Episode 5

2660 Words
" Hayyyyyyyy salamat naman at bakasyon na!!!! masayang sambit ni Carrie. " Oo nga eh, nakakastress ang pag aaral, sagot ni Naomi habang naghihikab. Katatapos lang ng last period nila. Pabalik na sila sa dorm. Simula na ng bakasyon kinabukasan. Nakatanggap muli si Mira ng sulat mula kay Mr. Mendez. Pinapapunta siya nito sa isang Sugar Cane Farm na pag aari umano ng mga umampon sa kanya. At doon siya mag babakasyon. Labis na ipinagtaka niya yon. Dahil ang pagkakaalam niya ay si Mr. Mendez ang umampon sa kanya. " Gusto mong sumama sa amin?? Kila Naomi ako mag babakasyon, sa Japan, masayang anyaya ni Carrie sa kanya. " Hindi pwede eh pasensiya na, magbabakasyon ako sa probinsiya, paumanhin niya sa mga kaibigan. "Ano ba yan lagi na lang tayo hindi mag kakasama, malungkot na sambit ni Naomi. " Gustuhin ko man hindi maaari, sagot niya rito. " Okay lang marami pang panahon sagot naman nito. Kinagabihan ay nag impake na silang tatlo. Bukas ng umaga ang lipad ng apat, kasama din nila si Alex. Naisip niya na gusto rin niyang sumama kaso wala siyang pera pambiling ticket. May ipon naman siya pero baka kulangin yon. At hindi niya maaring suwayin ang mga umampon sa kanya. Kinabukasan, gumayak na ang tatlo. Nakatayo sila sa labas ng gate. Ang dalawa ay inaantay ang mga binata. Siya naman ay inaantay ang sasakyang mag dadala sa kanya sa paroroonan. Naunang dumating ang sundo niya. Dumating ang isang magarang sasakyan, at bumaba doon ang driver na sumundo din sa kanya sa estasyon ng bus. " Magandang araw Miss Miranda, masayang bati ng driver. " Magandang araw din ho, bati naman ng dalaga sa matanda. Kinuha nito ang kanyang mga dala dala at sumakay na. Kumaway siya sa mga kaibigan habang papaalis ang sasakyan. Tuluyan nang nakaalis si Mira nang mapansin ni Carrie ang isang notebook sa daan. Nilapitan niya yon saka dinampot.,, " Ano yan, tanong ni Naomi. Sabay lapit sa kanya. " Kay Mira yata to, sagot niya sa kaibigan at ipinasok ang notebook sa dala niyang bag. Ibabalik ko na lang pag balik natin baka mahuli pa tayo sa flight natin kung ibabalik ko pa ito sa kwarto mahabang sambit ni Carrie. Di nagtagal ay dumating na ang mga binata at binaybay na nila ang daan papuntang airport. Labis ang kasiyahan ni Mira sa mga tanawin sa labas ng bintana. Puro bukirin ang nakikita niya doon. Hindi nagtagal ay naging malubak ang dinadaanan ng sasakyan. Hula niya ay malapit na siya sa Farm. Sa kabilang bakod ay nakatanaw si Blake sa sasakyang parating. Nais siyang bilhin ang kabilang farm. Sa dalawang linggo niyang inilagi sa lugar na yon ay wala siyang nakikitang tao maliban sa bagong dating na magarang sasakyan na yon. Naisip niya na bukas na bukas din ay pupuntahan niya ang nakatira doon para hilinging ipagbili sa kanya ang lupang yon. Pag dating ni Mira ay sinalubong siya ng mag asawang matanda. Siguro ay ito na ang mga katiwala doon. "Magandang araw ho, bati ng dalaga sa mga ito. " Magandang araw naman iha, ikaw ba yung pinadala ni Mr. Mendez? tanong ng matandang babae. " Oho, maikling sagot ng dalaga saka ngumiti. Inakay siya ng dalawang matanda papasok nang bahay. Ang bahay na yon, bagamat malaki ay may kalumaan na. Animoy antique lahat ng mga kagamitan. " Siya si Lito, asawa ko, siya ang nangangasiwa sa tubuhan. " Ako naman si Sela, ako nangangasiwa dito sa bahay. " Maupo ka muna at mag pahinga. "Maghahanda na muna ako ng tanghalian mo, wika ni Nana Sela at iniwan ang dalaga sa sala. Nagpalibot libot ang dalaga sa kabuuan bg kabahayan. Pansin niyang halos lahat ng bagay na naroon ay yari sa kahoy. At napakatahimik, pakiramdam niya sound proof ang bahay. Wala siyang naririnig na kung ano mang ingay mula sa labas. Makalipas ang ilang sandali nakarinig ang dalaga ng mga mahihinang katok sa pinto. Lumapit siya dito at buksan yon, pero laking gulat niya sa taong nabungran doon. " Mira? gulat na bulalas ng binata. " Anong ginagawa mo dito, tanong nito, nakakunot ang noo at parang nalilito. Sasagot na sana ang dalaga nang lumapit si Nana Sela. " Ikaw ba ba yan Bj? Kuuuu.. di na kita nakilala ang laki ng pinagbago mo.. Halika pasok ka... tuloy.... mahabang sambit ng matanda. Pagkapasok ay naupo sila sa sofa. " Tagal mong hindi nadalaw dito, si Nana Sela ulit. " Oo nga po, naging busy po ako sa trabaho kaya minsan lang po ako nadalaw dito. At ang totoo po kaya ako naparito para po sana itanong sa may ari kung nais po sana niyang ipagbili ang tubuhan. Sayang naman ho, laging walang tao. Mahabang paliwanag ng binata. " Ganun ba, hayaan mo at ipapasabi ko kay Lito, sagot ng matanda. Ang dalaga naman ay nakamasid lang, batid niyang matagal na silang mag kakakilala. " Ah iho ito pala si... " Magkakilala na ho kami, kaibigan ho siya ng pamangkin ko, sagot ng binata saka ngumiti. " Ahh ganun ba? Sige, maiwan ko muna kayo at naiwan ko ang aking niluluto. Pag kasabi non ay iniwan niya ang dalawa. Hindi maka imik ang dalaga dahil sa presensiya ng binata. Pakiramdam niya ay malungkot ito dahil sa naudlot na kasal. " So, kamusta ka na? Napapitlag ang dalaga sa pagkagulat nang mag salita ito. "ahhh e... hindi alam nang dalaga ang isasagot. Nauutal siya palagi pag nasa paligid lang ang binata. " Relax, hindi ako nangangain ng tao, wika nito saka tumawa ng malakas. Ha ha ha... Tumawa rin ang dalaga sa biro niyang yon. " Mabuti naman ako, sagot ng dalaga, ikaw kamusta ka na. Hindi umimik ang binata, bagkus ay tumayo ito at nag palakad lakad. " Anong gagawin mo bukas. Gusto mo bang mamasyal? May malapit na ilog dito. Anyaya ng binata. " Talaga? bulalas ng dalaga. Sige! dagdag pa niya at mababanaag sa kanyang mukha ang excitement. Maya maya ay sumilip ang matanda sa kanila. " Bj dito ka na mananghalian, sabi ng matanda. " Oho, sige ho, magalang na sagot ng binata. Tumayo ang dalaga para tulungan ang matanda sa kusina. " Punta lang ako ng kusina, paalam ng dalaga. Makalipas ang ilang sandali handa na ang kanilang pananghalian. " Ahh Kuya, kain na tayo, mahinang tawag ng dalaga dito. Hindi niya alam kung paano ito tatawagin kasi doble ng edad niya ang edad nito. Kumunot ang noo ng binata saka biglang tumawa ng malakas. Ha ha ha ha ha ha... " May nakakatawa ba, naiiritang tanong ng dalaga. " I couldn't keep my self from laughing sorry! bulalas ng binata at patuloy pa rin ito sa pag tawa. Sumimangot ang dalaga at saka tumalikod, iniwan ang lalaking tuwang tuwa sa kanya. Sa hapag kainan, " You can call me Blake, or Bj, it's up to you wika niya at ngumiti ng nakakaloko. Umirap ang dalaga saka umiwas ng tingin dito. Itinutok na lang niya yon sa pag kain. Biglang tumawa ng malakas ang binata. Nagkatinginan naman ang dalawang matanda na pawang nalilito. " Ah iho, pumayag ang may ari na ipagbili ang lupa, masayang balita ni Mang Lito. " Talaga ho? siguradong matutuwa ang papa't mama pag nalaman nila. Masayang sagot ng binata. Ang dalaga naman titig na titig dito. "Parang di galing sa heartbreak? naisip ng dalaga. Pagkatapos ng tanghalian ay nag paalam na ang binata. Babalik ito bukas para sunduin ang dalaga para mag picnic sa may tabing ilog. Kinabukasan gumayak ng maaga ang dalaga kahit na kulang siya sa tulog. Namamahay siguro siya. Lumipas pa ang ilang sandali at dumating na ang binata. Nakashorts ito ng kulay itim at naka t-shirt ng kulay grey. Siya naman ay naka maong shorts at naka tshirt ng dilaw. May dala siyang basket ng mga pag kain. " Magandang umaga ho, bati ng binata sa mag asawa. " Magandang umaga naman Bj, halos sabay nilang sambit. " Ikaw na bahala kay Mira, bilin ni Nana Sela. Mag enjoy kayo. " Maraming salamat ho tutuloy na ho kami, sagot ng dalaga at sumakay sa sasakyan ng binata. Isa yong owner type jeep na walang bintana kaya langhap na langhap ng dalaga ang napakasariwang hangin. Sumakay na din ang binata saka binuhay ang makina. Sumulyap ito sa kanya saka kumindat. Biglang uminit ang mukha ng dalaga, at nag iwas siya ng tingin. Idinako niya yon sa magandang tanawin. Halos kinse minutos din ang itinakbo ng sasakyan bago nila marating ang pupuntahan. Namangha ang dalaga sa ganda ng lugar. Maraming mga ligaw na bulaklak. Napakalinis ng ilog, kahit medyo mabilis ang agos nito. Napansin ng dalaga na sa di kalayuan ay may napakalaking puno. May maliit na tree house sa taas nito. Napansin ng binata ang tinitignan niya at bigla itong nagsalita. " Tambayan namin yan dati, saka ngumiti ito ng malungkot. Namin? ibig sabihin na dala na nito ang ex fiance'. Biglang nakaramdam ng lungkot ang dalaga. " Matagal na din nung huli akong umakyat diyan, dugtong nito. Napansin ng dalaga na biglang tumahimik ito. Maya maya ay niyaya siya nito na akyatin iyon para tignan. " Pagkatapos na lang ng tanghalian siguro, suhestiyon niya dahil maaga pa naman at marami pa silang oras para mapuntahan yon. " Okay sige, maikling sagot ng binata. Kinuha ng binata ang dalawang pamingwit sa likod ng sasakyan. " Tara mamingwit tayo, yaya niya sa dalaga. Hindi maisip ni Mira na sanay din pala mabuhay ang binata sa ganon kasimpleng lugar. Akala niya dahil mayaman at modelo ito ay magagandang hotel or sa magagandang bansa nito nais mag bakasyon. " Teka, pag aari ba ng pamilya mo ang lupang balak namin bilhin?? biglang naalalang tanong ng binata. Biglang nanahimik ang dalaga at nag isip ng maisasagot. " Ah hindi, bisita lang ako dito. " Ganun ba, okay, sßw2psagot ng binata at inakay ang dalaga sa ilog. Tinuruan siya ni Blake kung paano mag lagay ng pain sa mga pamingwit. Hindi niya talaga lubos maisip na ang isang tanyag na modelo ay naghahawak ng bulate para ipain sa pamingwit. " Ilapag mo muna para hindi ka mangawit, wika ni Blake. Napansin kasi nitong parang nangangawit na ang dalaga. " Paano kung may mahuli na tayo, tanong ng dalaga. Baka lumangoy palayo maitakbo niya ang pamingwit natin. Dagdag pa nito. " Wag kang mag alala, hindi pating ang hinuhuli natin. Ha ha ha ha ... at biglang tumawa nang malakas. " Kung isda sa ilog paniguradong hindi nila maitatakbo ang pamingwit natin dagdag pa nito saka itinuloy ang pag tawa. Biglang tumayo ang dalaga at nag umpisang mag lakad palayo dahil sa inis. Dali dali namang sumunod ang binata dito. Hinila niya ito at biglang niyakap. " Shhhhhhh sorry, natutuwa lang ako dahil kasama kita, wika ng binata. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Makalipas ang ilang saglit ay kumalas ang binata. " Sorry, sabi nito. Ang cute mo kasi kaya hindi ko mapigilang matuwa, dagdag pa niya saka siya hinawakan sa kamay at hinila pabalik sa dati nilang pwesto. Gumagalaw ang pamingwit ng dalaga tanda na may nahuli ito. " Gumagalaw!!!! bulalas ng dalaga papalapit sa pamingwit. " Hawakan mo mabuti, sabi ng binata at saka lumapit dito. Tumayo ito sa kanyang likuran. Amoy na amoy nito ang pabango nito. At Hinawakan niya din ang pamingwit. Itinuro nito ang gagawin kapag may na huling isda para hindi ito makawala. Nag iinit ang pakiramdam ng dalaga sa pag kakadikit ng binata sa kanyang likuran. " Kapag maiksi na ang pisi, at tingin mo kaya mo nang hatakin ang isda, hatakin mo ito nang pabigla, wika ng binata halos malapit sa kanyang tenga. May kung anong kiliti ang dumaloy sa kanyang katawan ng mga oras na yon. " Hatakin mo na, isa dalawa tatlo! utos ng binata. Pagkabigkas nito ng tatlo napalakas ang hila ng dalaga. Lumipad ang isda sa lakas ng pagkakahila nila. Nabuwal sila at bumagsak sa lupa. " Ayos ka lang ba, tanong ng binata sa nag aalalang boses. " Oo ayos lang sagot naman ng dalaga. Napatayo siya bigla ng mapansing nakapatong siya sa binata. Lumingon lingon siya at hinanap ang isda. Ang binata ang dumampot non at inilagay sa cooler na dala nila. Nang makarami na sila ng huli ay nagpasya silang mag tanghalian. Pag katapos ay pinuntahan nila ang tree house. Kumpleto yon sa kagamitan. May kuryente, higaan, unan, kumot at ilang upuan. " Madalas ako tumambay dito noon nung mga bata pa kami, kwento ng binata. " Madalas ginagabi na kami dito, patuloy nito. Sabay silang nag katinginan nang biglang kumulog. Pagsilip ni Mira sa bintana ng treehouse ay umaambon na. " Naku, mukhang uulan na, saad nito. Wala pa naman tayo dalang payong, dugtong nito. " Wag kang mag alala, sagot ng binata. "Mamaya titila din yan. Saka na lang tayo umuwe, mungkahi nito. " Okay, sagot ng dalaga. Inayos ng binata ang kama at tinawag ang dalaga. "Magpahinga ka muna, pagtila ng ulan gigisingin kita, utos ng binata. Kahit naiilang ang dalaga ay sumunod siya rito. Makalipas ang ilang sandali ay tulog na ito. Inantok na rin ang binata kaya tumabi siya sa dalaga. Biglang kumulog ng malakas at nagulat ang dalaga. Mas lalu pa siyang nagulat ng makita niya ang mukha ni Blake na halos ilang pulgada na lang ang layo sa mukha niya. Amoy na amoy niya ang hininga nitong mabango. Pumikit siya para maramdaman ang hininga nito. " Ang bango ng hininga niya, bulong ng dalaga habang nakapikit. Nagmulat ang binata at saka tumitig sa magandag mukha ng dalaga. Unti unting lumapit ang binata at idinampi niya ang labi sa labi ng dalaga. Maya maya ay naging malalim ang halik ng binata. Naging mapaghanap yon. Ang dalaga naman ay nanatiling nakatikom ang mga labi. Nang maglandas ang mga kamay ng binata sa kanyang dibdib ay napasinghap ang dalaga. Nagbigay yon ng daan para maipasok ng binata ang dila nito sa bibig ng dalaga. Hindi napigilan ni Mira ang paghikbi at nag umpisang dumaloy sa kanyang mga pisngi ang luhang kanina pa niya pinipigilan. " Sh*t! bulalas ng binata saka biglang tumayo. " I'm sorry, sambit niya. Akmang hahawakan ang dalaga pero umiwas ito. " Gusto ko nang umuwe, malamig na wik ng dalaga saka bumaba ng treehouse. Naging tahimik ang dalaga sa buong biyahe. Itinutok niya ang paningin sa daan. Ang binata naman ay panay ang sulyap sa kanya. Pagkalipas ng halos kinse minutos ay narating na nila ang Villa. " Naulanan ba.. k... hindi na natapos ang tanong ng matandang babae ng makita ang itsura ng dalaga. Mugto ang mga mata nito at walang imik. " May nangyare ba iho, tanong ng matanda sa binata. Nagkibit balikat lang ito. Tuloy tuloy na bumaba ang dalaga at dumiretso sa kwarto niya. Inilock niya ang pinto saka humiga sa kama. Gulong gulo ang isip niya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan ng lalaki ang damdamin niya. Halos isang buwan pa lang ang nakalipas pagkatapos ng kasal. " Bakit, bakit.... paulit niyang usal. Umiyak siya ng umiyak hanggang makatulog siya Kinabukasan, napag alaman niya na umalis na ang binata. " Hindi man lang nagpaalam, bulong niya. Kailangan niya ng paliwanag sa nangyare pero umalis ang binata nang walang paalam. " Nadala lang siya sa sitwasyon, walang ibig sabihin yon Mira... hindi mag kakagusto sayo ang lalaking yon, saway niya sa sarili. Isang araw napansin ng dalaga ang isang litrato. Black and white yon kaya sa hula niya matagal na ang litratong yon ng dalawang batang babae. Magkaakbay ang mga ito at kapwa nakangiti. Gulat na gulat siya dahil ang isang bata ay kamukha niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Lumapit ang matandang babae sa kanya. " Nung una kitang makita, panimula nito. "Nagulat ako, dahil mag kamukhang mag kamukha kayo. " Hindi kaya mag kamag anak kayo ni Bj, tanong nito ngunit parang mas naniniguro ito " Hindi maaaring maging mag kamag anak kami, sagot ng dalaga sa kanyang isip. Kasi kapag nangyari yon hindi niya matatanggap. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD