Chapter 5

2055 Words
“Tingin mo, ano na naman kayang pinag-awayan ni Keaton at Lukas?” Pinatay muna ni Isaac ang gripo sa toilet sink saka hinarap si Ciel na nasa tabi niya. Ciel was looking at his face through the mirror, as if inspecting for any blemishes. Nang matapos ito, binuksan nito ang gripo sa harapan. “Sa totoo lang, malapit na rin akong ma-bad trip kay Lukas,” sabi nito habang hinuhugasan ang kamay. “Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Keaton, matagal ko na rin siyang inaway. Hindi ko gusto ang ginagawa niya kay Keaton. I mean…” Humarap ito sa kanya. “Biruin mo, talagang sa national TV pa sila nag-away.” Napabuga ng hangin si Isaac saka inalala ang nangyari kanina. Nag-guest kasi sila sa isang noontime show. Then, while they were performing, hindi sinasadyang nasiko ni Keaton si Lukas. Lukas kicked him bilang pagganti. Mabuti na lang, naging alerto si Dean sa pagharang sa camera habang sila naman ni Ciel ay pasimpleng inawat ang dalawa. Pinatay ni Ciel ang gripo. “Ang weird lang kasi kahapon, bumait naman na si Lukas kay Keaton. Tamo nga, nakaakbay pa sa kanya sa victory post natin.” Sila ang nagwagi sa exhibition game kahapon. Gaya nga ng sabi ni Ciel, hindi hostile si Lukas kay Keaton the whole day. Nagbiro pa nga si Ciel na mukhang sa wakas ay nagkabati na ang dalawa. And then the performance earlier happened… Napailing-iling na lang si Isaac. As much as he hated Dean, unti-unti na niyang naiintindihan ang galit nito sa rapper nila. Hindi nagtagal, lumabas na sila sa banyo. Saktong nakasalubong nila ang mid-50s na lalaking nakasuot ng kulay gray na corporate attire. It was Franco Acuzar, Dean’s uncle and the CEO of their label, Acuzar Records. Sabay nilang binati ang CEO. Nagmano rin sila. “Hello, boys,” bati naman nito sa kanila saka sila niyayang sumabay na rito papunta sa conference room kung saan gaganapin ang meeting para sa debut album nila. “By the way, I saw what happened earlier,” sabi na lang nito dahilan para pareho silang matigilan ni Ciel. “Lukas is quite a handful, isn’t he?” Tumawa ito nang malakas. Nagkatingnan sila ni Ciel. Pareho silang hindi inaasahan ang reaksyon nito. “Oh, by the way, kumusta naman si Dean?” tanong nito muli. “Iyon, stress na stress kay Lukas,” sagot ni Ciel. “Actually ho, kaya kami nasa labas ni Isaac e dahil nag-request siya na umalis muna kami at kakausapin daw muna niya si Keaton tsaka si Lukas.” Umiling-iling si Franco. “No wonder he dislikes Lukas so much.” Napapikit-pikit si Isaac. “Ho?” Alam ni CEO Franco? Ngumiti lang ito saka sinabihan silang mauna na sa conference room dahil tatawagan lang muna nito ang ibang executive na makakasama sa meeting. Pero bago pa sila makaalis, may pahabol itong mensahe. “Please tell Dean na huwag siyang panghinaan ng loob. Everything comes with a price,” sabi nito. “He already knew what I meant by that.” Tapos, ngumisi ito. Napamaang si Isaac. That smirk… It was similar to Dean’s. Ganoon na ganoon ang nakita niya noong binlackmail siya nito. Ganoon din matapos nitong “sermunan” si Lukas. But he did not get a chance to react because Franco excused himself. Tapos, niyaya na rin siya ni Ciel na bumalik sa conference room. While they were walking, naglalaro sa isip niya ang nasaksihan kanina. Ano ang nais ipahiwatig ni Franco kanina? And what’s with that creepy smirk? Bakit pakiramdam niya, mayroon pang mas malaking pang gulong tinatago si Franco kaysa kay Dean? - Sa totoo lang, sobrang pinag-isipan ni Isaac ang sinabi kahapon ni Franco. Okay, maybe he was overthinking pero pakiramdam talaga niya ay kailangan niyang maintindihan iyon. Plano sana niyang kumprontahin si Dean tungkol doon. However, it immediately slipped his mind after Dean made a proposal during the meeting. Ang proposal nito? Magkakaroon ng skinshipping sina Keaton at Lukas. Ni hindi man lang nito hininga ang panig ng dalawa! Nasaksihan din niya kung paano ginawaran ni Dean ng kakaibang ngisi si Lukas nang subukan nitong kumontra. Then, the latter kept his words to himself because of it. And now he was witnessing something even more disgusting. He was smoking on the balcony. Hindi kalayuan sa kanya ay ang kusina, kung saan nag-uusap sina Dean at Lukas. Dean was giving their rapper some advice. “Tinatanong mo kanina kung bakit ko tinatanong kung ano ang pakiramdam mo na ka-s*x si Keaton, right?” sabi ni Dean kay Lukas habang naghuhugas ito ng pinggan. “That’s the answer. Gusto ko lang malaman kung nagustuhan mo ba talaga. Ngayong nasubukan mo na, do you think you really want to do it? Mauulit ba ang ginawa n’yo? Nag-enjoy ka ba? O baka nagsisisi ka lang?” Napatalak si Isaac dahil sa narinig. Kaninang umaga, nadatnan nila parehong walang saplot sina Keaton at Lukas sa kwarto ng huli. Nagtalik ang dalawa! Kanina lang din nila nalaman kung ano ba ang pinag-awayan ng mga ito: ginapang pala noon ni Keaton si Lukas habang lasing ito. And now that something happened between them, Dean concluded na magkakabati na ang dalawa. Napailing-iling si Isaac. Akmang iignorahin na sana niya ang leader nila kung hindi lang niya narinig ang malakas nitong pagtawag kasabay ng pagsabi na magkaibigan daw sila ni Lukas. Nanlisik ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Ang plastik, tang ina! Sigaw pa niya sa isip. Saktong umalis na si Lukas. Noon lang sinalubong ni Dean ang tingin sa kanya. Now, he was smirking. Napatalak tuloy siya saka umiwas ng tingin para ipagpatuloy ang pagyoyosi. Matapos ang dalawang hithit, tinapon niya ang sigarilyo sa ash tray saka pumasok sa loob. Wala na si Dean sa kusina. Wala na ring tao sa first floor ng penthouse nila kaya sinara na niya ang arch door sa balkonahe. Tapos, pumanhik siya patungo sa kwarto nila ni Dean. Nadatnan niyang naghuhubad ng damit ang ka-room niya. Nagkatinginan pa nga sila bago siya muling nginisian ni Dean. “Tang ina, panay ngisi,” ismid niya saka pabagsak na sinara ang pinto at lumapit sa swivel chair na nasa kaliwa ng kama niya at naupo roon. Gusto sana niyang huwag na lang pansinin ang ka-room, but his own body betrayed him. Napapaisip kasi siya kung tama ba ang hinala niyang may kinalaman si Dean kaya nauwi sa pagtatalik sina Keaton at Lukas kagabi. Isaac knew his idea was absurd, but what happened was too good to be true. Kahapon lang, homophobic si Lukas. Tapos, biglang nakipagtalik na ito kay Keaton? At talagang sa mismong gabi pa matapos sabihin ni Dean ang tungkol sa plano nitong skinshipping? Kaya sa huli’y muli niya itong hinarap. “What did you do?” tanong niya sa lalaking pipihitin na sana ang door knob. Natigilan naman ito saka napakurap-kurap. “Ha?” naguguluhang anito. Tumayo siya saka hinila ang kamay nitong nakahawak sa seradura. “Anong ginawa mo kay Lukas? Bakit nakipag-s*x siya kagabi kay Keaton?” “Aba, malay ko?” tugon nito sa dismissive na tono saka binawi ang kamay. “Siguro, nalilibugan lang talaga siya kay Keaton noon pa man at sadyang in-denial lang.” Akmang pipihitin na nito muli ang pinto pero agad niya itong pinigilan. “Bullshit, Dean!” angil niya. “Kilala kita. Manipulative ka. Panigurado may ginawa ka.” Pumikit ito saka humugot nang malalim na hininga. “Don’t test my patience, Isaac.” Nang dumilat ito’t sinalubong ang tingin niya, halos mangatog ang tuhod ni Isaac. Ito na naman. That cold stare was frightening as ever. Kaya naman wala sa loob niyang lumuwag pala ang paghawak niya sa braso nito. Then, Dean took a step forward, and Isaac was too terrified to make a move. Hinila nito ang kwelyo niya saka nito nilapit ang bibig sa tenga niya. “Kapag sinabi kong wala akong ginawa, it means wala akong ginawa. Mahirap bang intindihin iyon, Isaac?” bulong nito sa malamig at nakakasindak na tono. Isaac got a goosebump because of it. “Yes, I know, I am a notorious liar, but I’m not lying this time. Hindi ko rin inasahan iyon.” Tapos, lumayo ito. “Now, if you’ll excuse me, maliligo na ako.” Saka lang siya nito binitiwan saka ito lumabas. Now that he was alone, noon lang na-realize ni Isaac na nagpipigil siya ng hininga. Napaupo siya sa sahig para maghabol ng hininga. Shit. Paano ba nagagawa ni Dean yun? Tanong niya sa isip. Pumikit siya at pilit na pinakalma ang sarili. He cannot understand why Dean’s expressionless demeanor could be so intimidating that he would end up like this. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nang tingnan ni Isaac kung sino ang pumasok, it was Dean. “Mamaya na pala. Naliligo pa si Ciel,” sabi nito saka sinara ang pinto. Then, he looked down on him. “Bakit ka nga pala nakaupo sa sahig?” Hindi siya sumagot. Sa halip, hinagod niya ng tingin ang katawan nito. Nakasuot lang ng itim na boxer brief si Dean noon, and Isaac won’t deny he had a great figure. Dean got a perfectly V-shaped body. Ang lapad ng balikat at likod nito tapos ang liit ng baywang. Bumaba pa lalo ang tingin niya hanggang sa mapunta iyon sa hinaharap nito, dahilan para mapamulagat siya. Bakat na bakat ang ari nitong ngayon ay nakatirik na. Biglang humalakhak si Dean dahilan para mapaiwas siya ng tingin. Akmang tatayo na sana siya pero bigla siyang tinulak nito dahilan para mapahiga siya. His head hit the floor. Mabuti na lang, hindi malakas. Dean locked the door first before stepping on his chest lightly. “I did not know you’re a pervert, Isaac,” nakangising sabi nito habang kinakambyo ang ari. “Nalibugan ka ba sakin?” Napalunok siya nang ilabas ni Dean ang ari nito bago lumuhod sa tabi niya. Hinawakan din nito ang ulo niya at pinihit paharap sa kargada nito. Saktong dumikit ang tip ng ilong niya sa ulo ng ari nito. He felt something sticky on it. It grossed him out. “Isubo mo na, Isaac,” utos nito sa mapang-akit na tono. “Alam ko namang gusto mo.” Napangiwi siya. “Shut up.” Tinabig niya ang kamay nito saka bumangon. “Iyan ka na naman, Dean. Tigilan mo nga ang kamanyakan mo.” Natawa ito nang malakas. “Pure top ka pala talaga.” Umiling-iling ito. “Mas trip ko pa namang mag-top. Di bale na, kaya ko naman pareho.” Hinigit nito ang kwelyo niya saka siya siniil ng halik. Napamulagat siya sa ginawa nito at pinilit na kumawala. But Dean suddenly pushed him and pinned him on the floor. Pinaibabawan din siya nito. Napalunok siya. Dean was smirking again. It was an unfailingly lecherous smirk. Itsurang parang hindi talaga siya titigilan hanggang makuha ang nais. Yumukod ito hanggang maging gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. “I know you want it, Isaac,” bulong nito sa mapang-akit na tono. “My tricks never failed. Kahit gaano katibay ang prospect ko, bibigay at bibigay din sila sa huli. What made you assume you will not fall under my control, huh?” At muli nitong sinakop ang bibig niya. Gaya kanina, wala siyang nagawa dahil masyadong malakas ang lalaki. Well, he did not bother to stop him, anyway. Not when his strength was slowly fading away as Dean bit his lower lips. Unti-unti siyang napapikit at nagpaubaya rito. While still liplocking with each other, Dean’s hands snaked on his body. Inabot nito ang kwelyo ng damit niya saka iyon pinunit. He grunted, but Dean sealed his complaint by sucking his tongue out. Hindi tumigil ang lalaki sa pagwarak ng damit niya hanggang sa maabot nito ang dulo niyon. “Dude, really?” reklamo ni Isaac matapos tumigil si Dean sa paghalik. “Kabago-bago ng shirt na to!” Dean laughed. “Who cares? It’s hotter this way.” Tapos nilamas nito ang dibdib niya. Napasinghap naman si Isaac at napatingala. Banayad ang paggalaw ng kamay ni Dean at nagdudulot iyon ng napakasarap na sensasyon. Nakadagdag pa nga ang gaspang ng kamay nito mula sa pagbubuhat sa gym. “Ah, s**t. Ang sarap,” wala sa loob na ungol niya. Ramdam niya ang paglukso ng dugo niya patungo sa kanyang kaibaturan. Sakto pang sa pundiya niya nakaupo si Dean at nakapwesto sa pagitan ng matatambok nitong pang-upo ang kanyang kargada. “Do you enjoy it, Isaac?” seryosong tanong ni Dean. Tumigil din ito sa paggalaw. Hinawakan niya ang mga pulsuhan nito at giniya para ipagpatuloy ang ginagawang paglamas kanina. “Yes, just do it. Manyakin mo na ako tutal malibog ka naman,” tugon niya kasunod ng pagpapatirik sa ari. Ramdam niya ang pagtama ng ulo ng ari niya sa malambot na itlog nito. Napangisi tuloy siya. “Just do it.” Dean sighed. Tapos, inalis nito ang kamay niya saka tumayo. Nagtataka naman siyang bumangon habang sinusundan ito ng tingin. “What? Are you done?” naguguluhan niyang tanong habang pinapanood itong pulutin ang tuwalyang bitbit kanina sa sahig. “Yes.” Humarap ito sa kanya. “Ang boring mo kasing ka-sex.” Tapos, dire-diretso itong lumabas. Napamaang na lang si Isaac. What did Dean just say? Siya? Boring ka-s*x? Nagkuyom ang mga kamao niya. He never felt so insulted like this before.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD