Episode 2

4975 Words
Kinabukasan ay ipinatawag siya ni Sister Ruth. " Maupo ka, utos nito. Agad naman naupo ang dalaga sa upuan na nasa harap ng mesa nito. "Maligaya ako na makakaalis ka na sa kumbentong ito panimula nito. May pagning ning ang mga mata nito habang binabanggit ang mga katagang yon. Bagamat naging istrikto ito kay Miranda ay mahihimigan naman niya na may sinseridad ang mga salitang binibitiwan nito. "Dalawang buwan na lang ang ilalagi mo dito. At sa dalawang buwang iyon ay kailangan mong mag aral para makapasa ka sa ALS, dahil sa pasukan mag aaral ka na sa Kolehiyo. Mahabang litanya nito. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ngayon ng dalaga. Nakaramdam siya ng saya, excitement, takot at mas nangingibabaw ang lungkot. Saya dahil sa wakas ay matutupad na rin niya ang kanyang mga pangarap. Excitement dahil sa wakas ay makakalabas na siya ng kumbento makalipas ang labing limang taon. Takot sa mga pwedeng mangyare kapag nakaalis na siya sa kumbento. At lungkot dahil kahit payak ang naging pamumuhay niya kasama ang mga bata at mga kaibigan sa loob ng kumbento ay naging masaya siya sa piling nang mga ito kasama ang mga madre. Binigyan siya ni Sister Ruth ng mga librong babasahin para sa pag hahanda niya sa kanyang pag susulit. Nang malaman ng tatlo, sina Addie Carl at Kurt ang nalalapit na pag alis ni Miranda ay nagpasya silang kausapin ito . "Mira, si Addie ito, habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Miranda. " Pasok ka, wika ni Miranda habang abala naman ito sa pag susulat. "Maupo kayo sabi nito, nang mapansing hindi ito nag iisa. Naunang umupo si Addie, at sumunod naman ang dalawang binata. "Miranda masaya kami para sayo sabay sabay na usal nang tatlo. Na ikangulat ni Miranda. Lumapit siya rito at niyakap siya nang mga ito. "Salamat, sambit niya, wag kayong mawalan ng pag asa. Balang araw makakaalis din kayo dito, sabi pa niya para pagaanin ang mga loob ng kaibigan niya. Kahit hindi man siya nakapag aral nang elementary at highschool, ay marunong naman sumulat at bumasa si Miranda. Dahil ang madalas niyang matanggap na regalo sa pasko ay libro at mga panulat na labis naman niyang ipinagpasalamat. "Halikayo, akay niya sa tatlo. Turuan ko kayong mag basa at mag sulat. Tuwang tuwa ang tatlo sa mga bago nilang kaalaman. Habang wiling wili ang apat sa pag aaral ay hindi nila napansin ang pagpasok ni Sister Ruth. "Tama na yan, sambit nito, at huminto ang mga ito sa ginagawa. Wag niyo na abalahin si Miranda. Kailangan niyang mag aral para sa pagsusulit niya bukas mahabang paliwanag nito. Tumayo na ang tatlo at nag paalam sa kanya. At umalis na nga sila kasama ang madre. Kinabukasan, kumuha na nga si Miranda ng pag susulit dahil dalawang linggo na lang ay matatapos na rin ang bakasyon. Yon na rin ang hudyat na kailangan na niyang iwan ang kumbento pati na rin ang mga kaibigan. Masayang masaya siya dahil hindi lang siya pumasa sa pagsusulit kundi nakakuha pa siya nang mataas na marka. "Magaling, usal ni Sister Ruth, dahil maganda ang marka mo ay makakapagaral ka sa isang pribadong paaralan usal nito. Batid nito na magiging maganda ang magiging buhay nito sa labas ng kumbento. Dahil masipag itong mag aral kahit may konteng katigasan ito ng ulo. "Bukas ay mag handa ka, kailangan mong mamili nang mga bagong gamit para sa iyong pag aaral. Mga bagong damit at bagong sapatos usal nito. At binigyan niya si Miranda ng pera para sa pamimili nito kinabukasan. Pumunta si Miranda sa bayan para mamili. Pero imbis na mamili nang gamit ay namili ito nang mga regalo. Para sa lahat ng bata sa kumbento. Pag karating sa kumbento ay pinagkaguluhan si Miranda ng mga bata. Ito ay para kay Robert, kay Patrick, kay Peter, kay Karen, kay Ruby .... sambit ng dalaga at isa isang pinamigay ang mga regalong binili niya para sa mga ito. Ito naman ay para kay Addie, sabay abot ng isang magandang sapatos para sa kaibigan. Mga libro naman para kay Carl at sumbrero para kay Kurt. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga regalong natanggap nila. Maya maya pa ay biglang dumating si Sister Ruth. Mukhang galit ito base sa anyo nito. "Anong kaguluhan to, sabi nito sa malakas na tinig, nanahimik lahat ang mga batang naroon. "At ano ang mga yan tanong nito sa galit na tono. "Sister ano ho, bumili ho ako ng regalo para sa mga bata ..... saka.... "Diba sabi ko bumili ka nang gamit mo? galit nitong tanong. "Sa pribadong paaralan ka mag aaral alam mo ba yon?. Ang mga nag aral don ay mga anak ng mayaman at kilalang tao sa lipunan. "Isa pa, aalis ka na bakit mo pa sila iniintindi, dagdag pa nito. Hindi na napigilan ni Miranda ang pag hikbi. "Alam ko naman ho yon eh, sagot ni Miranda habang humihikbi... "Kung alam mo, sana hindi mo naisipang gawin ang mga bagay nato, sagot ni Sister sa galit pa ring tono. "Mga bata pumasok na kayo sa loob, utos ni Sister at isa isang umalis ang mga bata sa tabi ni Miranda. "Ayusin mo na mga gamit mo, bukas na bukas din ay ipapahatid na kita sa estasyon ng bus sambit nito habang papalayo ito sa kanya. Nang matapos mag empake ay napagpasyahan niyang sumulat sa kanyang diary. Binili niya ito nung namili siya ng mga regalo. Dahil alam niya na private school ang kanyang magiging paaralan naisip din niya na baka wala siyang maging kaibigan kaya bumili siya non. "Dear Diary, "Linggo ngayon, at ito ang araw ng aking pag alis. Masayang masaya ako dahil matutupad ko na rin ang mga pangarap ko. Gusto ko mang manatili dito ay hindi maaari. Gagawin ko ang mga bagay na to para sa aking sarili at para na rin sa mga umampon sa akin. Ang mga karanasan ko dito sa kumbento ay babaunin ko kahit saan ako mag punta. At hinding hindi ko kalilimutan ang aking mga kaibigan. At ang aking pinag mulan. Lalu na si Sister Ruth. At nang matapos sumulat ay sinipat sipat niya ang kanyang kabuuan sa salamin at saka ngumiti. " Miranda halika na baka mahuli ka sa biyahe sabi ni Sister Ruth na nasa baba ng hagdan. Pababa na siya ngayon para makausap ito sa huling sandali. " O heto, sabay abot ni Sister Ruth nang isang envelope. " Bigay yan ng mga umampon sayo, ingatan mo yan at magiingat ka doon, at mag aaral kang mabuti sabi nito. "Sister, usal ni Miranda. Kailangan niyang itanong rito ang matagal na niyang gustong itanong. "Ano yon Mira, natatakot ka ba? tanong ng nito dito." Hindi ho, gusto ko lang po sanang itanong kung paano po ako napunta dito sa kumbento. "Gulat man ay sumagot si Sister sa kanya. "Isang gabi, nakarinig kami ni Sister Nancy nang palahaw ng isang sanggol. At hinanap namin kung saan galing ang iyak na yon. At nakita ka namin sa labas ng pinto ng kumbento na nakalagay sa isang basket. May sulat na nakalagay doon kung kailan ang araw ng yong kapanganakan, at ang yong pangalan. Pati na rin ang kwintas na ito. Isa yung gold necklace na may pendant na letter "M". At sa sinabing iyon ni sister ay nag umpisang humikbi ang dalaga. Niyakap niya siya ni sister ng mahigpit. "Tahan na, ang importante may mga bago ka ng mga magulang sambit nito, may ngiti sa mga mata. At maya maya pa ay inakay na niya ang dalaga palabas ng kumbento. Sa labas ay makikita ang mga batang nakahilera at nag aantay sa kanya. Nag paalam siya sa mga ito at nag umpisa na silang mag iyakan. "Ate Mira, wag mo kaming kalilimutan ha, sabi ni Karen, habang humahagulgol. "Pwede ko ba kayong makalimutan usal nito, at hinaplos ang buhok ni Karen. Pag alis ko pangako, susulatan ko kayo para wag niyo ako mamiss pag alo nito sa bata at nag simula na ring mag landas ang masaganang luha sa mga mata ng dalaga. Lumapit na rin ang tatlo niyang kaibigan para mag paalam. "Salamat sa sapatos ha Mira, usal ni Addie. Isusuot ko yon kapag may importanteng okasyon sabay ngiti at yumakap na kay Miranda. Yumakap na rin ang dalawang binata pagkatapos mag pasalamat sa mga regalong bigay nito. "Halina kayo mga bata, wag niyo na paiyakin ang Ate Mira niyo, mahaba pa ang magiging pag lalakbay niya tawag ni Sister Ruth sa mga bata. At makalipas nang ilang sandali ay nilisan na ni Miranda ang lugar na yon. Baon ang mga pangaral ni Sister Ruth at mga masasayang alaala niya kasama ang mga kaibigan. Habang nasa biyahe ay kinuha ni Miranda ang inabot na envelope ni Sister Ruth kanina, at binasa ang nakalakip na sulat doon. " Para kay Miss Miranda Agustin, Kalakip nang sulat na ito ay ang konteng halaga para sa iyong mga gamit sa paaralan at para sa mga personal na gamit na din. Pag dating mo sa estasyon ng bus ay susunduin ka nang isang driver. Wag kang mag alala. Nagbigay na ako ng larawan mo para hindi siya mag kamali. Mag iingat ka sa iyong pag lalakbay. Lubos na gumagalang, "June Mendez". Sinilip ni Miranda ang loob ng sobre at nakita niya ang maraming pera. "Ang dami naman nito, usal nang dalaga. At hindi maiwasang mapangiti. "June Mendez, usal nang dalaga. Siya na kaya ang umampon sa akin? tanong nito. Kasi ang pag kakaalam niya ay mag asawa ang umampon sa kanya. At naisip niyang sumulat agad kay Sister kapag nakarating na siya sa kanyang paroonan. Pag kalipas ng ilang sandali, ay bumaba na si Miranda ng bus, habang palinga linga. Napapitlag pa siya nang may magsalita sa kanyang likuran. "Ikaw ba si Miranda tanong ng matandang lalaki, sabay abot sa maleta ng dalaga. "Ah eh oho, sagot ng dalaga sa nininerbiyos na tono. Hindi niya alam kung sasama ba siya sa matanda o hindi. Nagkibit balikat na lang siya at sumunod dito. Iginiya siya nito papasok sa isang magarang sasakyan. Namangha si Miranda sa loob nito dahil kahit minsan ay hindi pa siya nakasakay sa ganun kagandang sasakyan. Lalu siyang namangha sa mga tanawin sa labas ng bintana. Nadadaanan nila ngayon ang isang Sun Flower farm. At ang kasunod naman niyon isang malawak na bukirin. Ngayon lang naramdaman nang dalaga ang ganitong pakiramdam. Napakasaya niya nang mga oras na yon. Hanggang sa marating na nila ang address na nalakagay sa sulat. "Rodriguez Memorial University, sambit ng dalaga pag kababa ng sasakayan. Maya maya ay kasunod na niya ang matanda. "Paano, iiwan na kita dito, paalam ng matanda at pagkalipas nang ilang saglit ay iniwan na nga siya nito. Tumingin ang dalaga sa paligid. Wala siyang nakikitang tao kaya nag pasya siyang pumasok sa isang pinto patungo sa loob, hanggang madaanan niya ang isang opisina. "Magandang hapon ho, bati ng dalaga nang may matanawan siyang isang matandang babae sa loob ng opisinang yon. "Magandang hapon naman, sagot ng matandang babae sa dalaga at matamang pinagmasdan ito. " Masyado ka pang maaga para pumarito iha, usal nito, pero maya maya pa ay may inilabas itong libro. "Ano ba ang pangalan mo, tanong ng matandang babae. Nagulat pa siya sa biglang tanong na yon ng matandang babae at hindi siya agad nakasagot. "Ah, a-no ho, pautal utal niyang sagot. Samantalang ang babaeng kausap naman ay naiinip na sagot nang dalaga, base na rin sa pag kunot ng mga noo nito. "Miranda Agustin ho, sagot nang dalaga, hindi alam kung tama ba ang sinasabi niya sa kausap. " " Hmmmmm, Miranda, Miranda, usal nang matanda habang tiningnan ang kaninang librong hawak nito at nang mahanap ay may iniabot itong susi sa dalaga. " Ito, sabay abot nang susi sa dalaga. Agad naman itong kinuha ni Miranda. Maya maya ay nagsalita ulit ang matandang babae. " Ito ang susi ng kwarto mo, usal nito, kumanan ka diyan, at diretsuhin mo ang pasilyong yan. Sa dulo ay makikita mo ang isang building. Hanapin mo ang numero na nakalagay jan sa susi mo, maliwanag ba? tanong nito sa dalaga. " Oho salamat ho sagot ng dalaga at nagsimula nang maglakad para hanapin ang kanyang maging kwarto. " Room 203, ito na yon usal ng dalaga nang makita ang hinahanap. Kumatok muna siya bago pumasok. " Tuloy ka, sabi ng isang tinig sa loob ng kwarto. Pagpasok niya ay may dalawang dalaga ring tulad niya ang nasa loob ng kwartong yon. " Hi, ako si Naomi, pakilala ng dalagang nabungaran niya. " Hello, ako naman si Miranda, Mira na lang, usal ng dalaga habang nakikipag kamay. "Siya naman si Carrie, si Naomi ulit habang papalapit sa kaibigang si Carrie na abala sa pag aayos sa harap ng salamin. " Hello, bati nito kay Miranda ngunit hindi man lang ito lumilingon. " Hi kamusta ka bati ng dalaga habang nakangiti. " Miranda halika, tawag sa kanya ni Naomi, ito ang magiging kwarto mo sambit nito, sabay bukas sa isang pinto. Sumunod naman ang dalaga rito. Pagpasok ng dalaga ay namangha siya sa laki noon. May malaking kama, may study table, may toilet at may malaking wardrobe. Triple ang laki non kumpara sa dati niyang silid. " Ang laki naman nito usal nang dalaga, na hindi nakaligtas sa tenga ni Carrie ang sinambit ng dalaga. " Malaki na yan sayo tanong nito?? Yang buong kwarto mo ay toilet ko lang sa Mansion namin, walang buhay nitong sagot, habang busy pa din sa harap ng salamin. Pumasok siya sa kwarto para mag ayos ng mga gamit. Inayos niya ang kanyang mga gamit sa wardrobe at nag pasyang mag linis nang katawan. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang dalaga at nagbihis ng pambahay. Maya maya pa ay humiga na siya sa kama at unti unting hinila ng antok... Kinabukasan ay nagising siya sa mahinang katok sa kanyang pinto. Tumayo siya para buksan yon, at nakita niya si Naomi na nakangiti. "Magandang umaga, bati nitong malapad ang ngiti. "May gagawin ka ba ngayon tanong nito, habang naglalakad papuntang kama saka naupo doon. " Wala naman sagot ni Mira at umupo din sa tabi nito. " Sama ka sa amin ni Carrie, pupunta kami sa bayan para mag shopping at makapasyal na rin bago ang umpisa ang klase natin, yaya nito. " Sige, maikling sagot ni Mira. At makalipas ang ilang sandali ay lumabas na si Naomi. Isang oras pa ang lumipas, ay mag kasama na silang tatlo sa pamimili. Nang mapagod sila sa paglilibot ay nag pasya silang mag meryenda. " Hay! nakakagutom sambit ni Carrie, sabay salampak sa upuan at batid sa mukha nito ang sobrang pagod. " Oo nga sagot naman ni Naomi, umupo ito sa tabi ni Carrie. Ilang saglit pa ay nag umpisa na silang kumain. " Ang sakit nang mga paa ko, reklamo ni Carrie, sa gitna ng pag nguya. " Paanong hindi sasakit ang mga paa mo eh lahat halos ng boutique gusto mo pasukin biro ni Naomi at nag katawanan silang tatlo. Maya maya ay biglang nag salita ulit si Carrie. " Ahh, saan ang probinsiya mo Mira, wala sa loob na tanong ni Carrie. " Ahhh ano... sagot ni Miranda, at hindi alam kung sasagutin yon o hindi. "Oo nga sagot naman ni Naomi. Si Naomi Wang ay isang half Japanese half pinay na anak ng isang business tycoon na nakabase sa Pilipinas. Samantalang si Carrie Rodriguez ay galing sa mayamang mga angkan na nag mamay ari ng mga schools at pharmacy sa lugar na yon. Pag aari ng pamilya ni Carrie ang school nila. " Ahh.. ano, ulit ng dalaga, "Naku alas sais na pala kailangan na nating umuwe, biglang sabat, ni Carrie habang nakatingin sa relong pambisig. Sa isip isip ni Miranda ay nakaligtas siya. Hindi niya alam kung ano na lang ang iisipin nang mga ito kapag nalaman nilang sa isang ampunan siya lumaki. Maya maya pa ay sakay na sila ng taxi pauwing dorm. Nagulat ang tatlong dalaga sa dinantnan nilang package sa harap ng kanilang dorm. " Kanino kaya to usal ni Naomi, habang iniinspeksyon iyon. "Sayo pala to Mira eh, saad nito. Siya naman ay nagtaka rin. " Kanino kaya galing ito, tanong ng dalaga. Wala kasi siyang kamag anak or kakilala na pwedeng mag padala sa kanya ng ganung package. Hinila niya yon papasok sa loob upang buksan. Habang abala ang dalawa sa pagsusukat ng mga bagong damit ay abala din si Miranda sa pagbubukas ng karton. Pagkatapos ay tumambad sa paningin ng dalaga ang magagarang mga damit at sapatos sa loob non. Sa loob non ay may kalakip na sulat. " Para kay Miss Miranda, Magandang araw. Sana ay nagustuhan mo ang munting regalo. Pagbutihin mo sana ang iyong pag aaral. Kung may kailangan ka ay pwede kang sumulat sa Address na naka saad sa liham na ito. Lubos na gumagalang, "June Mendez" "Ah .. yung umampon pala sakin ang nagpadala, bulong ng dalaga. " Ui, ano yan usisa ni Carrie sabay lapit. " Ang gaganda, bulalas naman ni Naomi at dumampot ng isang sapatos at sinipat sipat iyon. "Kanino galing? tanong ni Carrie na nakataas pa ang isang kilay. "Sa, Mama at Papa ko, sagot ng dalaga saka ngumiti ng alanganin Nagkatinginan naman ang dalawang dalaga at ngumiti. Mabilis na lumipas ang mga araw at nalalapit na din ang Christmas break. Hindi alam ni Miranda kung saan siya mag babakasyon. "Dumalaw kaya ako sa kumbento?, sambit ng dalaga. Subalit naalala niya ang bilin ni Sister. "Wag na wag mong isiping bumalik dito, wala na ako obligasyon sayo, pag bumalik ka di na kita tatanggapin, sabi pa nito. " Saan ako pupunta, bulalas ng dalaga, naiiyak siya sa kawalan nang pag asa. Pumunta siya sa landlady para mag tanong. " Magandang umaga ho Misis, bati ni Mira sa matandang babaeng nasa registrar. Ang matandang babae naman ay galit na tumingin sa dalaga. " Miss pa ako noh usal nito sa dalaga sabay ismid. " Pasensya na ho kayo, Mam humingi ng paumanhin ang dalaga. Bigla tuloy nahiya ang dalagang mag tanong dito. " Anong kailangan mo tanong ng matanda sa mababang tono. " Mam, wala po kasi ako mapupuntahan sa Christmas break, pwde ho bang dito muna ako sa dorm, tanong ng dalaga at umaasang pumayag ito. " Wala ka bang pamilya usal nito? waring nag tataka, dahil lahat ng estudyante doon sa paaralang iyon ay sabik na sabik nang umuwi sa kani kanilang mga lugar para sa Christmas break. " Hindi pwede sagot ng matanda, bukod sa wala kang kasama rito ay nakalagay din sa rules and regulations na kapag may Holiday break ay hindi pwedeng manatili ang mga estudyante sa dorm. " Ganun ho ba, sagot ng dalaga sa malungkot na tono, "Salamat na lang po, dagdag pa nito sabay talikod. Bumalik na lang ang dalaga sa kaniyang kwarto. Wala siyang klase ng hapon kaya nasa kwarto lang siya at ginugol niya ang buong mag hapon niya sa pag babasa ng libro. Samantalang ang dalawa naman ay nag kayayaang manood ng sine. Hindi siya sumama dahil may kanya kanyang ka pareha ang mga ito. Isa pa, ilang na ilang siya sa presensya ni Carrie. Pakiramdam niya ay laging nakamasid ito sa kanya. Makalipas ang ilang sandaling pag iisip ay bigla niyang naalalang sulatan si Sister Ruth. "Para kay Sister Ruth, ( Safe Haven Convent of Angels ) " Magandang umaga ho Sister, Kamusta na ho kayo, ako ho ay nasa mabuting kalagayan. Nag aaral ho akong mabuti at ilang buwan na lang ho ay matatapos na ho ang unang taon ko sa Kolehiyo. Kamusta na ho si Karen, umiiyak pa rin ho ba siya sa gabi? At si Paolo ho ba umiihi pa rin ho ba sa kama? Pasensiya na ho kayo sa mga tanong ko. Namiss ko lang ho kayong lahat nang sobra. Sana ho isang araw makabalik ako jan. At makita ko ho ulit kayo at ang mga bata. Pakikamusta naman ho ako kay Carl, Addie at Kurt ho at kay Mang Peter na rin ho. Pinapangako ko ho na magiging mabuti ho akong estudyante at hindi ho ako magiging pasaway. Hindi ko ho kayo bibiguin at susunduin ko lahat nang mga payo niyo sa akin at mga pangaral. Salamat ho Sister, mahal na mahal ko po kayo. Lubos na gumagalang, Miranda Agustin Pagkatapos sumulat ay nakatulog ang dalaga nang may luha sa kanyang mga mata. Nagising lang siya sa mahinang mga katok sa pinto. Bumangon siya para buksan ito. " Ikaw pala tuloy ka sambit ng dalaga nang mabungaran si Noami, na parang kararating lang dahil bihis pa rin ito. " Hindi na, sagot nito, sabay abot sa plastik na hawak nito. " Hindi ka kasi sumama kaya naisipan kong ipag uwi ka ng pagkain, usal nito na malapad ang ngiti. " Nako salamat ha, nag abala ka pa sagot naman ni Miranda at inabot ang plastik. " Walang anuman, masayang sagot ni Naomi, maiwan ka nakita mag sa shower muna ako dugtong nito. " Sige sagot naman ng dalaga at sinara na ang pinto. Napangiti siya sa ginawang yon ni Naomi, napakabait talaga nito. Si Carrie naman ay hindi niya masasabing masungit, pero hindi niya rin masasabing mabait. Hula ng dalaga ay kinikilatis muna siya nito bago siya kaibiganin. Dahil walang pasok kinabukasan at sabado ay nag pasyang maglaro nang scrabble ang tatlo. " Mira san ka mag babakasyon ngayong pasko tanong ni Carrie, titig na titig ito sa kanya habang nag tatanong. Si Naomi ay huminto naman at wari ay inaantay din ang kanyang sagot. " Uuwe ako sa probinsiya, sagot ng dalaga. "Ah okay, sagot naman nito. Maya maya si Naomi naman ang nag tanong. " Iniisip ko kung gusto mong sumama sa akin, magbabakason ako sa Farm. Yun eh kung gusto mo. Magiging masaya yon masayang litanya nito. " Nako, hindi pwede nangako na kasi ako nauuwe ako ngayon sa amin wika ng dalaga. Hindi siya makatingin ng diretso kay Carrie. Nakatingin kasi ito sa kanya nang may mga mapanuring mata. Hindi niya alam kung bakit ganun ang ikinikilos nito. Ipinagkibit balikat nalang niya yon. Pagklipas nang ilang saglit ay nagpaalam na si Naomi para mag pahinga. Si Miranda naman ay abala sa pagliligpit ng Scrabble. Habang si Carrie ay nakatingin dito. Lumipas ang mga araw at dumating na ang Christmas break. Masaya ang mga estudyante sa pag iimpake at nag umpisa na silang lisanin ang dorm. Si Miranda naman ay nag impake na rin pero ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Maya maya ay tinawag siya ni Naomi. " Mira, ayaw mo talaga sumama sa akin? tanong nito. Ngumiti naman ang dalaga saka sumagot. " Salamat na lang, Naomi, sa susunod na bakasyon sasama na ako sagot niya. " Sige, ikaw ang bahala sagot naman nito at lumabas na ng pinto. Sinundo ito nang isang magarang sasakyan. Pagkasakay ay kumaway ito sa kanila ni Carrie. " Ikaw, Mira, nasaan ang sundo mo, tanong naman nito, matamang nakatingin ito sa dalaga at inaantay ang kanyang sagot. " Baka na traffic lang pero parating na yon, sagot naman ng dalaga." Hindi nakaligtas sa mata ng dalaga ang pag ismid nito habang tumalikod. Pagkalipas nang ilang saglit ay sinundo na rin si Carrie nang isang magarang sasakyan. At nakita nang dalaga na may mga body guard pa ito. Papasok na si Miranda sa kanyang kwarto nang marinig niyang tumutunog ang telepono. Yung landlady nila ang tumatawag. " Hello Miss Rebecca, sagot ni Mira, kinakabahan sa sasabihin ng babae. " Halika rito may ibibigay ako sayo, sabi nito at ibinaba na ang telepono. Naisip na ng dalaga na baka paalisin na siya nito dahil siya na lang ang naiwan sa dorm. Nang makarating ay may inabot itong sobre sa kanya. Akmang bubuksan niya yon nang biglang magsalita ang matandang babae. " Aalis ka na ba?? tanong ng matanda. " Wag ka nang umalis, sabi nito. Hindi ako mag babakasyon dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko rin maeenjoy ang bakasyon usal nito. Marami pa ako kailangang gawin dito. "Samahan mo na lang ako rito dagdag pa nito. Lumiwanag ang mukha ng dalaga sa sinabing yon ng matanda. "Ganun ho ba sagot niya. " Salamat ho, dagdag ng dalaga at hindi matanggal ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito hanggang makarating siya sa silid niya. Pagka upo sa study table niya ay binuksan niya ang sobre at binasa ang sulat na nakapaloob roon, Para kay Miss Miranda, Binabati kita ng Maligayang Pasko, at Manigong Bagong Taon. Kalakip nang liham na ito ang konteng halaga para sa iyong magiging bakasyon. Dapat ay ipapadala kita sa isang Farm para doon mag diwang nang Pasko, kasama ang aking pamangkin ngunit nagbakasyon rin ang mga katiwala roon. Pero wag kang magalala sapat na ang perang yan para sa pagbabakasyon mo. Sana maging maligaya ka at mag enjoy ka ngayong Pasko at Bagong Taon. Lubos na gumagalang, " June Mendez". Tuwang tuwa si Miranda sa natanggap na yon. May mga nais siyang bilhing gamit para sa sarili, tulad ng celphone o kaya ay laptop na magagamit niya sa pag aaral. Pero imbes na ibili niya yon o kaya naman ay magbakasyon, naisip ni Miranda na manatili na lang sa dorm at mag aral hanggang matapos ang bakasyon. Hanggang naisipan niyang mamili nang mga laruan para sa mga bata at kaibigan sa kumbento. Makalipas ang mahabang pag iisip ay nagbihis siya at nagtungo sa bayan. Matapos mamili ay inilagay niya ang lahat nga kanyang mga pinamili sa isang malaking karton saka sumulat nang liham. "Para kay Sister Ruth, (Safe Haven Convent of Angels) Maligayang Pasko at Manigong bagong taon Ho Sister Ruth. Kamusta na ho kayo? Kung ako naman po ang inyong tatanungin ay mabuti ho ang aking kalagayan. Namili ho ako nang mga laruan para sa mga bata. Sana ho ay magustuhan nila. Meron din ko akong regalo sa inyo sister. Bibliya ho at mga rosary, sana ho magustuhan ninyo. Dito lang ho ako sa dorm magpapalipas ng bakasyon. Kasama ko ho si Miss Rebecca yung landlady ho ng dorm namin. Wag ho kayong mag alala sa akin. Sana ho pag natanggap niyo ang sulat ko, sumulat ho kayo pabalik. Mag iingat ho kayo palagi mahal na mahal ko ho kayo. Lubos na gumagalang, Miranda Agustin Pagkatapos niyang sumulat ay nagpasya siyang lumabas at mag lakad lakad sa harap ng paaralan. Nang may makita siyang isang pamilyar na mukha. " Addie?? bulalas niya. Ang huli naman ay lumiwanag ang mukha at lumapit sa dalaga. " Kamusta ka na usal ni Miranda habang yumayakap rito. " Mabuti naman sagot nito. Ikaw kamusta ka na, ang laki na nang pinag bago mo sagot naman nito at bumitiw na sa pagkakayakap. " Ito mabuti, sagot ng dalaga, saka ngumiti. " San ka galing tanong ng dalaga nang mapansing may dala itong papel. " Galing ako sa isang paaralan at kumuha ako nang pagsusulit sa Als, sagot nito. Pagkaalis ni Miranda sa kumbento, siya ring alis ni Addie dahil kinuha siya ng kanyang tiyahin para pag aralin. " Ganun ba usal ni Miranda tuwang tuwa sa mga kwento ng kaibigan. Napag alaman niyang nag aaral na rin pareho sina Carl at Kurt, nag tatrabaho sila sa umaga sa tubuhan sa nayon at nag aaral naman sa gabi. " Gusto naming mag aral katulad mo Mira, sambit ni Addie. Punong puno ng determinasyong saad nito. Napangiti ang dalaga ng makitang suot nito ang regalong bigay niya nang umalis siya noon sa kumbento. " Masaya ako at kasya mo pa rin yan sabi nito. " Pinakaiingat ingatan ko ito pag bibida naman ng nito. " "Mas Mahal ko pa ito kaysa sayo, biro pa nito at sabay silang nagtawanan. " Namiss kita sabi ni Addie, ako din sagot ni Miranda, minsan pay nagyakapan sila. Pagkalipas nang ilang sandali ay nag paalam na sila sa isa't isa. Umakyat na ang dalaga sa kanyang silid para makapag pananghalian. Umorder siya ng pagkain at tinawagan ang matandang dalaga. " Hello mam, Rebecca, kumain na ho ba kayo tanong ng dalaga dito. " Hello Miranda, kamusta, hindi pa ako kumain, lalabas ako sagot nito. " Wag na ho, dito na lang ho kayo kumain kasama ko, marami ho kasi ako inorder na pag kain anyaya ng dalaga. Natuwa naman ang matanda at sumang ayon, at sinaluhan ang dalaga sa kanyang tanghalian. Naisip isip niya na hindi naman pala masungit ang matandang babae. Magiliw ito at marami sila napag kwentuhan. Samantala sa kumbento, natanggap na ni Sister Ruth ang liham ng dalaga. Masayang masaya ang mga bata sa mga regalong handog nito. Subalit gustuhin man niyang sulatan pabalik ang dalaga ay hindi niya magagawa. Yon kasi ang naging kasunduan nila nang mga umampon sa dalaga. " Pakiusap, usal ng magandang babae, kasama nito ang isang lalaki. Na parang abogado.Sa pustura nang mga ito ay masasabing may kaya ang mga ito. Gusto ko walang makaalam nang pag ampon ko sa bata. " Pagkaalis ng bata dito sa kumbento, gusto kong putulin mo na lahat ng kaugnayan mo sa kanya maliwanag ba? sabi ng babaeng kaharap. " Kung yan ho ang inyong kagustuhan, marahang sagot ng madre. Ito ay ang araw kung kelan nila ipinaalam sa madre ang knilang pag ampon sa dalaga. Kapalit non ay ang napakalaking halaga. Kaya hindi niya magagawang suwayin ang mga ito. At alam niya na yon ang makakabuti kay Miranda. " Sana maintindihan mo ko Mira, at ito ang nararapat para sayo, bulong nito. Mabilis na lumipas ang mga araw at malapit ng matapos ang bakasyon. At hindi alam ni Mira kung matutuwa o malulungkot kasi alam niya paniguradong punong puno sila ng mga kwento tungkol sa kanilang mga naging bakasyon. Samantalang siya wala man lang maikukwento dahil wala naman siya pinuntahan. Naisip ng dalaga na magpapakatotoo na lang siya. Alam niyang matatanggap siya ni Naomi, pero si Carrie hindi niya sigurado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD