Chapter 10.1

1118 Words
 Sobrang abala ng THE DROPOUTS. Bukod kasi sa mga TV guesting nila, nagkaroon din sila ng individual activity. Ciel had his acting debut on a Sunday romance anthology show. Nag-guest naman sina Keaton at Lukas sa isang reality show kung saan magiging foster parents sila ng mga bata for 48 hours habang ang mga magulang ay magwe-weekend getaway. Si Dean naman ay kinuhang ambassador ng isang men’s apparel brand habang si Isaac naman ay naging guest judge at mentor sa isang dance show. Bukod pa riyan, nagkaroon din sila ng school tour para i-promote ang kanilang first single at maging ang parating nilang first album. Nang araw na iyon, sa isang kilalang Catholic sa Imus, Cavite sila. Sa parehong school din nagtapos si Isaac ng elementary kaya naman na lang kainit nang sila’y sinalubong. While they were performing Mga Batang Yagit, hindi matigil sa kakahiyaw ang mga manonood. Wherever they look at, nagkukumpulang mga estudyanteng nakasuot ng kulay blue na uniform ang nakikita nila. Kahit sa mga higher floor, nakikita nilang may mga nanonood. Hindi nagtagal, natapos na rin sila. Dahil siya ang leader, si Dean ang unang nagsalita. Sinimulan nito ang speech sa pagbati sa mga estudyante at staff ng paaralan. Tapos, isa-isa silang nagpakilala. “... and we are THE DROPOUTS!” they said in unison. Pagkatapos niyon, naghiyawan na naman ang mga nanonood. While waiting for them to end, Dean scanned the crowd. Pagkuwa’y tumabi ito kay Isaac. “Ang laki pala ng population ng school mo dati, Isaac?” sabi nito through the microphone. “Sa sobrang siksikan nila, para na tayong nag-concert sa stadium.” “Oo nga, ay,” natatawa namang tugon ni Isaac. “Parang seventy years na yata kasi itong school na to.” “Ay gano’n? So halos ka-edad na pala ng mga lolo natin!” Then, Dean asked kung ilan ang population ng school. The crowd said they were over three thousands. “Wow, ang dami!” Humarap ito ulit kay Isaac. “Sa sobrang laki ng population nyo, I’m surprised naalala ka pa ng mga teacher mo. Popular ka siguro ano?” “Hoy, hindi, ah?” Natatawang anito. “Tahimik lang ako. Di rin sikat sa campus. Kaya gulat din akong may mga nakita akong welcome home banner nung dumating tayo dito.” “That means VIP ka kasi dito,” nakangising tugon ni Dean sabay dugtong ng mapang-asar na, “Ayie!” Malakas na pagtawa ang tinugon niya rito. But before he could reply, bigla silang inakbayan ni Lukas. “Oy, mawalang-galang lang pero mamaya na kayo magkwentuhan dyan,” sabat nito. “Inaabangan kayo ng emcee na matapos.” Nginusuan nito ang dalawang babaeng teacher na nakasuot ng pink. Nakatayo ang mga ito sa gilid ng stage at mukha ngang hinihintay sila. “Oo nga. Sabi ko nga,” sabi naman ni Dean. “Ito talagang si Lukas, mahilig manira ng moment.” Tumawa pa ito nang malakas. Nakitawa rin sina Keaton at Ciel habang si Lukas ay nangiti lang. If this happened before, Isaac would probably frown dahil alam niyang hindi nagbibiro si Dean. But not now. Nitong mga nakakaraang araw, hindi na bugnutin si Lukas. As a matter of fact, ito pa madalas ang nagsisimula ng biruan at kasatan sa kanila, lalo na sa mga vlog entry nila. Their overseas fans were calling him a giant crackhead dahil sobrang kulit nito. But Lukas and Dean’s friendship looked more genuine. Madalas nang makita ni Isaac ang kaswal na pag-uusap ng dalawa na parang matagal nang magkaibigan. And he liked that. Dahil kasi doon, nawala na ang takot niya na baka magkasira-sira sila balang araw. They moved aside and gave the floor to the emcees. Sinimulan ng dalawa ang speech sa pagbati sa kanilang members at pagpuri sa performance nila. Then, they talked about Isaac. “Teacher Jen, naging student mo si Isaac dati diba?” tanong ng maliit at batang teacher sa kasama nitong may katabaang at nasa early-40s na babae, “That’s right, Teacher Grem,” tugon naman ni Jen saka tumingin kay Isaac. “First advisory class ko ang section nila. Naalala ko pa kung gaano katahimik iyang si Manasseh.” “Manasseh!” the boys, except Isaac, echoed. Nagtawanan naman ang mga nanonood dahil sa reaksyon nila. Meanwhile, Isaac just blushed in embarrassment. Manasseh kasi talaga ang birthname niya habang Isaac ang apelido. Since he was a child, he really hated his name dahil napaka-weird pakinggan kaya naman Isaac ang ginagamit niya para ipakilala ang sarili. Nagpatuloy sa pagkwekwento si Jen. “Sa totoo lang, hindi ko talaga inakalang mag-aartista itong si Manasseh kasi mahiyain iyan noon.” Muli itong humarap kay Isaac. “Anak, pangarap mo na ba talaga noon pa mag-artista?” Tumango si Isaac. “Pangarap ko po talagang maging dancer, Teacher Jen. Mahiyain lang po talaga ako noon kaya hindi ko pinapahalata. Tsaka dati kasi, ang tigas-tigas talaga ng katawan ko.” “Ay, weh?” sabat ni Ciel, dahilan para mapatingin silang lahat dito. “Matigas katawan mo no’n?” “Oo nga. Nadala lang talaga ako sa practice,” tugon naman ni Isaac. “Lahat naman kasi talaga natututunan, basta nagsusumikap ka. Consistency is the key for success, remember?” “And that’s the quote for today, coming from Mr. Manasseh Isaac,” hirit ni Lukas sa tonong parang announcer sa mga sport event. Nagtawanan na naman tuloy lahat ng naroon sa venue. “Sira ulo talaga tong Lukas na to,” kumento pa ni Dean. Napailing-iling na lang si Isaac saka pinagpatuloy ang pagsasalitan. “But of course, it will not be possible din without my parents’ support. Talagang ginastusan nila ang dance lesson ko no’n.” “Parents mo rin ba ang nagpalakas ng loob mo kaya nalabanan mo ang hiya mo?” tanong muli ni Jen. “Ay, actually ho, Teacher, hindi talaga sila. Kundi yung dating guard dito. Lagi ko kasi siyang napagkwekwentuhan dati na dream kong maging dancer. Tapos iyon, lagi niya akong ine-encourage. Hanggang sa lumakas na nga ang loob ko at kinulit ang parents ko na pag-aralin ako sumayaw.” Ngumiti siya nang mapakla. Noong dumating sila kanina, unang hinanap ni Isaac ang matandang guard. Unfortunately, halos sampung taon na pala itong patay. Inatake raw sa puso habang nagdu-duty. Of course, nalungkot siya but he did not have time to mourn dahil may performance pa siya. Tumango-tango si Jen. “Ah, kaya mo pala hinahanap si Mang Tani kanina.” Biglang napatingin si Dean sa teacher. “Ha? Anong pangalan?” bakas sa mukha nito ang gulat. “Mang Tani,” sagot naman ni Isaac. Then, he faced the teachers again to ask for his fullname, to which the teacher answered, “Nathaniel Acuzar yata?” “Acuzar?” sabi ni Ciel saka napatingin kay Dean. “Kaapelido mo, ah?” Nakita nito ang gulat sa mukha ng leader nila. All of them looked at Dean. Samantalang, napamulagat si Isaac. Tapos, nagsalitan ang tingin niya kay Dean at sa crowd. Bigla niyang naalala ang panaginip niyang paulit-ulit niyang nakikita mula pa noong bata sila. Napalunok siya. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng kabog ng dibdib niya. Could it be… si Dean ang nakikita niya sa panaginip niya? Isaac got his answer after Dean heaved a sigh and smiled sadly. “Nathaniel Acuzar?” Saglit itong nangalumbaba. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. “Yes, he’s my grandfather.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD