Chapter 4

2208 Words
Masakit ang ulo ni Dean nang magising nang umagang iyon. The light coming from the window was making it worse, kaya naman itinakip niya sa mukha ang unan at pinilit na matulog muli. Noon lang sumagi sa isip niyang nasa kama siya. The last thing he remembered was falling asleep on the floor. Sinong nag-akyat sakin dito? Isip niya habang inaalis ang talukbong. He squinted his eyes to focus it on Isaac’s bed. Siya ba? Maayos na ang kama ng lalaki so marahil ay kanina pa ito gising. Sa kanilang lima kasi, si Isaac ang masinop talaga sa gamit. Pagkagising nito, nagliligpit agad ng higaan. Pabalik na sana siya sa pagtulog nang bumukas ang pinto at pumasok si Isaac. Natigilan pa ito nang madatnan siyang gising na. “Hey, gising ka na pala,” sabi nito habang palapit sa kanya. “Inom ka muna ng tubig.” Nilapag nito ang bitbit na baso sa night stand saka siya inalalayang bumangon. Dean did not realize he was giving his bandmate a weird look. “What?” tanong nito. Umiling siya saka inabot ang baso at ininom. Sakto kasing nauuhaw siya. “Thanks,” sabi niya matapos iabot ang baso rito. “Paano ako napunta dito?” “Inakyat kita, bakit?” Napamulagat siya pero agad din napapikit dahil sumakit lalo ang ulo niya. “Anong sabi mo? Inakyat mo ako?” “Yeah.” Ngumisi ito. “Don’t underestimate mo, Dean. Kaya kong mag-squat ng 180 pounds.” Mabilis niyang cinonvert iyon sa kilograms sa isip. Mas mabigat nang bahagya sa timbang niya. Pero naisip din niyang hindi hamak na mas mahirap ang kargahin siya lalo pa nasa second floor ang kwarto nila. “Natahimik ka? Na-amaze ka ba sa lakas ko?” kantiyaw nito. Tumalak siya. “Shut up, Isaac. Two hundred fifty pounds ang max load ko.” “Ay gano’n? Pabigatan na pala `to ng kayang buhatin?” Tumalak siya saka pumikit. Wala siya sa mood makipag-asaran kay Isaac. Bukod sa may hangover siya, hindi naman sila ganito ka-amiable sa isa’t isa. Madalas kasi’y hindi naman sila nagkikibuan masyado maliban na lang kung may kanta silang nais isulat. And wait why does Isaac suddenly act this way? Samantalang nitong mga nakakaraang araw nga ay parang naging wary na ito sa kanya dahil sa inamin niya. Narinig niyang bumuntonghininga si Isaac. “Dean,” seryosong saad nito. “About last night… what happened?” Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. “What?” tugon naman niya kahit alam na niya ang nais nitong sabihin. “About your mom.” Nagtagis ang mga bagang niya. “It’s none of your business, Isaac.” Muli siyang humiga. “Why not? Hindi ba bandmates tayo?” tanong nito muli habang pinapanood siyang ipatong sa katawan ang comforter. Tumalak siya. “E ano naman?” aniya sa masungit na tono. “Labas na sa working relationship natin ang personal kong buhay.” Itatalukbong na sana niya ang comforter sa ulo kung hindi lang siya natigilan sa sumunod nitong sinabi. “May trust issue ka ba?” He clenched his jaws again. Isaac was not the first person who told him that, yet for whatever reason, it still pisses him off. Muli niya itong hinarap. “What made you assume I do?” Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. Siguro dahil sa sinabi mo last night.” “And that is…?” “Sabi mo sa kin, wag akong magtitiwala kahit kanino. Kesyo kaibigan ko pa o pamilya ko. Sabi mo pa nga, first lesson mo iyon sa kin bilang leader mo. Now, I wonder kung bakit mo iyon sinabi.” Napatiim-bagang siya muli. Ito na nga ang ayaw niya kapag nalalasing siya kapag malungkot. He had tendency to show his vulnerable side -- the part of him that he had worked so hard to kill. Tumalak siya. “Wala iyon. Dala lang iyon ng kalasingan.” Bumuntonghininga si Isaac. “Dean, if you need someone to talk to, nandito lang naman ako.” Ngumiti ito. “You can trust me. That’s a promise.” Kulang na lang ay magdilim ang paningin ni Dean nang marinig ang huling sinabi ni Isaac. He wore his expressionless demeanor and faced his bandmate. As expected, bigla itong natakot. “Trust you?” Tumawa siya nang malakas. “I guess hindi mo talaga ako pinakinggan kagabi.” Hinila niya ang kwelyo nito. Nakita niya ang lalong paggapang ng hilakbot sa mga mata ng kabanda. “Besides, have you forgotten what you are to me?” Nang hindi ito nagsalita, siya ang sumagot sa tanong niya. “You are just a pawn. Ginagamit lang kita para matupad ang pangarap kong maging parte ng isang idol boy band. And once I’m done with this phase of my life, I can easily dispose of you. All of you.” Nandilim ang mukha nito, dahilan para mapahalakhak siya. “Kaya ito lang ang masasabi ko, Isaac: know your place. I don’t need your trust. Kailangan lang kitang pasunurin sa mga gusto ko at all costs, even if through blackmailing--” Padabog itong tumayo. “Shut up!” singhal nito. “Mas malala ka pala sa inaakala ko. Akala ko, takot ka lang talaga dahil sa kung anumang nangyari sayo noong bata ka kaya ka naging ganyan. But no, you’re more than that, Dean.” Humugot ito nang malalim na hininga. “You’re a psychopath.” Then, Isaac stormed out of the room. Nang pabalibag na sumara ang pinto, napawi ang ngiti ni Dean. Nangalumbaba pa siya pagkatapos. Ayaw man niyang aminin ngunit nasaktan siya sa sinabi ni Isaac. Psychopath daw siya? Sino nga bang matutuwang mabansagan niyon? But what’s new anyway? Ngumisi siya. Hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap siya ng masasakit na salita. Sus, hindi nga hamak na mas malala pa ang mga narinig niya noong bata pa siya. It doesn’t hurt at all. Nilawakan niya ang ngisi. Not at all. Pero bakit may tumutulong luha mula sa mga mata niya? - Walang schedule ang THE DROPOUTS nang araw na iyon pero nasa studio sila para mag-rehearse. May dadaluhan kasi silang competition para sa isang sikat na MOBA bukas, at mayroon silang intermission number doon. “Okay, good job, guys!” bati ni Dean sa kanila nang matapos nila ang sayaw. Lahat sila ay hingal na hingal at pawis na pawis. “Water break muna tayo. Balik kayo dito fifteen minutes later para ituloy ang practice. Then, of course, mamaya meron tayo ulit shoot for the vlog.” Pagkabigay ni Dean ng go signal ay lumabas agad si Lukas. Mabigat ang galaw nito kaya lahat sila ay nakatingin dito. “Mainit na naman yata ulo ni Lukas,” hindi maiwasang kumento ni Ciel. Tapos, ibinaling nito ang tingin kay Keaton. “Ikaw, may ginawa ka na naman ba?” biro nito. Inirapan tuloy ni Keaton ang best friend nito. “Shut up. Wala akong ginagawa sa kanya!” Tapos, padabog din itong lumabas ng dance room. Taranta namang humabol si Ciel sa kababata nito habang nagso-sorry. Napailing-iling na lang si Isaac. “Hay, ewan ko sa inyong tatlo.” Tapos, nagtungo siya sa kaliwang pader ng room. He picked his black vacuum tumbler on the floor and sat down. Habang tinutungga niya ang inuminan, napukaw ang tingin niya kay Dean na ngayon ay sumasayaw nang mag-isa. Napatigil tuloy siya sa pag-inom. He knew he was not supposed to feel this way, especially after what he found out earlier, but he was getting that weird sensation again that he feels whenever he watched Dean perform. Kagaya pa rin iyon ng pakiramdam na nakuha niya noong unang beses niya itong napanood. Ang kaibahan lang, mas naiintindihan na niya kung ano ang weird na pakiramdam na iyon. It was deja vu. He did not know why but Dean was reminding him of someone he could not even remember. Ni hindi nga rin niya maisip ang itsura niyon o kung saan niya nakita. But his mind was sure it was familiarity. Bumuntonghininga siya saka nagpatuloy sa pag-inom. Pagkuwa’y humiga siya sa sahig at pumikit. He might as well use his short break to rest. Being the main dancer of the group means he would get the most difficult dance steps after all, kaya dapat sagarin din niya ang pagpapahinga. Hindi nagtagal, bumalik na ang mga kabanda niya. Saktong dumating na rin ang production crew para sa vlog nila. Nagtatakang tiningnan ni Dean ang oras sa phone nito. “Wait, akala ko, akala ko before lunch time kayo darating? Past ten pa lang.” Nagkibit-balikat ang babaeng direktor nila. “Sabi ni CEO Franco, simulan na raw namin tutal maaga kaming dumating.” Tiyuhin ni Dean ang tinutukoy nitong Franco. Napakamot ng ulo si Dean. “Hays, si Tito talaga, madalas, hindi ko maintindihan ang takbo ng isip.” Napailing-iling na lang ito saka humarap sa kanila at nagbigay ng instruction. “Gaya ng lagi nating napag-uusapan, be as casual as possible, ha? But don’t show your bad side. Especially you, Lukas.” Ibinaling nito ang tingin sa rapper nila. Tumalak si Lukas pero hindi na rin naman ito nagsalita. Hinintay muna nilang matapos ang pagse-set-up ng equipment bago sila nagsimulang mag-rehearse. Bukod sa Mga Batang Yagit, ipe-perform din nila ang isang official song ng laro. They added their own choreography on that song too. They were in the middle of practicing that song nang hindi sinasadyang mabangga ni Keaton si Lukas. In response, Lukas shoved their youngest member. Keaton fell down on the floor. Agad naman silang tumigil sa pagsayaw. But before they could do anything, Keaton was on his feet again and attacked Lukas. Tinadyakan nito ang kabandang higit na mas malaki dito, bago umamba ng suntok. Mabuti na lang, naging mabilis si Isaac sa pagpigil dito. “Pikam-pika na ako sayo, Lukas!” singhal nito. Nagpupumiglas pa nga ito sa mahigpit niyang paghawak. “Nananahimik ako pero ikaw, ayaw mong tumigil!” Akmang sasagot si Lukas, na pinipigilan naman ni Ciel, pero mabilis na pumagitna si Dean. “Tang ina, pwede bang manahimik na kayong dalawa?” singhal nito. Tapos, marahas nitong kinamot ang ulo. Bakas sa mukha nito ang matinding stress. Hindi naman nakakibo ang dalawa. Unti-unti na ring binitiwan ni Isaac si Keaton, pero nanatili pa rin siyang alerto para kung sakaling sumugod ito, mabilis niyang mapipigilan. Hinarap ni Dean ang crew at humingi ng pasensya sa inasal. Nakiusap din siya na burahin agad ang video na nakuhanan. “Ulitin na lang natin ang pagvi-video,” sabi nito sa malumanay na tono. “For now, kakausapin ko lang muna si Lukas in private.” Tinalikuran ni Dean ang crew saka humarap kay Lukas. Hinila nito ang laylayan ng shirt nito bilang paggiya palabas. Samantalang, nanlilisik pa rin ang mga mata ni Lukas. Bago nga ito makalabas ng dance room, ginawaran pa nito nang matatalim na titig si Keaton. The moment the door closed, Keaton screamed at the top of his lungs. “Nakakabwisit,” sabi pa nito sa sarili saka pinulot ang kulay blue nitong inuminan na may disenyong teddy bear at lumabas. Nagpalitan naman ng tingin ang mga naiwan sa silid. The female director asked them if Lukas and Keaton’s relationship were really bad. Nagkatinginan tuloy sila ulit ni Ciel. Then, he took the initiative to answer. “Hindi ko rin sila maintindihan,” panimula niya. “Para silang on and off, depende sa mood ni Lukas. Si Lukas kasi yung tipong bugnutin ba. Minsan, ang hyper tapos minsan, parang galit na galit sa mundo.” Tumango si Ciel bilang pagsang-ayon. “Basta kapag hyper si Lukas, hindi naman siya ganyan kay Keaton. Hindi naman sila close, pero hindi rin siya salbahe gaya kanina. Pero kapag aburido, yan, lagi siyang nang-aaway.” “Di ba bipolar si Lukas?” tanong ulit ng direktor. Nagkibit-balikat si Isaac. “Ewan. Wala naman siyang sinabi, pero kung gano’n nga siya, then that explains it.” Binalot na sila ng katahimik pagkatapos. Ciel and Isaac decided to rest while waiting for the rest of the members. Naupo sila sa sahig at sumandal sa pader. Ciel even took his shirt off and fanned himself. Ten minutes later, Keaton went back. “O, ba’t ang tagal mo? Sa’n ka galing?” nagtatakang tanong ni Ciel. Tapos, inabot nito ang inuminan ni Keaton at tinungga. “Kinausap ako ni Dean. Pinagpaliwanag lang para daw maintindihan na niya pinag-uugatan ng galit ni Lukas,” paliwanag naman nito saka naupo sa tabi ng best friend. “Asan na sila Dean pala?” sabat ni Isaac. “Nando’n pa sa leisure room. Kakausapin pa raw niya si Lukas. Basta, siya na raw bahala du’n. Sure daw siyang babait na yun starting tomorrow,” sagot nito muli. Natigilan si Isaac. Something tells him this is trouble. Sakto kasing sumagi rin sa isip niya ang ginawa nitong pangba-blackmail sa kanya. Shit, hindi kaya gano’n din gagawin niya kay Lukas? Napalunok siya saka tumayo. “Keaton, asan kamo sila ulit?” “Du’n sa leisure room? Bakit?” Hindi na siya sumagot. Lumabas siya ng silid at dali-daling nagpunta roon. It was the last room at the left side of the building. Saktong pakarating niya, bumukas ang pinto at lumabas si Dean. Una niyang napansin ang kakaiba nitong ngisi. “Oh, you’re here, Isaac!” bati nito nang makita siya. Unlike kanina na mukhang mainit din ang ulo, Dean looked amused. “Hinahanap na ba kami ni Miss Direc?” Napatiim-bagang tuloy siya. “You did it again, did you?” bulong niya. “I don’t know what you’re talking about.” And yet, lalong lumawak ang pagngisi nito. Now, Dean looked terrorizing. “Anyway, balik na ‘ko do’n. Antayin mo na lang si Lukas dyan sa loob.” Dean tapped his left shoulder and left. Umawit pa nga ito habang naglalakad. Nagkuyom ang mga kamao ni Isaac saka nagdesisyong pumasok sa silid. He saw Lukas sitting on the couch, leaning forward with his elbows on the lap. Hindi niya makita ang mukha nito palibhasa’y nahaharangan na ng buhok nito, but he could tell Lukas was frighten dahil nanginginig ang mga braso nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki. “Lukas?” Lukas yelped and moved back. Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago ito huminga nang malalim at umayos ng upo. “Hinahanap na ba ako?” tanong nito sa nauutal na boses. Hindi pa rin nawawala ang panginginig nito. Isaac sighed and sat besides him. “What happened? Sa inyong dalawa ni Dean? May ginawa ba siya sayo?” Nagkuyom ang mga kamao ni Lukas. Pero sa halip na sumagot, tumayo lang ito saka walang lingon-likod na lumabas. Napahilamos si Isaac ng mukha. Lukas’s actions were enough to confirm he was too late…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD