Chapter 3

2568 Words
Their first song was well received. Ilang oras lang matapos iyong i-release, nag-#1 agad sa iTunes sa Pilipinas at nag-chart din sa ibang bansa. Most streamed song para rin sa araw na iyon sa Spotify, at nakasama sa trending topic sa Twitter sa buong mundo. Kaya hindi na rin nakakagulat na nang sumunod na araw ay dinumog ng mga showbiz reporters ang press conference nila. One petite girl in a ponytail asked if they were aware about the hate that Lukas received after he won the competition. “And yesterday, meron ding ilang ulit comments sa Twitter na nagsasabi na hindi pa rin daw dapat nakasama si Lukas dahil nagkamali siya. What can you say about that?” Nagkatinginan silang lima. Isaac noticed Lukas’s discomfort. Nagkuyom pa nga ang kamao nito. Dean grabbed the microphone. “Actually, yes, aware kami. Pati yung issue na nadaan daw sa pera since we all know Lukas came from a rich family, we have heard of that also.” “So what can you say about that, Dean?” Dean cleared his throat. “First of all, I think it is unfair to judge Lukas dahil hindi siya magaling sumayaw. He’s the main rapper, not the dancer. At yung sinasabi ninyong nadaan sa pera o influence ng pamilya niya… are you saying I also did not deserve to win? Have you forgotten I’m the CEO’s nephew?” The spectators cheered on him. Sumabayan din ni Ciel habang si Keaton naman ay nag-thumb up bilang pagsang-ayon. Nagpatuloy si Dean. “So ngayon, if you still don’t like him, so be it. But please see your way out. Hindi namin kayo kailangan sa fandom. THE DROPOUTS is composed of five members: ako, as their leader. Isaac, as our main dancer. Keaton, as the main vocalist. Ciel, as the visual. And Lukas, the main rapper. Mawala ang isa sa amin, buwag ang grupo.” Muling nagpalakpakan ang mga dumalo. Sila namang mga miyembro ay niyakap si Lukas to give him the comfort. “Thanks, p’re,” pasalamat ni Lukas kay Dean. “Na-touch ako sa sinabi mo, sa totoo lang.” “Sus! Para saan pa ba ang pagiging magkaibigan natin?” tugon naman ni Dean. Pumikit na lang si Isaac kasabay ng pagtawag niya sa lahat ng santong kilala para pigilan ang sariling tumalak. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka pati siya ay ma-inspire sa sinabi ng leader nila. But now? Gigil lang ang nararamdaman niya. He can't believe na ganito ka-plastic ang leader nila! Shit, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang gano’n siya! Iiling-iling na lang siya habang pabalik sa upuan. He was sitting at the left most, sa tabi ni Keaton. The woman earlier thanked them before giving the microphone to the next reporter, who was a chubby male this time. The question was addressed to Keaton. “Gaano katotoo ang chismis na hindi raw kayo magkasundo ni Lukas?” And now, it was Keaton’s turn to be uncomfortable. “Saan mo naman nakuha iyan?” tugon naman nito. Napilit pa nitong ngumiti pero hindi niyon naitago ang kaba. Sinabi ng reporter na may nagkwento lang daw dito na madalas daw silang makitang nag-aaway ni Lukas. “Well… uhm…” Napakamot ng ulo si Keaton. “I think it is a misunderstanding. While it is true na minsan nag-aaway kami, it’s not because… you know, magkagalit kami. Sadyang may mga pagkakataon lang talagang hindi kami nagkakasundo. You know, like friends in real life. Di naman sa lahat ng oras, bati kayo, right?” Naiilang itong ngumiti ulit. “Right, Lukas?” Lukas just looked at him with a blank face. Isaac knew it was a wrong move. Napangiwi pa siya. Ano ba kasing pinag-awayan ng dalawang ito? Matagal na niyang tinatanong ang dalawa pero parehong umiiwas sumagot. He also asked Ciel before, but he also refused to answer. “Ano iyong mga pagkakataong hindi kayo magkasundo?” muling tanong ng reporter. “I think that’s too personal already,” sabat ni Dean. “I understand your curiosity, but please respect our privacy. But rest be assured na hindi siya gaya ng iniisip ninyong sobrang magkagalit talaga. Siguro, may hindi lang pagkakaunawaan, but that’s it.” Halatang hindi pa rin kuntento ang reporter. Mabuti na nga lang, sinuway na ito ng handler nila at kumuha na ng ibang magtatanong. Puro mga light topic na ang mga sumunod na tanong kaya hindi na naulit muli ang tension kanina. The press conference lasted for an hour bago sila nagpaalam para mag-shoot na ng bagong material para sa kanilang Youtube channel. - Pabagsak na nahiga si Dean sa kama niya saka napahilamos ng mukha. Kakayari lang ng press conference at pagso-shoot nila ng vlog. It was tiresome, not because of the workload, but because of Lukas. Tang ina talaga ni Lukas. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Napailing-iling pa siya. Kakayari lang niya itong sermunan dahil nagkairingan ito at si Keaton habang nagvini-videohan sila. Kung wala lang siya sa grupo, hindi ako dapat ganito ka-stress ngayon. May lakad pa naman ako. Napangiti siya nang maalala ang tungkol sa dinner date niya with his mom. Kailan ba niya ito huling nakita? Mabilis niyang binilang ang panahon. He was surprised that it was exactly ten years. Bumangon siya saka huminga nang malalim. Tapos, tiningnan din niya ang orasang pambisig. He still had an hour before the proposed time. “I can’t wait to see her again,” kinikilig niyang bulong sa sarili. Tumayo pa siya at napasayaw-sayaw. “Marami akong ikwekwento.” Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon. Nadatnan niyang pumasok si Isaac. Nakasuot lang ito ng puting boxer brief. Nagtutulo pa nga ng tubig ang katawan habang bitbit ang pinaghubarang damit. Pumito siya. “Sexy naman pala,” kantiyaw niya. Gaya ng inasahan niya, binigyan siya nito nang matalim na titig bago dumiretso sa closet nito para kumuha ng isusuot. Samantalang naupo siya sa kama at pinanood itong magbihis. Hindi niya maiwasang hagurin ang mahaba nitong torso at mga binti. How he wished he had this figure. Sa totoo lang, mas gusto niya talaga ang lean build lang, hindi gaya ng katawan niyang natural na malapad ang likod at maskulado ang mga binti kaya mukhang maliit. Matapos isuot ang brief, humarap sa kanya si Isaac. “Stop staring, would you?” angil nito. “Ilang beses na kitang sinabihan, ha?” Natawa siya saka tumayo. “Wag mong subukang lumapit.” But he did while smirking. Nakita niya ang pagkatorete ni Isaac habang papalapit siya. He loved his reaction. “Why not, Isaac?” sabi niya sa mapang-akit na boses nang ilang pulgada na lang ang layo niya sa isa’t isa. “Am I not allowed to appreciate a work of art?” Hinagod niya ng tingin ang katawan nito, starting from his long neck. Hindi pa siya nakuntento, pinatong niya ang kamay sa matipunong dibdib nito. Agad naman siyang pinigilan ni Isaac. “Dean, sinabing huwag,” suway nito sa nauutal na boses. “Bakit ba hindi ka masuway?” “Iyan ba talaga ang gusto mong sabihin?” Bumaba ang tingin niya sa pundya nito. Gaya ng inasahan niya, tinigasan nga ito, kaya napangisi na naman siya. Tumalak si Isaac saka siya tinabig at gumawi sa swivel chair para kuhanin ang tuwalya nito. Tapos, marahas nitong pinunasan ang buhok. “Pwede ba, Dean? Kung naglilibog ka, huwag mo akong idamay?” sumbat nito sa kanya. “Nandyan naman si Keaton. I’m sure he’s willing to do it.” “Why are you so worked up, Isaac? May ginawa ba akong mali?” Of course, he already knew the reason. He just enjoyed teasing Isaac. “Mali? Oo, marami! Gusto mong isa-isahin ko pa?” Tumawa siya nang malakas saka umalis na sa kinatatayuan. “Wag kang magkakamaling lumapit na naman sakin, Dean!” “Relax!” natatawang tugon niya saka gumawi sa night stand sa tabi ng kama niya para kuhanin ang wallet at susi ng kotse niya. “I’m just teasing you, okay? I’m not in the mood for s*x right now.” Natigilan ito. “You’re just… teasing me?” “O bakit? Disappointed?” Gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. “Bakit, gusto mo ba?” Bigla itong namula. “Shut up!” Tapos, tinalikuran siya nito at nagsuot na ng short. Napailing-iling na lang si Dean. Gusto-gusto pa rin talaga niyang ipagpatuloy ang pang-aasar sa ka-room, but his mom would come first. Kaya naman lumabas na siya. Gaya kanina, napapakanta pa siya habang pababa ng hagdan. “Uy sa’n punta mo?” tanong ni Ciel na nadatnan niyang nagluluto ng pancit canton sa kusina. “May date ka ba?” “Yeah. With my mom.” Kinindatan niya ito. “Wow! Sana all makikita na ang mommy nila. Nu’n pasko ko pa huling nakita parents ko, ay.” Sus, wala iyan sakin. Ten years. Nginitian na lang niya ito saka nagpaalam na. Habang nagmamaneho siya, iniisip niya lahat ng ikwekwento sa mama niya. Miss na miss na kasi niya talaga ito, kaya naman sobrang tuwa niya nang sabihan siya kanina ng tito niya na gusto raw makipagkita sa kanya ng mama niya ngayong gabi. Pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya maitago ang kaba. Hindi lang kasi basta-bastang pagkikita ang mangyayari. After all, he ran away from home at 14 to pursue his love for music… - Dean grunted after checking his wrist watch for the tenth time. Dalawang oras nang late ang mama niya. Tumayo siya saka sumilip sa entrance door ng cafe na napagkasunduan nilang puntahan. “Where is she?” bulong niya sa sarili. “Kanina pa ako--” Nangislap ang mga mata niya nang matanaw niya ang isang pamilyar na babae na palapit sa entrance. He ran to the door and opened it himself. “Ma!” nakangiting bulalas niya. Tapos, niyakap niya ito. “I miss you so much. Marami akong ikwekwento sayo.” Kumalas siya rito saka yumapos sa pisngi nito. His mom did not even change. She still carried the air of elegance with her. Bagay na bagay din ang suot nitong off-shoulder dress na kulay orange. “Ma, have you heard of my band’s debut song? It’s a hit!” pagkwekwento niya habang pinapanood itong ayusin ang hapit ng dress sa baywang. “Number one siya ngayon sa iTunes saka Spotify--” Tumayo ito nang tuwid. “By the way, I forgot to mention, may kasama ito,” tugon nito. Ni hindi man lang nag-abalang tingnan siya. Natigilan siya saka napatingin sa mga middle-aged woman na hindi niya namalayang nasa likuran pala nito. Napamaang siya. Hindi siya pamilyar sa mga ito, yet he got nervous with the familiarity of this scene. Parang ganito rin noong bata pa siya. Inakbayan siya ng mama niya. “By the way, here’s Dean, my oldest son. Siya ang binibida ko sa inyo last night na member ng isang pasikat nang Filipino boyband.” Nagkatinginan ang mga babae. “Really?” sabi ng isang naka-pink na maxi dress. Tapos, ibinaling nito ang tingin sa kanya. “What boy band is that?” Napalunok siya. Why did it feel like he’s being interrogated? “THE DROPOUTS po, Auntie.” Her nose scrunched. “THE DROPOUTS? Bakit naman gano’n ang pangalan?” “Dalawa ho ang meaning no’n. First, because most of us are dropouts. Second, is yung para sa rugby na laro? Yung ginagawa para i-restart--” “O sya, sya,” putol ng mama niya. “Mainam pa, pumasok na tao sa loob.” Nagpauna itong pumasok bago sumunod ang mga kasamang babae. Kakamot-kamot ng ulo si Dean habang sinusundan ng tingin ang mga ito. He thought he would be dining with his mom alone? Bakit may kasama itong mga kaibigan? Biglang sumagi sa isip niya kung paano siya pinakilala nito sa mga kumare. She did not even sound enthusiastic about it. Parang basta lang masabi na may anak itong celebrity. Ni hindi man lang siya nilambing! Nagkuyom ang mga kamao niya. Don’t tell him after all of those years, his mom did not change at all? Or worse, ni hindi man lang siya nito na-miss? At kaya lang ito nagpakita ay para magyabang na naman gaya ng dati? Umiling-iling siya. No, that must not be the reason. Baka naiilang lang ito. Siguro kaya rin nagsama ng kaibigan ay dahil hindi pa siya kayang harapin. Ngumiti siya. Tama. Iyon siguro ang dahilan. He must think positively. Hindi niya dapat sirain ang reunion nila ng mama niya. Nagdesisyon na siyang sumunod sa loob. - All his life, Isaac knew he was a laid-back person. Ni hindi nga rin siya madaling magyamot. Siya kasi ang tipo ng tao na kaunting buntonghininga lang, kalmado na ulit. Kaya isang malaking misteryo para sa kanya kung bakit nagngingitngit pa rin siya kay Dean. No, it was not because of Dean’s real personality. Nayayamot siya sa pangti-trip nito kanina. He remembered how Dean caressed his chest while looking at him thirstily. And boom, he’s hard again. Bumangon siya saka marahas na kinamot ang ulo. Tang ina, ano bang nangyayari sakin? Ibinaling niya ang tingin sa kama nito. Of all people, bakit kay Dean pa siya nakaramdam nang ganito? Bakit ba parang naging fetish niya bigla ang halayin siya nito? It was not so him! Okay, sure, he fantasizes being dominated, pero sa isang babae iyon. Someone who’s muscular and tan. Natigilan siya. Wait a minute. Macho si Dean tapos tan din ang balat, di ba? Hindi kaya…? Marahas na naman siyang napakamot ng ulo. Malapit na yata siyang masiraan ng ulo dahil sa kagaguhan ng leader nila. Speaking of Dean, hindi pa rin ito umuuwi. Tiningnan ni Isaac ang oras sa phone niya. It was past midnight already. Saan naman kaya ito nagpunta? Hay, ewan. Bakit ko ba siya iniisip? I’m supposed to hate him. Nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Saktong nasa may dispenser na siya sa kitchen nang may maulinigan siyang humihikbi. He looked around to find where it was coming from. He noticed a silhouette of someone slouching on the floor at the living room. Binuksan niya ang ilaw sa sala at nadatnan niyang naroon si Dean. Samantalang nagtaas ito ng tingin. “Bakit gising ka pa?” tanong nito. Unang napansin ni Isaac ang namamaga nitong mga mata. “Umiiyak ka ba?” tanong niya. Dean did not answer. Sa halip, inabot nito ang malaking bote ng gin na nakapatong sa coffee table at tinungga. Napakurap-kurap si Isaac. Anong nangyari dito? Sabi kanina ni Ciel habang nagdi-dinner sila, nakipagkita raw ito sa mama. Malakas na pinatong ni Dean ang bote sa center table saka humarap sa kanya. “Isaac, I have a question for you.” “What?” “Halimbawa, may taong hindi ka nakikita for the last ten years. Tapos, nagkaroon kayo ng pagkakataong magkita ulit. Anong gagawin mo? Magsasama ka ba ng mga kaibigan mong hindi naman kilala ng tao na iyon sa reunion nyo?” Napamaang si Isaac. Okay, he was getting the picture now. Noon lang niya napagtantong wala nga pala siyang alam sa family background ni Isaac liban sa tiyuhin nito. Ni wala nga itong magulang na dumalo noong nanalo sila. Nagdesisyon siyang tabihan ito sa sahig. Tapos, kinuha niya ang bote ng alak at tinungga. “What happened, Dean? Do you want to share something?” Dean looked at him and smirked. “What?” “Naghahanap ka ba ng pwede mong ipang-blackmail sa akin, Isaac?” Napakurap-kurap siya. “Seriously, Dean? Iyan ba ang tingin mo sakin?” Humalakhak ito. “I don’t know. But there was one thing I’m sure of.” Inagaw nito ang bote sa kanya. “And that is you cannot trust anyone.” Tinungga nito muli ang bote. “That’s my first lesson for you, Isaac,” sabi nito muli matapos inumin ang alak. “Don’t trust anyone, not even your best friend. Not even your family. Not even someone who had shown nothing but kindness to you. I’m telling you, people are greedy by nature. Sa panahong desperado na sila, gagawin nila ang lahat para makuha ang gusto nila… even if they have to kill you.” Nilapag nito ang bote saka yumuko. Ilang sandali pa, nakatulog na ito. Napakunot ng noo si Isaac. What did Dean just say? Pinangaralan ba siya nito tungkol sa pagtitiwala? Pero bakit? Naisip niya ang tanong nito kanina. Now, he wondered what Dean's mom did earlier. O baka meron pang mas malalim doon? Was that the reason kung bakit hindi niya nito nakita ang ina sa loob ng sampung taon? Napakamot siya ng ulo. He was dying of curiosity. Kahit pala naging roommate niya ito for the last eight months, ang dami pa niyang hindi nalalaman sa leader nila. And now he wondered kung ano ba ang pinagdaanan nito sa buhay. And if by any chance, that had influenced him to be the monster he had become.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD