Episode 1

2117 Words
Namulat si Miranda na ang buhay niya ay umiikot lamang sa pag lilinis, makinig sa mga utos nang mga madre at mag alaga ng mga kapwa niya bata sa kumbento. May mga tanong sa kanyang isipan na hanggang ngayon sa edad na kinse ay hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Marahil ay hindi pa siya handa sa magiging kasagutan nila sa kanyang mga tanong. O baka wala na rin siyang interes pa na malaman ang katotohanan. Dahil para sa kanyang isip at puso, ang mga madre at mga bata sa kumbento ang pamilya niya. Lalu na sina Addie, Carl at Kurt, na kasama na niya mula pa noong magkamulat siya. Isang umaga habang patungo si Miranda sa kusina ng kumbento, ay tinawag siya ni Sister Ruth, ang head ng mga madre. "Miranda halika, sambit nito. Tipunin mo ang lahat ng mga bata ngayon. Doon tayo sa bulwagan. Sumunod naman ang dalaga at tinawag ang mga bata. Sa bulwagan: "Mga bata makinig kayong lahat sa sasabihin ni Sister Ruth okey. " At wag kayong maingay, saway ng dalaga sa mga ito. Sa likod siya pumuwesto kasama ang mga halos kaedad niya. Sina Addie, Carl at Kurt. Mamaya pa ay dumating na si Sister Ruth. "Maupo kayo mga bata at may pag uusapan tayo, utos nito. Agad namang tumalima ang mga bata at umupo. "Bukas ay mag kakaroon tayo ng mga bisita. Gusto ko ay linisan niyo lahat ng sulok ng kumbentong ito, maliwanag ba, sabi nito. Magdadaos ng isang salo salo, para ito sa Anibersaryo ng ating Kumbento at aasahan nating dadalo ang mga ilang sponsors natin at ilang mga magulang na gustong mag ampon. "Gusto ko bukas ay presentable ang mga bata naiintindihan niyo ba?. Ang huling litanya nito ay para sa apat na teen ager. " Miranda bahala na kayo, alan niyo na ang gagawin saad pa nito bago lumabas ng bulwagan. Nang makaalis na si Sister Ruth ay nag usap ang apat kung ano at saan sila mag lilinis. Nagpasya silang mag hati sa mga gagawin. Makalipas ang ilang sandali. Kumuha na sila ng mga kagamitan sa pag lilinis at nag tungo sa mga lugar na lilinisan. Si Carl at Kurt ay sa labas kasama ang mga batang lalaki. Si Addie at Mira naman ay sa loob. Maya maya may lumapit na isang bata kay Mira at nagtanong. "Ate, kami lang ba ang aampunin? hindi ka ba pwedeng sumama sa amin sabi ni Susan. Nangilid na ang mga luha nito kagat ang labi at pinipigilang umiyak. " Kami ni Ate Addie ay mag mamadre biro ng dalaga sabay kindat sa kaibigan. Si Addie naman ay natatawa na lamang. " Ayaw mo ba non, may pamilya, bahay, maraming pagkain, mga larauan at mga bagong damit. "Saka di mo na kailangan mag linis alo ng dalaga. Pero imbes na maintindihan nang bata, ay bigla na lang itong humikbi. Maya maya ay nag iiyakan na lahat nga bata. " Ha ha ha... pilit na tawa ni Miranda, ano ba kayo. Ayaw man aminin ng dalaga siya man ay nalulungkot din. " Wag na kayong umiyak, alo niya sa mga bata, sige pag umiyak kayo hindi ko kayo bibigyan ng kendi, mamaya, biro nito sa mga bata. " Pahinging kendi, Ate... halos sabay sabay na sambit ng mga bata. "Oh siya tara na, tuloy na natin ang paglilinis usal ng dalaga may pinasiglang tono, pag hindi pa natin sinimulan ang mga gawain baka maparusahan na naman tayo ni Sister Ruth. Kinagabihan ay hindi makatulog ang dalaga. Pabaling baling siya sa higaan. Hanggang napagpasyahan niyang magtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Pag labas niya sa pinto ay nakarinig siya ng munting pag iyak. Tinungo nya ang kwarto nang mga bata at nadatnan niya si Addie na pinapatahan si Susan. " Oh anong problema, tanong ng dalaga at umupo sa tabi ng bata at hinaplos ang alun along buhok nito. " Nanaginip po ako usal nang bata, hinahabol daw po ako ng mga multo. Paliwanag ng bata sa gitna ng mga pag hikbi. " Nako, panaginip lang yon, sabad naman ni Addie, halika na babantayan kita para makatulog ka, mungkahi pa nito at nag umpisa nang ipaghele ang bata. Maya maya pa ay nakatulog na ulit ito. Nag katinginan sila ni Addie at sabay na ngumiti. Nang masigurado na nilang tulog na ito ay niyaya niya ang kaibigan sa kusina. " Hindi ka ba makatulog? tanong ni Addie sa dalaga. " Oo eh, mabilis niyang sagot saka uminom. " Nalulungkot ako, pag amin niya. Mababawasan na naman ang mga bata, dagdag pa niya. Si Addie naman ay nanatiling tahimik. Kinabukasan, maagang gumayak ang mga bata. Abala sila sa pag lalagay ng mga dekorasyon. Alas dies ng umaga gaganapin ang programa kaya marami pa silang panahon. Ang salu salo ay idadaos sa may hardin kaya naroon sila ngayon, abala sa pag lalagay ng mga mesa, upuan at mga dekorasyon. Nang matapos ay ang maliit naman na bulwagan ang kanilang dinisenyohan. Makalipas ang ilang sandali ay tapos na silang mag ayos at inaantay na lang nila ang mga bisita. Hanggang isa isa na ngang dumating ang mga ito. Batid ni Miranda na ang mga bisita at mayayamang mga tao. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan at mga makikinang na alahas. " Miranda halika tawag ni Sister Ruth, mag serve ka ng tsaa sabi nito. Tumalima naman si Miranda at nag umpisang mag ikot ikot sa mga mesang naroon. "Hello po magandang umaga, bati nang dalaga sa isang mag asawa. " Baka ho gusto niyo ng tsaa, tanong ng dalaga at malapad ang pag kakangiti. " Magandang umaga din iha, sagot naman ng isang matandang babae na kahit na sa katandaan ay maganda pa din ito " Bigyan mo kami ng dalawa, sabad naman ng matandang lalaki. Nagsalin ang dalaga at pag katapos ay nag punta siya sa kabilang mesa. May mga masayang bumabati at mayroon din namang halos hindi siya pansinin. Naisip niya marahil ay ganito talaga ang mayayaman. Hanggang mapadako siya sa isang mesa ng mag asawang si Mr. and Mrs. Garcia. Nakatingin si Miranda sa hawak ng matandang babae na sa hula ng dalaga ay telepono. Nang biglang tumayo ang matandang babae at galit na bumaling sa kanya. Dahil hindi niya napansing puno na pala ang tasa, umapaw ito at nabasa si Mrs. Garcia ng maiinit na tsaa. Tumayo ito at sumigaw. " Ano ba!!!! Wala ka bang mata bulyaw nito sa dalaga. " Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang damit ko ngayon ha, sigaw nito sa galit na galit na tono. " Paumanhin ho, sambit ng dalaga, nakatungo ito habang nagsasalita. Biglang lumapit si Sister Ruth sa kanila at inakay ang dalaga palayo. Galit na galit ang a awwnyo 3D nito. Iniwan siya nito at tinungo ang mag asawa para humingi ng paumanhin. Pagkatapos ay bumalik sa kanya si Sister Ruth at hinila sa gilid. " Ano ka bang bata ka, sabi nito. Di mo ba alam na importante ang mga taong yon.? Sila ang dahilan kaya mayroon kang tirahan at kinakain ngayon kaya mag iingat ka, sabi nito, nawala na ang galit nito. " Ikaw ba? nasaktan ka ba? muling tanong nito sa dalaga. " Hindi ho ayos lang ho ako, usal ng dalaga pero nakatungo pa rin ito. Sobrang kahihiyan ang kanyang nararamdaman ng mga oras na yon. " Oh sige, mag iingat ka na sa susunod, dagdag pa ng Madre bago iwan ang dalaga sa sulok. Bagamat humupa na ang tensiyon ay halatang galit na galit pa rin ang matandang babae sa dalaga dahil sa matatalim na titig nila dito pag napapadako ang tingin ng dalaga sa kanila. Umakyat si Sister Ruth para mag bigay ng speech at para na din pasalamatan ang mga dumalo at mga sponsor nang programang iyon. Habang ang mga bata naman ay abala sa pag bibihis dahil pag katapos mag salita ni Sister Ruth, sila naman ang aakyat sa entablado. Maya maya pa tinawag na sila ng Emcee para sa kanilang pag tatanghal. Umakyat na ang mga bata sa munting entablado para mag handog ng isang masayang awitin para sa mga bisita. Itinuro ito nang dalaga sa mga bata at lagi nilang inaawit kapag napagalitan sila ni Sister Ruth. Kamusta, kamusta, kamusta Kamusta kayong lahat Ako’y tuwang tuwa Masaya’t nagagalak Tra la la la la la la la.. Tra la la la la la la la... Tra la la la la la la la .. Tra la la la la la la la .. Pag katapos kumanta ng mga bata ay pumalakpak ang lahat, tuwang tuwa ang mga bisitang naroon. Ganoon din ang mga bata. Masayang masaya sila. Ang mga bata na rin ang nag lead ng prayer para maumpisahan na nila ang salu salo. Maya maya pa ay nag umpisa nang kumain ang lahat. Ang mga teen ager ay mag kakasama sa iisang mesa. Lumapit si Sister Ruth sa kanila. " Pagkatapos niyong kumain ay bihisan niyo na ang mga bata at dalhin niyo sa aking opisina, maliwanag ba, sambit ni Sister Ruth. " Oho, sabay sabay naman nilang sagot. Pagkatapos kumain ay tinipon na nga nang apat ang mga bata para mabihisan. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng dalaga ngayon. Si Mira, Carl, Addie at Kurt ay hindi kabilang sa mga aampunin dahil nasa kinse anyos na sila. May mga sponsor's din na pumipili sa nga teenager, yung mga gustong mag tapos ng pag aaral ang inaampon nila. Pero madalang lang ang mga ganon. Mga gusto ngayon ng magulang ay mga bata. Pagkatapos ng pag pili ay nag umpisa nang mag iyakan at mag paalam ang mga bata. Hindi maiwasan ng apat na makaramdam ng inggit sa mga batang ngayon ay may mga pamilya na. " Ate Mira, sama ka sa amin. Pakiusap ni Susan, kasama ito sa naampon. Humihikbi ito at mahigpit ang yakap kay Mira. Tumingin ang dalaga dito at hilam ng luha ang mga mata. " Susan, sambit ng dalaga, unti unti na ring tumutulo ang kanyang mga luha. "Kung ayaw mo sa kanila pwede kang bumalik dito. Mungkahi ng dalaga "diba gusto mo nang iwan si Sister Ruth, kasi salbahe ito at lagi kang pinapagalitan pag nakakaihi ka sa kama, biro pa nito, pilit itinatago ang lungkot sa pag bibiro. Pero alam niyang malabong mangyare yon. Lahat kasi nang mga bata na inaampon ay hindi na ibinabalik pa. Niyakap niyang mahigpit ang bata, at inihatid sa mga bagong magulang nito. " Magpapakabait ka don, bilin pa ng dalaga, bago tuluyang lumabas si Susan at mga bagong magulang nito. Kinagabihan, nag tulong tulong silang lahat para mag linis. Ang ibang mga bata ay tulog na. Si Mira, Addie, Carl at Kurt na lang ang gising pa dahil nag huhugas pa sila ng mga ginamit sa kasiyahan. Nang matapos ay umakyat na sila sa kani kanilang mga silid. Humiga si Miranda nang padapa at nag umpisang humikbi. " Kailan ba ako mag kakaroon ng pamilya, usal nito sa gitna ng mga pag hikbi. Alam niya sa sarili niyang malabo nang mangyari yon. Kasi kung meron man, sana noon pa nung bata pa siya. Ngayon dalaga na siya malabong malabo na yon. At lalu siyang naiyak sa kaisipang yon. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarinig siya ng mga mahinang katok sa pinto. Dali dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinungo iyon. Nabungaran niya si Sister Ruth nang nakangiti. " Oh bakit malungkot ka, usal nito nang mapansing may luha sa mga mata ng dalaga. "Halika nga rito usal nito at hinila ito para yakapin. Niyakap niya ang dalaga nang mahigpit. Mas nalulungkot ngayon si Sister Ruth, dahil lingid sa kaalaman nilang lahat ay aalis na rin si Mira sa kumbento. "May sasabihin ako sayo wika nito, kumalas ang dalaga sa pagkaka yakap at umayos nang tayo. Maya maya ay ngumiti ito nang malapad. Hindi alam ni Mira ang iisipin. naguguluhan siya sa ikinikilos ni Sister. "May mga umampon sayo, sambit nito, sa dalaga, nung una ay hindi ito naintindihan nang dalaga. Ngunit nang mapagtanto ay labis ng tuwa ni Mira at yumakap sila ulit dito. "Sino ho, sister??? Sino ho sila sunod sunod na tanong nang dalaga dahil sa sobrang kagalakan. " Habulin mo, nasa labas pa sila, baka maabutan mo pa sila, marahang usal ni sister. Iniwan niya si Sister nang nakangiti at mabilis na tinakbo ni Mira ang pinto pero huli na. Nakasakay na sa magarang sasakyan ang mga taong umampon sa kanya. Hindi man lang niya ito nakita. "Sayang, sambit ng dalaga. Pero dibale. "May pamilya nako, masayang sambit niya. Ang saya saya ko. Umiiyak siya sa sobrang kaligayahan. "Maraming maraming salamat po....maraming Salamat.. bulalas nito. Walang tigil ang mga luha sa pag alpas mula sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD