Kahit saglit lang silang nanatili sa bar, they won’t deny they had a marvelous time. Katunayan, habang naglalakad sila patungo sa hotel, nakaakbay pa silang apat sa isa’t-isa habang kinakanta ang isang sikat na early-2000s Filipino pop song. Dahil sa sobrang ingay nila, pinagtinginan sila ng mga taong nasa lobby ng hotel. Sabay-sabay silang natawa saka bumitaw sa isa’t isa.
“Grabe ang saya ng araw na to,” sabi na lang ni Ciel habang nag-iinat. Pagkuwa’y humikab pa ito. “Nakakapagod pero syempre, masaya. Sana laging ganito.”
“Well, sorry to burst your bubble, Ciel, pero matagal pa ulit bago tayo makapag-chill-chill ulit,” sabi ni Dean. Pagkabalik kasi nila ng Maynila later that week, lilipad sila papuntang Cebu dahil may mall tour sila roon. Bale, isang linggo rin silang magpapalipat-lipat ng lugar para mag-perform.
“Kaya nga, e. Iniisip ko pa lang, napapagod na ako.” Napailing-iling na lang si Ciel. “Mag-quit na lang kaya ako?”
“Hoy, gago, wag mo subukan.” Pinandilatan ni Dean ang lalaki. Natawa naman ito at maging si Keaton. “Ako ang unang kokontra.”
“Yie, love mo?” Ngumisi si Ciel saka siya niyapos. “Love pala ako ni Papa Dean.”
“Tang ina mo, Ciel. Kilabutan ka nga,” tugon naman niya habang tumatawa. Tapos, pinilit niyang kumawala sa yapos nito. “Mabuti pa, umakyat na tayo. Para makapagpahinga na. Remember, maaga tayong aalis bukas para dumiretso sa farm n’yo?”
“Tama! Tama!” sabay pang sabi nina Ciel at Keaton.
Tapos, humarap si Dean kay Isaac. Napansin niyang seryoso ang mukha nito at nakaiwas ng tingin sa kanila.
“Tara na, Isaac,” ayaw niya.
Humarap ito at tinitigan siya. Seryoso pa rin ang mukha. A few seconds later, umiwas ito ng tingin.
“CR lang muna ako. Una na kayo.” Tumalikod ito saka dumiretso sa toilet na hindi kalayuan sa pwesto nila.
Anong problema nu’n? Nagtataka niyang tanong sa sarili. Just a moment ago, kasama nila itong kumakanta tapos bigla itong sumeryoso.
Hinarap niya sina Keaton at Ciel para yayaing umakyat na rin.
“Teka, mukhang kailangan ko ring mag-CR muna,” sabi naman ni Keaton. “Naji-jingle ako.” Niyaya pa nito si Ciel pagkatapos. Sumang-ayon naman ang huli.
Napailing-iling na lang si Dean saka nagdesisyong sumakay na sa elevator para umakyat sa kwarto nila. Nasa third floor lang ang room nila kaya mabilis lang din niyang narating iyon.
He lightly knocked at the door bago niya pinihit ang door knob. When he realized na hindi iyon naka-lock, dahan-dahan niyang tinulak ang pinto.
“Keaton?”
Napitlag si Dean nang bumungad sa kanya si Lukas. Nakatayo ito sa gitna ng kwarto at nakaharap sa doorway.
"Ba't gising ka pa? Akala ko, inaantok ka na?" tanong niya habang palapit sa kama. Tapos, hinubad niya ang jacket at binuklat ang duffel bag na nakapatong sa higaan.
But Lukas ignored his question. "Si Keaton?"
Natigilan naman si Dean. Noon din ay sumagi sa isip niya ang kinuwento sa kanila ni Keaton.
Dahan-dahan siyang lumapit dito. "Oh, that reminds me…" He wore his expressionless demeanor.
Gaya ng inaasahan niya, nasindak si Lukas. Napalunok pa nga ito. Nang humakbang siya palapit, napaatrass ito.
"Ano na namang ginawa mo, Lukas?" seryoso niyang tanong. When Lukas did not answer, he pulled his collar. “Tinatanong kita!”
"It's not what you think, Dean. I did not mean what I said--"
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "E ano pala yung sinasabi mong binakla ka ni Keaton?"
Lukas shut his mouth and looked down. Para itong nag-iisip o nag-aalangan kung magsasalita ba.
Dean got impatient, so he pulled Lukas’s collar again. "Ano, di ka sasagot?" Pinandilatan niya ito ng mga mata.
Napalunok muli si Lukas. "It doesn't concern you, Dean--"
"Anong it doesn't concern me? I'm your goddamn leader, Lukas!" Binitiwan niya si Lukas saka tinulak. "Alam mo, malapit na akong mapika sa'yo. I even resorted to blackmailing you para umayos ka, but look at you again."
Nagtagis ang mga bagang nito. Unti-unti nang napapalitan ng galit ang takot nito.
Napatalak tuloy si Dean. He doesn’t know what’s the psychology of his intimidating tactics, pero sa napansin niya, may hangganan iyon. May tendency rin na mawala ang epekto kapag may ibang naisip ang kausap niya.
At sa itsura ni Lukas ngayon, parang handa na itong sumagot.
Mabuti na lang, biglang bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin doon. Si Keaton ang nagbukas niyon, with Ciel and Isaac lagging behind him.
Samantalang, natigilan naman si Keaton nang makasalubong nito ang tingin ni Lukas.
Napalunok si Lukas. “Keaton,” sambit pa nito saka dahan-dahang lumapit sa bunso nila.
Agad na pumagitna si Ciel sa dalawa. Matalim pa ang titig nito.
Lukas sighed. "Look, Ciel, alam kong mali ang ginawa ko kanina. Which is why I want to talk to Keaton. Gusto kong magpaliwanag--"
"Anong ipapaliwanag mo?" kunot-noong ani Ciel. "Sinira mo na ang tiwala niya. Sa pinakita mo kanina, mukhang hindi ka pa rin tumitigil sa pagiging homophobic mo."
Lukas grunted. Marahas pa nitong kinamot ang buhok gamit ang parehong mga kamay.
Samantalang, lumapit si Dean sa kanila para higit na marinig ang nangyayari. His eyes accidentally landed on Isaac. Sinenyasan niyang isara nito ang pinto. Agad namang sumunod ang lalaki.
Samantalang, pinausog ni Keaton si Ciel sa pamamagitan ng paghila ng likod ng shirt nito. "What is it?" tanong nito kay Lukas. "Don't get me wrong. Masama ang loob ko sa sinabi mo kanina. But just this once, sige, makikinig ako sayo." Seryoso pa rin ang mukha ni Keaton. Bakas sa mga mata na may galit pa dahil medyo matalim ang titig nito.
Umawang ang labi ni Lukas. Maya-maya’y nangilid ang luha nito na mabilis ding pinunasan.
Lukas looked at them. “Pwede n’yo bang maiwan muna kami ni Keaton? I just want to talk with him in private.”
Nagkatingnan sina Dean at Isaac. Truth be told, ayaw ni Dean na umalis dahil gusto niyang makita kung ano ang mangyayari. But when Isaac gave him a fierce gaze, he suddenly had the urge to grant Lukas’s request.
"You heard Lukas, boys,” nauutal pang sabi ni Dean. Hindi niya alam kung bakit na-intimidate siya kay Isaac. “Hayaan natin silang mag-usap.”
Tapos, nilampasan niya ang apat at naunang lumabas. He inhaled deeply. Pabuga na sana siya nang lumabas si Isaac at hinawakan ang balikat niya.
“Remember, may usapan tayo, Dean,” bulong nito sa seryosong boses. “Wag kang magkakamaling sirain iyon.” Tapos, nilampasan siya nito saka gumawi sa kaliwa ng hallway kung nasaan ang smoking area.
Sinundan ni Dean ng tingin ang lalaki. Noon lang din niya napagtantong nagpigil pala siya ng hininga.
Tang ina? Anong nangyari? Naguguluhang aniya saka tumingin sa paligid. He realized na wala pa si Ciel.
Sumilip siya muli sa loob. Nadatnan niya itong matalim ang titig kay Lukas.
“Ciel! Ano ba?” angil niya.
Agad namang tumalikod si Ciel. Then, he gave Lukas one last fiercing gaze saka nito binagsak pasara ang pinto. Gaya ni Isaac, dumiretso rin ito sa smoking area. Mabibigat pa nga ang mga paa. Bawat hakbang ay umaalingawngaw sa tahimik na hallway.
As for Dean, nanatili siyang nakatayo sa hallway. Tumingala siya at huminga ng malalim. He could not believe what he saw earlier. Did Isaac really use an intimidating tactic to make him follow? Niyakap niya ang sarili. It was just a matter of seconds, but there he was, badly shaken.
When was the last time he felt this scared? Hindi na niya maalala.
Napatalak na lang siya. No, hindi maaari ito. He is the boss here. He would not let anyone control him. Not again. Never again.