis.
Napailing-iling na lang si Dean. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Lukas. But rather than stressing himself out, ibinaling na lang niya ang tingin kay Isaac na nasa kaliwa niya. Natiyempuhan pa niyang inaayos nito ang kwelyo sa suot na high neck shirt.
"Bakit ba naka-close neck ka na naman?" hindi niya maiwasang sita. "Ang off-place mo tingnan, ay."
Korean-styled na shirt kasi ang suot ni Isaac. Samantalang, floral na polo ang mga suot nina Keaton, Ciel at Lukas. Si Dean ay naka-tank top na low cut at pinatungan lang ng pulang jacket para hindi malamigan.
Bumuntonghininga si Isaac saka inilapit sa kanya ang leeg nito. Then, he pulled the collar down.
"Tingnan mo kung anong meron."
Dean wasn't sure what to look for. Besides, una kasi niyang napansin ang sexy nitong collarbone na sinamahan pa ng mahaba nitong leeg. Now, he was tempted to leave a trail of love marks on it.
Umiling-iling siya. He wasn't in the mood for that.
At saka lang niya napansin ang mapusyaw na pasa sa itaas ng collar bone nito. Parang marka ng mga daliri.
Bigla tuloy siyang natawa. "Tang ina, meron ka palang pasa?" bulalas pa niya habang lumalayo ito. He still remembered how he choked Isaac habang nakagapos ito.
"Now you know?" Naningkit pa ang mga mata nito. "Tang ina kasing roleplay yan."
Nailing-iling na lang si Dean. Last week pa nila ginawa ang roleplay kung saan ang dating ay kinidnap niya si Isaac para halayin.
"Tuwang-tuwa ka naman, Dean," sabi muli ni Isaac.
"Nakakatawa naman kasi. Di ko alam na may tinatago ka pala kaya ka laging naka-collar." Now, that made him realize na lagi palang may kwelyo ang suot nito noong mga nakakaraang araw. Kanina lang kasi niya pinansin dahil ang off nitong tingnan.
Tumalak si Isaac. "Never again, tang ina. Di pa naman kumportable na saradong-sarado suot ko."
"Kaya nga e. Hilig mo pa naman yung damit na mae-expose ang leeg mo." Kumuha siya ng fries. "Not that I'm complaining, though. Bagay naman sayo. You have the asset, so you should flaunt it."
Now it was Isaac's turn to smirk.
"What?" nagtatakang ani Dean.
Umiling-iling ito. "Wala lang. Naisip ko lang na kaya siguro lagi kang naka-fit na damit e dahil gusto mong binibida yang dede mo." Nginusuan nito ang dibdib niya.
Dean flashed his left middle finger. "Tang ina, kaninang umaga ka pa, ha? Bat ba ang laki ng galit mo sa dibdib ko?"
"Wala lang. Laki-laki kasi."
Napaigik na lang si Dean nang bigla nitong pigain ang magkabilang dibdib niya. As his reflex, tinulak niya ito nang malakas sabay tayo.
"Tang ina. Sinabing tigilan mo!" angil pa niya.
Pero lalo lang lumawak ang pagngisi nito. Pagkuwa'y tumayo ito at tinangkang abutin ang dibdib niya.
Agad niyang hinarang ang mga braso bilang proteksyon. Yumapos naman mula sa likod niya si Isaac at pilit na inaalis ang mga braso niya.
"Gago, Manasseh, di na ako natutuwa!" sambit niya habang pinipilit kumawala sa yapos nito.
"Ito naman. Palamas lang, ay," nakangisi pa rin nitong turan.
Nang sandaling iyon, hindi mawari ni Dean kung ipagpapasalamat ba niyang walang ibang customer na nakakapanood sa kanila, o maiinis siya dahil mukhang iyon ang dahilan kaya walang kahiya-hiya ang main dancer nilang kalimitan ay tahimik lang.
But why was Isaac acting like this, anyway? Bakit parang ang kulit-kulit nito?
Nasa ganoon silang pwesto nang biglang dumating sina Keaton at Ciel.
"Hala! Ang kakasat!" bulalas pa ni Keaton. Nakakunot ang noo nito at parang bwisit. Iyon siguro ang dahilan kung bakit tumigil si Isaac sa pangungulit. Pinagpasalamat naman iyon ni Dean.
Niyaya niyang maupo na ang dalawa. Saktong dumating na rin ang bucket nila.
"Naabutan n'yo ba si Lukas?" tanong ni Dean habang inaabutan ng beer si Keaton.
Nandilim lalo ang mukha ni Keaton. Padabog pa nitong kinuha sa kanya ang beer saka tinungga. Mabigat din ang pagbaba nito sa glass table sa gitna nila. Tapos, ibinaling nito ang tingin sa dagat saka napahilamos.
Napakurap-kurap si Dean. "Nag-away na naman ba kayo ni Lukas?"
"Hindi lang basta away, p're," sagot naman ni Ciel. "Naging homophobic na naman ang gago."
"Ano?!" Now it was Dean's turn para manlisik ang mga mata. "Ano na namang ginawa?"
Then, Ciel narrated what happened earlier. Bago raw silang bumalik, Ciel asked Keaton to give him a blowjob. Sa gano'ng senaryo raw sila nadatnan ni Lukas. Tapos, bigla itong nanggalaiti sa galit.
"And the worst part, sinabihan pa akong binakla ko raw sya," Keaton interjected. Bakas sa boses nito ang matinding galit dahil mariin ang tono tapos medyo malakas pa ang boses. "Tang ina. Sinasabi ko na, babalik pa rin siya sa dati." Napayuko ito sabay sapo ng ulo. Maya-maya'y humikbi na.
Ciel gave his best friend a comforting hug. Pasimple pa nitong hinagkan ang noo nito.
"I already expect na mangyayari ito, but I'm still disappointed," dagdag pa ni Keaton saka pinunasan ang mukha gamit ang laylayan ng polo nito.
Samantalang, napapikit naman si Dean at minasahe ang sentido. Ito na naman. Bumabalik na naman ang galit niya kay Lukas.
Tang ina. Spoiled brat kasi!
Naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman niya humawak sa balikat niya si Isaac. Nang tingnan niya ito, nakita niyang seryoso ito. No, nakakunot pa ang noo, at parang nagbabanta.
Noon din ay naalala niya ang pangako niya ritong hindi na magpapadala sa galit. Yeah, dapat niyang panghawakan iyon para sa ikabubuti ng grupo nila.
But he could not. Nagpupuyos na naman siya sa galit.
So bilang sagot, tinabig niya ang kamay nito saka sinalubong ang tingin. He wore expressionless demeanor to tell him what is his stance for this one.
I'm sorry, Isaac, umiling-iling siya. But I think I'll break my promise tonight.