Episode 7

2936 Words
Labis ang kalungkutan sa mga mukha nina Carrie at Noami nang dumating ang driver ni Mira para ayusin ang mga gamit ng dalaga. Dali daling kinuha ni Carrie ang telepono at tinawagan ang kaibigan. " Hello Mira, malungkot niyang wika sa kabilang linya. Batid niya na inutos ito ni Clara. Ang kanyang tunay na ina. Sa kaisipang yon ay sumiklab ang matinding galit para sa dito. " Kahit ano man ang dahilan mo, hindi pa rin kita mapapatawad at hindi pa rin kita matatanggap, bulong sa isip ng dalaga. " Ui Carrie kamusta" , masayang bati ng dalaga sa kaibigan. Ilang araw na lang kasi babalik na siya sa dorm. Namiss niya ang mga ito. At umaasa rin siyang makikita niya si Blake, kahit paano. May kung anong damdamin itong pinukaw nung panahong mag kasama sila sa farm. Hindi alam ng dalaga kung ano yon. Pero batid niyang si Blake lang ang makakapagbigay kasagutan kung ano man ang nararamdaman niya ngayon. " May mga taong nag hahakot ng mga gamit mo, malungkot na sabi nito. Nawala ang saya ng dalaga. Hindi niya alam ang iisipin. Maya maya ay lumapit si Nana Sela at inabot ang isang sulat, galing ito kay June Mendez. Nakasaad sa sulat na yon na sa probinsya niya na itutuloy ang kanyang pag aaral. Nag uunahang pumatak ang mga luha ng dalaga sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung galit ba ang kanyang nararamdaman. " Ah, Carrie tatawag na lang ako ulit mamaya wika niya saka ibinaba ang telepono. Tinawagan niya ang lalaki para tanungin kung bakit bigla bigla ay kailangan niyang lumipat. " Hello po, ito po ba si June Mendez, malumanay na tanong ng dalaga. Imbes na sumagot ay iba ang sinabi nito. " Ang pag lipat mo ay desisyon ng umampon sayo. Ako lang ang nag papatupad, wika nito sa seryosong tono. " Paano ko ho makakausap ang umampon sa akin, tanong ng dalaga. Hindi siya papayag na basta na lamang siya ililipat ng wala ang kanyang permiso. " Lahat ng sasabihin mo sa akin ako na ang magsasabi sa kanya. Ito ang makakabuti sayo, dugtong pa nito. Ibinaba ni Mira ang telepono. Napasalampak siya sa sofa at humagulgol ng iyak. Mukhang wala na siyang magagawa. Hindi man lang siya nag karoon ng pagkakataong makapagpaalam sa mga kaibigan. Ang kanyang bakasyon ay naging bangungot. Lumipas ang mga araw, buwan at taon na ginugol lamang ni Mira ang oras sa pag aaral. Paminsan minsan ay kinakamusta rin niya ang mga kaibigan. Tuwing bakasyon naman ay nanatili lang siya sa probinsiya. Kasama ang dalawang matanda. Halos hindi niya gustong lumabas ng villa. Ang mga matatanda naman ay walang imik tila nakikisimpatya sa kalagayan niya. Labis ang galit ni Blake nang hindi ipag bili ng tuluyan ng may ari ang farm kung saan nakatira ngayon si Mira. " Bakit ho, malumanay na tanong ni Blake sa mag asawa, isa yon sa dahilan niya sa pag bisita sa lugar. Para bisitahin na din ang treehouse at alalahanin ang mga sandaling kasama niya noon ang dalaga. Umaasa siya na mag kikita sila. Pero mukhang aalis siya nang walang napapala. Ni anino ng dalaga hindi niya makita. Nilisan ng binata na yon ang lugar na mabigat ang kalooban. Binilinan ni June, ang dalawang matanda na wag na wag nilang pagtatagpuin ang landas ni Blake at Mira. Kahit naguguluhan ay sumunod na lang sila sa utos na yon. " Nasan ka ba Mira, halos pabulong na usal ng binata. Halos mabaliw siya kahahanap at kaiisip dito. Pinuntahan niya halos lahat ng university sa siyudad. Kung saan saan siya nag tanong tanong ngunit walang makapag sabi kung saan siya lumipat. Tinanong niya minsan ang pamangkin, ngunit ang naging tugon lang nito ay nasa probinsya ang dalaga. Kaya narito siya para sa dalawang bagay. Una, ang pilit na pagbili sa lupang tinitirhan ni Mira ngayon. At pangalawa ang paghahanap sa dalaga. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang hanapin ang dalaga. Simula nang lisanin niya noon ang farm na iyon, at hindi nag paalam sa dalaga, lagi siyang binabagabag ng kung anong damdamin. Hindi siya sigurado sa kanyang nararamdaman. Pero isa lang ang sigurado niya. Kailangan niyang makita si Mira at makausap. Miss na miss na niya ito. Ngayon ay nalalapit na ang kanilang pag tatapos. Abala na ang lahat para sa huling taon. "Isang taon na lang, sambit n ni Mira. Makakaalis na siya sa lugar na yon sa isip isip niya. Siguro naman ay mag kakaroon na siya ng kalayaan kahit na paano. Habang nag aayos ng mga gamit ay biglang tumunog ang kanyang telepono. " Hello Mira kamusta ka na, masayang bati ni Carrie sa kaibigan. " Carrie?? kamusta ka na, masayang wika niya. Madalas sila mag kamustahan kahit pare parehong abala sa pag aaral. "May sinend ako sa email mo, invitation para sa Grand Masquerade Ball namin, wika ni Carrie sa excited na tono. Kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi nito. Ang alam niya sa ball na yon ay exclusive for students lang. " Bakit mayroon akong invitation? naguguluhang tanong niya sa kausap. " Invited lahat ng students, kahit yung mga nag transfer na, sagot nito, hindi pa rin nawawala ang excitement sa tono nito. " Ganun ba, tipid niyang sagot. " Oo ako na bahala sa partner mo, sagot naman ni Carrie sa kabilang linya saka ibinaba na ang telepono. Binuksan ni Mira ang laptop niya para mabasa ang nasa invitation. Prinint niya yon saka ipinatong sa ibabaw ng mesa. " Grand Masquerade Ball, usal niya. Sa theme kailangan nilang mag suot ng maskara. Kaya napagpasyahan ng dalaga na lumabas at mag shopping ng maisusuot. Ang napili niyang gown ay kulay pula na may sequence, kumikinang yon kapag natatamaan ng liwanag. Tube type yon kaya may kasamang black na gwantes na hanggang siko ang haba. May mga burda din itong mga black lace na bulaklak. At may kapa din itong itim na may burdang mga bulaklak na pula. Ang maskara niya ay kulay pula rin. May mga sequence din itong itim palibot sa butas para sa mata. At may mga itim na balahibo ng manok ang nakapalibot sa buong maskara. At may nag iisang mahabang pulang balahibo ng manok sa kanang bahagi ng maskara nito. " Ang Ganda, usal ng dalaga. Umikot ikot siya sa salamin saka ngumiti. Makalipas ang ilang oras ay umuwe na ang dalaga. Ilang araw pa naman bago ang ball kaya marami pa siyang oras para mag prepara. Makalipas ang ilang araw ay dumating na ang araw ng Grand ball. Dapat sana ay makikitulog siya sa dorm ng mga kaibigan at sabay sabay silang pupunta sa ball, kaya lang ay may impotante pang tinapos si Mira kaya galing pa siyang probinsiya. Combination of blue at white ang suot ni Naomi, kagaya ng suot na Tuxedo ni Alex. Si Carrie naman ay puti at gold na laces. Puti din ang tuxedo ni Jaeden para i match ang suot kay Carrie. Siya, nga nga wala siyang kapareha. " Dibale, okay lang maging bulaklak sa pader, bulong niya sa isip. " It's been a while bati ni Naomi sa kanya, at nag beso beso sila. Si Carrie naman ay niyakap nang mahigpit ang kaibigan. Nagulat si Mira, pero yumakap siya pabalik dito. Naisip niya marahil na miss na miss lang siya ng mga ito. " Aba tumangkad ka na, biro ni Jaeden, lumapit ito sa kanila saka bumeso sa mga dalaga. " Lalu kang gumanda, sambit nito nang may paghanga. Si Carrie naman ay kunwaring umismid saka kinurot ang nobyo. Labing walong taong gulang na siya kaya mag kasintahan na sila. " Arayy!!!! para saan yon mahal kong Prinsesa! si Jaeden yon habang hawak ang tagilirang kinurot ng nobya. Tumungo ang dalaga bago mag salita. " Nag seselos ako, bulong nito halos hindi nila narinig. "Ano po, kamahalan? di ko po marinig, pakilakasan lang po ng kaunti pa, pabiro niyang utos sa kasintahan. " Nagseselos ako! pabulyaw na sagot ni Carrie at nag katawanan silang lima. " Kumain na ba kayo? nagugutom na yata ako nahihiyang sambit ni Mira. Niyaya niya ang mga ito para kumuha ng makakain. Na aawkward siya sa mga nakikita. Napansin kasi niya na lahat ng mga dalaga ay may kapareha. Nawala sa isip niya yon. Na dapat may kasama siyang partner. Kahit naman maalala niya wala rin siyang kilala na pwede niyang isama sa ball. Nagpalinga linga si Carrie na wari ay may inaantay. Lumapit siya kay Naomi at binulungan ito. " Ikaw na muna ang bahala kay Mira, kailangan kong hanapin ang knight in Shining armor ni frenny. Ang tagal dumating eh, pabiro niyang wika saka tumawa ng bahagya. Si Naomi naman ay humagikgik ng tawa. Hindi sila napapansin ni Mira dahil abala ito sa pagpili ng makakain. " Okay lang ba kayo jan, tanong ni Naomi habang papalapit sa tatlo. " Si Carrie, tanong ni Mira nang mapansing wala ito. " May kinausap lang na isang kaibigan, pagsisinungaling niya. Alam nilang tatlo na si Blake ang date ng dalaga ngayong gabi. Kaya pinakiusapan sila ni Carrie na abalahin muna ang dalaga habang wala pa ang lalaki. " Hello Tito nasaan ka na ba!!!! Kanina pa nag aantay yung kaibigan ko bulyaw ni Carrie sa tiyuhin. " I'm almost there, sagot ng binata. Ayaw sana niyang pumayag, nakukulitan lang talaga siya sa pamangkin. " If only Mira was here, bulong niya. Ramdam pa rin nang binata ang malalambot na labi ng dalaga. At ang mabangong hininga nito. Napapailing na lang siya sa isiping yon. " Ano yon Tito? tanong ni Carrie. " Nothing, just give me five minutes, sagot niya sa pamangkin at pinahaharurot na ang sasakyan sa kalsada. Bago pa man makarating ang binata sa bulwagan ay nag simula na ang selebrasyon. Isinuot na nila ang kanilang mga maskara para sa sayawan. " Sorry guys, hinging paumanhin ni Carrie. Nakatuon ang tingin niya ngayon sa kaibigang si Mira. " Ang ganda mo, sabay siko dito. Nagtwanan silang lahat. Huminto ang pagtawa ni Carrie nang makita ang tiyuhin. Si Mira ay abala sa kanyang telepono kaya hindi niya napansin ang papalapit na si Blake. Sinenyasan ni Carrie ang lalaki na ilagay ang maskara nito. Ang suot nito ay pure black na tuxedo at red na neck tie. Terno sila ni Mira. Lumapit ang binata sa abalang dalaga at inilahad ang kamay. Nang lumingon si Mira. Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi maari... halos bulong niyang sambit ... Yang mga matang yan.... patuloy niya ... " Blake.... halos hindi yon lumabas sa mga labi ng dalaga. Ang binata naman ay nagulat din. Her Hazel eyes met his. Hindi siya maaring mag kamali. Natitigan na niya ang mga mata nito. Kahit may maskara, sigurado siyang si Mira ang babae sa kanyang harapan. Sa nakalipas na halos tatlong taon, sobrang laki na ng pinagbago ng dalaga. "Tumangkad ito, bulong niya. At hindi na ito flat gaya ng dati. Mayroon na itong munting burol sa dibdib. Bigla siyang natatawa sa mga naiisip at sumilay sa kanyang labi ang matamis na ngiti. " Yes? untag ng dalaga. Nakatayo na ito kanina pa. Inilahad ulit ng binata ang kanyang kamay. How he missed her ao much. Yun lang hindi niya pwedeng yakapin ito sa mga oras na yon. "Kilala na kita, matabang na sambit ng dalaga. Paglingon niya wala na ang mga kaibigan. " Hayy.... bulalas niya sa pagkadismaya. Mamaya na lang niya kakausapin si Carrie. Ang naalala niya lang ay ito na ang bahala sa partner niya. Pero hindi niya naisip na maaring si Blake ang magiging kapareha niya. Hindi naman ito estudyante ng university. " Oo nga pala, pag aari pala nila ang school, bulong niya, at saka tumalikod. Tinungo ng dalaga ang mesa at kumuha ng juice. Nang maubos ay kumuha ulit at inubos ulit yon ibinaba niya ang baso saka tumalikod. At bumangga na naman siya sa matipunong dibdib ng binata. Nasamyo na naman ng dalaga ang pabango nito. Ang amoy na namiss niya sa tatlong taon. Nakatayo ito kanina pa sa kanyang likuran at pinagmamasdan lang siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya ay galit ito, dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakaraan. Tumingin ang dalaga sa binata saka sumimangot. " Let me go! bulyaw niya. Ngumiti ang binata at makikita sa ngiti nito ang pag ka aliw sa ikinikilos ng dalagang nasa harapan. " I'm not even touching you baby, wika nito saka nag pakawala ng malutong na halakhak. Pinagtitinginan sila ng mga tao pati na nang apat na kaibigan sa di kalayuan. " Mukhang namiss nila ang isa't isa, nice one baby si Jaeden yon, sabay kindat sa kasintahan. " I know right, i think my Uncle finally found his soulmate, buong kumpiyansang sagot ni Carrie sa nobyo. " So this calls for celebration! sabad ni Naomi. Cheers!!! saka nag tawanan silang lahat. Umismid siya at saka tumalikod para hanapin ang mga kaibigan. Maagap ang binata at nahawakan agad nito ang kamay ng dalaga. " Not too soon Cinderella, wala pang alas dose iiwan mo nako, biro ng binata at nag pa cute pa. " Funny, bulong ng dalaga at pilit na hinihila ang braso sa binata. "Lets talk, please, pakiusap ng binata. Hawak pa rin sa braso ang dalaga. " There's nothing to talk about, besides, kaya kong mag party kahit walang partner, patuyang sabi niya sa binata at buong lakas na hinablot ang braso sa pagkakahawak ng binata. Kumuha ulit ng juice ang dalaga bago iniwan ang natahimik na si Blake. Nagpalinga linga ang dalaga at nang makita hanggang makita kung saan naroon ang mga kaibigan Lumapit siya sa mga ito at umupo sa tabi ni Carrie. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ng kaibigan saka bumulong, " May kasalanan ka sa akin." Ang huli naman ay humagalpak sa tawa. Hindi niya alam kung ano ang relasyon ni Clara at Mira pero she's just doing this to save her conscience. Dahil sa ginagawa ni Clara sa kaibigan. " This is the least that i can do, sabi niya, saka ngumiti. " Alam ko magiging masaya ka kay Tito, bulong ni Carrie sa kanyang isip. Kahit naguguluhan sa tinuran ng kaibigan ay hindi na lang pinansin ni Mira ang sinabi nito. Maya maya pa ay nasa harap na niya ulit si Blake. Nakaupo ito sa tabi ni Alex, at katapat ng upuan niya. Naiinis ang dalaga sa presensiya nito. Hindi niya alam kung maiinis o kikiligin ng sabay. Kanina habang halos mag kadikit ang kanilang mga katawan, ay muntik na siyang bumigay. Gusto niya itong yakapin at paulanan ng mga halik. Ngunit mas nanaig ang katinuan nang pag iisip ng dalaga. Ang pag alis nito nang walang paalam. Yon ang labis na ikinagagalit niya. At pumigil sa sariling ipadama sa lalaki ang tunay na nararamdaman. Buong pag mamahal niyang sinuri ang kabuuan ng binata. Tila ba pinag usapan nila ang gabing yon. Dahil terno sila ng kasuotan. Black and red. "Match made in heaven, bulong ng dalaga saka ngumiti. Narinig yon ni Carrie at Naomi dahil mag kakatabi lang silang tatlo. Nag katinginan ang dalawa saka nag ngitian. Alam nila ang tinutukoy ng kaibigan. Dahil kanina pa nila napapansin na kay Blake lang ito nakatingin. " Baby, don't stare at me like that, baka matunaw ako, biro ni Blake. Pinamulahan ng mukha ang dalaga sa sinabi ng binata. Hindi niya napansin na sa kanya rin pala ito nakatingin. Ang mga apat naman ay patay malisya. Nilagok ng dalaga ang natitirang laman ng kanyang baso saka biglang tumayo. Biglang umikot ang pakiramdam niya. Kaya muntik na siyang matumba. Buti na lang at maagap ang katabing si Naomi at nakawakan niya sa braso. " Okay ka lang ba? tanong nito ng may pag aalala sa tinig. " Yeahhhh I'm f..ine.. I caann managgge.. halos pautal niyang sabi. Nilisan niya ang mesa at pumunta ng dance floor. Nakatanaw lang ang binata sa dalaga. " Ano Tito, tutunganga ka lang diyan? untag ni Carrie sa Tiyuhin. Nanatili itong hindi umiimik. " Dati matinik ka sa babae, pero si Mira lang pala ang katapat mo, biro pa niya. Ngumiti lang ang binata at nanatiling tahimik. Alam ni Carrie kung bakit ganito ang inaasal ng kaibigan. Alam din niya kaya malungkot ang tiyuhin ng halos tatlong taon. Dahil yon sa kaibigan. Saksi ang pamangkin sa mga paghihirap ng tiyuhin. At makailang beses siyang tanungin kung alam ba nito kung nasaan ang kaibigan. " Ano na fairly God Mother, hindi yata tumatalab ang magic mo, birong bulong no Naomi sa kaibigan. " Yung Cinderella mo matigas ang ulo dagdag pa niya habang pinagmamasdan ang kaibigang sumasayaw sa dance floor. " Wag kang maingay diyan, saway niya sa kaibigan. " Let's hope for Miracle na lang, para maexpress nila ang feelings nila sa isa't isa dagdag ni Carrie. " Miracle talaga, halos natatawang sabad ni Jaeden. Si Alex ay nakamasid lang at pangiti ngiti. Si Blake naman ay tumayo at kumuha ng wine. " Hindi ko ba alam sa dalawang yan, sagot ni Naomi. Bulag lang ang hindi makakakitang may gusto sila sa isat isa. "Pero ayon at pataasan ng pride, dagdag nito at saka hinila si Alex sa dance floor. Si Jaeden at Carrie naman ay sumunod sa kanila. Naiwan si Blake na nag iisa. Hanggang matanawan ni Blake si Mira na sumasayaw kasama ang isang binata. Dahil siguro sa kalasingan ay hindi na alam ng dalaga ang ginagawa. Halos nakayakap na ang binata sa dalaga at hinaplos nito ang katawan ng dalaga. Tumiim ang mga bagang ni Blake sa galit at ibinagsak ang baso ng wine na halos mabasag sa lakas ng pagkakapatong nito sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD