Hindi maitago ni Dean ang napakalawak niyang ngiti. Nakadikit ang kaliwang tenga niya sa pinto ng kwarto ni Lukas. Rinig na rinig niya ang paglangitngit ng kama habang nagmumura si Lukas.
That’s right! Tumatalab ang gamot! sigaw niya sa isip habang lumalayo sa pinto. Kahit pala hindi niya idikit ang ulo, maririnig niya ang ginagawang kababalaghan ng dalawa. At that point, hindi na rin siya magugulat kung maya-maya’y biglang lalabas si Ciel o si Isaac at kakalampagin ang pinto para patahimikan ang dalawa.
Sumandal siya sa pader sa gilid ng pintuan. Sakto pang narinig niya ang malakas na tunog ng paghampas sa pwet kasabay ng paghiyaw ni Keaton sa sarap.
“Tang ina, ang wild!” natatawa pa niyang bulong kasabay ng pag-alala niya kung paano niya ipinainom kay Lukas ang gamot...
Before he can execute his plan, hinintay muna niyang makatulog si Isaac. Syempre, siniguro rin niyang hindi ito magsususpetsa na binabalak siya kaya umasta siyang parang wala siyang dinidibdib na inis. Kinamusta pa nga niya si Lukas kay Keaton nang bumaba ito para kumain ng dinner.
Then, once midnight come, he texted Lukas to come meet him at the kitchen.
Don't make me wait, Lukas. Mabilis akong maubusan ng pasensya, pahabol pa niya.
His plan was actually not failure-proof. Bukod kasi sa hindi siya sigurado kung magigising ba ito para mabasa ang text niya, kasama nitong natulog si Keaton at maaaring ito ang makabasa.
Kaya laking tuwa niya nang makitang bumababa ito ng hagdan ilang minuto matapos siyang mag-text.
Paglapit nito, agad niyang inabot ang baso. May puti-puti iyong particles. Ang ginawa kasi niya ay tinunaw niya ang droga roon.
"Ano ito?" nagtatakang tanong ni Lukas.
"Just drink it."
"P're, hindi naman pwedeng--”
"Don't test my patience, Lukas." His voice was flat, but he wore his expressionless gaze. Noon lang niya napagtantong matagal-tagal na rin pala nang huli niyang gamitin iyon.
Napitlag naman si Lukas. Halatang natakot din, kaya inabot nito ang baso at dahan-dahang ininom ang laman niyon.
"Ang pait. Ano ba ito?" reklamo nito matapos maubos ang laman.
Kinuha ni Dean ang baso saka niluglugan sa lababo. "Aphrodisiac."
"Tang ina!" Kinuwelyuhan siya ng lalaki. "What the hell is wrong with you?" Kung makakahiwa lang ang titig nito, malamang ay nagkapira-piraso na ang mukha niya.
But as if that would scare him. Malakas pa siyang tumawa. "Calm down, dude. Safe iyan. May FDA approval iyan, at pharmacist ang nagreto sa akin,” pagsasawalang-bahala niya sa hinaing nito. Of course, walang bahid na katotohanan ang sinabi niya. Katunayan, hindi rin niya pinagkakatiwalaan ang nagbigay niyon. Kaya nga hindi niya agad ginamit, at sa halip ay naghanap pa siya ng ibang brand na nabibili sa merkado.
"That's not the point! Bakit mo ako pinainom nito?" angil muli ni Lukas.
"Oh, that? Gusto ko lang malaman kung gaano ka-epektibo at gaano katindi ang epekto. Who else is the perfect lab rat, bukod sa iyo?" Ngumisi siya. Nang mapaang iyon, hindi niya mapigilang matawa. That’s right, Lukas. Know your goddamn place. Wala kang lugar sa grupo na ito.
"f**k you, Dean! Hindi mo ako laruan!”
"Ah talaga? Want me to remind you about our agreement? Hindi ba, sabi ko, you'll be my pawn? At kung anong gagawin ko kapag hindi ka sumunod?"
Napalunok naman ito. Mukhang natauhan din dahil unti-unting lumuwag ang hawak sa kwelyo niya.
"Now let me go." Nang hindi ito sumunod, tumalak si Dean. “Don’t test my patience, Lukas. I still have your video.”
Umismid ito saka siya unti-unting binitiwan.
"Good. Don't worry, para naman ito sa grupo natin. Tulad nga ng sabi ko, lahat ng gusto ko ay para lang sa ikabubuti natin. So your little sacrifice will mean a lot."
Nilampasan niya ito pero tumigil din pagkatapos ng ilang hakbang saka muling hinarap ang lalaki. "For now, enjoy your wild night with Keaton. Who knows, baka makatulong iyan sa pagtanggap mo sa sarili mong bakla ka."
Nagdilim ang mukha nito.
"And oh, don't forget to tell me later kung ano ang nangyari, ha? Pray that it was effective. Otherwise, you need to try another brand." Tapos, humalakhak siya habang pumapanhik sa ikalawang palapag
Muli na namang napangiti nang malawak si Dean nang matapos niyang sariwain ang naalala. Seeing Lukas’s face in despair was a fulfillment. Gustong-gusto niyang ipinta sa isip ang mukha nito kanina.
“That’s right, Lukas. Ito ang pinakamahalagang lesson na ituturo ko sa iyo bilang leader n’yo,” bulong niya sa sarili. He could hear Lukas’s loud groan from his room. “I want you to see the reality of life. Isang katotohanang hindi mo kailanman nakita palibhasa’y napakalaki ng pribilehiyo mo. So suffer now, and savor the pain. Dahil sa totoo lang, walang-wala pa ito sa lahat ng hirap na dinanas ko.”
Napatiim-bagng siya nang muli na naman niyang naalala ang nakaraan. It all started when Franco met his biggest sponsor. Na-amaze daw ito sa talent ng tiyo niya, at nangakong pasisikatin ito. He shouldered all of the expenses -- mula sa production ng debut album ni Franco sa mainstream scene hanggang sa promotional activities niyon. Wala itong kinuha na kahit anong porsyento mula sa kinita ng tiyuhin kaya naging mabilis ang pagyaman ni Franco hanggang sa nakapagtayo ito ng sariling record label six years later.
Pero syempre, hindi libre ang lahat. May hiningi itong kapalit, and it was Dean. He was 14 that time. He became a s*x slave at that age. Habang ang tiyuhin niya ay nagpapakasarap sa tagumpay na tinamasa, siya ay sineserbisyuhan ang mga taong nais sponsoran ang career ng tiyo niya. Karamihan sa kanila ay mga matatandang bakla na malalakas ang implewensya sa showbiz industry.
Nagkuyom ang mga kamao ni Dean.
“I have to experience hell first before I reach where I am right now,” bulong niya. “Meanwhile, Lukas got right away. Kasi maimpluwensya ang tatay niya. Kasi mayaman sila. And I say, bullshit.”
Tumayo siya nang tuwid saka gumawi papunta sa kwarto nila ni Isaac. Dahan-dahan ang kilos niya dahil ayaw niyang magising ang roommate na himalang hindi man lang naalimpungatan sa kabila ng ingay mula sa katabing kwarto.
Humiga siya sa kama at tinitigan ang kisame.
Don’t blame me, Lukas, for what I’ll do. Masyadong mabait ang pagkakataon sa iyo. You had everything easy, kaya ako ang magpaparanas sayo ng hirap.
-
Guest ang THE DROPOUTS sa isang Sunday talk show nang gabing iyon. Sa nasabing episode nila isinakatuparan ang planong pagpapalit-palit ng linya. Labis na pinagpasalamat ni Isaac iyon dahil sa totoo lang, umay na rin siya sa kanta nila. They’ve been performing it almost non-stop for the last two months.
“... mga batang yagit,” pag-awit ni Lukas sa huling linya ng kanta. Originally, it was Ciel’s line. Then, they did the final pose.
Malakas na nagpalakpakan ang mga manonood na kalimitan ay mga fan nila na pinalad na makapunta sa show.
After the ten seconds pause na instruction sa kanila kanina ng floor director, saka lang sila gumalaw. Naging cue na rin iyon para pumasok na ang dalawang host na babae.
“Wow naman, Mars Lucille! Ang gagaling,” paunang bungad ng isa sa mga host na chinita at buntis.
“Right ka dyan, Mars Carmen,” pagsang-ayon naman ni Lucille, ang host na may balingkinitang katawan at kulot na buhok. Tapos, humarap ito sa kanilang lima. “In fairness, na-shock ako dun sa palitan n’yo ng lines, ha? Gulat ako, biglang nag-rap si Keaton at Ciel.”
Parehong natawa ang mga binanggit nito saka nag-high five. Ang Mga Batang Yagit kasi ay sinimulan muna ng rap verse ni Dean bago ang singing verse ni Isaac. Then, pre-chorus na kay Ciel saka ang chorus na si Keaton ang kumakanta. The post-chorus refrain was also sang by Ciel, bago iyon susundan ng mahabang rap verse ni Lukas. Gaya ng napag-usapan nila noong huli, napunta ang lines nina Dean at Lukas sa mag-best friend. Then, Lukas got Ciel’s verses, while Dean got Isaac’s.
“At nagulat din ako sa high note ni Isaac sa climax,” dagdag pa ni Carmen. “Ine-expect ko kasi si Dean ang kukuha no’n dahil sumasalo rin siya ng high notes. Ikaw pala.”
Gumawa ng mapang-asar na ingay sina Ciel at Keaton. Si Lukas naman ay tinusok-tusok pa ang tagiliran niya. Hindi tuloy niya maiwasang mag-blush dahil sa hiya. Nagtawanan naman ang audience.
By then, tapos nang ayusin ang sala set na mabilis sinet-up ng mga crew habang nakatutok sa kanila ang camera. Naging hudyat na iyon para maupo na sila roon. Bale mayroong three-seater couch sa gitna at dalawang single-seater sa magkabilang gilid para sa dalawang host. Meron ding dalawang bean bag sa lapag. Ciel and Lukas occupied those seats. Then, Isaac, Dean and Keaton sat on the couch, with Dean in the middle.
“So ano namang naisip n’yo at bigla kayong nagpalit-palit ng lines?” tanong sa kanila ni Lucille. “In fairness, I like it talaga, ha? Di ko ine-expect na kumakanta pala si Lukas. Akala ko kasi, rap lang talaga ang kaya niya.”
And now, it was their turn to tease Lukas. Tumayo pa nga si Ciel at kumilos na parang chimpanzee na nagmamarukilyo.
“Parang tanga tong si Ciel,” natatawa na lang na sabi ni Dean saka hinila ang laylayan ng damit nito para paupuin ulit. Nang matapos, napatuloy ang leader nila sa pagsasalita. “Wala naman. Gusto lang naming ipakita na flexible kami. Na hindi lang kami yung tipong play safe. Kaya namin ang mga ganitong changes.”
“Tama, tama!” Ciel and Keaton said in unison. Pumalakpak pa ang dalawa.
Then, Keaton took the microphone. “Tsaka nakakasawa na rin kasi dahil paulit-ulit ang kantang pine-perform namin.”
Sabay-sabay silang natawa sa sinabi nito.
“Grabe ka naman, Keaton,” sabi pa ni Lucille.
“Totoo naman kasi. I want to perform new songs na rin,” depensa ni Keaton. “Kaya nu’ng nag-suggest si Ciel na magpalit-palit kami ng lines, game talaga ako. Sabi ko, ako kukuha ng rap verses ni Dean. Gusto ko rin i-try mag-rap para di ako puro birit lang.”
Tumingala si Lukas. “And I’m proud of you dahil hindi mo talaga tinigilan hanggang di mo nape-perfect.”
Sinalubong naman ni Keaton ang tingin ni Lukas. “Wow, thanks,” tugon nito. “Of course, proud din ako sayo kasi talagang inaral mong mabuti yung lines ni Ciel kahit ayaw mo talagang kumanta this time.” Niyakap nito sa leeg si Lukas.
Ang sweet naman ng dalawang ito, nangingiti na lang na isip ni Isaac habang ang audience at ang mga host ay humihiyaw sa kilig. Well, he won’t blame them. Kahit siya rin naman kasi ay kinilig.
Meanwhile, Dean cleared his throat. “Ang keso naman ng dalawang to.”
Humarap si Isaac kay Dean. “Sus, inggit ka lang, ay,” aniya sa mapang-asar na tono. Tapos, inakbayan niya ito. “Don’t worry, proud din ako sayo kasi nagawa mo yung dance break ko nang walang daplis.” He smirked while silently hoping he would get a similar response. Mayroon kasing backflip na ididiretso sa backspin ang parteng iyon. Kuhang-kuha ni Dean.
“Sus, maliit na bagay,” proud na proud na anunsyo ni Dean. Pinalo pa nito ang dibdib.
Isaac waited for a few more seconds, pero wala nang ibang sinabi si Dean. Napawi tuloy bigla ang ngiti niya. He felt disappointed.
Mabuti na nga lang, nagsalita si Ciel at nagtanong kung wala bang pupuri sa kanya. The audience screamed, “We love you, Ciel!” in response.
Tumayo tuloy ulit bigla si Ciel saka nag-bow. Tuwid na tuwid pa ang likod nito na parang ginagaya kung paano yumukod ang mga Japanese kapag nagpapakita ng pasasalamat.
“Thank you!” Nag-flying kiss pa si Ciel saka bumalik sa inuupuan nito.
“I like the friendship of this group, Mars,” hindi maiwasang kumento ni Lucille. “Ang cute nila.”
“True! Lalo na sila Keaton at Lukas. Kinilig talaga ako sa kanila kanina,” pagsang-ayon naman ni Carmen saka tinakip ang hawak nitong cheat sheet sa mukha para itago ang pamumula.
Bigla na namang naghiyawan ang mga nanonood kasabay ng pagcha-chant ng, “LuKea! LuKea!”
Keaton and Lukas looked at each other. Lukas was actually blushing, kaya naman natawa si Keaton saka ito yinapos ulit. Napansin ni Isaac na may binulong ito pero hindi niya narinig.
Well, hindi na rin niya inalaman. Kahit nakangiti siya, sa totoo lang, dinamdam niya ang hindi pagpuri sa kanya ni Dean. As he looked at Keaton and Lukas who were acting lovey-dovey, he felt something clogging on his throat.
Hays, sana all, isip niya saka ibinaling ang tingin kay Dean, na ngayon ay nakikipag-usap sa host. Sana all, nire-recriprocate ang feelings ng nagugustuhan nila.