Chapter 10.2

1670 Words
The school program ended around four o’clock in the afternoon. Supposedly, didiretso na sila pabalik ng Maynila. Pero nagpaiwan muna si Dean dahil gusto raw nitong bisitahin muna ang puntod ng mga grandparent. Pinayagan naman ito ng manager nila dahil dala nito ang sariling kotse. “Gusto mo sumama?” aya ni Dean kay Isaac. Nag-aalangang tumango si Isaac. Hindi rin kasi siya sigurado kung bakit siya niyaya ni Dean, pero gusto niyang mabisita si Tani bilang pagbigay ng respeto. And so, humiwalay na sila sa grupo. Tahimik silang dalawa habang nagmamaneho. For Isaac, hindi pa rin kasi niya lubos na maisip na si Dean pala ang binibidang apo sa kanya. What a small world indeed. Hindi nagtagal, nakarating na sila sa destinasyon. “Tara,” aya ni Dean matapos nitong i-park ang kotse. Gaya kanina habang bumibiyahe, tahimik din silang naglalakad. Dahil walang maisip na sabihin, tinuon na lang ni Isaac ang atensyon sa mga nadadaanan. The place was probably just a public cemetery. Wala kasi sa ayos ang mga nitso. Parang basta lang namili ng pwesto ang pamilya ng mga namatay. Ang dami ring mga pinagpatong-patong na mga nitso. Not to mention, nagkalat din ang mga basura at walang landscape. Hindi nagtagal, natanaw na nila ang mga hilera ng museleo. They stopped at the third one bago sinabi ni Dean na iyon ang destinasyon nila. Then, he unlocked the padlock of the arch gate. Lumangitngit iyon dala ng kawalan ng proper maintenance. Tapos, sabay silang pumasok ni Isaac sa loob. Hindi naman engrade ang museleo. Simpleng enclosure lang iyon na may kalawanging gate at mga grill. Hindi rin naka-plaster ang mga dingding at walang tiles. Pero halatang mamahalin ang lapida dahil gawa iyon sa marble. “Man, this place is a mess,” kumento ni Dean habang pinupulot ang mga nagkalat na basura sa loob. “Makaipon lang talaga ako, ipapa-renovate ko ito para ma-experience naman nila Lolo ang sosyal na bahay.” Saglit itong tumawa pagkatapos. Isaac just watched him picked up the trash and threw it outside. Hanggang sa pagsisindi nito ng kandila, nakatayo lang siya. “Hi, Lolo! Hi, Lola! Kumusta po kayo?” nakangiti ani Dean matapos itirik ang kandila sa harapan ng lapida. “Sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw ulit. Alam nyo naman, busy na rin ako sa training.” Samantalang, matamang pinanood lang din ni Isaac ang kabanda habang nagkwekwento ito sa mga yumaong na kamag-anak. Truth be told, hindi pa rin siya makapaniwalang si Dean pala ang apo ni Mang Tani. Napakalaking coincidence kasi niyon. But how can he not believe him gayong nasa harapan na mismo niya ang litrato ng yumaong lalaki? Mayroong dalawang kwadrong nakasabit sa dingding na katapat ng gate. Ang isa roon ay si Mang Tano na nakasuot pa ng uniforme ng security guard. Noon lang napagtanto ni Isaac na hawig pala ito kay Dean. Pareho silang may katangusan ng ilong at may sharp na jawlines. Not to mention, parehong barakong-barako tingnan. “S’ya nga pala, Lolo, kasama ko pala si Isaac.” Lumapit sa kanya si Dean at giniya palapit sa puntod. “Lolo, naalala mo pa ba si Manasseh?” nakangisi pa nitong sabi. Napapangiting napapailing-iling na lang siya saka binati si Tani. “Natupad ko ho pala ang pangarap kong maging dancer. Sobrang thankful ako kasi lagi mo akong ine-encourage,” sabi pa niya. Then, there was silence. Pareho lang silang nakatayo roon habang nakatingin sa puntod. Now, what? isip ni Isaac habang pasimpleng tinitingnan si Dean. The latter was looking down at the grave, his eyes portraying sadness. Ten years nang patay ang mga grandparent nito, base sa nakasulat na date sa lapida. Ilang linggo lang ang pagitan ng pagkamatay. Kaya siguro mukhang malungkot pa rin siya sa pagkamatay ng grandparents niya, isip ni Isaac. Mukha pa namang mahal na mahal niya ang sila. Sabagay, proud na proud kasi si Mang Tani sa kanya. “Alam mo ba noong bata ako, sinabihan ako ng mama ko na puro kamalasan daw ang dala ko sa kanya?” Natigilan si Isaac saka napakurap-kurap. It took him a few seconds bago niya naintindihan ang sinabi ni Dean. “What?” gulat niyang bulalas. Napakunot pa siya ng noo. “Bakit daw?” Nagkibit-balikat ito. “Ewan ko din. Basta puro raw kamalasan ang dala ko.” Napailing-iling ito saka hinawakan ang lapida. “Dati, napaisip din ako na baka tama nga siya. Tamo, magkasunod namatay sila Lolo at Lola. Pareho pang atake sa puso. At nangyari yun nang nakatira ako sa kanila.” “Dean, that’s not true,” pag-aalo niya rito. “Di naman totoong may taong nagdadala ng kamalasan. Nagkataon lang iyon.” Nagkibit-balikat ito muli. “Ewan ko rin. Kahit kasi si Tito, sinabi rin yan sakin.” At muli na naman siyang napakunot ng noo. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Isaac na may pagka-abusive din pala si Franco at may lihim na galit dito si Dean. Sa nakikita kasi niya, parang maayos naman relasyon ng dalawa. Tamo nga, pinuri ni Franco si Dean dahil sa success ng first pre-debut single nila. E si Dean halos ang nagplano niyon -- mula sa production ng kanta hanggang sa kunsepto niyon. Dahil sa sobrang sigasig ni Dean, halos wala nang ganap ang manager nila kung hindi ang mag-ayos ng schedule. Mahinang tinapik ni Isaac ang balikat ni Dean. “You’re not, Dean. You’re not. Maniwala ka sakin. Hindi totoong kamalasan lang dulot mo.” Then, he flashed a reassuring smile. “If anything, swerte pa nga ang dulot mo sakin.” Umismid si Dean. “Sus. Binobola mo lang ako. Di mo ako madadaan sa ganyan.” “Except I’m not,” tugon naman niya. “Alam mo naman ang kwento kung paano akong naging dancer, di ba?” When he did not answer, Isaac filled the details in. “It’s because of your lolo.” Bumuntonghininga ito. “Kung anoman ang ginawa ng lolo ko sayo--kesyo mabuti o hindi--wala naman akong ganap doon.” “Except meron ka talagang ganap.” Kanina, matapos nilang malaman na lolo pala ni Dean si Tani, kinuwento ni Jen kung paano nito laging binibida ang apo nitong may talent sa pagsayaw at pagkanta. Wala nga raw itong ibang bukambibig kundi si Dean. “Alam mo ba na sinabi ng lolo mo sakin na gusto niyang magkita tayo someday?” tanong muli ni Isaac. “He wants us to perform together.” “And how does it concern me?” parang hindi interesadong tugon naman ni Dean. Pagkuwa’y yumukod ito para iharang ang mga kamay sa kandila dahil hinahangin ang apoy niyon. “It concerns you dahil naging inspirasyon kita. Back then, I always look forward to meet you. To perform with you. Dahil iyon ang gusto ni Mang Tani, at kalaunan, pinangarap ko rin,” paliwanag ni Isaac. “Naging motivation ko iyon sa araw-araw kaya naging masipag ako sa pagpa-pratice. And look, where am I now? Naging main dancer ako ng grupo natin. And that’s because you exist, Dean.” Umiling-iling si Dean. “You’re giving me too much credit, Isaac. Wala akong ginawa.” Marahas na napabuga ng hangin si Isaac. “Hay, ba’t ang tigas ng ulo mo? Ang point ko lang, kung hindi ka talented, walang apo si Mang Tani na ibibida sakin at magiging inspirasyon ko para marating ko kung nasaan ako ngayon. And for that, I should be thankful you exist.” Then, there was silence again. Sa hilatsa ng mukha ni Dean, parang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ni Isaac. Bahagya pa nga kasing nakakunot ang noo nito. Parang dine-deny ang sinabi niya. Napabuga na lang tuloy ng hangin si Isaac saka minasahe ang sentido. Dean was normally arrogant, so hearing him say those remarks suddenly stressed him out. Sabagay, sabi nga nila, kalimitang may inferiority conflex ang mga mayayabang. Siguro, gano’n din si Dean, lalo pa, narcissistic pala ang nanay niya. Then, Isaac frowned. He just realized na first time pala niyang nakitang ganito ang leader nila. Nagpakita na sa kanya ng vulnerability si Dean noon but it was more on insecurity. This one was entirely different level. Self-depreciating na ito. Was he overly analyzing it, or did Dean really allow his guard to crumble even more in front of him? Naputol ang pag-iisip niya nang biglang tumawa si Dean. “What?” nagtatakang aniya habang pinapanood itong tumayo. Umiling ito. “Wala lang. And weird lang. I’m not usually like this,” sabi nito saka ngumiti. Yet Isaac could see sadness on his eyes. “Normally, pabibo ako. So hindi ko alam ba’t feeling ko, hindi ko deserve iyang sinasabi mong ambag ko sayo.” So, tama nga ako, Isaac concluded. Akmang magsasalita sana siya pero inunahan siya nito. “But you know, Isaac, I still think I don’t deserve that credit. We never met before. Hindi mo pa ako nakikitang mag-perform noon, so hindi mo rin pwedeng sabihing ako talaga ang inspirasyon mo. Your inspiration is my Lolo’s story and dream, not me. So yeah, I really don’t think I deserve that credit.” Napakamot ng ulo si Isaac. “Sige na nga. Ba’la ka na dyan kung anong gusto mong isip.” Natawa tuloy si Dean sa tinuran niya. “E kasi nga hindi naman talaga!” bulalas pa nito. Tapos, bumuntonghininga ito. “But still, thank you, Isaac.” Natigilan siya nang ngumiti si Dean. This smile… he saw this before. Ganito rin ang nakita niya noong gabing nanalo sila sa Starquest. It was inspired and full of hope. Napalunok siya. He did not know what was happening pero parang natorete siya bigla. Bakit parang nakakarambulan ang mga lamang-loob niya? And when he looked at Dean’s lips, he had the urge to kiss him. “Thank you, Isaac,” muling sabi ni Dean. “This is the first time someone thanked me for existing. I didn’t expect na gano’n pala kalaki ang naambag ko sayo kahit wala akong ginagawa.” Then, Dean pulled him close and hugged him. Nang magdikit sila’y halos tumigil ang ikot ng mundo niya. “Thank you, Isaac,” sabi nitong muli bago ito humikbi. “Yung sinabi mo kanina… you did not know how nice it feels.” Tapos, nilubog nito ang mukha sa dibdib niya. Pagkuwa’y nagsunod-sunod na ang paghikbi nito. Naramdaman ni Isaac na namasa ang shirt niya na marahil ay dulot ng luha ni Dean. Yet he did not complain. Sa halip, gumanti siya ng yakap dito. I don’t know what you really feel right now, Dean. Di ko rin gets kung bakit ka umiiyak ngayon, was his thought while lightly carressing Dean’s back. But it is fine. Ang mahalaga, binuksan mo ang loob mo sakin. And with that… Unti-unting sumilay ang ngiti ni Isaac sa labi. And with that, I feel more connected with you. Pakiramdam ko, mas lalo pa kitang nakilala…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD