Episode 6

2878 Words
Nang makarating sa kayang kwarto si Carrie ay inilabas niya ang notebook na napulot niya at balak niyang itago sa kanyang luggage para di mawala iyon. Pag angat niya ng notebook ay naglaglagan ang ilang mga sulat. Mga sulat yon galing sa isang taong nagngangalang, June Mendez. Iniisp niya na ito din ba ang Mendez na tinutukoy ng tiyuhin niya minsang marinig niyang may kausap ito sa telepono. Nakalagay sa sulat ang address ng nagpadala. Dahil sa kiyuryosidad, binasa niya yon isa isa. Hindi niya alam kung anong ugnayan ng June Mendez na yon at ni Mira, kaya binasa rin niya ang diary ng kaibigan. Nagulat siya sa mga nabasa doon. Tumutulo ang luha niya nang mabungaran siya ni Naomi. May dala itong pagkain, at makikita sa itsura nito ang labis na pag aalala. " Umiiyak ka ba, anong nangyare? tanong nito, habang inilalapag ang pagkain sa mesa at saka nag lakad palapit sa kanya. " Ah.. wa-la... okay lang ako, pagsisinungaling niya. Ibinalik niya ang notebook sa bag saka inakay si Naomi palabas ng kwarto. " Kailangan kong malaman kung ano ang kaugnayan ni Tito sa kanya. Yon ang pasyang nabuo sa isip ng dalaga. Hindi siya nag eenjoy sa pamamasyal sa sobrang lalim ng iniisip. " Uii.... untag ni Naomi sa kanya. Napansin nitong napakatahimik ng kaibigan ng mga nakaraang araw. Kung hindi nakatulala, hindi ito umiimik. " May problema ba ang aking prinsesa, malambing na wika ni Jaeden. Masaya man ang dalaga ngunit hindi iyon lubos. Hindi siya mapakali. May kung ano siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Ngumiti ang dalaga saka umiling iling. "Wala naman, sagot niya. Naiisip ko lang si Tito wika niya sa mga ito. " Nako yon lang ba?? sagot ni Naomi. "Sa gwapo ng tiyuhin mo siguradong madali siyang makahanap ng iba, biro ni Naomi at sinundan pa niya yon ng malutong na halakhak. " Ganun pala ha, biglang sabat ni Alex, may iba pa palang gwapo sa paningin mo maliban sa akin biro nito. At nagkatawanan sila. Lumipas ang buong bakasyon na hindi natahimik ang kalooban nito. Madalas siya managinip na palaging umiiyak si Mira. Labis labis ang awang nararamdaman niya para dito. Isang linggo na lang ay matatapos na ang bakasyon. "Pasensiya ka na, baling sa kanya ni Jaeden. Gusto ko mang sulitin ang bakasyon natin, ngunit hindi pwede, malungkot nitong saad. Nasa airport na sila ngayong apat para sa kanilang flight pabalik. " Okay lang yon sagot niya. " "Maisasagawa ko ang plano ko, sa isip isip ng dalaga mas mabuti ngang matapos ang bakasyon nila ng mas maaga. " Si Coach kasi!!! Bulalas ni Alex. Sinundot ni Naomi ang lalaki sa tagiliran. " Ha ha ha.... para saan yon, tanong ng nobyo. " May team captain bang reklamador? ha? ha??? pang aalaska nito sa lalaki. " Meron, siya reklamador palagi, si Jaeden ang sumagot saka sila ngtawanan. Halos madaling araw na nang makarating ang apat sa dorm. Dahil madaling araw na nag pasya sila na sa sala na lang matutulog ang dalawang binata. " Sigurado bang okay lang kayo dito, tanong ni Naomi. Nakapag shower na ito at nakabihis pantulog. " Pwede matulog sa tabi mo? pilyong biro ni Alex saka ngumiti ng nakakaloko. Di pa man nakakasagot ang dalaga ang kuya na niya ang sumagot para sa kanya. " Gusto mong matulog sa ospital bro,? sambit nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan. " Ha ha ha bro... relax nag bibiro lang ako.. Nag tatawanan ang tatlo pero hindi nakikitawa si Carrie. Hindi pa official na mag on si Jaeden at Carrie dahil yon ang rules ng Tito niya. No boyfriend till eighteen. Lihim na naiinggit siya kay Naomi, mag on na ang dalawa at legal sa family. Siya naman ay legal sa pamilya ni Jaeden. Pero si Jaeden, itinatago muna niya sa pamilya. " Matulog na tayo wika niya, saka pumasok ng kwarto. " Anyare don, tanong ni Alex. " Di ko din alam. Ikaw Kuya? alam mo ba kung bakit ganun ang ikinikilos niya, tanong naman ni Naomi. " Hindi ko din alam, ayaw ko siyang tanungin, gusto ko siya ang mag kusang magsabi sa akin. Kung ano man yon may tiwala ako sa kanya, mahabang paliwanag ng binata " Yun oh.. inlab na inlab ka na yata kay Carrie bro!!! si Alex yon. " Manahimik ka jan, pag hindi ka tumigil sa ospital ka na talaga magpapalipas ng gabi, banta ni Jaeden. " Maiwan ko na kayo, paalam ni Naomi. Saka pumasok sa sariling silid. Ang dalawang binata naman ay nag kwentuhan pa muna ng konte bago naisipang mag pahinga. Kinabukasan wala na ang mga binata nang magising si Carrie. Si Naomi ay mukhang tulog pa din. Nagpasya ang dalaga na gumayak para puntahan ang tiyuhin. " Oh, tapos na ang bakasyon? tanong ni Blake sa pamangkin. Lumapit siya dito saka bumeso. Nagpunta ang dalaga sa kanyang opisina. " Opo, kailangan nang bumalik ni Jaeden sa university, may training sila para sa tournament. " Ganun ba, maikling sagot ng binata saka naupo sa sofang naroon. Tumabi sa kanya ang pamangkin. " Tito may kilala ka bang June Mendez, biglang tanong ng dalaga. Kumunot ang noo ng binata sa pagtataka. " Bakit gusto mong malaman, sagot nito. Hindi niya maiwasang mag taka dahil kahit minsan wala siyang nabanggit sa pamangkin tungkol dito. "Narinig ko kasi minsan na nabanggit mo ang pangalan niya, kaya naitanong ko lang, palusot ng dalaga. " Yan lang ba ang ipinunta mo dito, may pagdududang tanong ng binata. Biglang kinabahan ang dalaga sa sinabi nito. " Hindi ah, I'm here to check up on you, malambing na sagot niya sa tiyuhin. " I'm making sure kung okay ka lang ba, sabi niya rito dahil alam niyang hindi biro ang nangyare sa kasal nito. Binago niya ang pananalita para maniwala ito. Iba naman ang naging sagot ng binata. " Isa siyang private investigator, bakit may ipapaimbestigahan ka ba, pabirong sabi nito sa pamangkin. Ngumiti ang dalaga bago tumugon. " Wala noh, Tito talaga. Tumawa siya nang bahagya para itago ang kabang nararamdaman. Nagkamali siya nang tanungin ito. Alam niyang pagdududahan na siya nito. Pagkauwi sa dorm dumaan siya sa office ng landlady. " Magandang tanghali ho, bati ng dalaga. " Magandang hapon naman Miss Rodriguez, ano ang maipaglilingkod ko, wika nito sa dalaga. "Mam, pwede ko bang makita ang talaan ng mga estudyante ngayong taon? "May titignan lang ako, sabi niya rito. Bagamat bawal yon sa university rules ay pinagbigyan niya ang dalaga dahil mga grandparents nito ang may ari ng eskwelahan. Hinanap niya agad ang pangalan ni Mira, dahil Agustin ang apelyido nito madali lang niyang nahanap iyon. "Si June Mendez nga ang kanyang legal guardian, bulong nang dalaga. Nalaman din niya ang pangalan ng kumbento kung saan lumaki ang dalaga. "Safe Haven Convent for Angels, itinatak ng dalaga yon sa kanyang isipan saka ibinalik ang talaan sa landlady. " Ito na ho maraming salamat ho, sabi niya sa matanda at saka tumalikod na. " Nakita mo b- .. nawala na? sambit ng matanda. Hindi man lang niya naitanong sa dalaga kung nahanap ba nito ang hinahanap. " Mga bata ngayon... hindi na marunong mag paalam, nasambit na lang niya habang pinagmamasdan ang dalagang papalayo. Dinatnan niya si Naomi na kumakain ng tanghalian. " Anjan ka na pala, wika ni Naomi at tumayo ito para ikuha si Carrie ng plato. " Salamat, sambit niya sa kaibigan. " Hinatid mo ba sila Kuya? tanong nito. " Ahhh, hindi, kinamusta ko lang si Tito sagot niya sa kaibigan. Tumango tango lang si Naomi. Kinabukasan lumakad ulit ang dalaga. Balak naman niya puntahan ngayon ang kumbento na naka lagay sa talaan. Pagkarating doon ay nakita niya ang ilang mga bata masayang naglalaro. " Magandang araw iha, anong sadya mo, tanong ng isang madre habang palapit ito sa kanya. " Magandang araw ho, ganting bati ng dalaga. " Itatanong ko lang ho sana kung nanjan si Sister Ruth, dugtong niya. " Halika na muna pumasok ka, anyaya ng madre at inakay ang dalaga papasok sa kumbento. Kumatok ang madre pero walang sumasagot. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang dalaga. " Maupo ka, utos nito sa dalaga. " Maiwan ka na muna dito at tatawagin ko lang si Sister Ruth, baka may ginagawa lang sa labas. " Oho, maikli niyang tugon. Iginala ng dalaga ang paningin niya sa buong kwarto. Malaki yon at maganda. May bookshelf sa tabi kaya naisip niya na baka mahilig itong mag basa. Hanggang mapadako ang tingin niya sa notebook na nasa mesa. Wala sa loob na inabot niya yon saka binukat buklat. Mukhang talaan yon ng mga bata at mga foster parents. Nagmadali siyang bukalatin yon isa isa. Mabuti na lang dahil alphabetical order yon. Mabilis na nahanap ni Carrie ang pangalan ni Mira at andun na naman ang pangalan ni June Mendez, as legal guardian. Pero ang nakakagulat ay ang pangalan ni Clara, ex fiance' ng kanyang tiyuhin ang nakalagay na foster parent nito. Mabilis niyang ibinalik sa mesa ang notebook nang may kumatok. Tumayo siya bago pumasok ang madre na kausap niya kanina. " Nako iha pasenxa ka na, wala pala si Sister Ruth may importanteng pinuntahan. " May gusto ka bang ibilin sa kanya, ako na lang mag sasabi, sambit nito ng malumanay. " Hindi na ho, babalik na lang ako sa ibang araw. Nagpaalam na ito at nilisan ang lugar na yon. Hindi alam ng dalaga ang gagawin. Imbes na umuwe ay nagtungo ang dalaga sa office ni June Mendez. Hindi niya alam, nakasunod na pala ang kanyang tiyuhin sa kanya at binabantayan ang lahat ng kanyang kilos. Nagtataka ang binata kung ano ang ginagawa nito dito sa lugar na ito. Nagkaroon siya ng pangamba nang mag tanong ito tungkol sa private investigator. Kaya nagpasya siyang sundan ang dalaga. "What is she doing here, bulong niya. Nagpasya din ang binata na pumasok sa kumbento. Kailangan niyang alamin kung ano ang sadya ng dalaga sa lugar na yon. Si Sister Nancy din ang sumalubong sa kanya. " Magandang araw ho sister, bati ng binata sa madre. " Magandang araw naman iho, ano ang maipaglilingkod ko, sagot naman nito. " Ipagtatanong ko lang ho sana kung may dumalaw na dalaga dito kanina, at inilarawan ng binata ang itsura ng pamangkin. " Ah, oo, kagagaling lang niya dito. Hinahanap niya si Sister Ruth pero wala siya dito dahil may importanteng pinuntahan mahabang sagot nito. " Ano hong sadya niya dito nasabi ho ba niya?? tanong ng binata. Kumunot ang noo ng Madre, at nag iisip kung kung ano ang pakay ng lalaking ito sa dalaga. Nang hindi nag salita ang madre ay nag salita ulit ang binata. " Pamangkin ko ho kasi siya, nag tataka lang ho ako kung ano ang dahilan niya sa pag parito. "Ganun ba, malumanay na sagot ng madre. " Wala siyang ibinilin, basta hinahanap lang niya si Sister Ruth, pero mukhang importante ang kanyang pakay, dagdag pa nito. Nagpaalam na ang binata dito saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Kailangan niyang makausap ang pamangkin. Naguguluhan siya sa inaasal ng dalaga. Kasi hindi ito basta basta umaalis ng walang paalam sa kanya. Makalipas ang halos tatlong oras ay narating ni Blake ang dorm ng pamangkin. Kumatok siya ng marahan at si Naomi ang kanyang nabungaran. Nagulat naman ang dalaga nang makita ang tiyuhin ng kaibigan. Napansin niya kasing wala ito, kaya hindi niya inaasahan ang pag dating ng binata dito. " Andito na ba si Carrie tanong nito. Makikita ng dalaga sa mukha nito na parang nagtitimpi ito ng galit. Nakatikom ang mga kamao nito, at palakad lakad sa sala. Sa hula ng dalaga ay mag kasama sila. " May problema ho ba, takot na tanong ng dalaga. Napupuno ng tensiyon ang kanyang dibdib sa nakikitang anyo ni Blake. Bumuntong hininga ang binata saka umupo. " Pasensiya ka na, sabi nito. Gusto ko lang sana siyang makausap. " Hindi ho ba kayo mag kasama? hindi ko pa po siya nakikita eh, sagot naman ng dalaga na parang naguguluhan sa pang yayari. " Ganun ba, sige salamat sagot ng binata saka lumabas ng pinto. Naiwan naman ang dalagang nakatanga, at iniisip kung ano ang nangyari. Naisipan niyang imessage ang kaibigan pero hindi man lang ito nag reply. " Ito na yon, bulong ni Carrie, nang makarating sa 9th floor ng isang building kung saan ang opisina ni June Mendez. Nilapitan niya ang isang babae na sa hula niya ay sekretarya saka nag tanong. " Goodmorning ho, anjan ho ba si Mr. June Mendez. " Goodmorning mam, nasa Cafe ho siya sa ground floor ng building, magalang na sagot ng babae. " Salamat ho, wika niya at saka mabilis na tinakbo ang elevator. " Sana maabutan ko siya, munting dasal niya sa isip. Pagkalabas niya ng elevator ay halos nilakad- takbo niya ang Cafe' na nadaanan niya kanina bago umakyat. Nagpalinga linga siya at nakita niya ang isang lalaking nasa edad kwarenta pataas. Malamang siya si June Mendez, bulong niya. Nakaupo ito at parang may hinihintay. Papalapit na sana siya ng makita niya ang isang babaeng paparating. Hindi siya pwedeng mag kamali. Ito ang ex fiance' ng Tito niya. Isinuot niya ang kanyang sunglasses at saka umupo sa upuan malapit sa likuran ni Clara. " Kailangan kong marinig ang pag uusapan nila, bulong niya. Umorder siya ng kape at cake para walang mag hinala sa kanya. Nagulat siya nang biglang sumigaw si Clara. " Hindi ka ba nag iisip! bulyaw nito sa lalaking kaharap. " Pinagsama mo sila ng anak ko sa eskwelahan! paano kung malaman nila ang totoo ha!!!! sunod sunod na bulyaw nito. Palibhasa halos walang tao nang mga oras na yon, at kilala na niya ang pag uugali ng babaeng ito. "Eskandalosa" , bulong niya habang humuhigop ng kape. Napahinto siya sa paghigop dahil sa mga narinig. " Anak? sinong anak ang tinutukoy niya, bulong ng dalaga. " Ilipat mo ngayon din si Miranda. Kung hindi ipapapatay ko siya, mariin nitong salita, sapat lang para marinig niya. Kinilabutan siya sa sinabi nito. Tinakpan niya ang bibig para hindi makalikha ng anumang ingay. Ang puso niya ay biglang nanikip. Parang gusto niyang umiyak. " Clara, maayos na ang lahat hindi ba, nasa maayos na kalagayan na ang anak mo, ano pang gusto mo, wika ni June Mendez. " Gusto ko? hmmmmm at biglang humalakhak ang babae. "Sa ika labing walong kaarawan ng aking anak, ipapakilala na siya sa publiko bilang kaisa isang tagapag mana ng mga Rodriguez! at ayaw kong isang Miranda Agustin lang ang sisira sa mga plano ko, naiintindihan mo!!!!!! Biglang nag landasan ang masaganang luha ni Carrie sa kanyang mga pisngi. Kung hindi siya nag kakamali, siya ang tinutukoy nito. Pero anong kinalaman ni Miranda dito. Bakit kailangan niyang patayin si Miranda. " Siya? ang tunay kong ina??? naguguluhang tanong niya sa isip. Bigla siyang tumayo at nilisan ang lugar na yon. Umiiyak siyang pumara ng taxi, hindi niya sigurado kung ano ang totoo. Kung anak siya ni Clara at isa siyang Rodriguez sino ang kanyang ama? At ano ang kinalaman ni Mira dito. Gulong gulo ang utak ng dalaga. Hindi niya alam ang gagawin ngayong nalaman niya ang totoo. Si Tito ba ang tunay kong ama?? Sino.. sino.... ?? paulit ulit niyang usal habang humihikbi. Bigla siyang tumayo at tuloy tuloy na lumabas ng building. Makalipas ang ilang sandali ay lulan na siya ng taxi pauwing dorm. Habang nasa biyahe ay patuloy pa rin siya sa pag iyak. Hindi niya matanggap ang mga narinig. Nagdasal siya na sana panaginip na lang ang lahat nang ito. Pagkarating ng dorm, inayos na muna niya ang sarili bago pumasok sa loob. Ayaw niyang mag taka si Naomi kapag nakita siyang mugto ang mata. Pagpasok niya, hindi niya nakita si Naomi. Habang naglalakad siya papuntang kwarto ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Naomi. Nagulat pa ito nang makita siya. Patakbong niyakap niya ito. Ang dalaga naman kahit nagulat ay hindi na nag tanong pa. Batid niya na baka may kaugnayan iyon sa pagbisita ng tiyuhin nito kanina. Inakay niya ito sa kwarto nito. Nagtagal sila sa ibabaw ng kama nang magkayakap. Kahit hindi nag uusap ay nagkakaintindihan sila. Inantay niyang makatulog ito bago lumabas ng kwarto. Nang bigla niyang tawagan ang kapatid. " Hoy Kuya! bulyaw niya sa kausap. Hindi pa man nakasagot ang nasa kabilang linya ay nagsalita na ulit ang dalaga. " Binuntis mo si Carrie ano?? tanong niya sa malakas na tono. Ang nasa kabilang linya naman ay imbes na sumagot, tanging malutong na halakhak ang naisagot sa kapatid. " Wag mo ko tawanan Kuya!!!! pasigaw niyang saway sa kapatid. Huminto sa pagtawa ang nasa kabilang linya saka sumagot ng seryoso. " Unang una Mahal kong kapatid, panimula nito. " Malaki ang respeto ko sa kaibigan mo, isa pa nangako ako sayo at sa kanya at sa mga anghel sa buong kalangitan na hinding hindi ko kukunin ang pinakakakaingatan niyang bagay hanggat di pa kami kasal. Kaya wag kang mag isip ng kung ano ano diyan mahal kong kapatid, mahabang litanya nito saka pa sinabayan ng halakhak. " Edi wow, tanging naisagot ng dalaga sa sobrang inis saka ibinaba ang telepono. " Ano kaya ang problema ni Carrie? bulong ng dalaga. Hanggang nakatulugan na niya ang pag iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD