Dean was so unnerved. Kaya naman minabuti na lang niyang huwag sumunod kina Isaac at Ciel. Sa halip, naghanap siya ng ibang pwedeng puntahan sa kabilang direksyon. He settled at the toilet hindi kalayuan sa emergency exit.
Nang sandaling iyon, nakatitig siya sa reflection niya sa salamin sa may toilet sink. Droplets of water were dripping from his face. Binasa niya kasi ang mukha sa pag-asang kakalma siya.
Now that he was alone, saka lang niya higit na na-interpret ang naramdaman kanina. He got scared not because Isaac was assertive earlier. Iba ang kinatakot niya, at iyon ay ang ma-disappoint ang lalaki.
Napabuga siya ng hangin saka kumiling sa lababo. This feeling was familiar. Ganitong-ganito ang naramdaman niya noon sa mama niya.
Bakit ko naman ito naramdaman kay Isaac? Isip niya habang tinitingnan ang mga pumapatak na tubig mula sa mukha niya pababa sa sink.
Pumikit siya at sinariwa ang mga kaganapan noong bata siya. Isa siyang bastardo. Nabuntis ang mama niya ng isang hindi niya kilalang lalaki. Basta, nawala na lang daw bigla noong pinagbuntis siya. Iyon ang dahilan kung bakit apelido ng maiden’s name ng mama niya ang apelido niya.
Ever since he was a child, he only wanted one thing: his mom’s validation. Kaya naman lahat ng gusto nito, ginagawa niya. Katunayan, iyon nga ang dahilan kung bakit niyang nagustuhan ang pagpe-perform. Noong bata siya, lagi siyang sinasali ng mama niya sa mga patimpalak. Sa paraan kasing iyon ay nararamdaman ng narcissistic niyang ina ang pagiging bida. After all, who would not enjoy watching a child perform?
But everything changed when he was 12. The attention he was getting from performing was not the same as when he was younger. High school na rin kasi siya. Sa ganoong edad, academic exellence na ang mas napapansin. And that’s why his mom suddenly changed. Ginusto na nitong makaakyat siya sa stage during honor’s assembly.
Sinubukan naman niya, pero hindi siya natural na matalino. Wala rin talaga siyang hilig sa pag-aaral. His passion was in music and performing. Mas napagtitiyagaan pa niyang mag-compose ng sariling melody kaysa magbasa ng makakapal na libro.
And his mom did not like it. Nang minsang binagsak niya ang isang periodical test sa isang major subject, kinuha nito ang gitara niya at pinaghahampas ng maso hanggang sa magkapira-piraso. Then, she threatened to destroy his other instrument everytime he failed a test.
The fear had almost demanded for his sanity. Napakaraming gabing ginambala siya ng masamang panaginip. He failed a test, so his mom destroyed another instrument. Laging ganoon ang senaryo, kaya babalikwas siya ng bangon at pipiliting mag-aral kahit ayaw niya. The cycle ended until he finally ran away and lived with his grandparents.
Nagkuyom ang mga kamao ni Dean. That fear… kawangis iyon ng naramdaman niyang takot kay Isaac kanina. And now that’s the question: bakit niya nanumbalik ang pakiramdam na iyon?
Anong mayroon kay Isaac para maapektuhan siya nang matindi? Bakit siya natakot na ma-disappoint ito?
Binuksan niya muli ang faucet saka naghilamos ulit. Nas-stress siya sa kakaisip ng sagot.
“Nandito ka lang pala.”
Napitlag si Dean saka napatingin sa gawing pinto. Nakita niya si Isaac na nakatayo roon. Napalunok siya bigla.
Samantalang lumapit si Isaac sa kanya. “Hey? Okay ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?” nagtatakang tanong nito.
Dean looked away before turning the faucet off. Tapos, humugot siya ng paper towel mula sa cannister niyon sa gilid ng lababo.
“Tapos na ba silang mag-usap?” tanong niya habang pinupunasan ang mukha.
Nagkibit-balikat si Isaac. “Ewan. Kanina pa kasi kita hinahanap.” Tapos, biglang sumeryoso ang mukha nito. “Dean, alam kong mainit na naman ang ulo mo kay Lukas.”
Tumalak si Dean. “Not now, Isaac.” Nilamukos niya ang tissue saka ito nilampasan.
Pero mabilis nitong hinablot ang kamay niya para pigilan siyang umalis. “Wag kang magkakamaling bumalik sa dati, Dean.” Matigas ang boses nito. “I might be acting chummy around you recently but it doesn’t mean I’m done antagonizing you. May usapan tayo, tandaan mo. The four of us will leave if you break your promise. Katapusan iyon ng pangarap mo.”
Napalunok si Dean. Iyan na naman. Nanunumbalik na naman ang takot niya.
Hinarap niya ang lalaki. “Don’t get me wrong, Isaac. Wala akong pinaplano kay Lukas,” sagot niya habang pinilit umaktong normal. “I’m just annoyed. Bawal ba akong magalit kahit nakakagalit ang ginawa niya?”
Isaac didn’t look convinced. Kumunot pa nga lalo ang noo nito.
Muli siyang napatalak saka hinablot ang kamay. “Bumalik na nga tayo. Baka tapos na sila.” Pagkasabi niyon, lumabas na siya sa banyo.
A few steps later, he looked back. Nang makita niyang sumusunod naman ang lalaki, nagpatuloy siya sa paglalakad.
Hindi pa rin nawawala ang takot niya kaya naman minabuti niyang obserbahan ang hallway na dinadaanan para i-distract ang sarili. Now that he did that, saka lang niya na-appreciate ang minimalist design niyon. Beige ang tiles habang may dark wood color pallete naman ang pinintang kulay sa dingding. Nakadagdag din sa appeal ang paggamit ng pinlight bilang source ng liwanag. It gave the hotel some luxurious feel.
Hindi nagtagal, natanaw na ni Dean ang kwarto nila. Nadatnan niya si Ciel na dinidikit ang tenga sa pinto. Una niyang napansin ang malawak nitong ngisi.
“Anong balita?” tanong niya sa kabanda.
Sumenyas si Ciel na huwag muna siyang maingay. By the time na nasa tabi na niya si Isaac ay saka lang siya nito hinarap at kinausap.
“Nagco-confess si Lukas kay Keaton,” nakangising anito.
Napamulagat si Dean. “Ha? Hindi nga?”
Tumango ito. “Humihingi ng exclusivity.” Humalakhak ito. “Pinagseselosan lang pala ako kaya gano’n.”
“Tang inang yan!” Hinawakan ni Dean ang seradura. Nang mapagtantong hindi iyon naka-lock, agad niyang itinulak ang pinto. “Hoy, kayong dalawa dyan!” natatawa niyang bulalas habang pumapasok sa loob at tinuturo si Lukas.
As expected, ginawaran siya ng matalim na titig ni Lukas. "What the hell? Who said you can come in?" angil pa nito.
Pero hindi pinansin ni Dean ang sinabi nito. Sa halip, pinagpatuloy lang niya ang pagtawa. Pumalakpak din siya.
"Holy s**t, dude! Sinasabi ko na!" bulalas pa ni Dean nang makapunta na siya sa tabi ni Lukas.
"What?" naguguluhang tanong ni Lukas.
Ibinaling ni Dean ang tingin sa kay Keaton. "Iba talaga ang charisma mo, Keaton! Can you believe it? A homophobic, napaamo mo?" Umiling-iling siya saka si Ciel naman ang kinausap. "Tell me, naganito ka rin ba ni Keaton noong kayo pa?"
"Oo, p're! Grabe, talagang gustong-gusto ko siyang solohin no'n. Ayokong i-share sa iba." Tumawa si Ciel.
"Teka, teka, what's going on?" naguguluhang tanong ni Lukas habang nagsasalitan ang tingin sa kanilang apat. "What's going on?"
"Dude, ganyan ka ba talaga ka-dense?" natatawang kantyaw ni Dean. "Nand'yan na ang sagot. Tutuklawin ka na lang."
"Teka, ano ba kasi iyon?" Nakakunot pa ng mga noo si Lukas habang nagsasalitan ang tingin sa kanila.
Sabay na napamura sina Dean at Ciel. Tapos, lumipat si Ciel sa kabilang gilid ni Lukas saka hinampas nang malakas ang likod nito. Lukas howled in pain.
"Tang ina, p're! Dense ka talagang gago ka, ano?" bulalas ni Ciel.
"Pwede ba kasing diretsuhin n'yo na lang ako! Ang dami n'yong pasakalye, tang ina," angil nito
Tumingin muli si Dean kay Keaton. "P're, you heard Lukas. Diretsuhin mo na raw."
Napamulagat naman si Keaton. "Hih! Bakit ako?"
"Because it is more appropriate kung ikaw ang magtatanong sa kanya,” sagot ni Dean. “Besides, I'm sure, gets mo na rin ang sinasabi namin, hindi ba?"
Napalunok si Keaton. Ciel and Isaac cheered for him. Lumipat pa nga si Ciel sa tabi nito saka ito niyugyog.
"Oo na! Ito na!" Inirapan ni Keaton ang kababata nito saka sinalubong ang tingin ni Lukas, na bakas sa mukha ang pagkalito. Lumunok muna ito -- parang nag-alangan -- saka nagsalita. "Lukas, ikaw ba, by any chance..." Isa pa uling lunok saka umiling-iling. "No, that's not it. Because right now, I'm sure na may gusto ka sa akin."
And when Dean faced Lukas, kulang na lang ay magkulay kamatis ang mukha nito. Napuno tuloy ng malakas na halakhakan ang kwarto nila.
-
“Ang daming nangyari ngayong araw,” sabi na lang ni Dean.
Both of him and Isaac were at the smoking area. Pareho silang nakakiling sa metal railing. From there, kita ang dagat. From that distance, mas na-appreciate pa lalo ni Dean ang tubig dahil parang kumikislap iyon sa ilalim ng maliwanag na buwan.
“Kaya nga, ay,” tugon naman ni Isaac. Tiniktik nito ang hawak na sigarilyo para malaglag ang upos na naipon doon. “I can’t believe na lahat iyon ay pinagkasya natin sa isang araw. Island hopping sa umaga. Tapos nag-banana boat pa tayo saka inflatable island. Tapos nag-bar pa.”
“At nag-confess pa si Lukas.” Napapangiting napailing-iling si Dean.
“Nagulat ka ba sa confession niya?”
Hinarap niya si Isaac. “Ako? Hindi naman, sa totoo lang.” Tapos, kinuha niya ang yosi nito saka iyon hinithit. “Expected ko na rin na may gusto talaga si Lukas kay Keaton. Ayaw lang niyang tanggapin,” sabi niya habang hinahayaang lumabas ang usok mula sa bibig niya.
Noon lang niya ibinalik ang yosi kay Isaac. Pero hindi nito iyon kinuha. Tinitigan lang.
“What?” nagtatakang aniya.
Umiling naman ito saka kinuha ang sigarilyo. Muli itong kumiling sa metal railing saka sinubo ang yosi.
“Ako lang ba ang hindi nag-expect na nagkagusto si Lukas kay Keaton?” tanong nito habang nasa bibig ang sigarilyo. “Si Ciel kasi, parang may clue na. Napansin ko kaya yun kaninang umaga. No’ng naglalakad tayo papunta sa hotel. Ang lungkot ng titig dun sa dalawa.”
Mabilis na inalala ni Dean ang ganap kanina. “Ah, oo nga pala. Kasi nakaakbay pa si Lukas kay Keaton, ano? Which reminds me…” Hinarap niya ang lalaki. “Ba’t mo na pala inakbayan bigla si Ciel?”
Kinuha ni Isaac ang yosi mula sa bibig nito. “I’m comforting him. Para kasing nagseselos. Kaya gulat din ako nung sinabihan niya akong ang creepy ko raw.”
Natawa tuloy si Dean. “Marami ka pa talagang dapat aralin sa body language ng hook-up culture, Isaac. Para di na maulit ang misinterpretation gaya kanina.”
Umismid si Isaac. “Bakit? Kailangan ba talaga iyon?”
Nagkibit-balikat si Dean. “I guess? Lalo na kung magiging active ka sa ganyan.”
“Sus, di ko naman kailangan.” Hinithit nito ang yosi sa huling pagkakataon bago diniin sa bitbit nitong bilog na portable ashtray na ginawa rin nitong keychain.
“Bakit? Wala kang planong maging active?”
“Yeah. Besides, may iba akong planong aralin.”
“And that is…?”
Binulsa muna ni Isaac ang ashtray nito saka tumingin sa kanya. Then, he flashed a very beautiful smile.
Nang sandaling iyon, tila tumigil ang mundo ni Dean. Bagaman may pagkatahimik ang lalaki, there was a playful streak on Isaac’s usual smile, palibhasa’y halos nawawala na ang mga mata nito tapos labas din ang gums. But that one was different. Medyo tipid ang lawak ng labi nito.
And those eyes.
Napaka-appreciative ng titig ito. Na para bang wala itong ibang nakikita kung hindi siya. Na para bang wala itong ibang nais makita kung hindi siya.
Oh, s**t. Napalunok pa si Dean. Kasabay niyon ay ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
Inakbayan siya ni Isaac. Tapos, unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kanya hanggang sa maglapat ang mga noo nila. Hindi nito inalis ang titig sa buong sandaling iyon.
“May iba akong gustong matutunan, Dean,” bulong nito sa masayang boses. “At iyon ay ang mahalin ka.”
At pakiramdam ni Dean ay may sumabog na fireworks sa dibdib niya.